Antonio de Pereda's St. Anthony of Padua with the Infant Jesus (courtesy of Wikipedia)
St. Anthony of Padua, please pray for me and the others, o humble servant of Our Lord. May the lost dear things, fruits of our labors be found and retrieved or returned. May the lost trust be mended and genuine forgiveness follows. May the lost confidence and hope to pursue dreams be regained. So be it.
***
The serene, natural beauty of snake plants with their long clusters of evening blossoms
Every atoms and molecules travelling within the trail of delicate agave fragrance
And I’m hoping upon the sparkle of a neutrino to light up the cosmic dark matter enough to vanquish a black hole...
Simple poetry on nature’s glory to soften the geekiness of astrophysics.
***
Sa mga nakaraan kong blogs maliban sa first and gloomy post of July 2012, karamihan ay magagaan ang tema and feel good ones, the inspired, the lighthearted views of the world. Buhat pa sa previous blogs, binanggit ko na ang tungkol sa publishing venture ko ng aking dapat sana’y ipakikilala kong bwena mano kong akda. Maglalayag na sana ako ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay bigla na lang may namuong waterspout mula sa laot na singtulin ng kidlat sa pagkilos na bigla na lamang pahampas na ibinalik ako sa pampang. Tapos, sira-sira na ang aking bangka at tiyak na matatagalan bago ako makabawi muli. Back to zero. Olats.
Patawarin nawa ako ng Panginoong Diyos na hindi ko Siya matularan kung paano Siya magpatawad. Palagi na lang sinasabi ng iba na “kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao?”. Subalit Siya ay nagpapatawad nang walang kondisyon... na hindi ko matularan bagamat napatawad ko na ang kumpanyang iyon na pinagkatiwalaan ko subalit sa kasalukuyan ay tinambakan pa ng barikada ang aking landas patungo sa pangarap na malapit ko na sanang maabot. Ang kapatawarang iyon ay may kondisyon sapagkat ako’y tao na nasaktan... kung ibabalik lang nila ang mahahalagang kinuha nila sa akin at sa iba pang kliyente nilang nagtiwala rin sa kanilang serbisyo, ang Jettfire Printing Enterprises na iyon na bigla na lang nagsara ng mga branches nito! Kapag lakas-loob pa silang umiwas sa amin na mga kliyenteng masama ang loob sa ginawa nilang pagsira sa tiwala namin sa kanila ay alam na nila ang mangyayari... hindi sila matatahimik, hindi sila lubos na magiging masaya dahil may mga tao silang nasaktan! Ibalik lamang nila sa akin ang aking downpayment, CD manuscript, proposed cover illustration, pati sample paperback at ako’y panatag nang makakapag-move on at kakalimutan na lang ang hindi magandang nangyari. Pakitunguhan lang sana nila nang mabuti kaming mga kliyente at iwasto nila ang kanilang mga pagkukulang at pagkakamali!
***
Masyado na akong madrama sa recent blog posts dito. Gloomy July 2012 posts. Mga monologues tungkol sa suliraning pinapasan ko sa kasalukuyan! At mababasa pa ng anonymous readers ng blog site na ito... wala lang. Anyways, soliloquy naman ito. Walang interaction sa audience. Gusto ko na sanang i-privatize muna ang blog site na ito for good, eh at hindi kailanman sakop ng public domain ang mga essays at pictures dito except for the solemn prayers, Biblical quotations and other references which are not mine that I honestly mentioned and acknowledged its sources and those uploaded pictures from Wikipedia, Flickr, and Google. Ang sinumang hihiram nang walang paalam, mag-aangkin o gagamitin sa kagaguhan ang mga blogs ko dito na naglalaman ng aking mga saloobin at pananaw at ang mga pictures dito ay malilintikan sa akin saan man kayong lupalop naroroon!
But then again, privatization... I had thought about it all over again. Maybe through my blogs, I became too generous to a lot of net surfers who stumbled upon this site intentionally or unintentionally. And perhaps I became so bitter after what happened to my venture. Well okay... you anonymous readers win. Marami kasi ang nagsi-search sa Google images ng tungkol sa “Villamor Air Base Elementary School” o ng tungkol sa mga sinaunang lipunang Pilipino lalo pa’t iyon ang mga paksa ng Makabayan-HEKASI 5 at Araling Panlipunan I ngayong Unang Markahan, eh! I had shared a lot! Hmp! Wala naman akong inaasahang kapalit... basta kibit-balikat na lang ako at magpapatuloy na lamang sa aking monthly blogging.
Naalala ko na naman noong active pa ako sa Facebook. May mga pagkakataon na ang contents of status update ko sa fb wall ay pahiwatig ng kalungkutan, frustrations, at paghingi sana ng payo o tulong na bakasakaling may isa man lang na “fb friend” ang mag-pass by kahit short message man lang ng pag-unawa. Pero ang lawak-lawak kasi ng fb wall kaya tuloy natambakan lang ng bumabahang statuses- mga new pics, apps invitation, kaartehan and other vanity stuff, etc. Sigh...
Bweno may isa naman palaging nariyan para sa akin. BFF na hindi ako iiwanan kahit kailan at anumang mangyari. Tutulong siya sa akin na maghanap uli ng maasahan at mapagkakatiwalaang printing company para sa aking mga akda. Siya ay walang iba kundi si Joan T. Teves, also known as weirdjtt.
***
Itong pangalawang July 2012 post na ito ay hindi naman pulos pahayag ng lungkot , frustrations, at sama ng loob. Gusto kong mag-formulate ng placebo effects. Ang magawa namang tawanan ang aking problema.
Marami na akong naisulat na kwento mula pa noong tuluyan akong nangarap na maging manunulat. Nakatago sa loob ng kabinet ko ang aking mga manuscripts at yung ilan ay ginawa nang hideout ng mga ipis (kung sabagay, ang mga ipis dito sa bahay ay mga ‘cultured’ at hindi tagadala ng germs!). Hay, sa tuwing binabasa ko kahit man lang pahapyaw ang mga kwento ay napapabuntunghininga na lang ako minsan. Dapat ay nakalathala na ito, naipalimbag, at nai-release na sa market. At may mga readers na tatangkilik dito kung trip nila tapos magsi-send ng e-mails sa akin kung kailan ang susunod na publications... nangangarap na naman ako ng gising! Hindi ako naghahangad na maki-level sa mga writers na iyon na graduate ng UP o Ateneo o mga dalubhasa sa PNU (nag-aral din naman ako doon, a) at kahit sino na ang mga akda ay inilalathala ng mga kagaya ng Summit Books at Anvil. Pang-masa ang level ng aking mga akda tulad ng appeal ng mga komiks noon o ng pocketbooks na nakatambak sa Tagalog Romance section ng mga bookstore (kaya lang hindi naman pulos romance ang genre ng mga akda ko, ano?). Dito sa blog post na ito ay nagpapa-fantasize na naman ako. Phantasmagoria kung saan kilala na raw akong writer, hehehe! Ngunit paano yan? Nagtatrabaho rin ako tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes ay napalilibutan ako ng mga bata at ako’y inaasahang maging wholesome... samantalang ang aking mga akda ay nagtataglay ng mature, adult-oriented themes, mga kwentong hindi akma sa mga paslit, hehe, at hindi pa ako gumagamit ng pen name, ha! Ah, the imagined just to make me have some humor to lighten up so that I won’t fall into despair although it’s also just like counting the chicks or ducklings even before the eggs are hatched but got broke only to find out that the yolks will not form and develop to be what they should be as I want or need them to be. At ako’y lalo pang nagising sa pasan kong problema sa kasalukuyan na dumadagan sa aking pangarap.
***
Other matters here in this blog na hindi naman puro pahayag na lang ng frustrations at sama ng loob:
Itong nasa larawang ito ay ang aking iniingat-ingatang proyekto sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika noong ako’y nasa Ikalimang Baytang. Pumili ako noon ng mapaggagayahang larawan sa aming textbook at mag-isa ko itong drinowing at kinulayan; humingi lang ako ng pambili ng ¼ illustration board. Unang markahan noon sa HEKASI at ang tema ng proyekto ay tungkol sa sinaunang lipunan ng mga ninunong Pilipino tapos ang na-assign sa akin ay tungkol sa antas ng mga aliping namamahay at sagigilid at sa kanilang mga tungkulin sa lupain ng kanilang mga amo. Hindi ko ba naman akalain noon na magiging visual aid ko pala ang vintage project na ito sa in-assign sa aking subject na HEKASI 5 rin pala.
Anim na oras lamang ang aking daily length of work from Monday to Friday ngunit hindi nawawala ang stress at tension at minsan, pagbaba ng aking lakas o stamina dulot na rin kasi ng pagbuhos ko ng aking passion sa aking mga gawain. Yes, I always have reason for passion. Kung pinahahalagahan mo naman talaga ang iyong hanapbuhay na hindi ginagawang motivation ang sweldo at impluwensyang matatamo dito, ignite it more with passion.
***
Sound trip, yeah. Hindi naman talaga ako mahilig sa hip hop music lalo na yung local ones sa totoo lang; no offense. Para kasing pare-pareho lang ng istilo, tunog, lalo na ang beat or rhythm na hindi mo na ma-differentiate ang mga ito...jologs. May kanya-kanya lang kasing trip ang bawat tao; oo sige na, alam ko na yun! Magra-rap tapos may chorus na kinakanta na kadalasan pa ay hango sa ibang kanta. Si Eminem ba ang nagpa-uso ng ganoon way back in late 2000 through one of his greatest hits na “Stan” featuring Dido na muling inawit ang ilang lines mula sa sarili nitong hit na “Thank You”?
Ngunit naalala ko na noong Dekada ’90, ang Pinoy hip-hop music noon (lumabas muna kayo, mga rockers at metal!) ay mas astig kasi mas orig ang tunog at istilo to the likes of Andrew E, Michael V, Denmark, and the late great Francis Magalona. The late ‘90s also produced bands like Sun Valley Crew and Urban Flow na minsan ay mapapanood pa rin ang mga lumang music video nila sa Urban Myx ng Myx channel; talagang very cool kahit pa inspired lang sila ng mga foreign groups ngunit ang style nila ay totoong kakaiba kung ikukumpara sa mga rappers ngayon.
Speaking of Urban Flow, way back in the summer of 1997 ay saulado ko pa ang kanilang big hit na “Miss Pakipot” kahit na yung himig ay parang may pinanggayahang lumang awitin. Parang sariwa pa sa akin kahit papaano ang lyrics ng Urban Flow na “ c.t.g. (crush,type,gusto) kita, miss miss pakipot/ c.t.g. kita miss miss suplada/ c.t.g. kita miss miss maganda/ sa palagay ko, mahal na nga kita, haaah...haaah, haaaah, woo-hooo.../ miss, miss, ba’t ang suplado mo?/ sayang, ako’y may crush sa ‘yo/ pero teka (6x)/ ganyan na ba talaga ang ugali nila?/ o baka naman ay nagpapakipot lang...” and the rest is history! Kung merong revivals or cover versions na karamihan ay pulos na lang mapakikinggan sa OPM artists ngayon, siguro sa susunod, pati Pinoy urban music from the past!
***
(hindi ako pwedeng mag-upload ng Sailor Moon characters dito kasi copyright infringement yun; please refer to Wikipedia)
Ang haba talaga ng kwento ng “Sailor Moon” na na-realize ko pa lalo sa Monday to Friday airtime nito sa Hero Channel; kaya naman kasi noon, inabot ito ng maraming taon sa Channel 5 (kasi tuwing Linggo lang yun tapos inilipat sa Sabado; at sa Tagalog version, Bunny ang ipinangalan kay Usagi). Nasa elementary pa ako noong una ko itong nakahiligang subaybayan at nagtuloy sa high school hanggang sa nasa college na ako nang napanood ko ang last season nito at kabanata. Yeah, growing up with the magical allure of Sailor Moon. Nabanggit ko na pala sa isang past blog ko dito na “Tropical Southwest Monsoon” dated April 27, 2012 ang tungkol sa animé na iyon pero I did some little research with the help of Mr. Wikipedia without the leaks. 1991 pa pala ito nagsimula as a manga by Naoko Takeuchi. At ang “magical girl theme” nito ang sinasabing pinanggayahan ng iba pang animé.
But unlike the others, hmmm, this one seemed to be... more liberal. May love story, yeah, the undying love of Usagi and Mamoru, but romances of the different kinds are also included buhat pa sa first season; remember those two generals of the Dark Kingdom pero mga discreet na discreet sila di tulad nina Ennis and Jack of Brokeback Mountain, hehe. Siguro kung mga batang musmos ang makakapanood, hindi naman yun halata, hehehe! And then, in Sailor Moon S season, two new beautiful characters- the boyish, crossdressing Haruka (Sailor Uranus) and the girly-girl Michiru (Sailor Neptune); anyways, the planets Uranus and Neptune ay tinagurian din naman ng mga astronomers bilang twin gas giants of the outer Solar System. Sa last season naman ng Sailor Moon, merong mga bagong tauhan, ang Sailor Starlights na nagpapapaalala na hindi lang si Ranma ang pwedeng magpalit ng kasarian. Tapos isa sa mga iyon, si Fighter, nang nag-disguise bilang lalake ay may na-develop din na feelings para sa bidang si Usagi. Ahahahay, grabe, the rollercoaster story of one of the finest animé that became popular in different parts of the world, including the Philippines.
Oo nga pala, hindi lang ang Sailor Moon ang liberal, ano? Meron din sa iba pang animé, may mga beki, merong les, hehehe! Tulad na lang ng isa pa nitong ‘90s contemporary, ang “Yu Yu Hakusho” or “Ghostfighter” sa Philippine adaptation. Tandang-tanda ko ang series nito kung saan kabilang ang favorite villain ko dito na si Sensui. Si Sensui doon ay isang disturbed, troubled, and misanthropic na tao kaya siya lumikha ng pitong katauhan upang tulungan siyang maka-cope up sa buhay. Ang ikapito niyang tauhan ay... isang girl, hay! Yeah, babae, ang katauhang nag-manifest sa kanya nang nag-confide siya ng tungkol sa lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa kanyang close pal na si Itsuki, the pretty and mysterious male monster na dapat sana’y tatapusin niya noon. At nang tinapos siya ni Yusuke (Eugene in local version), dinala ni Itsuki ang kanyang katawan patungo sa sarili nitong dimensyon kung saan nanatili silang dalawa lamang hanggang sa kapwa sila naglaho; na yakap-yakap pa ni Itsuki ang wala nang buhay na si Sensui. What a love story, for pete’s sake!
***
Well, that’s it. My second blog post for the month of July. Next month, ano kayang tema ng blog? Baka tungkol na naman sa frustrations ko sa paghabol ko na sana sa aking pangarap. Tsktsktsk! I’ll just dream on...
A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Saturday, July 21, 2012
Tuesday, July 3, 2012
Sad Soliloquy... but a Soliloquy of Hope Shines On...
This is a sad day for me... that printing company whom I approached last summer for my first publication suddenly closed down and their staff took my manuscript CD, downpayment money, and other related stuff with them. Now, I have to look for them and my hunt for the right printing press is back to zero.
The disadvantage of being just a one-person team...
Now, I'm confiding those woes to these anonymous readers here whom I don't even have one single damn clue if they will heed these statements except for eavesdropping at my precious "Soliloquy Beyond".
Where and when can I find help here?
Edvard Munch's The Scream (1893)courtesy of Wikipedia
The disadvantage of being just a one-person team...
Now, I'm confiding those woes to these anonymous readers here whom I don't even have one single damn clue if they will heed these statements except for eavesdropping at my precious "Soliloquy Beyond".
Where and when can I find help here?
Edvard Munch's The Scream (1893)courtesy of Wikipedia
Subscribe to:
Posts (Atom)