This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, February 10, 2012

Stopping For a While to Smell the Scent of Flowers

“The Cat and the Moon”
by
William Butler Yeats

The cat went here and there
And the moon spun round like a top,
And the nearest kin of the moon,
The creeping cat, looked up.
Black Minnaloushe stared at the moon,
For, wander and wail as he would,
The pure cold light in the sky, troubled his animal blood.
Minnaloushe runs in the grass
Lifting his delicate feet.
Do you dance, Minnaloushe, do you dance?
When two close kindred meet,
What better than call a dance?
Maybe the moon may learn,
Tired of that courtly fashion,
A new dance turn.
Minnaloushe creeps through the grass
From moonlit place to place,
The sacred moon overhead
Has taken a new phase.
Does Minnaloushe know that his pupils
Will pass from change to change,
And that from round to crescent
From crescent to round they range?
Minnaloushe creeps through the grass
Alone, important and wise,
And lifts to the changing moon
His changing eyes.


A splendid poem from the great and celebrated Irish poet which I first read in Nicola Bayley’s “The Necessary Cat”, a glossy, cute book of brilliant quality which I bought for 30 pesos only in the National Bookstore area of the 2008 Manila International Book Fair at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia.
Washington Allston's Moonlit Landscape
Ralph Albert Blakelock's Moonlight
Caspar David Friedrich's Moonrise Over the Sea
***
Hindi talaga ako nagkamali na bumili ng mga lumang babasahin doon sa Merriam-Webster Bookstore- Avenida Rizal. Ang dalawang booklet na ang awtor ay si Thomas C. Sy (pero actually nai-compile lang niya yun at isinalin sa Ingles). Ang kanyang “Chinese Analects” ay mula sa mga short witty ancient Chinese anecdotes from different dynasties na kay sayang ulit-uliting basahin. Ang isa pang binili ko ay ang “Chinese Sexy Verses”; nabanggit ko na pala ang tungkol dito sa November 2011 blog ko. Verses are witty and humorous as well yet a lot of these are bawdy with sexist contents. Ilan sa mga nai-present doon ni Mr. Sy ay itong mga pinili ko na medyo wholesome naman, hehe, sana ay may available pa doon kaya lang meron din ba sa iba pang branches ng Merriam-Webster?
“Man who seeks girl who can cook like his mother, winds up with one who drinks like his father”
“Rolling stone gathers no boss!”
“Absence makes heart grow fonder... but ‘presence’ makes for better results!
“Man who drinks too much, thinks too little”
“Loud friend sometimes a whispering enemy!”
“Lipstick on collar is more dangerous than lipstick on lip!”
“Girl who wears glasses looks better than girl who drains too many”
“Girl who eats much sweets soon does not fit in small seats!”
Etcetera, etcetera... unethical na kung babanggitin ko pa dito ang iba! Siguro meron pang mga booklet ni Mr. Sy doon sa MW at hindi pulos na lang kayo Bob Ong! Bob Ong? Sino yun? Brand ng champoy? Brand ng RTW na made in China?
***
Hindi naman ito isang book review. Believe me, mas magandang basahin ang mga lumang pocketbook na mga nabili ko sa naturang bookstore na iyon sa Avenida (at buti na lang nga’t nakatagpo pa ako ng mga ito) . Published in 1992, literally, don’t judge a pocketbook by the color of its (yellowed) pages. Walang sinabi ang mga recently-published romance paperbacks na nakatambak na sa mga shelf ng maraming bookstores o sa bangketa. Pagbuklat ko sa isang lumang pocketbook ng “Valentine Romances”, amoy-bodega, hehehe, ngunit nang sinimulan ko nang basahin, nabighani ako hindi lang sa paraan ng pagsasalaysay ng mga may-akda nito but their stories as a whole. Kung papansinin lang sana ng iba pang kostumer na madalas bumibili ng mga paperbacks ang mga luma na tulad nito, eh. Nakatutok lang kasi sila sa mga bago na ang marami nito ay mga palasak na rin ang mga plot ng kwento at ako’y nakukornihan na, hehe; my goodness, nakatagpo ako minsan ng isang self-help book (na hindi ko naman binili) ng mga tips kung paano makapagsulat ng isang Tagalog romance novel at ako’y napailing. Ayon sa libro na iyon, dapat ang female character ay ganito, dapat ang settings ay ganoon, this is how you should narrate a love scene, etc, etc... meron na akong mga akda (na nakalulungkot nga lang at hindi pa rin maipalimbag-limbag!)- ang aking female protagonists ay mga agresibo at ang mga male protagonists ay hindi nahihiya kung sila man ay self-confessed weirdos, characters who frequently break from the usual expectations expected of ‘em, characters who know themselves and their flaws. Mga uri ng tauhan at kanilang kwento na hindi lumulusot sa ‘standards’, regulasyon, at ekspektasyon ng mga ‘mapanuring’ patnugot ng mga kumpanyang iyon. Going back to the old romance paperbacks that I enjoyed and really worthy of being read again, naging paborito ko ang “Ibig Pa Ring Mahalin” ni Gilda Olvidado, ang beteranang komiks writer na marami sa mga akda ay isinapelikula at ginawan ng TV drama series adaptation.
Actually, 10 years old ako noon nang una akong makabasa ng isang romance pocketbook (at muling nakabasa ng ganito rin genre last 2003). Mahilig kasi akong magbasa ng kahit anong babasahin basta may nakalimbag na mga salita o pangungusap sa ibabaw ng papel at lalo na kung mayroon mga illustrations- Biblical stories, school textbooks, fairy tales, folk tales, poetry, magazines, dyaryo, komiks, encyclopedia, special interest and general information hardbounds, at iba pa. Ngunit fascinated na rin ako sa mga mature or adult-oriented stories, lalo na sa mundo ng mga yuppies. Alam kong hindi pambata. Mga napapanood sa TV, nababasa sa mga komiks (sayang at nawala ang aking “Horoscope” komiks noon na paulit-ulit ko pa namang binabasa, tsktsktsk!). Mahilig talaga akong mang-usisa ngunit hindi ko naman nakaliligtaan kung hanggang saan lamang ako basta lalo kong nadarama na sila ang nakatatanda na dapat ay igalang at may hangganan ang pang-uurirat sa kanilang daigdig ng batang tulad ko at ganun lang kasimple ang logic.
Balik uli sa unang pocketbook na aking binasa. Kagigising ko lang noon at sa halip na maghilamos at mag-almusal muna, nag-usyoso ako sa silid na tinutuluyan ng isa naming babaeng panauhin at dito ko natagpuan ang isang manipis na romance pocketbook; kung alam ko sana na iiwan din pala niya ito ay hiningi ko na lang, nawala tuloy!). At nakalulungkot man, ang pamagat at ang pangalan ng may-akda ng babasahing iyon o ang kumpanyang naglathala ay hindi man lang tumatak sa alaala ko sapagkat dulot ng kababawan ko noon ay higit ko pang binigyang-pansin ang cover illustrations at ang kwento mismo. Basta may pagka-watercolor illustration ang nasa cover kung saan naglalarawan ng lalaki at babae na magkaharap sa isa’t isa habang minamatyagan sila ng isang pang babaeng nakairap sa kanila habang nakasilip mula sa isang nakaawang na pinto. Malinaw na malinaw pa rin sa aking alaala ang plot ng kwento; iginagalang ko ang copyright ng may-akda at kung sino man siya ay humihingi ako ng paumanhin sa aking pagkukwento dito ng tungkol sa kanyang obra ng panahong iyon. Basta, maraming salamat po sa inyong kwento na nagdulot sa akin ng naiibang entertainment noon; at kung sakali man na makatagpo ako ng nakapreserba’t orihinal na kopya ng kwentong iyon ay muli kong babasahin.
Marathon reading ang ginawa ko noon. Maikli lang kasi ang nobela; isang novelette, nobeleta na hindi naman naka-set sa Cavite. Sa ikli ng romance novel ay matatapos nga itong basahin sa isang upuan lamang. Manipis lamang ang libro at maliliit ang font size ng mga letra. Hiniram ko muna ang pocketbook. Ganito yung pagsasalaysay ng may-akda. Meron isang lalaki na nagngangalang Thaddeus or Thad for short. Siya ay may ka-live in, si Janet, na ayaw silang magkaanak kasi masisira ang kanyang sexy figure. Nang anniversary na ng kanilang pagsasama, naisipan ni Thad na i-celebrate yun kahit sa isang simpleng salu-salo at naalala ko pa ang mga pagkain na binili niya- sans rival cake and ice cream. Pagkagaling sa trabaho ay naghintay nang naghintay si Thad at nang umuwi na si Janet ay tila wala lang. Ramdam ni Thad na tila rin walang patutunguhan ang relasyon nila. Isang araw, ipinadala siya ng kanyang kumpanya sa Cebu para may asikasuhin doon. Walang sumalubong sa kanya sa airport at naghahanap pa naman siya ng pansamantalang matutuluyan hanggang sa di-inaasahan, nakatagpo niya ang isang misteryosang babae sa airport. Nagkailangan pa sila sa simula pero nang nakuha nila ang tiwala ng isa’t isa ay pumayag itong babae, si Lisa, na mag-bedspace muna siya sa bahay nito. Nagtrabaho siya nang maayos at habang lalong nakikilala na niya ang pagkatao ni Lisa ay unti-unti nang nahulog ang loob niya dito kaya halos nalimot na niya si Janet. Napapadalas na ang paglabas nina Thad at Lisa.
At yung mga sumunod na pangyayari, hehe! Wait a minute, kahit sa notion ko noon ng censorship, napansin ko na discreet naman ang arousal and love scenes. Kahit sa mura kong isipan noon sa pag-comprehend ng adult story na aking inuusisa ay wala namang kapansin-pansing bastos o malaswa. Basta nauunawaan ko na for adults only ang mga kilos ng mga tauhan- na hindi na dinagdagan ng may-akda ng karagdagan pang detalye para lang maging makulay ito. Nahulog sina Thad at Lisa sa tukso at namumuo na sana ang isang bagong pag-ibig nang natapos na ang trabaho nitong si lalaki at kinailangan nang bumalik sa Maynila. Iyon ang dahilan ng panlalamig na sa kanya ni Lisa at sinikap nilang kalimutan na ang isa’t isa. Umuwi na si Thad sa piling ni Janet at sa malamig nilang relasyon.
Isang araw ay muli na namang ipinadala siya ng kumpanya but this time ay sa Japan na kung saan lalo siyang nagpakaabala sa trabaho; all business and not pleasure, nagbago na nga ang saloobin ni Thad lalo na nang pinuntahan siya mismo ng isa rin Pinay tsik sa kanyang tinutuluyang apartment pero inisnab lang niya ito sabay abot ng pera. From Japan with love ay umuwi na siya’t nagpasya na si Janet na lang ang babae sa buhay niya. At heto ang climax ng kwento- pag-uwi niya ay nadatnan na lang niya ang ka-live in na may kapiling nang ibang lalaki at sa loob pa mismo ng kanilang silid. Nagpigil lang si Thad hanggang sa si Janet na mismo ang umamin na hindi na siya nito mahal. Ngunit iba ang naramdaman ni Thad na animo isang paglaya sapagkat sa isip at puso niya ay hindi niya nalilimutan si Lisa kaya hindi na siya nagdalawang-isip na balikan na ito doon sa Cebu. At ang pinakamalaking sorpresang natanggap niya ay nang makitang may anak na pala ito at siya ang ama at sila’y nagsama na bilang isang pamilya.
Alam ko naman na hindi fairy tale ang binasa ko. Grade 4 lamang ako noon, a. Muli ako akong humihingi ng paumanhin sa kung sino man na may-akda ng obra na ito kung bakit dire-diretso ko lang binasa ang kwento at hindi ang kanyang pangalan o yung pamagat ng akda. Kaya ko rin ikinuwento dito ang tungkol sa romance story na iyon at malay ko isang araw malalaman ko rin ang mga sagot sa aking mga katanungan.
***
Higit na nakatutuwa sa Pilipinas. O, ha! Tagalog na at hindi yung English translation nito. Napansin ko nga ang isang tourism ad sa travel magazine ng sikat na traveller and TV host na si Susan Calo-Medina, ang isinasaad doon na ang gastos in Philippine pesos ng isang Pilipinong turista patungo sa isang sikat na resort sa Thailand ay higit pa sa 40,000 samantalang ang patungo sa homegrown resort like El Nido na mas maganda naman, on careful budget ay maaari ngang naglalaro from 4,000 to 5,000 pesos lamang.
Studying social realities and varied human condition? It’s more fun in the Philippines. I would like to talk about a very honest panoramic view located somewhere here in my home city of Pasay. So picture-perfect (warning: take care of your camera and other equipment) and even though I don’t have a picture of that panoramic view, may this short description spark in your imagination: think of standing at the edge of Dilain Bridge (Tramo/ Aurora Boulevard of Pasay; between the barangays of Malibay and Maricaban) amidst the noxious smoke of passing vehicles and the smell of the biologically dead creek below while rising numbers of shanties and the towering, posh Makati City skyline dominate the horizon. Yeah, it’s the classical but cliché picture of the widening gap between poverty and wealth.
Film location? It’s more fun in the Philippines. Nag-shu-shooting pa ang “The Bourne Legacy” sa iba’t ibang lugar dito sa bansa. Madalas man ma-bypass ang aking bansa pagdating sa foreign, especially Hollywood choice of movie location, ano? Ngunit may mga napanood na akong pelikula kung saan dito nga sa bansa nag-shooting kahit na hindi naman “Philippines” ang tawag nila sa setting ng ilang eksena. Yung Chuck Norris-starred “Delta Force 2: The Colombian Connection” ay ilang beses ko nang napanood sa HBO at Cinemax. 1990 na sine at meron pang US bases. Ang ilang local areas doon ay ipinakilalang mga nayon daw sa Colombia at maging ang Pinoy actor na si Subas Herrero ay ang Colombian president. Pinili nila ang mga local actors and actresses and extras na may pagkakahawig sa native Indian population ng naturang South American country. Earlier movies na hindi ko naman napanood na nag-location din dito sa bansa ay yung “Apocalypse Now” ni Francis Ford Coppola at ang kay Tom Cruise na “Born on the Fourth of July” at iba pang sine na ang pakilala sa Philippine location ay mga lugar naman sa ibang bansa. At nitong 1998, napasama tuloy ang reputasyon ni Claire Danes sa madlang Pinoy dahil pagkatapos mag-shooting ng “Brokedown Palace” dito sa Metro Manila na Bangkok, Thailand naman ang pakilala sa naturang sine, pulos pangit ang sinabi niya tungkol sa Maynila pag-uwi niya sa Amerika. Oo nga na totoo ang ilang nasabi niya na may kinalaman sa lumalalang polusyon ng lungsod kaya lamang unethical pa rin, eh. Bakit yung Estados Unidos ay pollution-free ba? Mas mabuti pang ang mga Pilipino tulad ko lamang ang maghayag ng kaprangkahan tungkol sa napagmamasdan sa kapaligiran. Parang kagaya ng nadiskubre kong noun sa dictionary na isang slang word na ‘ugly American’ o isang Amerikano (or pwede rin ibang nationality) na dayo lang sa isang lugar tapos unappreciative pa sa local cultures.
Believe me, it is still more fun in the Philippines.
***
Ang engot-engot ko nang bumili ako ng isang anti-virus software sa SM Manila na latest Kaspersky pa. May mga usap-usapan na mga software companies mismo ang gumagawa rin ng mga lintik na virus or malware na naglipana ngayon kaya kinakailangan na rin ng pangontra dito. Ah, ewan! Sinungaling na sales person yun. Sabi niya ay kahit walang Internet connection ang isang PC, pwede itong Kaspersky na binili ko at hindi na maaaring ibalik ito doon sa kanila. Nang binasa ko muli ang manual sa loob ng box, kailangan talaga ng Internet. Pero hindi naman ako palaging nag-iinternet, eh. Hindi ko pa naman nai-scratch ang license number nito o nagagalaw ang CD nito. Sa palagay ko, kaya nagkaroon ng virus itong PC namin dito sa bahay ay dahil sa mga naidagdag na unnecessary applications dito na hindi ko naman kagagawan! 690 pesos for nothing? Stupid of me and my impulsive purchasing! Kung walang bibili nito na ibinagsak-presyo ko na, ganito na lang ang gagawin kong consuelo na hindi naman bobo: pupunta ako sa isang tahimik na lugar tapos hahawakan ko ang Kaspersky box kung saan nakalagay na dito ang CD at iba. Ipipikit ko ang aking mga mata at mag-iisip nang malalim sa aking imahinasyon na yung perang pinambili nito ay pinanood ko ng sine sa IMAX o di kaya sa isang maarteng sinehan sa Newport Theater kaya gagawa ako ng pelikula sa isipan ko. O, di kaya ay nag-eat-all-you-can ako sa restaurant sa SM Mall of Asia na tinatawag nilang Vikings. Or, mag-iimagine ako na nag-out-of-town ako mag-isa kung saan nililipad ko lang mga pinupuntahan ko pagkatapos ay agad akong makakauwi in an instant. All for 690 pesos only!
Pambihira, ah, oo nga pala’t kung may problema ako ay hindi ko na isinasaad dito dahil hindi ito isang personal diary at *statement is hidden*. Ay, oo nga rin pala... muli, hindi ko ipinagdadamot ang mga essays dito at wala rin akong inaasahang kapalit. Just practising my freedom of expression at kung may mga nakikibasa, kibit-balikat na lang ako, tsktsktsk! You don’t have to post comments here; I don’t display my e-mail adresses here, either. Please don’t bother to send a message to me via my Twitter page, pulos lang kasi kayo FB- fakesbukbok.
***
Last year, in my February 14, 2011 blog, I also presented a gallery of my artworks- bitter, satirical portrayals of relationships. Well, this time, since it’s the month of hearts, I’ll prefer the bright side; I had written stories with romantic contents, you know. However, I’m not in love because I’ve never fallen in love and I don’t need to fall in love.
Sandro Boticelli's Venus and Mars (Wikipedia)

Antonio Canova's Psyche Revived by Cupid's Kiss (Wikipedia/photographer:Jastrow2007)
Ford Madox Brown's King Rene's Honeymoon (Wikipedia)

William Holman Hunt's The Hireling Shepherd (Wikipedia)
John Everett Millais's The Black Brunswicker (Wikipedia)
Ford Madox Brown's Romeo and Juliet (Wikipedia)
(paintings of the artists courtesy of Wikipedia)

Well, the following are mine: