Dalawang linggo rin ngang naka-privatized ang blog site na ito ng
“Soliloquy Beyond” at noong nakaraang Sabado, Hulyo 26, muli kong binuksan ito
sa publiko kaya napabibilang muli sa Yahoo
and Google search results ito. Magtatapos na ang buwan ng Hulyo subalit
mistulang nawawalan na ako ng gana na mag-post ng mga bagong blogs hindi tulad
noong una akong nag-sign up sa Blogger. Sa mga pinagsasabi kong ito, ano ang
nasa isip niyong mga anonymous readers lalo na ang mga matagal nang nakikibasa
ng mga sanaysay dito? “So what?”, “Eh, ano naman ngayon?”, o di kaya’y “Di wag
ka nang mag-blog!”; yun ba? Punyemas, mag-Facebook na lang kayo o tumutok na
lang kayo diyan sa inyong mga gadgets! Weirdo kasi ako, ano? Nakatatakot at
nakapangangalisag-balahibo kapag nariyan na ako at nagpaparamdam.
Ang blog na ito ay hindi
nagtataglay ng give and take scheme
at hindi ko ito pinagkukwartahan sa kabila ng “oportunidad” umano ng monetize your blog. Ngunit matagal na akong naging mapagbigay sa
pamamagitan ng mga posts and pages dito. Ang aking blog site ay naghahatid sa
akin ng kakaibang kasiyahan datapwat ito rin ang nagdudulot sa akin ng
pakiramdam ng despair and frustration. Sa aking January 2014 post na “Chilly
Weather and Chili Pepper”, mayroon nang comment mula sa ibang tao! Sa wakas,
makalipas ng apat na taon, mayroon nang naghayag ng reaksyon tungkol sa isa man
sa mga blog posts ko... kaya lang hindi naman pala ganoon ang isinasaad ng kung
sinong tao na iyon at ii-spam ko na sana. Ina-advertise lang niya ang kanyang
personal agenda kaya nag-reply ako na siguruhin lang niya na legal ang business
proposal niya at hindi shady monkey business. Isipin naman niya ang anonymous
readers kahit na wala namang pakialam ang mga yun sa akin.
Akala ko ba naman,
mayroon na akong bagong kaibigan na mapagkakatiwalaan...
Any sour reaction mula sa
mga anonymous readers diyan kung mayroon man lalo pa sa tono ng mga pahayag
dito na tila nang-aaway na? E-mail niyo sa joan_teves2002@yahoo.com o Twitter
message sa @weirdjtt. Pambihira, para namang may magri-react kahit isa man
lang! Hanggang dito na lang sapagkat habang tinatapos ko ang pag-type ng draft
nito ay nagsisimula na ang televised SONA ng Pangulo.
***
GALLERY OF ANYTHING GOES
From a Chooks-to-Go branch in
Tigbauan, Iloilo- clevertising, ha!
Vintage books make better reading
materials because they really do; this one was from the former library
collection of Nichols Air Base Elementary (now Villamor Air Base Elementary
School); lots of books there includes smiling portraits of a man- well, the
late President Ferdinand Marcos was better during the ‘60s, his first
presidential term rather than the Marcos of the ‘70s and the ‘80s...
Serendipity pushed me at
Booksale-Times Plaza (United Nations Avenue, Manila) to buy a copy of “Diskarteng Pinoy” by
ParaƱaque National High School teacher Mr. Irvin Morales Vargas; it’s a great
book to buy rather than spend your money on published shallow and ephemeral
Wattpad novels na sa sobrang dami ng tambak nito sa mga bookstores ay
tinatarget na ng mga bukbok, as in bukbooklat, ehek! Totoo naman,a!