PSSSST! Ang karugtong nito ay ang "Tail-End of a Cold Front" na November 2013 blog post.
New Leaves Sprouting Out (encaustic and crayon resist)
"A Phoenix" (crayon etching)
Ang mga likhang-sining na
ito ay alay sa lahat ng mga taong dumanas ng mga dagok dulot ng mga sakunang
bumagabag sa bansa nitong mga nakaraang araw, linggo o buwan, likha man ng tao
o mula sa Kalikasan, subalit nagsusumikap na muling makabangon sapagkat ang
buhay sa mundong ibabaw ay nagpapatuloy.
A drawing of the Chocolate Hills
Nakapanghihinayang ang
mga sayang na pagkakataon noong may mga oportunidad pa ng travel and tours to
Bohol on a shoestring budget. Tsktsktsk! Buti pa si Mamang Magmamais aka Gimme
Gimme rapper at naabutan pa niya at ng kanyang misis ang kagandahan ng Baclayon
Church at ang Chocolate Hills ng nabanggit na lalawigan dahil sila ang maswerteng nabigyan ng
“Day-Off” ng GMA NewsTV maraming Sabado na ang nakalipas.
The Loboc Church before the earthquake (pencil drawing)
Ayon sa mga historians, karamihan naman sa mga Spanish
period churches sa bansa ay ipinatayo raw sa pamamagitan ng mabigat na sistema
ng pagbubuwis at polo y servicios o
sapilitang paggawa na ipinataw ng pamahalaan at mga prayleng Espanyol sa mga
karaniwang Pilipino o mga Indio ayon sa kanilang taguri sa ating lahi. Sa bawat
makasaysayang simbahang nabisita ko na, nai-imagine ko ang hirap at
pagpapakasakit ng daan-daang manggagawa ngunit hindi kailanman nasayang ang kanilang
sikap at tiyaga. Ang kanilang “labors of love” na tinatamasa’t pinahahalagahan
ng mga sumunod na henerasyon, kabilang ang kanilang mga inapo, ay kabilang sa
mga dahilan ng timeless beauty na taglay ng mga lumang simbahan at hindi lamang
ang pisikal na istruktura o arkitektura ng mga ito. Nakalulungkot na marami ang
nasawi at nasugatan. Nakapanlulumong makita ang mga nawasak na mga bahay at
imprastraktura, at ilan sa mga heritage churches ang gumuho nang lumindol sa
Bohol na nadama rin sa mga karatig lalawigan tulad ng Cebu noong ika-15 ng
Oktubre ngayong taon. Kapag sinumpong nga naman ang ilang bahagi ng crust ng
ating planeta, walang makapipigil dito. Datapwat nawasak man ang pisikal na
istruktura ng mga makasaysayang simbahan, hindi kabilang sa gumuho ang
pananampalataya at ang Simbahan... na binubuo ng mga taong nagkakaisa at
nananatiling matatag sa pagharap sa mga pagsubok na iyon sa buhay nang may
matibay na pananalig sa Panginoong Diyos. Balang araw, muling maitatayo ang mga
simbahan kasama ang mga imprastraktura, at mga tahanan.
Sang-ayon kaya ang cute
na tarsier na ito? Possibly... nakangiti kasi at namimilog ang mga mata niya,
eh.
Bohol Tarsier
*******
Nitong Oktubre 28 lamang,
sa araw ng Barangay elections, unang beses akong nag-serve bilang poll clerk
kahit na aminado akong ayaw ko talagang tanggapin sa simula; ang engot ko sa
posisyong ito. Tatlong beses na akong naging third member noon. Okey lamang ang
trabaho mula oras ng pagboto at bilangan na ng boto pero ang napaka-stressful
gawin ay yung sandamukal na files, minutes, and other paperworks na kailangang
i-fill up at pirmahan ng mga miyembro ng board of election tellers. Nawiwindang
ako sa dami nito lalo pa’t umaabot ito ng gabi; kahit nga ang automated elections
ay hindi rin naman maaasahang matatapos nang maaga tulad ng manu-manong halalan
(buti na lang at hindi ako obligadong mag-serve noong nakaraang local and
national elections). Sana, sa susunod na Barangay Election, kung napakalaki
naman ng sakop ng isang barangay tulad dito sa Villamor Air Base, payagan nang
gamitin ang PCOS machines (mangarap ka nang gising!).
Anyways, congratulations
sa lahat ng mga nagwagi sa eleksyon. Dito sa Villamor, mapayapa naman iyon sa
pangkalahatan (pero ang kalat-kalat sa VABES at iba pang lansangan ng
barangay). Harinawa, ang mga nahalal na barangay officials ay gagampanan nang
mabuti ang kanilang mga tungkulin sa pamayanan at madama naman nawa iyon ng mga
mamamayang nagtitiwala at naniniwala sa kanilang tapat na paglilingkod.
Pero sa ibang mga
barangay, bahagi na ba ng kalakaran sa lugar nila ang kaguluhan at
pagkamakasarili sa bawat eleksyon?
*******
Nitong mga nakaraang
linggo, sinubukan kong mag-suggest ng topic na pwedeng i-discuss sa radio
program ng 92.3 RadyoNewsFM na “Kasindak-sindak”. Pwedeng mag-send ng text
message doon. Sabi ko sa kanila na paki-topic naman ang tungkol sa esoteric
societies tulad ng mga Rosicrucians and Freemasons. Ang tungkol sa Rosicrucians
lamang ang pinagbigyan nila (kahit na mas detalyado pa rin sa Internet sources;
nakakatamad nga lang minsan magbasa doon kung napakahaba ng teksto lalo pa’t
may radiation ang computer!). Kung ang mga mason ay may simbolo ng magkalapat
na iskwala at kompas, ang mga Rosicrucian ay rosas at krus.
Noon ko pa batid ang
tungkol sa mahiwagang samahan ng mga Rosicrucians. Nagbasa kasi ako noon ng
article sa encyclopedia tungkol sa mga roses at ang rosary; siyempre, nakapila
rin dito ang information ng naturang grupo kaya binasa ko rin tutal maikli rin
ang article nito. Actually, nabasa ko pa nga sa isang lumang issue ng diyaryo
ang ad ng isang main group nito na “Ancient Mystical Order of the Rosae Crusae”
tungkol sa kanilang conference and autumn equinox ceremony sa Asian Social
Institute sa Maynila. Hindi naman ako miyembro doon, hehehe! Masyado raw
secretive ang Rosicrucians unlike the more outgoing and conspicuous Freemasons
kaya nga ayon sa “Kasindak-sindak”, may mga tsismis tuloy mula sa ibang tao
tungkol dito na baka raw konektado ito sa isa pang may pagka-urban legend na
Illuminati pero sa palagay ko hindi naman. By the way, yung Illuminati ay
nabanggit na mga kontrabidang sindikato sa “Angels and Demons” ni Dan Brown.
Akala ko iyon yung tindahan ng quality but costly lighting fixtures sa Makati
na merong business name na “Illuminati Technique”. Pa-sosyal kaya ang mga tinda
doon. Ang Rosicrucians ay hindi naman daw relihiyon; mayroon itong prinsipyo
tungkol sa kabutihan.
Hindi man lang binanggit
ng “Kasindak-sindak” ang pangalan ng legendary founder ng grupo na si Christian
Rosenkreuz na isang Aleman na nabuhay noong medieval times. Sa totoo lang, una
ko pang narinig ang pangalang iyon sa isang lumang animé bagamat hindi ko
gaanong pansin noon. Noong 2001 yata yun sa AXN channel, ipinalabas ang “Cyber
Team in Akihabara” na isang shoujo (the protagonists are mostly girls) animé at
malamang ang gumawa nito ay siya rin ang nasa likod ng isa pang shoujo hit, ang
“Saber Marionette”. Siyempre, tulad ng ibang animé, makulay with slapstick
humor and those lolita-esque teen girls but I think some of those male Japanese
animators behind these seemingly delightful series had some machismo. Let’s
just set that opinion aside; going back to the animé’s story, isang karakter
ang hango kay Christian Rosenkreuz at ganoon din ang pangalan nito. Naroon din
si Paracelsus bilang contemporary nito at nakaaway pa dahil sa alchemy. Si
Rosenkreuz ng animé na iyon ay ilang daantaon nang nabubuhay nang hindi man
lang tumatanda pero hindi naman siya bampira, ano? Kaya lang may twisted depiction
sa kanyang katauhan bilang kontrabida na, bading pa (marami kasing animé ang
liberated ang tema). Ano kaya ang reaksyon ng mga Rosicrucians?
Simula pa noong mga
nakaraang panahon, marami talagang esoteric societies. Kung nasa panig naman
sila ng kabutihan at wala rin silang ginagawang di-mabuti, let’s give them the
respect they deserve.
*******
The Animals' Vengeance
When the psychotic and
unrepentant humans become the victims of their own sadism!
The above illustration is
inspired by the third panel of the famous triptych “Garden of Earthly Delights”
by the Dutch Renaissance painter and one of my favorite artists, Hieronymus
Bosch. (courtesy of Wikipedia)
Ang third panel na
naglalarawan sa impyerno at kaparusahan sa kasalanan ay meron din enigmatic
feel lalo na kapag naka-focus ang atensyon ng sinuman sa gitna ng painting.
Mahiwaga raw kasi si Bosch at sinasabing hindi raw niya pinipirmahan ang
kanyang mga obra o idokumento man lang kung kailan niya ginawa ang mga ito.
Napaulat na nawala rin ang iba niyang mga likha na mostly matatagpuan noon sa
mga simbahan; malamang noong nagkaroon ng Protestant Reformation in his native
Netherlands when some close-minded iconoclasts went on a rampage. Going back to
the third panel, kapansin-pansin ang isang maputlang mukha ng lalaki na tila
pinanonood ang pagpaparusa sa mga napunta sa impyerno mula sa tuod na kanyang kinalalagyan. Siguro, yun ang
miniature self-portrait ng pintor at nagsisilbing signature niya sa kanyang
obra maestra. Imaginative talaga si Bosch kaya nga kabilang daw siya sa mga
inspirasyon ng kilalang painters of the 20th century surrealism art movement.
*******
Noong October 26 nga
pala, totoong naki-hang out ako sa Philippine Fashion Week: Spring-Summer 2014
sa SMX Convention Center Function Rooms 2 & 3, 2:30 ng hapon ang simula
(pambihira, yun din ang araw kung kailan ginanap naman sa MOA Arena ang “Alay
sa Guro Concert”!). Pinanood ko ang fashion show na nag-showcase ng creation ng
ilan sa mga kilalang designers na sina Anthony Ramirez, Chris Jasler, Lizanne
Cua, Melchor Guinto, at Randall Solomon. Wala lang akong dalang camera; kung
sabagay, bawal naman talagang kunan ng video ang event pero ang mga pasaway na
mga ‘fashionable people’ ay hindi paawat at sa sobrang dami nila ay wala nang
nagawa ang staff ng Runway Productions. Kahit na halos natulig ang mga tenga ko
sa sobrang lakas ng sound system lalo na kapag nakasalang na ang background
sounds habang nagaganap ang show, enjoy na enjoy pa rin ako. Nakalilibang
manood ng mga grand fashion show; libre pa, fashionista ka man o jologs pa
(tulad ng weirdong blogger na ito). Cliché man, don’t be a fashion victim. Why
patronize those trendy clothes kung hindi naman talaga bagay sa personality ng
magsusuot nito? Nasa tindig at pagdadala lang ng damit iyan. Pero believe me,
that fashion event is one oh-so glamorous one! Star model pa nga doon si Rufa
Mae Quinto. Sa Mayo ng susunod na taon ang susunod na event ng Philippine
Fashion Week. Gusto ko nga uli manood, eh.
Nitong isang araw, meron
akong nai-post dito sa blog na anunsyo kuno na pupunta ako sa event na iyon.
Parang eyeball sa isang textmate o FB friend ang drama... pero mag-isa pa rin
ako. Ah, oo nga pala. Ang engot ko naman! Ni ayaw ngang magpakilala ang isa man
sa mga anonymous readers ng blog na ito lalo na yung mga matagal na palang
nakikibasa dito (akala niyo hindi ko alam, ha!)? Nangangalisag nga pala ang
balahibo ng maraming tao and their irrational fears are probably stirring up kahit
wala naman akong ginagawang masama. Mukha lang naman akong snobbish and aloof
but don’t judge me. Alam ko rin kung paano magpakabuti ngunit ang kabutihang
ginawa ay hindi na dapat pino-flaunt kagaya ng natutuhan ko doon sa isang aral
mula sa Panginoon. Ganito lang kasi ako, eh. Reserved personality, laconic
(maliban na lang kung kasama ko ang mga batang inaalagaan ko sa aming paaralan
at kapag ini-express ko ang aking mga saloobin sa aking diaries at dito sa
blog), at hindi palakwento kaya ilang na ilang sa akin ang maraming tao.
Pero kahit na ganito ako,
isang weirdo and often a loner, I can be your unexpected friend; someone you
can talk and listen to. This is me like an ascetic hermit staying in one
corner.
Siyanga pala, totoo nga
ang kasabihang “opposites attract”. Itong blog site kong ito ay nagri-range ang
rating from “General Patronage” to “Parental Guidance” depende sa mga sanaysay
but most of the time safe for readers of all ages who stumbled upon this haven
of expressions. Kaya lang madalas nangyayari na sa tuwing tsine-check out ko
ang statistics sa dashboard ng Blogger ko, kabilang sa mga traffic sources ng
pageviews ay links sa mga malalaswang website na para bang ina-advertise ng mga
taong nasa likod ng mga ito na i-pageview ko rin sila tulad ng follow back
scheme sa Twitter at hindi ko alam kung paano nila natunton ang blogs ko.
Napapailing na lang ako. Kung ang mga anonymous readers nga ng blogs ko lalo na
yung matagal nang nakasubaybay dito ay wala man lang comments, eh. Ah, siguro
yung mga bloggers na yun, sa kabila ng pamemerwisyo ng websites nila,
nalulungkot lamang sa buhay nila kahit hindi nila aminin sa kanilang sarili.
Wala rin siguro silang mga tunay na kaibigan.
*******
Updates tungkol sa aking
publishing venture lalo na sa aking bwena manong akda na naipalimbag.
Nagpapasalamat ako nang
lubos sa mga bumili ng aking pocketbook na “Dalawang Babaeng Umiibig” at
natutuwa ako na ang ilan sa kanila ay very vocal sa kanilang reaction and
positive reviews sa naturang akda. Tinulungan pa nga ako ng nanay ko sa
pagbenta ng ilang kopya. Kailangan ko sigurong matutunan ang proper sales talk.
May mga tao na nangakong bibili pero nakalimutan nila; hindi ko na sila
kukulitin pa kasi para akong lumalabas na pathetic lalo na kung hindi naman talaga
sila mahilig magbasa o hindi sila interesado. Wala na akong magagawa doon.
Magtinda kaya ako sa harap ng bahay namin? Hehehe, kapalan na lang ang mukha.
Sa ngayon, sa pamamagitan ng sumusunod na larawan, masasabi ko ang lagay ng
benta ng pocketbook ko sa kabila ng literary value pa naman nito:
Housefly (Musca domestica)- courtesy of Wikipedia and author Richard Hertwig
Hindi ba kaakit-akit ang
cover page ng pocketbook? Masyado bang maliit ang font size ng mga nakalimbag
na teksto? Dahil ba sa hindi ito 100% typographical error-free? Pagbasa pa lang
sa back cover prologue ay parang tunog lesbian story na kahit na hindi muna
basahin ang buong kwento?
Hindi ko na iniintindi kung tumubo man ang kita mula
sa pocketbooks tutal nagsisimula pa lang ako. Ito rin ang hirap sa pagiging
self-publishing and independent writer; buti pa noon si Louie Mar Gancuangco at
ang kanyang “Orosa-Napkil, Malate”, malakas kasi siya. Ang pinakamalaki at
pinakasikat na bookstore sa ating bansa ay prayoridad ang mga matagal nang
established publishing corporations kahit pa tambak na tambak na ang paperbacks
sa bookshelves nila; no chance para sa mga manunulat na parang bigla na lang
sumulpot mula sa kung saan tulad ng weirdong blogger na ito. Sana, kung
mag-evaluate naman ang mga bookstores, ang literary value ng isang akda ang
kanilang pansinin at hindi ang commercial value ng mga ito o sa kasikatan man
ng kumpanyang naglalathala ng mga ito. Bakit? Dahil ba sa “Precious Hearts
Romances” na ang tatak ng isang reading material ay talaga na bang
kapana-panabik na ang kwento nito? Oo nga pala. Ganoon na talaga sa panahong
ito. Commercial popularity instead of real appreciation of literature or the
story itself. Pero literal naman sanang gagamitin bilang paalala na rin ang
kasabihang “do not judge a book by its
cover”.
May mga naka-line-up pa akong manuscripts. Mostly
fiction intended for mature readers and with longer and heavier storylines.
Ngunit sa ngayon, pangarap lang na maipalimbag yun. Mabigat sa bulsa ang
printing costs at mahirap ang market distribution lalo na kung pinagsaraduhan
ka ng mga bookstores na hindi magbibigay ng pagkakataon sa iyo. May mga nabasa
akong talambuhay- that of the American painter Ralph Albert Blakelock and the
Czech writer Franz Kafka. These two had one thing in common: noong nabubuhay pa
sila, the society almost treated them as nobodies at noong wala na sila, saka
pa lang napansin at pinahalagahan ang kanilang talento. Sigh... what will be of
my beloved Samizdat Publications? Fizzling out... the sad truth. Isang diamond
in the rough na itinuring na parang bubog lang ng salamin sa kabila ng tunay na
halaga nito.
A caricature of the weird blogger with the little blue book