A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Sunday, September 8, 2013
Samizdat Publications: My Little Blue Book
Presenting the Pork Barrel Tapeworm
Pahabol sa mga protests against the pork barrel scam. A tapeworm with its colony of money-laden proglottids seems to be an excellent metaphor. Galing naman daw kasi sa ‘dirty uncooked pork’ ang ganitong parasite na hinango mula sa filthy sources and infestations made by some corrupt people laban sa bansa at sa sambayanan at isang araw ay babalik din ito sa kanila.
***
Nagpasya sina Bridget at Lorenzo na mag-cool off. Pansamantala muna nilang pinalaya ang isa’t isa at upang kilalanin naman nila ang kani-kanilang sarili. Subalit ang simpleng cool off ay naging kumplikado nang dumating sa buhay ni Bridget si Leona, isang kamag-anak ni Lorenzo at mabilis na napalapit sa kanya’t nagkaroon pa siya ng kakaibang damdamin para dito sa kabila ng pagkakaroon na nito ng boyfriend, si Harold.
Naiibang pakikipagsapalaran ito ni Bridget sa pag-ibig at pagkakaibigan at sa huli, mari-realize na niya kung sino ang nais niyang makapiling buong buhay niya. (prologue ng “Dalawang Babaeng Umiibig” na mababasa sa back cover ng pocketbook nito)
Sa wakas, naipalimbag na ang bwena manong akda na ilalathala ng inyong lingkod. Dalawang beses ko na ngang binasa ang inside pages nito... medyo napahiya ako. May mga teeny-weeny typographical errors lalo na yung di-sinasadyang misspelled word na hospitality sa kabanata 9. Pati ang paggamit ng mga pang-angkop bilang pang-ugnay sa mga salita; nagtuturo pa man din ako ng Filipino sa mga nasa Ikalimang Baitang! Kapag ini-edit pala ang mga manuskrito, kailangang maingat at saka word after word at hindi mainam ang paraan ng “skim/rapid reading”. Sa itinatag kong publications, ako ang manunulat, ang encoder or typist, ang illustrator kahit na hindi naman ako kasinggaling ng mga propesyunal na tagadrowing para sa ibang pocketboooks, ang editor/proof-reader kuno, ang manggagawa-kapitalista, hehehe! Anyways, hindi naman naapektuhan ang kwento at masaya ako sa pagkakalimbag ng akda.
Una, nagpapasalamat ako sa mahal na Panginoon. Napakatagal na panahon na ako’y naghintay sa pagkakataong ito na may kinalaman sa aking pangarap. Naranasan ko ang mga frustrations, sama ng loob, nasirang tiwala, at kabiguan ngunit tulad sa kanta ni Jason Mraz, I won’t give up. Kailangan ng positive outlook gaya sa nabasa kong article sa December 2009 issue ng Kerygma magazine ni Bro. Bo Sanchez. Matagal nang natengga ang aking mga manuskrito subalit ayon nga naman sa pamagat ng sikat na OPM na unang inawit ni Ted Ito from the ‘90s, maghintay ka lamang. Dati, parang wild goose chase or mala-Don Quixote ang drama ko, ano?
Kabilang sa aking pasasalamatan- aking pamilya, mga kaibigan, at lahat ng naniniwala sa aking kakayahan. Salamat din sa B.J. Santiago Printing kaya naisakatuparan ang pagsasalibro ng akda.
Oo nga pala, nakuha ko ang mga ideya ng pagiging self-publishing author mula kina: Mr. Gilbert Monsanto of Sacred Mountain Publications. Sa mga lokal komiks fans, remember the Biotrog character sa Kick Fighter Komiks from the ‘90s? Nalaman ko kay Sir Gilbert ang tungkol sa ISBN (issue book number) and copyright, both essentials na kailangang i-aplay sa National Library. Mr. Julius Villanueva, author of Life in Progress comics sa Manila Bulletin- kaya ko nakausap si Sir Gilbert ay dahil sa may nai-share siyang fan page ng “Bayan Knights” noong 2008 at hindi po sa Facebook kundi sa Friendster pa; well at least, buti pa noon sa Friendster dahil madali at may mga tunay na mahihingan ng payo. Di tulad sa FB na sasagutin lang kayo doon ng mga shared apps and photos at bahala na ang tumbong niyo kung i-like niyo yun or mga selfie pics na depende kung maki-ride on na lang sa other people’s narcissism, nyehehehehe! Naka-deactivate na ang FB account ko at tanging Twitter (@weirdjtt) at itong Blogger lamang ang social media na tinatangkilik ko.
Kudos sa lahat ng independent and self-publishing writers sa buong mundo! Sayang nga na sana bumili ako noon ng “Orosa-Nakpil, Malate” ni Louie Mar Gancuangco noong meron pa nito sa mga bookstores, tsktsktsk! Nakakuha rin ako ng inspirasyon mula sa lakas ng loob niya na magtatag ng sariling publication matapos i-reject ng publishers ang kanyang obra maestra, ayon sa kanyang foreword sa aklat niya. Nag-private reading kasi ako noon habang hindi pa nakatingin yung saleslady.
Yeah, self-publishing. At ayon sa diksyunaryo, ang kahulugan ng Russian word na samizdat ay “self-publishing”. Kaya nga ito ang ipinangalan ko sa aking publication at mabilis pang na-registered sa DTI dahil walang kapareho ng pangalan! Parang serendipity kasi ang nangyari noong minsan ay may hinahanap akong article sa encyclopedia namin sa bahay. Nadaanan ko ang pahina kung saan nakahilera ang tungkol sa samizdat na bansag sa underground literary movement sa mga komunistang bansa noon tulad ng Soviet Union (USSR) na Russia na ngayon. Self-publishing ang mga writers na yun upang makaiwas sa harsh censorship ng kanilang gobyerno.
At ako naman, pinili kong maging self-publishing upang mayroon akong greater literary freedom at makaiwas sa mga negatibong hatol ng editors ng established publishing companies. Bakit ba? Kung handa mo ba namang ipagtanggol ang iyong mga akda at ang pwesto mo sa literary world laban sa rejection nila at “feasible commercial value” na paniniwala ng publishers for profit’s sake sapagkat sila ang kapitalista, eh. Well kung pangarap mo namang maging writer at alam mo ang iyong ginagawa at hindi ka namang nakakaperwisyo o nakakasira sa kapwa mo, then be a writer and love being a writer.
Ang konsepto para sa kwento ng “Dalawang Babaeng Umiibig” ay nagsimula noong nag-aaral pa ako sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) at ang mga klase namin ay idinadaos pa noon sa AIMS Sea Tower sa may kanto ng Roxas Boulevard at dulo ng Arnaiz Street na palagi pang matao noon at kalapit ng main building ng Department of Foreign Affairs kasi doon pa ang passport application dati. B.S. Customs Administration ang tinapos kong kurso; related na related ba naman sa kwentong nabanggit, nyehehehe! Kapag ako’y nainip na sa dami ng mga pinababasang Customs Administrative/Memorandum Orders or Circulars o kung paano mag-compute ng customs dutiable value matapos alamin ang tariff rate ng ilang imported commodities, madalas akong ‘tumatakas’ noon sakay sa aking imahinasyon. May namuong ideya sa isipan ko na isang plot para sa isang kakaibang kwento. Ang unang pamagat ng kwento ay “Dalawang Babae” with Bridget Duque bilang bida na noon pa. Kaya lang sa orihinal na manuskrito, hehe...ano siya...nag-experiment nga sa inakala niyang lesbian side with a confession and controversial courtship kiss with her girl best friend tapos basted naman siya. Pero sa huli, nahulog pa rin naman ang loob niya sa isang tunay na lalaki and the rest is xoxo, yours truly, this is gossip girl... ah! Whatever! Yun ang takbo ng original draft ng kwento.
Isinulat ko noon ang draft sa mga lumang notebook lalo na kapag may free time kahit pa sa mga oras ng on-the-job training. Eh, tulad sa marami kong kaeskwela sa AIMS, halos wala namang magawa sa mga OJT sa ilang kumpanya; busy rin naman ang mga empleyado. Nang nag-OJT ako noon sa Columbia Transport (Coltrans) doon sa may The Wine Museum and Ralph’s sa Tramo dito rin sa Pasay, nakita ako ng ilang empleyado doon na kapag tapos ko na itong isang office task na inutos sa akin, sulat ako nang sulat sa notebook ko ng kwentong iyon kaya na-curious sila. At ang lady boss ko sa department, si Miss Janice Manghi ay may nasabi na tila isang jest na may pagka-prophetic statement. Sabi niya, “Nagsusulat ng pocketbook...” Ay, Caramba! Natupad nga po yun makalipas ng ilang taon, Ma’am!
Sa sumunod na taon makalipas noon, nagsimula na akong magpadala ng mga typewritten manuscripts sa mga kumpanyang naglalathala ng Tagalog romance pocketbooks. At habang naghihintay ako sa evaluation nila, muli kong binalikan ang “Dalawang Babae” upang i-revise ito. Nagbago ang pangalan ng ilang tauhan at pati settings at may ilang pangungusap na nai-censor ko na. Kaya lang tinamad na akong tapusin ito matapos i-reject ng mga kumpanyang yun ang mga naipasa kong manuskrito. Summer of 2007 na nang muli kong ni-revise ang kwento na re-titled as “Dalawang Babaeng Umiibig” bagamat hindi ko na balak ipa-evaluate ito sa mga publishing companies.
May ilang weirdness yung kwento eh karamihan naman sa themes ng mga pocketbooks ay pulos “girl meets boy” ang drama at dapat ang romansa ay umiikot lang sa kanila with all those cheezy-sneezy, mawkish chuvanessence. Sa kwento ko, merong “girl meets girl”, eh; basahin ang kwento kung nais niyong malaman kung anong kasarian ang nanaig sa kanyang puso. Nais ko na ang aking bidang babae ay feisty, aggressive but not warlike, and yet a loving woman. And she’s not some kind of girl na laglag agad ang panty makita lang ang crush niya... ooops, pabalbal na matalinghagang pahayag lang yun para sa sobrang kilig. By the way, tungkol sa nabanggit na settings sa kwento lalo na ang mga bayan ng Sta. Maria at La Solidaridad, fictional towns lang po ang mga ito sa Iloilo at Antique. Ayos kaya yung pagsasalin ng ilang conversations ng mga tauhan sa Kiniray-a Hiligaynon? Nagtanung-tanong lang kasi ako sa tatay ko tungkol doon dahil hindi ako marunong ng ganoon, eh, hehe!
2010 pa nga nang nag-aplay ako sa National Library para sa ISBN ng “Dalawang Babaeng Umiibig”. Pagkatapos, na-tengga nang matagal dahil wala pa akong pondo para sa pagpapalimbag lalo pa’t nagpasya na akong maging independent, self-publishing writer. Noong nakaraang taon sana ang pagpapalimbag pero... ay, naku! Ayoko nang gunitain yun kahit pa sa July, August, September, at December 2012 blog posts ko na-express ang aking mga hinanakit at sama ng loob.
Subalit ang mahalaga ay ang pagbangon at magpatuloy sa pangarap. Nagsisimula na ako sa aking publishing venture. May mga naka-lineup pa akong mga akda na mas mahaba pa nga at iba naman ang genre. Kailangan ko pang mag-ipon. Romantic theme ang taglay ng “Dalawang Babaeng Umiibig”; lovestory, hehehe, kahit na hindi naman halata sa itsura ko na nakapagsulat pala ako ng ganito. Kahit ako nga mismo, nakokornihan din sa maraming pocketbooks pero hindi ko naman nilalahat; may mga past blog posts ako dito tungkol sa ilang pocketbooks na nabasa ko na (see “Stopping for a While to Smell the Scent of Flowers” February 2012 or “This Weirdo’s Summer Blog Before The Rainy Season Comes” May 2013). Basta, mga readers, kapag may market distribution na ang mga kopya, send niyo naman ang feedback niyo sa binanggit kong e-mail address sa pocketbook na nabili niyo; please, wala lang pahiwatig ng urgent response kung gusto ng reply kasi once a week lang ako sinisipag mag-Internet. Tulad ng nabanggit ko, niratrat ko na ang Facebook account ko pero may Twitter pa rin ako @weirdjtt. Kung ayaw niyong magpakilala tulad ng anonymous readers ng blogs ko dito noon pa, that’s okay... just let me know your thoughts about my first published pocketbook. Salamat!
Kaya lang, sana maunawaan niyo na ako’y freelance writer lamang at ang manggagawa-kapitalista ng sarili kong publications kaya ang presyo ng isang kopya ay mas mataas nga lang kaysa sa mga pocketbook na yun na naglipana sa mga bookstores o sa bangketa; yung mga tig-20, 32, or 37 pesos. Alam niyo, may napagtanungan kasi ako noon na isang empleyado ng isang established publishing corporation at nalaman ko na hindi naman pala kataasan ang bayad sa mga writers na contributors nila palibhasa ang mga may-ari ng kumpanya ang kapitalista o namumuhunan nang malaki kaya ang mga ito ang may lion’s share sa sales ng mga inilalathalang aklat. At saka, ang kwento ng pocketbook ko ay hindi tulad ng mga tipikal na pocketbook na nabasa niyo na, believe me kahit na hindi kayo maniwala kay Justin Bieber!
P.S. PLEASE VISIT MY WATTPAD SITE AND READ MY PUBLISHED WORKS THERE AT https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Subscribe to:
Posts (Atom)