Yaong marahan na hangin
May lambing sa saloobin
Pinaindak ang talahib
Humilig sa kanyang dibdib.
Nagliparang mga binhi
Pagsibol, kanila’y mithi
Kung saan man ihahatid
Hindi talos, hindi batid.
Ngunit mapalad ang ilan
Umabot sa kalupaan
Damong hindi padadaig
Bahagi rin ng daigdig.
Mga sumibol, yumabong
Bulaklak ay nagsiusbong
Sa hangin ay nasasabik
Kanilang binhi’y ihasik.
photo courtesy of Wikipedia/ author: Scott Bauer
***
Ako ang nag-compose nito and my poetic muse is the hardy and ubiquitous ‘talahib’ or ‘tigbaw’ itself. All rights reserved!
HEY YA, AHOY THERE! MARAMI NANG NATATANGGAP NA PAGEVIEWS ANG BLOG POST NA ITO. MERON PANG IBANG BLOG DITO TUNGKOL SA TIGBAUAN, ILOILO AT PATI ALAMAT NG TIGBAUAN AT NAMOCON AT SAKA YUNG DRAWING PA NG SIMBAHAN NG TIGBAUAN- PAKITUNGHAYAN ANG "THIS WEIRDO'S SUMMER BLOG" POSTED ON APRIL 2013. (This statement was added here on October 1, 2013; iba naman yung "This Weirdo's Summer Blog Before The Rainy Season Comes" na posted on May 2013 )
Matapos ang tatlong taon, ang weird blogger na ito, ang inyo pong lingkod, ay muling nakasama sa summer vacation sa munisipalidad ng Tigbauan, Iloilo. Way back in May 2009 nang may blog essay ako sa aking naunang blog site sa aking defunct but memorable Friendster account kung saan ko nai-express ang aking mga saloobin tungkol sa bakasyon din namin noon sa Iloilo kaya nga inintegrate ko na yun sa recent blog na ito. Halos hindi naman nagkakalayo ang mga pahayag noon at ngayon; pakitunghayan sa ikalawang pangkat ng mga sanaysay pagkatapos nito na may pamagat na “Blue Sky, White Clouds”.
Madaling-araw ng ika-30 ng Abril ang simula ng family summer vacation. Ang aming Toyota Hi-Ace na minsang tinahak ang mga lansangan sa Japan at ngayo’y naturalized Filipino na ay nakakondisyon na para sa isang mahaba-habang interisland travel. Sa totoo lang ay mas magastos ito kaysa ang mag-commute sa bus man, barko, o eroplano ngunit kung ikukumpara sa pag-commute sa bus, ang total travel time ay mas maikli na basta maabutan agad ang iskedyul ng mga ro-ro (roll on-roll off vessels). Narating namin ang aming destinasyon sa gabi mismo ng parehong petsa ng biyahe. Ngunit ang paglalakbay ay nakahahapo rin maliban na lang sa kagaanan ng kalooban sa tuwing nasisilayan ang naggagandahang tanawin na nadaraanan.
The mountains of Aklan, Panay Island
Coast of Oriental Mindoro
A Ro-ro vessel of the Montenegro Shipping Lines docked at Caticlan Port, Malay, Aklan
Sa dalawang nasakyan naming ro-ro (Batangas-Calapan at Roxas-Caticlan), kakaunti ang mga pasahero palibhasa ay walang nakasabayang convoy or caravan ng mga bus. Pang-masa ang mga ro-ro ngunit napansin ko yung isang pasahero na obvious na patungong Boracay tulad ng iba pa. Hindi siya nag-eroplano at malamang may dala rin siyang sariling sasakyan. Si Krista Kleiner, Binibining Pilipinas-International 2010, ang reyna ng ro-ro ng mga sandaling iyon. Hindi naman siya pa-sosyal, game pa nang nagpa-picture ang ilang pasahero kasama siya at sa tuwing naglalakad-lakad siya sa deck habang hinihintay na dumaong na ang barko sa Caticlan, ang hangin ay nagiging mahalimuyak, hihi!
Boracay Island- note the mushrooming business enterprises there
Carabao Island, Romblon- some tourists claimed that she is better than the neighboring Boracay
Maraming beses ko nang natanaw ang isla ng Boracay mula sa laot ngunit ni minsan ay hindi pa ako nakararating doon. Naaalala ko pa nga ang itsura nito noong Dekada ’90, ang panahon kung kailan hindi pa ito exploited and overdeveloped; still pristine and the island was more lush and serene at that time. Well, ayon sa marami, she’s one of the best in the world, because she got a lot to offer. Palaging publicized sa mga tourist’s brochures, sa mga TV shows, samantalang hindi lamang ang Boracay ang may natatanging kariktan sa mga isla ng bansa. White sands for a great dream destination ... and white-washed controversies on ecological and environmental issues like pollution from excessive development, depleting population of the native flora and fauna, slowly receding coastline, Caticlan airport extension at the mainland, and sad but true, may napanood akong dokyumentaryo sa TV tungkol sa mga nagaganap na land grabbing dahil umano sa mga business opportunities ng ilang pribadong kumpanya o indibidwal at ang mga Ati na silang mga unang residente ay pinaaalis sa kanilang mga tinubuang lupain at may mga diskriminasyon laban sa kanila. Tourism has its dose of both the boon and the bane. May palayaw nga pala ang isla. Bora. Di ba may isang Polynesian island cluster sa South Pacific Ocean na tinatawag na “Bora-Bora” kung saan may mga sikat din na resorts? Kaya nga be original naman,o! Call the island off the coast of Malay, Aklan- Boracay, please.
***
Labing-isang araw lamang ang itinagal ng bakasyon datapwat masaya rin naman. Pina-renovate na ang ancestral house namin. Marami nang nabago because the only constant is change. Ang hindi lamang nagbabago ay ang masaya at mabuting samahan ng mga Tigbaueño. Hmmm, ang weird blogger na ito ay mula sa malaking angkan. Yun nga lang, hindi ako natural na ma-PR o palakwento, eh (actually, I'm one of the least liked in both sides of the family). Hehe, iniilagan sa totoo lang (hindi naman pinangingilagan!). Sigh. Gaya ng nabanggit ko sa ilang past blogs ko, eh, this weird blogger just brings on the creeps to people around. Kibit-balikat na lamang ako basta wala naman akong ginagawang masama o inaagrabyadong tao and I can still find comfort in the tranquility of my second home.
***
Barrio dog
Date palm by the riverside
Ang ilog ng Tigbauan. Isa ito sa mga paborito kong pasyalan sa probinsya. Silent water that runs deep. Mahaba ang kasaysayan nito bago pa lang maitatag ang bayan o ang paglaganap ng mga apelyidong may inisyal na letrang “T” sa maraming Tigbaueño alinsunod din sa inisyal ng pangalan ng bayan. Hinahanap ko ang mga tigbawan o talahiban; bihira na pala ang ganitong damo dito? Taong 2008 at sa pananalasa ng bagyong Frank sa Western Visayas nang biglang nagngalit ang ilog kung saan maraming buhay ang kinuha at winasak na mga ari-arian. Nagpakawala kasi ng tone-toneladang tubig ang isang dam noon at ang ilog na ito ay mistulang nabulunan hanggang sa nagwala na nang tuluyan. Subalit sa bawat pagtungo namin dito, payapa ang ilog, ang anyo ng isang nagpapasigla sa mga kabukiran at sa buong bayan mismo. Nakalulungkot nga lang sapagkat napuna ko sa ilang bahagi ng pampang nito na may munting dump sites na at tinatapunan ng ilan ang ilog mismo. Ayaw ba nilang masindak sa mga anyo ngayon ng mga ilog, estero, at baybayin ng Metro Manila at iba pang lugar na pasan ang matagal nang suliranin sa polusyon? Madali lang magkaroon ng compost pit para sa mga biodegradable waste o mag-recycle, di ba?
The interiors of the St. John de Sahagun Parish, Tigbauan, Iloilo. Di tulad sa ibang Simbahan na itinatag noong panahon ng mga Kastila, hindi mga gilded na retablo o naglalakihang relief ang narito kundi mga mosaic (proyekto ng dating kura paroko ng bayan) mula sa altar area hanggang sa Stations of the Cross giving the churchgoers a rare glimpse of the arts and architecture of the early Christian churches, villas, and palaces during the time of the ancient Roman and Byzantine empires.
The enigma of the purplish-black jellyfish. Ang makakating lamang-dagat na iniiwasan ngunit nagpapaalala ng tungkol sa sarap ng pagtatampisaw sa dagat, hehe!
Museo Iloilo (right in front of the Iloilo Provincial Capitol). Institution that showcases the long history of the province and the rich culture of her noble people. The capital city of the province by the banks of the great Irong-Irong River is bustling indeed. Sarap din mag-food trip, eh, lalo na doon sa Tatoy’s Manokan and Seafoods, ang paboritong restaurant ng mga big time politicians.Kabilang na sa emerging pasalubong centers for your biscocho, piaya, and more, ang Mama's Kitchen located in a heritage house at Arevalo, Iloilo City where the most sought after melt-in-your-mouth assorted cookies can be bought.
***
Mini-blogs area:
Mula dito sa Pasay hanggang doon sa Iloilo and vice versa, naghuhumiyaw ang alinsangan ng panahon. Aba, May 6, ang isa sa mga pinakamainit na araw ngayong taon. 70th anniversary ng pagbagsak ng Corregidor at sigurado sa araw na iyon noon ang matinding alinsangan ay kasama rin pinasan ng mga magigiting na kawal ng bayan. And then nasubaybayan ko rin mula sa Tigbauan ang “Thrilla in NAIA”, hehe! Ang nangyayari ba naman kapag nag-iinit ang ulo ng maraming tao.
Malapit nang magtapos ang summer vacation. Ang haba ng bakasyon at ang saya-saya. Walang stress. Walang tension. Ang sarap magbabad sa panonood sa TV. Napanood ko na sa wakas ang episode 50 or finale ng animé na “Blood+” sa Studio 23 (channel 38 ito sa Iloilo at simultaneous pa sa Metro Manila and Calabarzon area). Nanonood uli ako at nag-eenjoy sa mga cartoons. Nagbalik ang “Looney Tunes” na nasa Studio 23 ngayon (inaabangan ko uli sina Foghorn Leghorn at Pepe Le Pew) at “Tom and Jerry” sa GMA-7; mas masayang manood ng vintage cartoons lalo na yung ‘50s series na talagang ang ganda ng pagkaka-animate sa mga ito. Meron pang “Alamat ni Snow White” sa 23 at mga nag-comeback na animé na Mojacko, Slam dunk (both at channel 7), at Sailor Moon (Hero channel), pati Naruto at iba pa. Eh sa gusto kong manood nito!
Update sa “RuPaul’s Drag Race Season 4” sa Velvet Channel. Naroon pa rin ang dalawang Fil-Ams na contender (move over, Jessica Sanchez and American Idol!) at mas madaldal pa sila’t maingay kaysa kay Manila Luzon ng Season 3. Unlike those American Idol Fil-Ams, ang mga Fil-Ams dito ay mas Pinoy pa sa totoo lang. Siyanga pala, nitong isang episode, may isang kasali doon, si Latrice Royale, the big momma of the batch, ang may malaking patawa. Sabi niya ang salitang ‘bitch’ ay isang acronym for ‘being in total control of herself’; pwede rin na ‘being in total control of himself’. Oh my goodness, hehehehehehe!
Na-feature sa showbiz news noong isang gabi sa “24 Oras” ang Eat Bulaga noong isang araw kung saan may isang blonde na batang Amerikano, si Gabby Abshire from Milwaukee na very Caucasian ang itsura ang agaw-pansin nang nakausap niya ang idol na si Vic Sotto. Sanay pa sa wikang Filipino without the Yankee accent (like Apl.de.ap of the Black-eyed Peas)! Aba, daig pa pala niya ang iba pang Filipino-American na English lang ang alam na lenggwahe o kung mag-trying hard man na managalog ay napipilipit pa ang dila because they just can’t let go of their American accent at ang batid lang siguro na mga salita ay ‘adobo’ (samantalang mas masarap ang tinola o sinampalukang manok), ‘salamat’, o’mahal kita’.
Man, hindi pa naipapalimbag ang bwena mano kong akda ngunit kailangan ko na ito bago pa man magtapos ang summer. Sasabihin ko na ang uri nito- isang romance paperback. Alam ko na karamihan sa inyo na mga anonymous readers ng blog na ito ay hindi naman mahilig sa ganong babasahin o di kaya’y nababaduyan kayo’t nakukornihan pa. Hindi ko naman kayo kukulitin na bumili nito, eh. Napakatagal kong nangarap na sumapit na ang pagkakataon na maipalimbag na ang aking mga akda. Ang ipaiimprenta kong akda ay unang na-conceptualized noong nag-aaral pa ako sa AIMS na habang patuloy ang lectures and review tungkol sa tariff and customs laws, drawbacks and abatements and computations of dutiable value sa mga import commodities o tungkol sa terms in technical smuggling which are misclassification, misdeclaration, and undervaluation o kung paano nakadaragdag sa government revenue ang Bureau of Customs without its long time woes on corruption... aaaah! Parang dudugo ang ilong ko, hehehe! Palagi akong nagdi-daydream noon, nangangarap nang gising... ang pagbuo ng mga ideya tungkol sa aking mga kwento at isulat ito na balang araw ay ipalilimbag din ito at makikilala ako bilang manunulat on my own right!
***
“Blue Sky, White Clouds”
(this one is integrated here and it first appeared as a page in my first blog site on May 2009 several days after our vacation in Tigbauan, Iloilo)
The 4th of May. Under the oppressive heat of the jolly summer sun, we waited and waited for the air-conditioned bus which was supposed to be at the Dimple Star Terminal in EDSA-Malibay by high noon. And thankfully, after almost an hour, the bus arrived. Sa totoo lang ay ayaw ko sa mga air-con na bus lalo pa't magdamagan pa ang biyahe at nahihilo ako sa air freshener na ginagamit dito. Pero wala nang magagawa dahil ito na lang ang available. Napakarami sigurong pasahero ang nagkakandarapa para sa ordinary. Peak season ba naman para magbiyahe.
The long, long way to Tigbauan, Iloilo. Mahilig naman akong maglakbay lalo pa't may nunal sa parehong paa ko. EDSA,Skyway,Alabang stopover,SLEX,view of Mt.Makiling at Calamba,Laguna then the heavy rains and traffic at Sto.Tomas,Batangas and suddenly, the sun shone again at the Star Tollway towards the Port of Batangas. The roll-on,roll-off vessels were already waiting for the caravans of buses, trucks,and private vehicles, and the throngs of passengers in rush for the first come,first serve seats of convenience in the lounge area or up on the deck. All to be ferried to Calapan City, Oriental Mindoro.
The Strong Republic Nautical Highway. Una kong nalaman ang tungkol dito noong 2003 nang nanonood ako ng Crayon Shin-chan sa channel 9 at malimit na lumabas ang commercial tungkol doon pero hindi ko gaanong pansin hanggang sa kami na mismo ang sumubok dito nang umuwi kami sa Iloilo upang makiramay at makipaglibing sa isa naming mahal na kamag-anak. Nagkataon na sembreak pa noon. Humigit-kumulang 24 oras ang biyahe noon (Philtranco ang isa sa mga pioneers ng inter-island travel tulad nito) dahil mas mahaba ang ruta nang hindi pa naaayos ang Antique highway kaya dadaan talaga sa mga interior towns ng Aklan,Capiz,at Iloilo tapos sa Iloilo City pa ang terminal kaya panibagong pag-commute pa tungong Tigbauan. Matagal talaga ang biyahe kaya siguradong ang isang pasahero na sanay sa barko,lalo na sa eroplano ang may katakut-takot na angal na ingangalngal. One of the most inconvenient means of travelling to the provinces of Visayas at paano pa kung hanggang Mindanao pa? Ngunit ang pagkakaroon ng ro-ro at nautical highway upang pagdugtungin ang iba't ibang lalawigan ng Pilipinas ay isa sa mga pinakamatagumpay na proyekto ng pamahalaan. Bahagi ito ng farm-to-market roads at ang mga negosyante mula sa mga probinsya at ang mga karaniwang mamamayan o domestic tourists ay nakinabang dito nang husto. Napakaraming pasahero ang tumatangkilik dito kabilang na kami (kahit na sawa na rin akong magbyahe sa bus at ro-ro; pero dapat siguro ay huwag akong magsawa kasi mas tipid dito,eh). Kumikita nang husto ang mga buslines. Ang dating tulog na mga bayan sa mga probinsya ay nagsipagsigla. Animo hindi lamang ambon kundi ulan nga ng grasya. Dalawang beses na rin dinala sa Tigbauan ang van namin (kaya lang ay iba pa rin ang tipid na hatid ng pag-commute sa bus). Matagal nga ang biyahe pero huwag na lang isipin na matagal ang paglalakbay o minsan ay nakakabagot na dahil before we know it ay naroon na tayo sa ating destinasyon. At saka, ngayon ay estimated na wala pang 24 oras ay nasa Tigbauan, Iloilo na kami dahil sa Antique highway. Ang pinakamalaking advantage na hatid ng bus/ro-ro combo ay papara ang bus sa town plaza mismo at may mga nakaabang nang pedicab para ihatid na kami sa aming ancestral house na di-kalayuan lamang (pwede na ngang lakarin yun kundi kasi sa sangkaterbang bagahe at bitbit).
Naglayag na ang Starlite ferry sa oras ng paglubog ng araw kaya nasilayan ko pa ang kabundukan at mga oil depot ng Calaca,Batangas. Pero gabi na nang marating namin ang Mindoro at hindi ko pa nga napagmamasdan ang countryside nito during daytime hours. Tatlong oras ang byahe sa iba't ibang bayan ng Oriental Mindoro. Lumalalim na ang gabi at sinabi ng konduktor na ilatag ang mga kurtina at i-switch off ang ilaw nang magawi kami sa masukal na lugar dahil may mga nambabato daw doon. Buti at wala naman. May mga tao talagang ayaw nang nakikita ang kanilang kapwa-tao na maligaya at maunlad. Nakaidip ako at paggising ko ay nasa Roxas na kami kung saan naroon ang pangalawang ro-ro terminal. Ang laki na ng progreso ng lugar na ito.
The 5th of May. Midnight embarkation sa isa na namang Starlite ferry. Sa prangkahang pagsasalarawan, hindi maayos ang accomodation para sa mga pasahero (buti pa sa Montenegro!). Palibhasa ay naka-book na dito ang DimpleStar kaya priority samantalang may ilang bus nga ng ibang kumpanya na naunang dumating sa terminal pero naantala naman ang biyahe. Sa totoo lang ay nakahanda na ako sa isang anticipated torture. Apat na oras pa naman ang biyahe mula Mindoro hanggang Panay tapos wala pang maayos na higaan dito sa Starlite. Naranasan ko pang humiga sa maalikabok na sahig (ang dami ngang pasahero ang kung saan-saan lang humihilata sa kakulangan ng mga upuan). Nagsuka pa ako pero maagap lang ferry crew para maglinis dito. The inconvenience and discomfort made me so sick to my stomach! Terrible,nauseating accomodation tapos hindi pa agad dumaong sa Caticlan ang Starlite dahil may isa pang ro-ro ang hindi pa nakakaalis doon. Subalit, naging masama nga ang pakiramdam ko, dapat ay higit na magpasalamat ako sa Panginoon para sa ligtas na paglalakbay naming lahat.
Sunrise kahit umuulan-ulan. Maraming tao sa Caticlan palibhasa ay gateway to Boracay na maraming beses ko nang natanaw pero kahit kailan ay hindi ko pa nararating. Basta, ang gusto ko ay makarating na kami sa Tigbauan. Saglit lang na naglakbay sa bahaging ito ng Aklan ang bus namin tapos dire-diretso na sa Antique kung saan nag-stopover kami sa Tibiao for breakfast. Muli kong napagmasdan ang payapa at luntiang kapaligiran at mga bukirin ng Antique na pumawi agad sa masamang pakiramdam ko kanina sa ro-ro. Sayang at aircon ang bus, sariwa pa naman ang hangin sa labas. Mabilis ang biyahe at nakarating kami agad sa kabisera, ang San Jose. Nababawasan na ang mga pasahero sa bawat bayan na nadaanan. Bago magtanghali ay papasok na kami sa Iloilo kung saan kabundukan ang binagtas ng bus tapos zig-zag pa na parang sa Baguio. Patapos na ang paglalakbay. Pasado alas-dose y media ng tanghali ay pumara na ang bus sa may plasa ng Tigbauan. Hay sa wakas, here again in our second home.
*******
Iba talaga kapag gumising sa isang payapang umaga kung kailan ang mga huni ng ibon ay nadirinig ng mga nahihimbing kasabay ng marahang ihip ng dalisay na hangin. Natural sa ating mga Pilipino ang maging malapit sa mga kamag-anak. We have such warm and hospitable relatives and friends here, including their pet dogs. We are all of the contented middle-class. Gusto ko ngang mag-aral ng Karay-a, isang version ng Ilonggo na dominant dito sa Tigbauan. Oo nga na tama ang nabasa ko sa isang article ng Smile, ang magazine ng Cebu Pacific. Ang dialect ng Ilonggo ay 'musical' at may kakaibang lambing, namumukud-tangi sa Visayan dialects. At saka hindi agad halata sa isang Ilonggo kung galit dahil sa hinahon ng wika nito. Tuod na maayo gid an Ilonggo. Baka mag-react ang ethnic pride ng iba diyan na may kani-kaniyang Bisayan dialect,a!
Nakalayo kami sa hagupit ng bagyong Emong kasi sa Luzon pa yun. Umuulan-ulan rin dito sa Tigbauan pero madalas na maaliwalas at maalinsangan ang panahon. Ngunit iba talaga ang ginhawang hatid ng probisya. Marami kaming pinuntahan sa ibang barangay o baryo para dalawin ang ilan naming kamag-anak, sa dagat (sarap lumangoy!), sa ilog at sa lupain namin sa tabi nito, sa mga malalawak na bukirin, sa sementeryo to visit our dearly departed loved ones, sa palengke, sa Simbahan (oh, those magnificent religious mosaic paintings!), hanggang sa Iloilo City... kahit saan; at hindi ako gaanong napapagod talaga. Malaki, maganda, at maunlad ang Tigbauan. Mahusay makipagkapwa-tao ang mga Tigbaueño.
*******
Bago ako matulog, susulyap muna ako sa langit. Ang daming bituin ngunit ngayong summer, namumukud-tangi ang constellation ng Scorpius na unang lumilitaw sa timog-silangang direksyon ng langit. Ito ang costellation na may 'puso' dahil sa pinakamaliwanag nitong bituin, ang Antares, na mapula at tulad nga sa tumitibok na puso. Alam kong kinatatakutan ang isang alakdan at ito'y sumisimbolo sa panganib mula pa noong unang panahon (pwera lang sa mga naalisan na ng kamandag upang gawing alaga o yung naging exotic street food sa China; or the best ay ang bandang Scorpions!). Ngunit para sa akin ay sagisag ng maaliwalas na summer night sky ang Scorpius na patuloy na gumagapang sa kalangitan habang payapang namamahinga ang mga tahanan dito sa Tigbauan.
Nasilayan ko rin ang kabilugan ng buwan kahit medyo maulap ang langit. Siguro kung full moonlight ito, lalong napakaganda ng payapang tanawin. At ako'y nagmumuni-muni tungkol sa ating rich Philippine folklore. Mga supernatural creatures... ngunit ayon mismo sa mga taga-Panay, sa lahat ng probinsya nito, ang 'aswang matter and issue' ay hindi naman totoo. Maaaring paraan ito ng pagdidisiplina noon sa mga tao, lalo na sa mga bata, na huwag gumala sa kung saan-saan para na rin sa kanilang sariling kapakanan. Maaari rin na paninirang-puri yun sa kapwa-tao o pook (hoy,maganda sa buong Western Visayas,ano?). But one thing is for sure. Walang terrifying night creatures- sapagkat ang mga tunay na aswang ng lipunan ay yaong mga tao na mahilig manakit o manira ng kapwa-tao. Noon nga nang dumadaan pa kami sa Capiz at interior towns ng Iloilo at malalim na ang gabi, payapa naman at tahimik sa mga pook na iyon at matulungin pa ang mga tao.
*******
May 15. Evening in the new Iloilo Airport at the town of Sta. Barbara. Nag-eroplano na kami pabalik sa Villamor (malapit lang ang NAIA-3 sa amin at nakatipid sa airfare sa tulong ng aming kamag-anak na nagtatrabaho sa Iloilo Airport). First time kong sumakay sa isang sibilyan na eroplano, ang Cebu Pacific. Bakit sibilyan? Eh, kasi ang C-130 ng Philippine Air Force ang nasakyan ko na noon. Libre pa at dahil sa nakiangkas lang kami nang malaman na magtutungo ito sa Iloilo upang maghatid ng cargo ng PAF (missing that aircraft a lot).
*******
Ang sabi ay masarap daw magbakasyon kung maraming pera. Maaari ngang totoo yun. Ngunit hindi naman talaga kailangang gumastos nang malaki habang nasa bakasyon. Yun bang ang hinahanap ay change of surroundings and environment para mahanap muli ang sarili. Makapag-unwind. Basta may malalim na dahilan na hindi mahahanap sa maalinsangan at masalimuot na lungsod na pinagmulan. Sana ay laging ayos silang lahat doon sa Tigbauan.
P.S. pagdating sa pasalubong at delicacies, undisputed na nangunguna nga ang mga Ilonggo dito. Piaya, pinasugbo, biscocho, rosquetes o bañadas at iba't ibang biskwit of the traditional or secret recipe, La Paz Batchoy, Pancit Molo, laswa vegetable dish, seafoods, chicken inasal, etc. etc. Namit, namit! Wala akong nai-post na pictures dito as visual aid (magastos ang magpa-scan sa internet shop, ano?). Pero ang magagandang alaala ng masayang bakasyon- preserved in my memory and in my heart.
A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt