This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, August 3, 2012

Fresh Scent of Rain-drenched Soil and Lush Plants

Come to the Philippines and see the contrasts of beauty, Third World woes, and the happiness of being a Filipino.
(my tweet dated May 26, 2012; trending kasi noon sa Twitter Philippines ang “come to the Philippines” tapos may ilang netizens ang nag-retweet nito at nag-favorite pa)

Quiapo, Manila (courtesy of Wikipedia/ Jhun80)

Noong isang araw ay namasyal ako muli sa isa sa mga trip kong pook sa Maynila, ang Quiapo. Dahil sa LRT, mabilis nang magtungo doon. Pagbaba sa station, lakad-lakad sa Avenida Rizal at sa mala-obstacle course sa kahabaan ng Carriedo. Sightseeing around and the gaze at the great picture of humanity which make up Quiapo 24/7. Ipinangalan daw ang sikat na distrito na ito sa isang aquatic plant na tinatawag na “kuyapo” o sa isang uri ng water lily basta katulad na katulad kasi siya ng mga halaman na iyon na kahit na tumutubo sa tubig na hindi na nga malinaw at malinis ay nabuhay at nabuhay pa rin, fresh and ever green and blooming. The historic water lily by the Pasig River.
Sa tuwing naglalakad ako sa Quiapo o kahit saan man na mataong lugar, ang pag-iingat ko ay may halong kapraningan; kung kinakailangan lang talaga. Ngunit magkagayunman, I’m more at ease na maglakad-lakad dito kaysa sa mga class na sosyal na mga mall. Anyways, hindi naman ako nag-shopping doon,a. Nais ko ng isang quiet pilgrimage sa Simbahan and trip down memory lane at the Plaza Miranda. Nabanggit ko na nga pala ang tungkol sa Mahal na Poong Nazareno sa January 2012 blog post ko na “Salamat”. The Minor Basilica of the Black Nazarene, unperturbed by the secularism, wordliness and pollution which you’ll forget once you enter her sacred portals. Day and night, people. People everywhere. Ngunit ang mga nananampalataya ang bumubuo sa Simbahan at tiyak na sang-ayon doon ang pamosong arkitekto ng nakabibighaning istruktura nito na si Juan Napkil along with the throng of workers who faithfully toiled to build this historic and lovely Church.
And then Plaza Miranda. As usual, the bustling commercial areas around it. Basta, halu-halo ang makikita. Ang lawak ng palengke at tiangge. Ah, siguro yung ibang nagtitinda ng mga ‘strange merchandise, especially the ‘scandalous bottle of dark liquid’, ay nagsilipat sa Baclaran, tsktsk! Sa labas pa naman ng Redemptorist Church,o! And the multicolored candles right outside the stairs of the Quiapo Church. Noong una ay hindi ko pansin ang mga candle shop na ito. Pero nitong mga nakaraang araw kasi, palagi kong naiisip ang magsindi ng isang kakaibang kandila... na meron pala sa Quiapo noon pa; hindi ko lang pinapansin! Bumili ako ng taglimang piso na kandila (guess what kung anong kulay), sinindihan ito habang naiisip ko ang kumpanyang iyon na may atraso sa akin. Basta... wala naman akong ill will sa pagtirik ng kandilang ito. Ang kalooban pa rin ng Panginoong Diyos ang masusunod. Amen.
Ngunit bago ako nagtungo doon sa mga kandila at balik sa Carriedo, naglakad-lakad muna ako sa Plaza Miranda dahil may iba pa akong pakay. Quiapo is indeed a refuge of syncretism (dati-rati, sa Baclaran, meron din,a!). Bukod sa mga tindero at tindera, marami rin nakapwesto doon na ‘tagabasa ng kapalaran’. Hehe, tiyak na sesermunan ako ng mga fundamentalists at mga pinakarelihiyoso at ipapamukha sa akin ang mga Biblical passages na literal na iko-quote nila to justify their crusade against the occult. Eh, gusto ko lang kasi ng BOOST OF SELF-ESTEEM sa EGO TRIP kong ito lalo pa’t may pinasan akong kalungkutan... ni wala nga akong close friend ngunit nagawa ko pa rin i-confide ang mga problema ko dito sa blog site kung saan nababasa pa ng anonymous readers; yun nga lang para akong nakikipag-usap sa hangin... eh, wala namang pakialam ang mga yun sa akin maliban na lang sa mag-usyoso sa mga sanaysay dito. Ah, oo nga pala. Soliloquies or monologues ang nilalaman ng blog site na ito, conversations with myself, right?
Sabi nung mama, ayon sa molescopy sa isang sulyap lamang niya sa mukha ko at wala naman akong sinasabi sa kanya, ang nunal malapit sa ilong ko ay naghahayag ng habit kong mangbara ng mga tao sa paligid ko; in short, mataray ako. Oo, totoo yun. Mataray ako pero may dahilan kung bakit kailangan kong magtaray. Generally, maayos naman daw ako, eh. Maayos akong makitungo, magtrabaho... pero umaabuso ang mga taong iyon na pinakitunguhan ko pa nang mabuti. Na dinanas ko raw ang hinanakit at sama ng loob na idinulot sa akin ng mga tao na iyon. Sad but true, ako’y nagiging gullible, naïve. Nabiktima na nga ako ng pagsasamantala ng ibang tao. Naisip ko nga noon pa na masyado siguro akong mabait at nagtitiwala kasi ako, eh, tsktsktsk!
Pagkatapos, binalasa na ang tarot cards, ang Major and Minor Arcana with their colorful, mysterious designs; actually, ang tingin ko dito ay mala-psychological counselling na at hindi occult tulad ng laging sinasabi dito ng fundamentalists and purists. Again, tulad ng nabanggit ko na dito, this is for a boost of self-esteem, I hope they respect me for this. The mystique of cartomancy. May nabasa ako na sa ilang bansa ng Europa, ang tarot cards ay ginagamit sa isang sinaunang card game na tinatawag na tarocchi and not just for divination. At maraming sinabi yung mama. Kahit na pansin kong nagko-contrast ang ilan niyang pahayag, sa aking katahimikan, meron akong napagtanto sa aking sarili hinggil sa ilang nabanggit niya. Oo nga, minsan sa hindi ko rin maawat na kritisismo ko sa ilang tao sa paligid ko, lumalabas tuloy na nagiging mahadera na ako, hehehe! Samantalang mature na sila upang maging responsable sa kanilang mga ginagawa at hayaan ko silang magsikap sa sarili nilang pamamaraan. Ah, siyanga pala, noong una akong sumangguni sa cartomancy dito rin sa Quiapo, may isang interpretation noon na nagpa-disturb sa akin. Meron daw isang itim na duwende na palagi akong sinusundan at nagdudulot sa akin ng kamalasan kaya tuloy hindi ko makamit ang mga mithiin ko bukod sa pagiging urong-sulong ko. Siyempre kung literal ang pagkakaunawa doon, talagang mababahala ako. Subalit sa paglipas ng ilang taon, tuluyan ko nang na-realize ang tunay na kahulugan ng pahayag na iyon ng “devil card”. Ang sinasabing ‘itim na duwende’ ay ang simbolikong negative side ng aking sarili at hindi isang supernatural entity. Ang SARILI KO mismo ang hadlang sa aking mga mithiin. Noong mga panahong iyon kasi, tila ako’y walang patutunguhan, hindi nag-iingat kaya tuloy napapahamak, padalus-dalos sa pagpapasya, at hindi muna mangarap na nang tuluyan para sa sariling pag-unlad.
Ngunit ang mga panahon na iyon ay nakatulong pa rin sa akin. Sinabi ng mama sa recent cartomancy naman na kailangan ko talagang dumanas ng mga pagsubok para ako’y maging matatag. Sa ibang matters naman, hindi raw ito ang panahon para ako’y makarating sa abroad; hindi kasi sang-ayon ang “chariot card”. Dati-rati’y ang magtrabaho sa abroad ang gusto ko sana pagka-graduate sa college pero iwinaksi ko na iyon. Nais ko rin namang makarating sa mga bansang pangarap kong marating ngunit hindi na upang magtrabaho doon kundi upang mamasyal o sumama sa pilgrimages. Kung sabagay, kahit walang pera para mag-abroad, I can always count on metaphysics and imagination. Marami pang tarot readings. Tapat na tapat ako sa aking pamilya. Ah, hindi nawawala ang lovelife. Sabi raw sa baraha, ang mahal ko raw ay isang babae ngunit hanggang friends lang kami... WHAT?! Hindi na lang ako umimik na iyon ay HINDI TOTOO. Kadiri, yuck! Appalling and dismal to my ears! Umabot na ako sa edad na ito at napagtanto ko na rin na hindi na kailangang ma-in love because savoring this single-blessedness brings me contentment and happiness people around me won’t comprehend.
Before the cartomancy session ended, three inquiries and the cards will answer that. First, yung hiling ko na maibalik na sa akin at sa iba pang kliyente ang mga kinuha ng kumpanyang iyon- mahirap (ah, kasi yung kumpanyang iyon, hindi na yata nahihiya sa dami ng taong pinabayaan). Second, may lalapitan akong isang malaking printing press para matuloy na ang pagpapalimbag sa aking mga akda- hindi rin maaari, yun ang payo ng baraha (at na-realize ko na lamang na ang printing enterprise na iyon ay may sarili nang publications na priority talaga nila tapos ang layo pa ng address nila). Third, makikilala ba ako bilang isang manunulat? Ang sagot, nagliwanag pa ang mukha nung mama sabay ngiti, oo naman! Talaga? Siguro nga na may tamang panahon kahit pa naunsyami nga ang pagpapalimbag sa aking bwena manong akda. Noong isinusulat ko ang aking mga akda, binubuhos ko talaga ang passion ko dito dahil gustung-gusto ko at nasisiyahan ako. Ah, oo nga pala. Malamang nga na kilala na rin akong manunulat sa ibang pamamaraan... writer sa anyo ng isang blogger na ang blog site ay nakatanggap na ng libu-libong pageviews kahit pa mula sa mga anonymous readers na nakikibasa lamang ng mga sanaysay dito!

Antique Tarot Cards (courtesy of Wikipedia)