This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, August 30, 2015

Bugso ng Habagat



 Theobroma cacao fruits and seeds

     Animo kailan lamang nagsimula ang taong panuruan 2015-2016 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Pilipinas at kaybilis lumipas ang mga araw. Yun bang bago mo pa lang mapagtanto ay papatapos na pala ang taong kasalukuyan o di kaya’ y buwan na ng Marso, simula na ng bakasyon sa panahon ng tag-araw. Ah oo nga pala, ang mga klase sa VABES ay doon uli sa maiinit at maiingay na makeshift classrooms. Dahil nga may umiiral na el niƱo phenomenon, animo umuusok na ang nadaramang alinsangan kahit na may sangkaterbang bentilador na mabilis na kinakapalan ng alikabok. Kahit panahon pa ng tag-ulan, mainit talaga at bago mag-uwian, ang baho ko na, tsktsktsk!  

Muli akong nagkaroon ng advisory class na ang pangalan ng pangkat ay Cacao sa hanay ng Ikalimang Baitang  sa Villamor Air Base Elementary School. Ibinalik na ang homogenous class organization batay sa final average ng mga mag-aaral noong sila’y nasa Ikaapat na Baitang at itong pangkat Cacao ang maituturing na last section, ang aking pasaning krus hanggang Marso ng susunod na taon at unang araw pa lang ng pasukan noong Hunyo ay batid ko na iyon. Nagsama-sama ang mga tahimik at mababait na may marurunong din, ang mga frustrations- mga nasa developing level pa lamang ang pagkatuto, tamad mag-aral, mga hirap o mabagal magbasa at lalo na ang nagtataglay ng suliranin sa pag-uugali na tagapagdulot ng stress and tension sa kahit sinong kamag-aral o guro. Madalas akong bad trip sa totoo lang na para bang halos mula Lunes hanggang Biyernes ay napapasinghal ako sa loob ng silid-aralan o di kaya’y namimingot ng mga maldito na tumatawa pa na parang kinikiliti habang kinukurot ang tenga nila.

Kailangan pa rin naman magkaroon ng optimismo. Bilang class adviser nila para sa buong taon, kailangang iparamdam ko sa kanila na ako’y naniniwala rin sa kanila. Maaari ngang sa kasalukuyan, hindi ko batid kung natututo ba sila ngunit ang Panginoong Diyos lamang ang nakaaalam kung anong kinabukasan ang nakalaan para sa kanila. Gawin ko na lang ang aking mga tungkulin at isama sila sa aking panalangin. Anong malay ko kung late bloomers pala sila. May takdang panahon at pagkakataon para sa maturity ng bawat isa sa kanila. Malamang nga na kay lakas ng impluwensya ni Howard Gardner tungkol sa theory of multiple intelligences. Maaaring karamihan sa mga bata sa klase ay frustrations sa akademiko man o emosyonal subalit sa wastong panahon ay matutuklasan din nila ang right field kung saan sila mag-i-excel at magiging matagumpay pagkatapos paglaanan ng tiyaga at sikap ang mga disenteng pinagkakaabalahan at nagpapasaya sa kanila.

Ang very inspiring at napakagandang “A Teacher’s Prayer” ay mababasa sa cover ng lahat ng school register (DEPED Form 1) and class records maufactured by Lines and Prints Enterprises, Fairview, Quezon City. Isinama ko rin ang isang kopya nito sa blog page ng “Prayers”; please refer at the right side menu.



A TEACHER’S PRAYER

Lord Jesus, when You lived and worked and talked amongst men in Palestine, they called you Teacher.

Help me to remember the greatness of the work which has been given to me to do; that I work with the most precious material in the world, the mind of the youth. Help me always to remember that I am making marks upon that mind which time will never rub out.

Give me patience with those who are slow to learn, and even with those who refuse to learn. When I have to exercise discipline, help me to do so in sterness and yet in love. Keep me from the sarcastic and the biting tongue, and help me always to encourage those who are doing their best, even if that best is not very good.

Help me to help my students, not only to store things in their memories, but to be able to use their minds, and to think for themselves. And amidst all the worries and the frustrations of my job, help me to remember that the future of the nation and of the world is in my hands. Amen.



 Naaala ko noong unang araw ng pasukan, bahagi ng aking pagpapakilala sa mga bata na kapag walang klase at wala naman kami sa VABES at sakaling masalubong nila ako sa ibang lugar, tawagin na lang nila akong “Ate Joan”. Ayoko kasing masyadong formal. Nakakaasiwa rin ang matawag na “ma’am” kapag nasa labas naman ng eskwela.

Ang weird ko talaga, hehehe, buti alam ko... Ate Joan na lang, mga bata, hehehehe!

*******

Noong Agosto 1, napanood ko ang isang episode ng “Karelasyon” sa GMA-7 kahit na patapos na yun. Tungkol yun sa secret love affair ng isang binatang guro at ng kanyang dalagitang estudyante. Sa tunay na buhay, may mga nangyayari nang kahalintulad ng ganoon at itinuturing na mabigat na “taboo” sa mga paaralan at ang titser pa ang higit na makakastigo kahit pa ginusto naman yun ng karelasyong estudyante.

Kaya lang mayroong concluding scenes sa programa kung saan ang estudyante, pagka-gradweyt pa lang sa hayskul, nag-eempake ng mga damit at gamit niya habang nakalawit sa may dinding ng kanyang silid ang napakarami niyang medalya na nakamit buhat pa noong bata pa siya. Siguro, bahala na ang mga televiewers na mag-imagine ng nais na ending para sa dramang ito- kung siya ba ay nag-empake dahil mag-aaral na sa ibang lugar o di kaya’y nag-alsa-balutan na siya upang tuluyan nang sumama sa kanyang teacher love.

Naaalala ko noong board exam namin, kabilang sa mga huling tanong sa prof ed test category ay ganito: what if the teacher and the student fell in love with each other? Sa mga choices, ito ang pinili ko: eh di, hintayin na lang ng guro na matapos na ang kanyang tutelage o kung kailan mag-aaral pa niya ang kanyang lover at pagkatapos, maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na relasyon. Kaya lang, kamakailan nang muli kong ginunita ang tungkol doon, nag-alinlangan na ako kung ang “romantic option” ay tama ba o di kaya’y ayon sa hatol ng exam checkers, mali pa rin yun lalo na kung menor de edad pa ang estudyante. Bata pa’t may gatas pa sa labi at maaari pang magbago ang kanyang damdamin lalo na kung may makatagpo siyang iba na gaya ng kasing-edad niya.

Pagkatapos, nagkaroon ng isang episode ang “Magpakailanman” na mayroong disturbing na pamagat” “My Teacher, My Rapist”. Kay garapal naman ng kung sinong tao yun na nag-isip ng ganoong title! Baka gusto lang mag-provoke ng televiewers na pansinin naman at tangkilikin ang programa nila. Kahit na ang teacher character ay nagkasala nang mabigat, sana nag-isip naman ang writers nila na gumamit ng higit na angkop na pamagat at hindi yung tunog-mapanghusga.

Subalit sa “Wagas” naman ng GMANewsTV, nagkaroon doon ng isang true love story ng isang magandang high school teacher at ng kanyang gwapong estudyante. May-December affair yun at sa bandang huli, sila pa rin ang nagkatuluyan. Kaya lamang, hindi naman ako kinikilig sa mga romansa, ano? Napa-fascinate lang ako sa mga seemingly unconventional love affairs na yaon pala, soulmates naman pala sila, eh. 

*******

BOTANICAL GALLERY



Sansevierra (snake plants) in bloom

 Magnificent clusters of santan bushes


Tawa-Tawa (the alleged and widely-believed herb for 
dengue fever)




Cattleya orchids with gorgeous blossoms

*******

Gabi-gabi sa “24 Oras” ng channel 7, kasama ang segment bago mag-commercial break ang tungkol sa air quality index ng mga lungsod ng Metro Manila. Minsan ay hindi kapani-paniwala ang mga resulta. Siguro depende kung saan naka-station ang devices ng mga awtoridad na sumusukat sa lagay ng hangin sa NCR na matagal na matagal nang polluted. Ang lungsod ng Maynila, merong good air quality? Ah, siguro ang device ay nakapirmi sa may Luneta o di kaya’y sa UST o sa Paco Park; eh, kung ilipat kaya nila ang kanilang device sa Road 10 sa Tondo at sa Quezon Boulevard sa may Quiapo area? Palagi pang wala sa listahan ng mga cities with good to fair air quality index ang aking beloved city of Pasay. Palibhasa, ang makinang panukat ng hangin ay malamang na naka-steady lang sa panulukan ng Taft Avenue at EDSA na kilalang-kilala sa suliranin sa air pollution sa dami ng mga sasakyang bumabagtas dito 24/7. Bakit hindi nila dalhin ang air quality device sa landscaped parks ng SM Mall of Asia at lalo na sa loob ng Villamor Air Base Golf Club? Tiyak na “excellent” ang magiging hatol dito!



For more lovely pictures of the Villamor Air Base Golf Club, please refer to the blog page “Lush, Fresh, and Green” of the pages menu a the right side of this page.

*******




Sa wakas, nakabili rin ako sa Astroplus- SM Mall of Asia ng lumang album ni Justin Timberlake na “FutureSex/LoveSounds” (2007 deluxe edition with DVD) kahit pa may mga bago naman siyang album and hit singles. Garapalan na ang illegal downloading mula Internet pero pinipili ko pa rin ang “legal, old school sound trip”. Pinag-ipunan ko naman ang pambili sa isang original CD. May nabili na nga ako noon na tig-99 pesos lang na “Essential Mixes” (club remixes) ng hit singles ni JT bagamat hindi naman ako fan niya. Basta, kakaibang “high” ang mag-sound trip ng mga tugtog galing sa album niya at mapakinggan ang kanyang very smooth and suave style at siya na marahil ang pinakasikat na boyband alumnus ng henerasyong ito. Paborito ko sa lahat ng hit singles niya yung “My Love”. 

*******






Sa totoo lang, hindi naman halata sa maton kong itsura na nagbabasa rin pala ako ng Tagalog romance pocketbooks kung trip ko. Ang nasa unang larawan ay mga vintage pocketbooks na nabili ko pa noon sa Merriam-Webster Bookstore sa Avenida Rizal-Recto, ang “Valentine Romances” na ilang beses ko na rin nabanggit sa mga past blogs ko. Well, what more can I say? Do not judge a book by its yellowed pages or the year it was published and printed. Sa ganda ng pagkakasalaysay ng mga kwento, lalabas na inferior dito ang karamihan sa mga present-day romances ng PHR o Bookware and those Wattpad novels na kahit gaano man kakulay ang mga anime/manga-inspired cover illustrations ng mga iyon na hindi naman naggagarantiya ng cool, unforgetable stories but the conventional plots and themes as though the same formula over and over again. Hehe, meron nga pala akong related satire on Wattpad sa August 2014 blog post kong “Soliloquy of Bitterness: I Wish I Could Laugh Out Loud Again”.

Kailan lamang, binili ko na sa wakas doon sa National Bookstore- SM Mall of Asia ang isang talaga namang bagsak-presyong Tagalog romance paperback na tipong “collector’s edition”, ang “Isla Valerie” at pinili ko pa ang Volume 5 kasi nandito ang mga huling kwentong hinugot sa series nito noong 2000-2001 pa. Tulad sa iba pang Tagalog romances, sumunod ito sa kasabihang “ sa hinahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy”. But in fairness, very satisfying ang kwento ng “Isla Valerie”. Inilathala ito ng SGE Publishing. Nakapunta na ako sa opisina ng naturang kumpanya noong Enero 17, 2009. Pagkalayu-layo talaga ng address nila na nasa Valenzuela pa at higit pang malapit ang distansya ng Cavite mula dito sa Pasay! Binawi ko lang kasi noon ang ipinasa kong manuskrito at nakausap ko yung suplada nilang sekretarya. Maling akala ko kasi noon na makatatagpo na ako ng break sa pagsusulat pero ang pag-asa ko pala ang nag-break apart! Bad trip ako noon at ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako bibili ng kahit anong SGE product. Lumipas ang maraming taon at sumira naman ako sa aking pangako noong 2009; madalang na nga sa mga shelves ng mga bookstores ang mga pocketbooks ng SGE sapagkat naungusan na ng Precious Pages at ng Bookware tapos tambakan pa ng sandamukal na Wattpad novels. At natagpuan ko sa kasuluk-sulukan at pinaka-ibaba pang shelf na may alikabok pa at tipong halos limot na ng panahon ang mga mangilan-ngilan na lang at bagsak-presyong SGE pocketbooks.

Makakapal ang  “Isla Valerie” volumes  at ang ikalima ang pinili ko kasi gusto kong mabatid kung paano nagkabalikan ang mga pangunahing tauhan na sina Ralf at Valerie na nakalimot pa naman sa nakaraan. Una akong na-familiarized sa “Isla Valerie” series noong 2003 nang nakabili ako ng naka-sale na bundle nito na may limang pocketbooks. Somehow and somewhat, ang style ng pagsasalaysay dito at sa iba pang naunang SGE products ay reminiscent of “Valentine Romances” from the ‘90s. Yun bang naka-Taglish or straight English lamang ang ilan sa mga tuwirang sinabi at mga conversations ng mga tauhan. Naka-italicized ang Ingles at mga salitang hiram at iba pang hango sa mga banyagang wika. Ngayon nga, pansin ko sa maraming romance pocketbooks ngayon, ang corny ng Taglish blahblah. Halimbawa, ganito:   Suot na niya ang kanyang seductive Victoria’s Secret lingerie and she had the light mist of luscious perfume. Natulala sa kanyang irresistible beauty ang kanyang boyfriend. Flames of sultry desire were reflected in his eyes. Nagising ang pagkalalaki ng binata and he couldn’t fight the smoldering arousal in him. “My temptress...,” gigil niyang naiusal as he gasped in his craving for her. Nyehehehehe! Ibang level na talaga na pagkukwento ngayon! Pop fiction means popular fiction yet just ephemeral literature.

Let’s go back to “Isla Valerie”. Ang may-akda ng major stories o yung tungkol sa mga bidang sina Ralf at Valerie ay si Susana G. EspeƱa to whom its publishing company was named. Ang pinag-ugatan talaga nitong novella ay ang “Babae Sa Gulod” na isa raw bestseller as the company claimed. Nakakita na ako ng lumang kopya nito sa bookstore at sayang nga na sana’y binili ko na lang tutal ay mura lang at di-hamak na mas attractive kumpara sa mga katabi nito sa bookshelves gaya ng PHR o Bookware products. Well, ang istorya ng “Isla Valerie” ay siyempre romance ang taglay na genre. Pag-ibig na nagsimula sa makamundong pagnanasa; yun bang ang bidang lalaki ay natatangay ng obsesyon at ng inisyal na atraksyong pisikal lamang kaya ganoon na lang kung umarangkada ang kati niya sa katawan sa tuwing nakakatagpo ang babaeng pinapangarap. Ang bidang babae ay mayroong sheltered yet vulnerable life. Ang tipong damsel in distress to the point of being a weakling physically subalit ang kalakasan niya ay ang pagiging siya. May kapangyarihan siyang pabagsakin ang mga lalaking nabighani niya; na ang pagmamahal at pagnanasa para sa kanya ang naging kahinaan ng mga ito. Ngunit sa huli, she’s a woman deserving of true love and happiness. May taglay siya na pusong mapagpatawad at karunungan upang iwaksi na ang mga sugat at pighati mula sa nakaraan sa ngalan ng mga bagong simula tungo sa kinabukasan kasama ng kanyang mga mahal sa buhay.

May iba pang pangunahing tauhan ang nobela na tipong merong percentage ng pagiging anti-hero/anti-heroine. Ang mga tagpo kung saan isinasalaysay ang intimate moments nila ay para bang nakaka-imagine na ang kahit sinong story-absorbed readers ng x-rated film kahit pa implicit lang ang pagsasalaysay sa erotic scenes. Ang kontrabidang lalaki doon ay may di-maipaliwanag na stamina ng katawan sa kanyang naiibang “addiction”; kaya lang, mailap sa kanya ang lubos na kaligayahang hatid ng wagas na pag-ibig na hindi kailanman matutumbasan ng kahit ilang beses pa niyang pagpapakalunod sa kamunduhan. Tapos, yung babaeng labis-labis ang pagkahumaling sa kanya ay handa talagang magpaka-gaga, literal na laglag-panty para lang sa kanya. Pero ang tsik na ito, kahit na napaka-liberated sa pagkakasangkapan sa sariling katawan mapa-ibig lang siya, ay “one-man woman” pa rin. Isang lalaki lamang, wala nang iba pa.

Actually, hindi naman “bakya” ang nobela. Ang “Isla Valerie” romance ay isa sa mga pinakamaganda ang pagkakakwento. Ayon sa copyright ng mga libro nito, 2001 pa pala nang naikatha ang mga serye ng kwento. Hindi lang love story ang tatatak sa gunita ng mga mambabasa. Ang mga tagpo sa kwento ay may mga display of wealth, opulence, and power; the lives of the rich and famous blahblahblah! Ngunit kung susuriin ang pagkatao ni Ralf bilang negosyante, isinalaysay ng may-akda sa kwento na isa siyang ideal employer. Kapitalistang maka-manggagawa lalo pa’t inilahad kung paano siya maayos makitungo sa lahat ng kanyang mga empleyado ano man ang estado sa buhay ng mga ito. Nakikihalubilo siya sa mga karaniwang tao nang walang nakapalibot na mga bodyguards. Sa kabila ng pagka-involve sa ibang mga babae at nagkaroon pa ng lovechild, patuloy ang pag-asa niyang makakapiling muli ang kanyang kabiyak na si Valerie kahit inabot ng 20 taon ang kanilang pagkakalayo sa isa’t isa. Well, that’s monogamy; or better called fidelity in the name of one true love.