“THE SEA” by Natividad Marquez
Why does the sea laugh, Mother
As it glints beneath the sun?
It is thinking of the joys, my child,
That it wishes everyone.
Why does the sea sob so, Mother
As it breaks on the rocky shore?
It recalls the sorrows of the world.
And weeps forever more.
Why is the sea so peaceful, Mother,
As if it was fast asleep?
If would give your tired heart, dearest child,
The comforts of the deep.
(courtesy of our
treasured vintage book “Literature for Today’s Children”, 1968 by Victoria
Abelardo, Herminia Ancheta, and Alegre Abelardo-Ledesma)
A typical view of coastal areas at Tigbauan, Iloilo
This was not a mirage: a paraw sailboat
Ang nagpapangalisag-balahibo at
pinangingilagang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves ay halos
nakatatlong linggo sa Tigbauan, Iloilo?
Ahoy there, folks! Sa
totoo lang, ang blog post na ito ay hindi kasing-bongga ng “Himig ng mga Tigbaw” (posted on May
2012) at “This Weirdo’s Summer Blog”
(posted on April 2013) pero gusto kong mag-blog kaya ako nag-post nitong blog.
Kaya nga yung ibang anonymous readers out there na kung feel niyo na
nagsasayang lang kayo ng panahon sa pag-browse sa blog site na ito, why don’t
you get out of here and just toy with your Facebook, mobile phones, and tablets
instead? Get it? Ah, oo nga pala... doon sa probinsya, lalo kong na-realize na
ako’y napag-iwanan ng panahon. The people are tech savvy, with their touchscreen cellphones, smartphones, latest
laptops, and Ipad; mga kasangkapang hindi ko alam gamitin at lalong wala rin
akong pakialam na pag-aralan man lang ang paggamit nito o interes na bumili
kahit second hand na made in China kaya ako’y kaawa-awang nilalang na
kibitbalikat na lang sa paglipas ng mga uso.
Ngunit sa kabilang dako, may isang epekto sa akin ang
pagiging “napag-iwanan ng panahon” pagdating sa aking itsura at walang
payabangan dito, ha! Napansin ko sa maraming mga kasing-edad ko o kahit yung
mga mas bata sa akin ng ilang taon ay mature na mature na ang kanilang mukha;
siyempre, marami kasi silang nagawa nang pagpapasya sa kanilang buhay at mga
pinagkakaabalahan and they accepted a meaningful and graceful aging. Ako
naman... Peter Pan syndrome pero
hindi naman ito sakit; una kong natutunan ang tungkol sa term na ito sa isang
nabasa kong sanaysay na matagal nang lumabas sa Youngblood column ng editorial
section ng Inquirer; naiinis ako’t hindi ko tinandaan ang pangalan ng may-akda
at ang pamagat ng sanaysay; diyaryo kasi yun sa library ng AIMS! Ang
contributor ay nagsi-sentimyento tungkol sa bigat ng adult life tulad ng
paghahanap ng trabaho o pagtaguyod ng pamilya at may pagka-nostalgic siya sa
kanyang nagdaang kabataan kung saan mas magaan ang buhay, almost carefree and
indifferent to life’s worries. My Peter Pan metaphor, hehehe! Hindi ako
nag-aalala tungkol sa aking tunay na edad dahil numero lang ito basta wala
naman akong ginagawang masama o
pamemerwisyo. Isip-bata rin ako maliban na lang pagdating sa trabaho o sa mga seryosong
usapan o gawain. Kakaibang tuwa o feel high ang nadarama ko sa tuwing
naiintriga ang mga tao sa paligid kung ilang taon na ba ako at wala talaga yun
sa kanilang hinuha at mapagkamalan pa rin akong estudyante sa kolehiyo at
minsan, may mga nag-akalang teenager pa ako, nyehehehehe!
***
Hapon ng Abril 24 at ang pre-departure area ng NAIA-3 ay
halos di-mahulugang karayom sa dami ng pasahero tapos nagkakahawaan ng amoy at
maalinsangan din doon kaya ang baho ko na. Palibhasa kasi ay peak season para
sa mga biyahe tapos delayed ang Iloilo flight ng Cebu Pacific (palagi naman
tuwing tag-init, eh!). Nahilo ako sa biyahe, isang motion discomfort pero hindi
naman ako nagsuka sa eroplano kaya hindi rin nagamit ang paper bag sa airplane
seat. Hindi talaga maayos ang pakiramdam ko noon hanggang sa pagdating sa aming
destinasyon. Siyanga pala, higit na maalinsangan pa sa Tigbauan kaysa Villamor
Air Base kung saan tuluy-tuloy ang ihip ng hangin ng easterlies kahit
maalikabok minsan. Mula gabi ng Abril 24 hanggang hapon ng Mayo 13 ang bakasyon
naming ito. Laid back and relaxed because that was a provincial vacation was
supposed to be.
***
Magazines published by the Manila Bulletin Publishing Corporation
Nang nagtungo kami
sa SM City Iloilo, sadya talaga akong bumili ng mga magasing “Liwayway”,
“Bisaya”, at lalo na ang “Hiligaynon”. Wala lang available na “Bannawag” kasi
ito’y sa mga Ilokano pero bakit meron din “Bisaya” samantalang hindi naman
Cebuano ang dayalekto ng mga Ilonggo? At saka, tungkol sa “Bisaya” magazine,
hmmm, dito o sa ilang bahagi ng pop culture, pag sinabing Bisaya ay parang
nagri-refer lamang sa mga Cebuano-speaking Filipinos; paano naman ang mga
Ilonggo, Waray-Waray, at iba pang Visayan regional residents? Anyways, ang
“suba” (ilog) at “maisog” (matapang/magiting) ay ilan lamang sa mga generic
words shared by all Bisayans.
Mabuti na lamang at nagkapareho sa isang
lathalain ang mga isyu na iyun ng “Liwayway” at “Hiligaynon”, ang Agrikultura
ni Mr. Zac Sarian. Ang feature story ay tungkol sa Villar Sipag Foundation sa
Las Piñas at ang malaking tulong na mga livelihood programs na hatid nito para
sa ikabubuti ng pamayanan. Malamang na nauna ang Tagalog nito sa Liwayway tapos
isinalin naman sa Hiligaynon at ang pitak na ito ay mistula ang aking Rosetta
Stone upang kahit papaano’y ma-decipher ang nabanggit na dayalektong nakalimbag
sa magasin. Kaya lamang sa pagkakabatid ko ay dalawa ang pangunahing dayalekto
ng mga taga-Western Visayas bagamat may ilang pagkakaiba sa mga salita at
kataga subalit ang pagbigkas at lambing sa tunog kapag pinakinggan ay
magkapareho lamang. Ang Hiligaynon daw ay salita ng majority ng mga taga-Aklan,
Capiz, maraming bayan ng Iloilo lalo na sa Iloilo City, Guimaras, at Negros
Occidental samantalang ang Kiniray-a o Karay-a ang binibigkas ng mga
taga-Antique and mostly in the southern areas of Iloilo tulad na lang dito sa
Tigbauan. Halimbawa ng pagkakaiba ng Hiligaynon at Karay-a ay tungkol sa aso-
“iro” sa Hiligaynon tulad sa Cebuano at Waray samantalang “ayam” naman sa
Karay-a. Niyog ang taguri sa puno ng buhay sa salitang Tagalog at gayundin sa
Karay-a samantalang “lubi” ang tawag
dito sa Hiligaynon. Pagdating sa pagtatanong ng halaga o presyo ng bilihin,
nabasa ko ang “pila ni?” na Hiligaynon samantalang sa mga palengke naman ng
Tigbauan at Oton ay “pira?”. Sa dalawang dayalektong ito ng mga Ilonggo,
naulinigan ko rin na hindi malinaw ang diptonggong “-iw” sapagkat kung
sasabihin nilang sisiw ay “sisyo” ang maririnig mo at kung paksiw naman ay
“paksyo”.
Magkagayunman, sa pagsi-self study (huwag lang maging
mala-rote learning, hehehe!) kong ito kung paano magsalita ng Hiligaynon o
Karay-a at pagtatanung-tanong din sa tatay ko, sana mas maraming salita na
akong maunawaan. Yung ilang dialog nga sa aking “Dalawang Babaeng Umiibig” lalo
na sa Ilonggo characters ay Karay-a. Teka, nang nagsimba kami sa Tigbauan at
ang Misa ay sa bernakular, pinakinggan ko na lang. Kahit paano, naunawaan ko
ang ilang salita lalo na yung may hawig sa Tagalog. Binasa ko nang buo itong
isang kabanata mula sa isang nobela sa magasing Hiligaynon kahit na teeny-weeny
lamang ang bilang ng mga salitang naiintindihan ko pero parang magic na na-gets
ko kung tungkol saan ang seleksyon na iyon. Tapos, ibang klaseng trip ito-
sinubukan ko ngang basahin orally ang ilang pangungusap na Hiligaynon na hindi
pang-Ilonggo. Parang nagtunog-Cebuano! And then, sinubukan ko rin ang oral
reading nito na mayroong punto ng mga taal na Bulakenyo o ilang taga-Rizal
dahil ang pananagalog ng mga tagaroon ay mayroong pleasant “lilt” or
cadence/rhythm sa kanilang rising and falling intonation kung pakikinggan...
aba, hehehe, pwede!
Subukan ko ngang i-express sa Karay-a (with some occasional
Hiligaynon perhaps) ang ilang bahagi ng blog na ito:
Luyag ini weirdo nga blogger nga
matuto nga maghambal sang Karay-a agod malikawan an “dialect barrier”. Kon
man-an ko nga kon paano mag-Karay-a bisan indi man ako fluent doon, indi nga
ako engot kada bakasyon namon didto sa Tigbauan ukon maadto sa iba pa nga banwa
sang Iloilo. An akon ginmudluan nga hambal
amo Tagalog naga dapat man ako nga mag-intindi sang iba pa nga “regional
dialects” tulad sang Karay-a.
(Gusto ng weirdong blogger na ito na matutong magsalita ng
Karay-a upang maiwasan ang “dialect barrier”. Kapag alam ko na kung paano
mag-Karay-a kahit hindi naman ako fluent dito, hindi na ako engot sa tuwing
bakasyon namin doon sa Tigbauan o kung makarating man sa iba pang bayan ng
Iloilo. Ang aking kinamulatang wika ay Tagalog ngunit dapat din ako umintindi
ng iba pang regional dialects tulad ng Karay-a.)
Kung mayroon mang pagwawasto sa mga nabanggit na pangungusap
na Karay-a, mangyaring ipabatid sa akin at magkomento pagkatapos ng essay na ito. Kaya lang, tulad ng dapat kong asahan, para naman kasing ang mga
anonymous readers na nag-usyoso sa blog na ito ay may pakialam naman sa akin o
magparamdam naman ng kahit katiting na concern nila!
***
Pink orchids and fragrant rosal blossoms
Magtatapos na pala ang Mayo, ang maalinsangang panahon, at
ang mahabang bakasyon kaya panay ang huling hirit sa tag-init ng maraming “just
can’t get enough” kaya nilulubos ang mga araw na ito bago sila magka-hangover
sa sarap ng bakasyon.
On the other hand, basta Mayo, Flores de Mayo bago ang
culminating activity nito na Santacruzan. Higit na aktibo itong ginugunita at
ipinagpapatuloy sa mga bayan sa probinsiya tulad sa Tigbauan kung saan sa bawat
barangay ay may nakatalagang kapilya na gabi-gabing may isinasagawang padasal
at iba pang tradisyon. Pagkatapos, susundan yun ng isang “feeding program” at
hindi na kailangang magtaka kung biglang lumolobo ang bilang ng mga
“participants” na karamihan ay mga bata. “Itanong Mo sa mga Bata”, ayon sa
isang awit ng tanyag na OPM band na Asin... Ikaw
ba’y nalulungkot?/ Ikaw ba’y nag-iisa?/ Walang kaibigan/ Walang kasama... o,
sige, patamaan niyo pa ako ng mga linyang ito, hehehe!
Subalit sa Flores de Mayo, maipamamalas ang magagandang
katangiang Pinoy na pagkakaibigan, pagtutulungan sa pamayanan at outreach sa
mga nangangailangan at pati doon sa mga taong hindi halos pinapansin tulad ng
mga bulaklak ng mga ligaw na damo (hindi yung mga marijuana,ha!) na
kinahihiyang dalhin sa mga kapilya. Harinawa, sa bawat lumalahok dito ay
lubus-lubos nilang nauunawaan ang tunay na diwa ng tradisyon at ipagpatuloy ito
wholeheartedly bilang isang meaningful na gawain at hindi basta-basta na lang na
aktibidad na ginagawa taun-taon. Hoy, baka maging lip service na lang yan, ha?
Tulad tuloy sa ilang mga sagala at eskort sa Santacruzan na hindi naman nila
alam kung para saan ba tradisyong iyon at hindi rin nila kilala ang karakter na
ginagampanan nila maliban raw sa isa itong beauty pageant para sa kanila. Eh,
kung hindi bukal sa kalooban ang pagpapatuloy ng Flores de Mayo, para na rin
pawang lantang bulaklak na lamang ang
iniaalay sa kapilya! Ang pagbibigay-pugay sa Mahal na Ina ng Panginoong
Hesu-Kristo ay kailangang namumukadkad tulad ng mga bulaklak tuwing buwan ng
Mayo.
Dante Gabriel Rosetti's Ecce Ancilla Domini (Behold the Handmaid of the Lord) -courtesy of Wikipedia
***
GALLERY OF “WHEN WORDS ARE NOT
ENOUGH TO EXPRESS”
Great news
headlines while we were on vacation- the canonization of Blessed Pope John
XXIII and Blessed Pope John Paul II and the state visit to the country by US
President Barrack Obama; man, the price of these two popular broadsheets was
soaring high at 27 pesos each at a news stand in the Tigbauan Public Market!
Indian mangoes,
Carabao variety mangoes, and the Big Momma mango tree by the riverside
A platter of
delectable shellfish locally called lampirong and the source of kapis shells
A typical view of
a barrio road not just in Iloilo but in almost all provinces in the country-
with smokescreen of dust during the hot dry months and mud and flood during the
rainy season
Sa blog post na
“This Weirdo’s Blog” (April 2013), kabilang sa mga nai-post na litrato doon ay
yung dump site sa gilid ng ilog ng Tigbauan ngunit nawala na yun nang
pina-repair ang dike kaya lang may ibang mga tao pa rin na gusto yatang tularan
ang ilang taga-Metro Manila kung paano tratuhin ang mga estero at ilog,
tsktsktsk!
Mama’s Boy: Mommy
cat breastfeeding a slightly bigger and lazy tomcat
Silhouette of bougainvilleas against the remaining fluffy sunlit clouds during dusk and the serene view celebrated the blaze of glory- kay bilis lumipas ng bakasyon at malapit nang magbalik-trabaho... hanggang sa muling bakasyon. :)