This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, November 24, 2012

Kislap ng Sirius

The star Sirius during the night (courtesy of Wikipedia/author:Cristobal Alvarado Minic)

The hermit all alone
Once had spoken out
The anguish from within
They drove me away a long time ago
I got nothing against them
Except that I was just different
Outcast from their circle, unaccepted
Aloof had I became, since they built that wall first
And now, they are glancing at me again
With pitiful eyes aimed at me, they are still behind that wall
That wall they built, should I be the first to strike it down?
They hurt me first
Let me regain my ego, my dignity
From being their outcast for so long, don’t blame me
They should not blame me
Yet, this chasm cause my aches each day, the breadth of the wall they built
Is a span of light-years for me
Thus had spoken
Of the hermit all alone.


Cryptic statements of this poetry that I had composed (all rights reserved!). Perplexed? Try to decode it if you can!
***
Basta sa panahon between the last week of October and the first week of November at nabanggit ko na sa previous blogs, it’s about St. Jude’s novena, annual pilgrimage to St. Jude’s Parish within the Malacañan Palace, and blood donation through Philippine National Red Cross and Bombo Radyo at SM City Manila.
Nagkataon lang ba o sadyang totoo? Matapos kong makumpleto ang nobena ni St. Jude, nanaginip ako na nasa isang poultry farm ako. Medyo malabo na para bang magkakahalong sisiw at bibe ang sinusundan ko doon. Ayon sa isang dictionary of dreams or oneiromancy guide, ang mga sisiw ay pangitain daw ng answered prayers. Pagsapit nga ng araw na iyon ng blood donation na ginanap sa SM Manila, nakahanda na ako kung sakaling hindi ako papayagan. Nitong mga nakaraang buwan kasi, nag-aalala ako tungkol sa pagsumpong ng aking hormonal imbalance na matagal na ito. Way back in 2004-2005, (excuse me, the following statements here got nothing to do with that RH Bill!) niresetahan pa ako ng oral contraceptive pills at sinundan pa ng estrogen replacement therapy para malunasan yun; hindi nakabuti ang mga gamot na yun sa akin (hindi ako pinayagang mag-donate noong 2005 dahil sa low bp ko; suspetsa ko ay dahil sa pills na iyon taken months before) and then in the summer of 2006, dinanas ko ang pinakamahahaba at pinakamalala kong ‘heavy days’ na tila hindi maawat; awa ng Panginoon, kahit napakaraming dugo ang nasayang noon na ikinahina ko pa, hindi ko naranasang matumba dahil dito. Humupa ang ‘tsunami’ at napayapa ang ‘storm surges’ sa pag-inom ko ng traditional herbal brew na inireseta ng isang Chinese doctor sa Binondo na nirekomenda sa amin noon ng aming kamag-anak.
Mayroon nga akong history ng anemia at madalas na low bp pa. Minabuti kong uminom ng food supplements, lalo na ang may iron. Kailangang ipagpatuloy ang pagiging clean living and healthy lifestyle. Bago ang initial tests, merong mabusising oral and written interview. Pero napansin ko na inalis ang ilang tanong sa interview sheet tulad ng mga ‘interrogation’ kung ang donor ba ay homosexual na nagkaroon ng homosexual activities o di kaya’y na-involved sa promiscuity. Ewan kung out of ethics ba kung bakit wala nang ganoong tanong or baka magsinungaling ang donor kung halimbawang totoo pala yun sa kanya, hehe! Matapos ng initial tests, wala naman palang dapat ipag-alala. Maraming salamat sa Panginoon para sa pagkakataong ito na muli akong ma-qualify. Kahit na medyo nangingilag pa rin ako sa blood tests at pagkabit ng blood bag, matapos ang extraction at bigyan ako ng meryenda, hindi ko nadamang nabawasan ang aking stamina o sigla. Magaan ang aking pakiramdam na pwede pa akong umakyat nang patakbo sa LRT Central Station; ay, bawal nga pala yun doon.
And a week later, the pilgrimage. St. Jude is a great friend. For the third time ay nakapamasyal din muli ako sa complex ng Malakanyang, lalo na sa Arlegui-Jose P. Laurel side, doon sa may gate at pader ng Laperal Mansion. Doon, sariwa ang hangin kasi maraming puno kaya lang, ang daming nakaparadang sasakyan nang hapon na iyon at mausok pa. Mula sa mahahabang lakaran sa Quiapo at pagbaba mula sa dyip sa San Miguel, pagdating ko sa nabanggit na Simbahan at maalinsangan pa ang panahon, sa totoo lang, ang baho ko na, hehehe... but that didn’t matter, doon ako sa sulok at nag-iwan ng novena copies gaya ng gawa ng iba pang dumarayo doon.
Siyanga pala, noong Dugong Bombo event, hindi nawawala ang entertainment habang nagaganap ang blood donation activity; siyempre sponsored din ng Bombo Radyo at 102.7 StarFM. Mahaba ang pila ng donors at habang naghihintay, merong live performance sa stage. Pang-akit ba; kaya lang aaminin ko na hindi ko yun ma-appreciate. Napakalakas kasi ng sound system nila at natutulig ang mga tenga ko na baka ma-tense ako nito at maapektuhan ang dugo ko. Ewan ko kung halatang-halata ako na nagtatakip ng mga tenga nang nagtanghal itong banda na “All For Patricia” tapos yung babae nilang bokalista bumaba pa ng stage. Medyo kinabahan ako na baka lapitan ako at sa harap ko pa mismo kumanta. My sincere apologies to that band yet they’re still cool.
***
Pabalik-balik nga talaga sa TV ang ilang animé. Minsan, nanood din naman ako ng “Inuyasha” na unang ipinalabas sa channel 2 years back tapos lumipat sa channel 7. Kaya lang, mas maganda pa rin ang anyo ng pagiging taong-lobo ni Dennis (Japanese name: Kurama) ng “Ghostfighter” (Yu Yu Hakusho). Pero may isang animé sa Hero na bagamat napanood ko na noon sa AXN (English subtitles lamang noon; pansin ko sa karamihan sa mga shoujo motif animé, yung boses ng mga bidang babae ay high-pitched na may pagka-squeaky), I can’t help na subaybayan ito lalo pa’t malapit na itong matapos. Ito yung “Ceres, Celestial Legend” (originally called “Ayashino Ceres”) na wala namang koneksyon sa Roman mythology o pangalan ng isang asteroid at lalong walang kinalaman sa isang local bus liner na biyaheng probinsya. Same author din as “Fushigi Yugi” na si Yuu Watase ang naturang animé ngunit mas kaunti ang episodes but with more violence and bloodshed and consummate, steamy love affairs. Ang mga tauhan ay hindi rin nalalayo ang itsura sa mga taga-Fushigi Yugi. Other matters, akala ko ba naman tuluy-tuloy na ang “Sailor Moon” sa Hero channel sa halip yung western-inspired look ng “Trigun” ang mapapanood doon; 2001 pa yun sa channel 7 na mala-fashion icon si Vash Stampede. Doon din pala sa Hero, merong “Dubbers’ Cut” previews. Noon pa ako familiarized sa trabaho ng mga Filipino dubbers and voice talents sa radyo man o sa telebisyon. Siguro masayang trabaho yun, hehehe!
***
Joseph Mallord William Turner's The Erruption of Vesuvius (courtesy of Wikipedia)

Volcanic temper. Una kong nalaman ang tungkol sa term na ito sa photo caption na nabasa ko sa April 2012 issue ng OK! Magazine na tungkol sa hiwalayan umano nina Heidi Klum at Seal dahil daw sa “volcanic temper” nung huli na masamang halimbawa sa mga anak nila. Ako rin pala, may volcanic temper sa totoo lang lalo pa’t sa uri ng hanapbuhay ko na nakakabit na yata dito ang stress and tension. Tsktsktsk!
***
Kailangan talaga na kapag tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas ang itinuturo sa asignaturang HEKASI, hindi dapat one-sided or biased. Sa Ikatlong Markahan, matapos ang talakayan tungkol sa Pamahalaang Komonwelt at kay Pangulong Quezon, kasunod na ang Panahon ng mga Hapones. Minsan, habang may talakayan ay nagdrowing din ako sa pisara ng itsura ng isang World War II sundalong Hapones in complete uniform ngunit ang kanyang mga binti ay... sakang. Alam naman natin na may ilang unpleasant terms ang nagsimula ng panahon na iyon dulot ng mga sitwasyong dinanas ng mga Pinoy noon at may napanood pa ako sa TV na ilang war video footages kung saan mapapansin talaga na marami sa mga Hapones na sundalo ang sakang ang mga binti lalo na kung naglalakad. Ay, oo nga pala, meron din namang sakang sa ibang lahi, a! Meron din mga Pinoy ang sakang. Sinasabi na dahil daw yun sa paraan ng pagkarga sa kanila noong mga sanggol pa at medyo malambot pa ang mga buto. Well anyway, going back to history, very enjoyable thing to do especially if you’re a history buff. Iwasan lang ang prejudices. Tulad na lang sa mga paksa tungkol sa pananakop ng mga dayuhan. Lalong pinakulay ng mga Espanyol ang ating kultura at sila rin ang nagpaningas sa damdaming makabayan nating mga Pilipino sa kabila ng di-mabuting ginawa ng marami sa kanila. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kapuri-puri ang mga impluwensya at idinulot ng mga Amerikano sa kamalayang Pilipino dahil may mga patakaran mismo sila na mapagsamantala. At pagdating sa mga mananakop na Hapones (iba yung mga mangangalakal at manlalakbay na Hapones noong pre-Hispanic period,a!), mas marami talaga ang atrocity cases ng mga ito however in our discernment and proper understanding, were all wartime Japanese soldiers that wicked? Again, huwag lang mapuno ng prejudices ang aralin na baka mag-spark ng japanophobia; kaya lang may mga files ng ilang kritiko na pati sa kasalukuyang panahon, doon sa Japan, may mga school textbooks daw ‘white-washed’ ang history lessons kung saan mas natututukan ang pagiging ‘biktima’ ng kanilang bansa noong digmaan, especially the sacrifice of Hiroshima and Nagasaki, at hindi naman nababanggit na ang ‘pambibiktima’ at war crimes mismo ng kanilang mga hukbo sa mga sinakop na bansa sa Asya at Pasipiko tulad ng Pilipinas. Sa mga aralin tungkol doon, kailangang maipaliwanag nang maayos na sa bawat digmaan, walang tunay na nagwawagi sapagkat lahat ay sawi. Bukod doon, may iba pang aralin. Tulad na lang pagdating sa Ikaapat na Markahan, ang tungkol sa Batas Militar. Kaya lang, higit na nakabubuti na step on the gray line- don’t preach like an anti-Marcos nor a pro-Marcos.
After all, it’s history which has the ultimate judgment on events from the past, within the present, and on the future to come.