posted last March 2014 (comment added-November 3, 2014)
“If you are thinking a year ahead, sow a seed.
If you are thinking ten years ahead, plant a tree.
If you are thinking one hundred years ahead, educate the people.”
~Kuan Tzu, 7th century B.C.~
Una kong nabasa ang napakagandang ancient Chinese proverb na ito sa isang full page advertisement na lumabas sa Manila Bulletin noong Pebrero 13 tungkol sa bagong tatag na Henry Sy, Sr. Building sa De La Salle University-Taft (dating damuhan yun na parang football field)... walang-wala itong kinalaman sa UAAP; pakialam ko sa mga palaro ng mga unibersidad na yun, hehehe!
View of the three schools: Villamor Air Base Elementary School(left), Pasay City South High School(middle), and Philippine State College of Aeronautics(distant right)
Field demonstration of VABES pupils last March 1
Preparations for the graduation
Pagtatapos 2013 sa Villamor Air Base Elementary School (VABES)
Napakalayo talaga ng mga paaralang iyon at madalas na nagsasabay-sabay sa paglalakad pauwi sa kahabaan ng driving range ang mga nasa elementarya, hayskul, at kolehiyo. Kaya lamang ay may napansin akong mga hindi kanais-nais na panoorin na makailang beses pa doon sa mga pinakadulong kalye ng Villamor Air Base na patungo na sa mga paaralan ng VABES, PCSHS, at PHILSCA. Marami doon tindahan na malimit pinagtatambayan ng maraming estudyante lalo na pagkagaling sa eskwela. Bili dito, bili doon. Lamon dito, lamon doon. Yosi dito, yosi doon... damn! Wala nang pinipiling edad yan, gusto kasi nilang tumanda agad- nasa college, pati mga hayskul, at ang masama pa nito, meron nang mga nasa elementarya pa lamang na mga batang musmos na mala-tambutso na ang mga bunganga, sunog-baga na at pumipila na marahil sa hanay ng future pasyente ng TB o kanser. Paano, yun siguro ang nakikita nila sa kinalakihang kapaligiran nila.
Meron lang akong heavy regrets na may halong guilt mula sa nakaraan. May tindahan kami noon, eh. Kaya tagatinda rin ako ng mga yosi. Ang engot ko noon. Akala ko ay inutusan lang ng mga nakatatanda ang ilang bata na bumili ng sigarilyo; yun pala, sila mismo ang gagamit nito. May batas pa naman na nagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa isang menor de edad kung ito pala ang kokonsumo. Tsktsktsk, kaya nang lalo ko yung napagtanto, ini-interogate ko na muna ang mga batang bibili lalo na yung mga hindi ko kilala. At least, may naitama naman sa ilan kong pagkakamali nang tinanggihan kong pagbilhan ng sigarilyo yun ibang bata at malalanding babae at lalaki na hayskul pa lang kahit mabanas pa sila o mangulit, silang mga hitad! Hehe... pero kahit na, naging yosi vendor pa rin ako dati! Tulad ng mga may tindahan doon sa mga dulong kalye na iyon ng Villamor, naisantabi ang ethics and health awareness sa ngalan ng consumerism o pera galing sa benta!
(This uploaded satirical drawing was added on May 8, 2015 at pareho ng isa sa mga naka-upload sa "Provocative" blog post ng November 2014)- bato-bato sa baku-bakong kalsada
The full moon last February 25
Kasi HEKASI ang subject load kaya tuwing Pebrero, kinagawian ko nang isalaysay sa abot ng aking makakaya ang tungkol sa makasaysayang EDSA People Power Revolution bago yung araw mismo ng anibersaryo nito. Malaking tulong talaga ang “People Power” na aklat na puno ng black and white na larawan at reflections buhat sa iba’t ibang personalidad. Nakadikit pa nga dito ang tag price na 190.00 pesos (originally priced as 200, great bargain at binili pa ito sa National Bookstore- Baclaran na wala na ngayon). Family treasure na ang aklat na ito kasi na-tresure na dito ang lahat ng alaala ng mapayapang pagbabago sa bansa noong 1986.
***
Patapos na ang school year 2012-2013, wala akong advisory class kaya walang uploaded class picture dito di tulad sa natutunghayan sa March blog posts ng mga nakaraang taon.
Freedom of expression here and democracy rules. Siguro kung sakaling may mga makakabasa dito na kilala pala ako o namumukhaan man lang, wag akong babanggitin sa tsismis, i-misunderstand, o mapre-judge na. Ibang klase lang kasi ang trabaho ko na may maraming expectations o inaasahan. Ginagawa ko naman ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya. Ibinubuhos ko ang aking passion sa aking career alang-alang sa mga bata; mag-low level man ang stamina ko o frustrations kadalasan ang balik sa aking tiyaga ngunit ang dedikasyon ay patuloy sa pag-aalab... basta para sa kanila. Hehe, titser... pa naman... akong naturingan. Titser na hindi mukhang titser at madalas hindi kumikilos na tulad sa isang titser; baka ako ireklamo sa ganitong prangkahang pananalita. Hoy, blogs ko ito, ha, kaya sasabihin ko ang mga trip kong sabihin basta maingat. Hindi ako palakwento doon, eh. Hindi ako ma-PR; basta actually, I’m just some boring colleague. Alam ko ang mabuting pakikisama. Hindi naman ako masamang tao. Yet may weirdness, my long been admitted weirdness, along with my naturally reserved personality usually brings the discomfort to people around me and I’m so sorry if I’m this kind of person... but this is the real me.
Freedom of expression and democracy rules. Siguro, kung halimbawa lamang na tadhana ko ang isang career change, marahil kung hindi ako guro ay isa akong manunulat. Fiction writer na sa totoo lang ay noon ko pa pinangarap. Pero maaari naman na walang ma-kompromiso. Sige, tuloy ang pagiging weird but dedicated and impassioned teacher; and then go on moonlighting as a writer which makes me so happy...
***
Map of the Great Serpent Mound at Ohio, USA (courtesy of Wikipedia/ original uploader-frei-daniel)
Ang African egg-eating snake pagkatapos kumain ng paborito niyang itlog (courtesy of Wikipedia/Mond76)
***
Ang acronym pala nitong karapatang pantao na ito, ang “freedom of expression” ay “f.o.e.” at nasa hiatus pa naman ang isyu tungkol sa “anti-cybercrime law” na tinututulan ng marami dahil may mga probisyong nagsusupil umano sa malayang pagpapahayag. Hindi ko sasabihin dito kung ako ba’y pabor o hindi doon. Basta, may prinsipyo na ang bawat karapatan ay may katumbas na tungkulin. Maging responsable sa pagtamasa ng “freedom of expression” kasi kung ito’y aabusuhin ay talagang magkakaroon ka ng maraming “f.o.e”.
Foe, synonym for enemy, get it?
Sa Malaysia raw, ang pamamahayag doon ay hindi raw kasinglaya ng dito sa Pilipinas. At nakakalungkot ang nangyari sa Filipino community sa Sabah, tsktsktsk!
***
After “Gangnam Style”, may “Harlem Shake” naman! Teka lang nga. Tandang-tanda ko na noong 2005 ay may nauso nang sayaw na tinawag na “Harlem Shake” or simply “Harlem” at isa itong cool hip-hop dance na may maayos na choreography na minsan ay sinasamahan pa ng strut or breakdance hindi kagaya ng nauuso kuno ngayon na very unruly, anything goes dance crap. Ah, hindi ako mahilig sa sayaw, ano? Kung uso sa inyo ang “Harlem Shake”, eh di uso. Problema na yan ng mga tumbong niyo, hehehe...
***
May naalala ako mula rin sa mga dating TV show na pinanood ko noong 1998 na hindi ko lang sigurado kung isa ba yung segment ng “Wow!Mali” ng ABC-5 (now TV5) o sa copycat nitong “Wow!” doon sa IBC-13. Mga practical jokes at minsan ay nagkaroon ng on-the-spot contest kung saan ang segment host ay tatanungin ang mga lalaking contestant tungkol sa isang bahagi ng katawan nila at huhulaan nila ito within 5 seconds at kapag hindi nasagot ay dadakmain yun ng host. Ang pinahuhulaan ay ganito: anong body part na may 5 letra, nagsisimula sa “B” at nagtatapos sa “G”? At yung mga lalaki, pagkarinig pa lang doon ay nataranta na sa kaiisip at pagkatapos ng 5 seconds ay dinakma na ng host ang kanilang... BISIG! May sumagot sana ng ‘baywang’ pero 5 letters dapat, ano? Mayroon din kahalintulad pang tanong: ano itong bahagi ng katawan na magkapares na 4 letra, nagsisimula sa “S” at nagtatapos sa “O”? Ang sagot... eh, di SIKO. =Þ
Ibang klase rin na mga show na halu-halong kwela na korni na puno ng kabalbalan pero ako’y napatawa pa rin. Tulad nung elevator na pagbukas mo ay may inidoro sa loob at may lalaki pang nakaupo dito. O yung isang seksing tsik na pasahero sa dyip na naka-sleeveless at kapag itinaas niya ang braso niya ay naghahabaan ang buhok niya sa kili-kili. Sa isang beauty parlor naman, merong promo na libreng foot spa at kung kailan sarap na sarap na ang kostumer sa pagbabad ng paa ay may dumating na lola na nagmamadali at kukunin ang foot spa set na arinola raw niya. Meron isang challenge kung saan ang mga contestants ay nasa palengke at hinahamon na lapitan ang isang maton na matadero doon at pasikretong hipuin ang pwet nito. Karamihan ay takut na takot lalo pa’t may dala itong malaking itak pero ang mga naglakas-loob ay tinupad ang challenge (may magalang na nagpaalam pa) sabay karipas ng takbo nang bigla silang hinabol nung mama sa buong palengke; kasabwat naman yung mama, ano? Hehehe!
***
Pope Francis (courtesy of Wikipedia/ Presidência da Republica/Roberto Stuckert Filho/ Agencia Brasil)
Kung sa worldly politics, the “dark horse candidate”. Sa nabasa ko naman na isang komentaryo sa diyaryo, the obscure cardinal elector who was never mentioned (in the news) among the most “prospective” in the conclave likely to succeed Pope Emeritus Benedict XVI, reminds us about a teaching of Christ – “the first will be the last and the last will come first”. White smoke from the Sistine Chapel chimney... presenting the Argentinian Cardinal Jorge Mario Bergoglio, now Pope Francis.
Many centuries had past yet the humility of St. Francis of Assisi continues to be imitated and admired by generations and included among these is Pope Francis that’s why he had chosen that name. “Come and rebuild My Church”, a voice he heard in a vision. Ang parehong pahayag na nagsilbing hamon sa bagong talagang Santo Papa para sa lagay ngayon ng Simbahan, partikular sa maraming lugar sa mundo. Let us also include the new pope in our prayers.
By the way, noong conclave, nakita ang ilang ligaw na seagulls na dumapo sa Sistine chimney. Si Pope Francis ay tagahanga ni St. Francis of Assisi na patron ng ecology and animal welfare at mayroong isang medieval painting by Giotto di Bondone which depicted the saint (according to a legend) preaching to the birds. Arrival of the Sistine seagulls, coincidence or sign from above?
***
Kasabay ng papainit nang panahon ay ang lalong papainit na election fever sa bansa. Araw-gabi, kampanya at hayaan ko na lang ang mga tumbong nila. Basta ngayon pa lang, pinagpapasyahan ko na kung kani-kaninong pangalan ang isi-shade sa balota pagdating ng araw mismo ng halalan. Campaign extravaganza. At ang madalas na pinagbabasehan lamang ng maraming botante ay ang kasikatan lang ng mga kandidato. Noong mga nakaraang araw, “Team Patay-Team Buhay” issue sa diocese of Bacolod. Ayon sa kanila, hindi naman yun pag-eendorso o pagbabalewala sa mga kandidato basta may kinalaman lang sa paninindigan sa RH Bill. Wala namang religious bloc voting sa Simbahang Katoliko. Separation of Church and State. Religious vote? Political lobbying? Kailan ba tunay na nangyayari ito? Bloc voting, hmmm, sa ibang relihiyon meron nito. Panahon na naman ng panunuyo ng ilang kandidato sa ilang religious leaders upang iendorso sila. Wait up, naulinigan ko ang opinyong ito mula sa ibang tao tungkol sa endorso-endorso na iyon. Sabi nila, hindi naman siguro lahat ng kasapi o miyembro ay sumusunod sa panghihikayat ng kanilang religious leader kasi may sarili rin namang pagpapasya ang mga ito. Tapos, yung paniniwala or mindset na kaya nananalo ang ilang kandidato dahil umano sa religious endorsement ay mala-propaganda lamang. Para raw pagkokondisyon sa paniniwala ng madla na ‘susi’ raw sa tagumpay ng ilang kandidato ang ginawang pag-eendorso ng mga lider sa kanilang mga kasapi.
Hay, demokrasya... siyanga pala, the word “propaganda”. Minsan ay nabasa akong glossy general reference book na kabilang sa features nito ay tungkol sa isang religious denomination. Ang contributing writer nito ay proud na proud sa success story ng kanyang relihiyon sa bansa. Lumaganap na raw kasi ang kanilang churches sa maraming lugar na dati-rati ay “Catholic Church-dominated landscape” daw, including Rome (baka naman sa sunod, iuulat ng manunulat na ito na meron na rin silang simbahan malapit sa Ganges River or sa Tibet, ha?). Ayon sa kanya, kapansin-pansin ang kagandahan ng mga simbahan at samahan nila di tulad ng mga “dilapidated” nang mga simbahan ng mga Katoliko at iba pang relihiyon. Dumami raw ang kanilang miyembro kasi sa relihiyon daw nila matatamo ang tunay na kaligtasan and the rest are damned ayon sa turo sa kanila. Sigh...
No mentioning here ng ilang denomination, ha? Their TV shows and reading materials are filled with propaganda frequently. As a believer of ecumenical and interreligious mutual respect, their so-called “preaching” which harbors religious hostility and even bigotry makes me sad.
Bakit ba iba’t iba ang version ng Bibliya? Latin or Vulgate, Septuagint, King James, New International or Revised Authorized... ganoon ba ka-importante ang version? Eh, iisa lamang ang diwa ng lahat ng ito. At naroon pa ang sari-saring interpretasyon o exegesis ng sari-saring tao. Ang pagkakaunawa ng isa ay iba naman doon sa iba at humahantong pa sa tunggalian kung sino sa kanila ang tama at sino ang mali.
Minsan ay nag-channel surfing ako at napanood ko sandali ang TV show nitong isang religious leader and his usual “Bible-quoting prowess” upang maging basis or magdya-justify sa mga pahayag niyang naglalayong ituro ang para sa kanya’y pagkakamali sa mga paniniwala ng kanyang kapwa-tao. Well, karapatan niya ang malayang pagpapahayag ngunit tungkulin naman ng kanyang mga kapwa-tao na maipagtanggol naman ang pananalig nila mula sa ‘karapatan’ niyang iyon, di ba? Tulad nitong usual ‘idolatry accusation’ niya dahil sa pagka-focus niya sa Exodus 20:3-5 na nagsasaad na “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa”. At literal na literal ang pagtanggap ng ilang tao dito...
Ito’y mga quotes mula sa Catholic apologists tulad ni Fr. Paul Kaiparambadan na isa sa mga naunang nag-akda ng lathalaing “Alamin ang Katotohanan” na ang Tagalog version ay hindi na yata available sa bookshops ng St. Pauls. “kung literal na tatanggapin ang mga salitang iyon, masasabing ipinagbabawal ng Diyos ang lahat ng uri ng sining at arkitektura sa mundo... lahat ng sining ay kalarawan at kawangis ng sansinukob”
“ang totoo, ipinagbabawal ng Diyos ang mga huwad na diyus-diyosan na makikikta noon sa mga paganong kultura/ naniniwala sila na ang mga istatwang iyon mismo ang kanilang mga diyos”
“subalit hindi ipinagbawal ng Diyos na gamitin ang mga estatwa sa mga lugar ng sambahan na makatutulong sa mga tao na madama ang presensya ng Diyos...”
“Ang tunay na Biblikal na kahulugan ng idolatriya ay hindi pagbabawal sa mga estatwa at mga larawan... ito ang pagbabawal na sambahin ang mga huwad na diyus-diyosan at paggawa ng kasalanan... tulad ng winika ni San Pablo sa Col 3:5- “Patayin niyo ang anumang makalupa na nasa inyo: pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman na ito’y pagsamba sa mga diyus-diyosan.”
Doon din sa Exodus, mababasa rin doon ang instructions o utos ng Panginoon kay Moses sa pagtatayo ng pook-sambahan ng mga Israelita, ang Tabernacle. Ang mga tamang sukat ng haligi at mga silid pati ang mga kasangkapan at si Aaron na kapatid ni Moses ang high priest. At ang pinakatampok dito ay ang “Ark of the Covenant”, isang malaking kahon kung saan nakalagak ang stone tablets ng Sampung Utos at ang consecrated manna. Ito ay may takip kung saan may dalawang rebulto ng ginintuang anghel o kerubin. Ito ang pinaniniwalaang komunikasyon ni Moses sa kaitaasan. Ang Tabernacle ay may balabal o kurtina na ang binurdang disenyo ay mga anghel din.
Sa Numbers naman mababasa ang tungkol sa tansong rebulto ng ahas na nakalingkis sa poste na ipinagawa ng Panginoong Diyos kay Moses dahil muli Niyang kinaawaan ang mga mareklamong Israelita na pinagtutuklaw ng mga ahas sa disyerto. Sa pagtingala nila sa rebulto, sila’y gumaling at ang tagpong iyon ay binanggit din ng Panginoong Hesu-Kristo sa Kanyang pangangaral. Ang mga sinaunang Kristiyano (matagal na panahon bago pa ma-compile ang Bibliya) ay merong iconography na may religious importance tulad ng isda, ang Krus, at ang mga dila ng apoy at yaong puting kalapati na sumasagisag sa pagsapit ng Holy Spirit noong Pentecost.
May kahabaan ang diskusyon tungkol doon na mababasa sa “Alamin ang Katotohanan”. Sana muling maglathala ng ganito ang St. Pauls.
Paintings to remind us of the season
Hieronymus Bosch's Ecce Homo or Behold the Man (courtesy of Wikipedia)
The Crucifixion by Giotto di Bondone at Rimini (courtesy of Wikipedia)
Gustave Moreau's Pieta
Rembrandt Van Rijn's The Resurrection of Christ (courtesy of Wikipedia)