This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, January 19, 2013

Breezy, Pleasantly Cold Moments For Soliloquies

16th century Boxer codex depicting an ancient Tagalog couple of the noble class (courtesy of Wikipedia)
The Philippine Eagle Pithecophaga jefferyi (courtesy of Wikipedia,Flickr,and its author scorpious18)
Noong isang araw lamang nag-premiere ang epicseryeng “Indio” na pinagbibidahan ni Senador Bong Revilla sa GMA-7 matapos ng halos oras-oras na promotion dito sa mga network commercials buhat pa noong Disyembre. Siyempre dahil kakaiba muli ang kwento ay inabangan talaga ng die-hard Kapuso viewers. Tungkol muli ito sa sinaunang lipunan ng mga Pilipino tulad noon sa “Amaya” at mga Bisaya muli ang mga tao dito subalit ang pinagkaiba nito ay inilalarawan din ang kalagayan ng ating mga ninuno sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Espanyol. Ahas na actually isang imported North American corn snake ang istariray na hayop sa “Amaya” samantalang sa “Indio” ay isang agila na ating pambansang ibon kahit na computer animated lamang ito.
Ipinatupad noon ang sistemang encomienda na talagang nagdudulot ng pang-aalipusta ng mga mananakop sa mga katutubo; marahil napapraning noon ang mga mapagmataas na Kastila kaya kinailangan pa nilang paghigpitan ang mga sakop nila hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pa nilang teritoryo sa Gitna at Timog Amerika at baka magsipag-alsa ang mga ito. Ngunit lahat ba ng mga Puting balbasin na mga taong ito ay ganoong kalupit at masasama na at ginagawa lamang maskara ang relihiyong hatid nila sa bawat sakop nila? FYI: may mga makatao rin naman tulad ni Padre Bartolomé de Las Casas ng Hispaniola Island sa Caribbean noong 16th century na ipinaglaban ang pagsasawalang-bisa sa encomienda dahil labis nang nagdurusa ang mga Indios doon. At saka nga pala, noong Grade 5 ako at sa aming asignaturang HEKASI, nang una kong mabasa ang salitang encomienda ay inakala kong pagkain ito dahil tunog-pagkain talaga. Well, ito pala ay mga teritoryong ipinagkaloob sa mga pinuno ng conquistadores na paghuhugutan nila ng iba’t ibang buwis at sapilitang pagggawa.
Tila magiging melodramatic naman ang takbo ng “Indio” tulad sa iba pang soap opera o teledrama- ah, the wicked, wicked Spaniards and the “dakilang api” Indios kung iyon ba ang nais palabasin ng mga writers. Tunay ngang malulupit ang trato noong mga panahon iyon ng mga Kastila sa mga Pilipino, Aztec, Inca, Aprikano, at sa marami pang mga sinakop nila at hindi ito pinabubulaanan ng mga historians na objective o patas sa kanilang pagsasalaysay. Sa drama na “Indio”, okey lang na may mga elemento at temang pantasya at supernatural, huwag lang sana haluan ng mga one-sided views and prejudice ang takbo ng kwento na magpapasiklab nang ganoon na lang sa nag-aalab na damdamin ng mga makabayang manonood na lalong kamuhian ang mga Kastila na para namang masasamang nilalang na ang lahat ng mga ito at wala ni isang naiambag na mabuti sa pagpapayaman ng kultura ng ating lahi. Kung si Jose Rizal nga ay unbiased ang pananaw sa kanyang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” sa paglalarawan sa iba’t ibang tauhan, Kastila man o Pilipino, kasama rin ang mga Tsino. Ngunit papasimula pa lang naman ang “Indio” sa primetime. Marami pang kabanata na mapapanood, huwag mag-alala. :)
***
Chen Hongshou's portrait of the great poet(circa 17th century)-courtesy of Wikipedia
...there were five willow trees by his house so he was fondly called “Mr. Five Willows” and he was quiet and reserved, not envious of high position or great wealth.
...but he lived in peace. Sometimes he entertained himself by writing to show his ideas and he never cared for gain or loss.

These are excerpts from the prose, “Mr. Five Willows” which is included in the cute little paperback “Chinese Analects”, a collection of short and witty tales from ancient Chinese literature compiled by Thomas C. Sy and published by Merriam-Webster Bookstore whose branch along Avenida Rizal in downtown Manila is where I bought the said booklet. “Mr. Five Willows” is like the summary of its original version, “The Biography of Master Five Willows” written by one of the greatest nature poet, T’ao Yuan-ming, the courtesy name of T’ao Ch’ien (AD 365-427) who was said to be a former government official who left politics and fame to live a frugal, peaceful life in his farm.
Masaya pa rin ang payapa at simpleng buhay na hindi na naghahangad ng mga bagay na hindi naman nakatakdang mapasaiyo. Yeah, ganoon din ako. Mahilig magbasa si Mr. Five Willows at madalas siyang magsulat upang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ideya at ganoon din ako. Yun nga lang ay manginginom ang ating bida lalo pa kung naimbitahan ng mga kaibigan and always bottoms up... a big no-no for me!
***
St. Agnes by Domenichino (courtesy of Wikipedia)
Pre-Raphaelite painting:John Everett Milais' "Madeleine" for John Keats' poem "Eve of St. Agnes" (courtesy of Wikipedia)
Nalaman ko lang ang tungkol sa St. Agnes’ Eve by chance sa diksyunaro nang may hinahanap akong kahulugan noon. Pamagat din ito ng isang nakabibighaning tula ni John Keats. Tuwing gabi raw ito ng ika-20 ng Enero at kinabukasan, ika-21, ang kapistahan at paggunita sa martyrdom ng ancient Roman Christian girl. Ang tinaguriang “St. Agnes’ Eve” ay sinasabing medieval superstition umano- na ang isang babae (maaari rin kaya kung lalaki para fair?) ay mapapanaginipan ang kanyang mapapangasawa matapos humingi ng tulong kay Santa Agnes. Woah, get it, singles who are looking for the one that should never get away? Aba’y hindi ako kabilang sa kawan ng mga iyon, ano? At saka, pamahiin yun... kung babasahin muli ang talambuhay ni Santa Agnes, namatay siya na teenager and single. May isang Romanong lalaki na balak siyang iligtas mula sa persecution sa mga kondisyon na iiwan niya ang Kristiyanismo at magpapakasal dito kahit hindi niya ito mahal. Ngunit inalay na niya ang kanyang puso sa Panginoon at hindi na ito maaagaw ng kahit na sinong lalaki kaya sinapit din niya ang kapalaran ng iba pang kapanalig. Steadfast siya sa kanyang pananalig at hindi naman siya marriage counsellor noon kaya bakit may pamahiin pang iniuugnay sa kanyang pangalan?
***
gender symbols (courtesy of Wikipedia/Kyle/Lexicon)
Kasama raw sa probisyon ng RH Bill na ngayon ay ganap nang batas (harinawa, ang batas na ito ay huwag magkaroon ng mga butas dahil sa pag-abuso o maling pagpapatupad dito na magdudulot lang ng kasiraan sa mga Pilipino sa halip na benepisyo; sa bansa natin kasi, maraming batas ang butas tulad ng narinig kong linya sa isang lumang pelikulang aksyon na pinagbidahan pa yata ni Bong Revilla), kasama raw sa mga probisyon nito ang pagbibigay-diin pa sa sex education sa high school. Kapag nababanggit ang sex ed, may ilang tao na ang dumi ng iniisip. First of all, ano ba ang sex? Hindi ba, kasarian or gender? Male and female? Masculine and feminine? Nai-integrate din ang ilang terms nito sa mga subject na Science (especially tuwing first grading period) at Home Economics ng mga batang nasa Ikalimang Baytang sapagkat patungo na sila sa age of adolescence at nagpapaalala’t nagbubukas sa kanilang isipan na pag-ingatan ang kanilang mga sarili at i-treasure ang kanilang puri.
Mayroong role dito ang mga guro. Nitong isang araw lang, kabilang sa mga paksang tinalakay sa HEKASI ang tungkol sa paglaganap ng mga suliraning pangkabuhayan noong Ikatlong Republika at magpasahanggang ngayon ay pasanin pa rin ng ating bansa. Nabanggit na isa sa mga dahilan ng mga suliraning ito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon. Sa mga pagsisikap ng pamahalaan na solusyunan ang mga suliraning ito, kabilang na ang pagpaplano ng pamilya. Family planning? At dito, naging mas masigla ang talakayang angkop sa edad ng mga mag-aaral sapagkat ito’y reyalidad ng buhay. Sa family planning, bahala na ang mag-asawa kung ilang anak ang kailangan nila, marami o kaunti basta panagutan nila. Hindi kasama ang aborsyon sapagkat itinuturing itong krimen sa ating bansa lalo pa’t pinag-aralan na ng mga bata sa Science nila na ang buhay ng tao ay nagsisimula sa pagsasama ng sperm at egg cell. Ang mga batang ito ay patungo na sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata kaya wala namang masama kung habang maaga pa lang ay bigyang babala na sila na huwag makalilimot na respetuhin ang sarili at ang kapwa lalo na kung nasa wastong panahon at nasa gulang na sila upang makipagrelasyon. Dumarami na kasi ang kaso ng teenage pregnancies and parenthood; mga kabataang napariwara, nakalimot sa pangangalaga sa sarili at sa kanilang puri o di kaya’y nagabayan naman marahil nang maayos subalit sadyang pangahas, mapusok, at mataas na ang tingin sa sarili na hindi iniisip ang mga konsekwensya ng kanilang mga pinaggagawa.
Harinawa, ang mabubuting payo at gabay sa paaralan at tahanan ay huwag mabubura sa isipan ng mga batang iyon.