HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...
“If I am not for myself, who will be for me? And when I am for myself, what am I? And if not now, when?”~from Hillel the Elder, a Jewish sage who lived and taught in Jerusalem during the late 1st century BC to the early years of the 1st century AD when Jesus was still a child~
***Pssssst! Ang karugtong nito ay ang May 2014 blog post na "Ang Bakasyunistang Weirdo sa Tigbauan, Iloilo".***
The weird blogger: gwiyucky (I don’t give a damn about your cloying “gwiyomi”)
Alam naman ng lahat na iba-iba ang mga tao sa mundong ibabaw. This weirdo here, kung hindi man ako maunawaan ng mga tao sa paligid ko kung bakit ako ganito na madalas sumalungat sa agos at hindi tulad nila, ang pagmamakaawa ko na lamang ay huwag naman husgahan agad ang aking pagkatao. Batid ko naman kung paano makipagkapwa-tao sa mga paraang alam ko at hindi ko lang kasi ito pino-flaunt. Kaya nga nakaka-relate talaga ako sa ilang lines mula sa kanta ni Chris Brown na “Don’t Judge Me”- ...just let the past/ just be the past/ and focus on things that are gonna make us laugh/ take me as I am, not who I was/ I promise I’ll be, the one that you can trust...
Hindi talaga ako fan ni Chris Brown pero trip na trip ko rin ang mga kanta niya kasabay ang “Hey Porsche” ni Nelly, hehe! By the way, tungkol naman sa litrato sa itaas, cool tattoo designs nga yun. Mga tato na naka-print sa arm stockings tulad ng suot ng mga tsuper at motorista at maraming ganoong tinda sa mga bangketa ng Baclaran o Quiapo o saan man. Okey na proteksyon sa mga braso na laging bilad sa araw. Summer pa naman,o.
Oo nga pala na noong isang araw lamang ay kaarawan ng weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves. Ika-16 ng Abril at araw rin yun ng pagbebendisyon sa family house namin sa Tigbauan, Iloilo. Ayaw ko talagang ipagkalat na kasabay ng okasyong yun ang house blessing. Ayoko kasing mang-abala ng mga tao. Pangatlong beses na nga akong nag-bertdey sa aming probinsya- una noong 1988 at pangalawa noong 2004. Matinding kritisismo nga ang tinanggap ko kahit na hindi direktang sabihin sa akin dahil nga sa pagka-introvert ko, almost recluse tulad ng isang ermitanyo. My sincere apologies kung hindi man ako palakwento o ma-PR. Reserved personality kasi ang katangian ko noon pa. Kaya nga nangingilag sa akin ang maraming tao and my presence seems intimidating. Again, please don’t judge me. Wala naman akong ginagawang masama. I always abide by these two proverbial sayings: silence is golden; silent water runs deep. Hindi nga ako palakwento o ma-PR ngunit ang mga katangiang ito ay hindi naman sukatan ng pagkatao, di ba? Palagi lang akong nasa isang tabi, sa sulok ngunit palagi man akong tahimik o kahit pa ang tingin sa akin ng marami ay boring na kasama, I’ll always be there for you like some unexpected friend...
***
The cute pink bungalow at Torres Street also in Tigbauan, Iloilo. Trivia: ang pintura nito ay inspired mula sa Lando & Lorie’s Banay-Banay Restaurant sa San Jose, Batangas.
Kung noong nakaraang taon, ang bakasyon namin sa probinsya ay mula Abril 30 hanggang Mayo 10, sa summer naman ng kasalukuyang taon ay mula Abril 5 hanggang Abril 18. Back and forth ay sumakay kami sa eroplano, Cebu Pacific flight pa. Ang lapit lang kasi ng NAIA Terminal 3 dito sa Villamor Air Base, eh. Ang malayo na distansya ay mula Iloilo Airport sa Sta. Barbara hanggang Tigbauan. Dalawang linggo na bakasyon. Rest and relaxation, visits to the happy, cheerful relatives, the simple life... ang bakasyon ay bakasyon. Kung dadagdagan ko pa ng detalye ang sanaysay na ito ay halos wala rin pinagkaiba sa mga pahayag ko sa aking blog noong nakaraang taon na “Himig ng mga Tigbaw” (posted last May 18, 2012) kasi pareho lang ang blissful feeling na nadama. Oo nga pala, ang “Himig ng mga Tigbaw” ay kabilang sa mga sanaysay dito sa blog site na may pinakamaraming pageviews ayon sa istatistika ng dashboard. Gayunpaman, ang susunod na photo gallery ay naglalarawan ng ilan sa mga impressions mula sa bakasyon sa Tigbauan, Iloilo.
St. John de Sahagun Parish, Tigbauan, Iloilo
Ito ay kabilang sa maraming simbahan sa lalawigan na naipatayo noong panahon ng mga Kastila pero ang kambal na kulay abo na mga ‘kampanaryo’ ay idinagdag lamang noong 2000 kaya tatlu-tatlo na ang kampanaryo. Hindi ko alam kung ang mga yun ba ay functional o ipinagawa dahil sa ‘aesthetic taste’ ng dating alkalde na namayapa na. Sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, may iba’t ibang opinyon tayong mga mamamayan... tulad ko na sa aking palagay, sana hinayaan na lamang ng pamunuan ng bayan na manatili sa orihinal na disenyo ang bubungan ng makasaysayang simbahang ito. Masdan na lang kasi ang iba pang heritage sites tulad ng mga simbahan ng Paoay, Ilocos Norte at Miag-ao, Iloilo. Kung halimbawang nagkaroon ng vision of the future ang arkitekto ng simbahan na namuhay noong panahon ng mga Kastila, siguro madi-disappoint siya sa ginawang pag-alter sa itaas na bahagi nito. Well, at least ay nasilayan ko pa rin ang orihinal na istruktura o anyo ng simbahan bago isinagawa ang so-called “renovation” sa bubong. Hindi man ako mahusay sa sketching, sinikap ko pa rin iguhit kung ano ang napagmasdan ko noon. Subalit ano pa man ang anyo ng simbahan sa pagdaan ng mga panahon, nanatili itong matatag at nagbubuklod sa mga nananampalataya.
At saka, nitong huling pasyal ko sa kalapit na Tigbauan Plaza, mainit ang singaw ng halos sementadong pasyalan lalo na kung matindi ang sikat ng araw. Sana, greener and fresher na ang plasa sa susunod. Di ba galing naman sa buwis na ibinabayad ng mga Tigbaueño ang pondo para sa beautification and maintenance ng pampublikong liwasang ito?
The calmness of early morning shortly before sunrise as felt in one of the streets at the town proper.
Sa “Himig ng mga Tigbaw”, kabilang sa mga naka-upload doon ay ang larawan ng tanim naming date palm malapit sa tabing-ilog. Napakagandang puno yun ngunit ngayon, ito na lang ang natira. Isang tuyot na tuod na mistulang kumpol ng mga bunot ng niyog at hindi namin mawari kung paano at bakit ito nasawi. Sayang na puno, tsktsktsk!
Malaking tulong nga ang tulay na ito sa ilog bagamat may ilang bahagi sa rampa nito ang may mga butas na. Mayroon pang isang campaign poster na nakapaskil malapit sa hagdan ng tulay. Hindi ko na lang babanggitin ang pangalan ng incumbent na pulitikong tumatakbo para sa isang lokal na pwesto dito sa Tigbauan. Sa poster mababasa ang “attribution” sa “effort” nila kaya naipagawa ang tulay na ito. Ngunit minsan-minsan lang ako makapagbakasyon dito sa probinsya kaya hindi ako basta na lang makakapag-komento sa kung anong political situations dito maliban na lang sa aking paniniwala na ang ipinanggastos sa pagpapagawa sa tulay na ito ay mula rin sa ibinabayad na buwis ng mga Tigbauanon o yung town revenue tulad sa iba pang government projects, di ba?
Isa pa naman sa mga paborito kong lugar noon pa man sa Tigbauan ay itong ilog kasama ang dike. Subalit ano na ang kinasapitan ng napakagandang pook na ito? Sa tahimik na lagaslas ng ilog, nadirinig ko ang kanyang mga sumbat at sama ng loob sa mga tao. Maraming tao ang nakikinabang sa kanya subalit hindi naman siya tunay na pinahahalagahan sapagkat hindi nila pansin ang kanyang kagandahan, pagbibigay-sigla sa mga kabuhayan ng mga tagarito, at ang pagiging saksi sa makulay na kasaysayan ng bayang ito. Ang ilog ay hindi na singlinis ng dati at paano na ang mga susunod na henerasyon ng mga tagarito? Matutulad na lang ba sa mga taga-Metro Manila na ang kinamulatan na ay maruruming ilog at sapa?
UPDATE! 2013 pa ang litratong ito. Nitong mga huling bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo ay wala na ang ganitong tanawin sa may dike doon.
Minsan ay nagi-guilty ako. Paano kung may mga basura na galing sa bahay namin dito sa Tigbauan ang nakakadagdag pala sa lumalaking open dump site na ito sa kabilang dulo ng dike? Wala namang ganito dito noon, a! Nakakadismaya na matagal na palang inaabuso ang ilog. Meron pa bang puwang sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ang tuluy-tuloy at lubos na pangangalaga sa kapaligiran at pagmamalasakit sa kalikasan? Huwag na nating hintayin na magalit itong ilog. Ang basura ay babalik din sa mga tao. At maaapektuhan pa ang kalusugan ng mga tao.
Upper picture: calm view of the river with the mackerel sky above. Lower picture: low tide during sunset
Lalong napakaganda ng mga tanawing ito kung manunumbalik ang dating kaayusan at kalinisan nito gaya noong mga nagdaang panahong iyon kung kailan higit na payapa ang pamumuhay, naaalala pa ng madla ang alamat ng bayan ng Tigbauan at ang mga epiko ng “Maragtas” at “Labaw Donggon” at gayundin ang matiyagang paglinang sa mga kaalaman at kasanayan sa paghahabi ng hablon bilang bahagi ng kultura ng mga Tigbauanon sa halip na mah-jong. No offense sa kuru-kuro kong ito,ha?
(This update was added here last November 3, 2013)
Sa wakas, nakarating na ako sa “the most feminine” sa mga lumang simbahan sa ating bansa at kilala sa naiibang kagandahan, ang St. Anne’s Parish or simply, the Molo Church na siyempre, nasa distrito ng Molo, ang "Parian" ng Iloilo noong panahon ng mga Kastila. Isa ito sa napakaraming historical and cultural heritage sites ng Iloilo City. Kung ang katedral ng Jaro na distrito rin ng lungsod ay puro male saints ang nakahilera, dito sa Molo, female saints naman. Ayon sa mga historians, noong nag-stopover sa Iloilo ang barkong sinakyan ni Dr. Jose Rizal na patungong Dapitan, itong ating pambansang bayani na marami nang babae ang naging bahagi ng buhay niya, ay nagtungo sa katedral ng Molo upang manalangin. Mula sa katedral, naroon ang Molo Plaza. Merong pavilion doon na may mga istatwa ng mga diyosa mula sa Greek mythology. Maganda ang liwasan ngunit may mga napansin akong mga tuod ng malalaking puno. Noong nakaraang taon, ipinasara ang liwasan nang ni-renovate. Sayang naman na mga puno kaya siguro lalong nadagdagan ang alinsangan sa paligid at ewan kung anong dahilan ng mga nagpaayos sa plasang ito.
Kung ang La Paz district ay may batchoy, ang signature dish naman ng Molo ay walang iba kundi ang Molo soup (na hindi naman talaga mukhang pansit) tulad ng specialty ng Molo County Bakeshop. Basta Iloilo, napakaraming delicacies at pasalubong items na mapagpipilian. Buti at nakabili uli ako ng bañadas (sayang at walang rosquetes na available). Sa mga nagtataka kung ano ang bañadas, mga bilog at flat na mga biskwit ito na pinahiran ng puting merengue sa ibabaw bago i-bake sa oven. Napanood ko nga sa mga re-runs ng cultural show na “100% Pinoy” sa GMA NewsTV ang isang feature tungkol sa maraming tradisyunal na biskwit ng mga Ilonggo. Mga culinary by-products daw ang mga yun nang ginawa ang ilang mga simbahan noong panahon ng mga Kastila kung saan in demand sa construction ang puti ng itlog. At upang huwag masayang ang egg yolks ay ginawa itong mga biskwit at iba pang matatamis na di-naglaon ay meryenda rin ng mga manggagawang Pilipino. Ang barquillos naman ay lumaganap daw out of serendipity dahil sa di-umano’y nasobrahan sa lutong na mga wafers para sana sa ostiya ng Misa.

Noong isang araw nga pala, nang namili ako sa Mart One Expressions Shop sa ikalawang palapag ng Pasay City Public Market, para akong naka-jackpot nang aking matagpuan sa tambak ng mga lumang libro sa fiction bookshelves doon ang isang kopya ng “Mga Piling Alamat ng Ating Lahi”, isang makapal na comic book na istilong manga na inilathala ng Psicom Publishing noong 2008 pa (pero ang presyo ay 175 pesos pa rin!). Black and white nga lang ang inside pages pero kabigha-bighani ang artworks and designs at lalo akong na-engganyong bilhin ito kasi kabilang sa sampung kwento nito ay ang tungkol sa alamat ng Tigbauan at Lamokon (o Namocon na isa sa mga barangay ng Tigbauan na may magagandang beach resorts). Actually, nabasa ko nang pahapyaw noon ang alamat in English pa at nasa isang yearbook ng town fiesta.
Ang alamat ay ganito: nagsimula ang kwento sa paghahandog ng dalawang mahiwagang tadiaw o banga na puno ng buhangin at bato para sa hari at reyna ng Kalipayan bilang pagbati sa kapanganakan ng kanilang prinsesa. Ang mga banga ay ipinabaon sa magkaibang dako bilang tanda ng hangganan ng kaharian. Nang nagdalaga na ang prinsesa, may tatlong masusugid na manliligaw- ang hari ng Hamtik (ngayon ay Antique), ang hari ng Irong-Irong (ngayon ay Iloilo), at ang prinsipe ng Aklan. Ang ikatlo ang napusuan ng prinsesa. Hindi ito matanggap ng dalawang talunan kaya nagsabwatan sila na salakayin ang kaharian. Habang naghahanda para sa digmaan ang mga taga-Kalipayan, nagkaroon ng di-maipaliwanang na salamangka sa mga hangganan ng kaharian kung saan sasalakay ang mga kaaway. Ang dalawang banga doon ay nagpausbong ng matatalas na patalim mula sa lupa at nagpakawala ng napakaraming lamok kaya nagapi ang mga kaaway at nailigtas ang Kalipayan. Sa paglipas ng mga panahon ang mga talim ay naging mga damo na tinatawag na tigbaw at naroon pa rin ang malalamok na latian. At doon daw hinango ang ngalan ng bayan na Tigbauan at ang isa sa mga barangay nito na Namocon.
Kaya lang yung may-akda ay nalimutan banggitin kung ano ang tigbaw na sa Tagalog ay talahib. Kaya nga ang May 2012 blog post ko ay may pamagat na “Himig ng mga Tigbaw” at may prelude na tula tungkol sa mga talahiban o tigbawan. Ang sumusunod na larawan ay yung aklat na iyon mismo kung saan ko nabasa ang alamat. Kailangan palang i-acknowledge ang mga talented people ng Psicom kaya nabuo ang ganitong kagandang babasahin: Reginald Ting (panulat), Bing Ramos (text editing), Gilbert Monsanto at Romeo Remalante Jr. (colors), Jim at Jay Jimenez, Kriss Sison, Lui Antonio, Lan Medina, at Mico Suayan (designs), at Marvin Maglaque (cover design). By the way, yung ilan sa mga artists nito kung naaalala pa ng mga Pinoy komiks fan ay kabilang din sa mga illustrators ng Kick Fighter Komiks from the early ‘90s. Si Mr. Gilbert Monsanto ay na-mention din sa isa sa mga sanaysay ng September 2013 blog post dito (please see “Samizdat Publications: My Little Blue Book”).
Ang bayan ng Oton ay napapagitnaan ng Tigbauan at Iloilo City. Madalas kaming nakadadaan dito ngunit kahit kailan ay hindi naman ako nakapamasyal dito. As of April and May 2013, namumutiktik sa dami ng campaign posters ang napakaganda sanang liwasan ng bayan at pagkatapos ng eleksyon, marami namang kalat, tsktsktsk!