This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, October 31, 2015

OktoberZest Fountain

The Road to Damascus

*******
            October 7, 2015, the Feast of Our Lady of the Most Holy Rosary. Mainit na ang pulitika sa bansa kahit pa matagal na matagal pa bago mag-eleksyon. At nalagay di lang sa hot seat kundi sa bumubulwak pang lava ang senatoriable na si Francis Tolentino dahil sa isang malaswang palabas daw na bahagi ng political sortie ng mga kapartido niya sa Laguna. Nagmistulang stag party raw o floor show sa isang beerhouse kaya tuloy katakut-takot na batikos ang tinanggap niya. Mala-ordeal by fire ang nangyari ngunit nasilayan ng madla na very human pa rin ang dating MMDA chairman at taglay ang guts upang humingi ng kapatawaran at aminin ang kanyang malaking pagkakamali. Isang kahanga-hangang katangian na dapat taglayin ng isang public servant hindi tulad ng ibang kilalang tao na sila na nga itong nagkamali tapos ang tigas pa ng mukha sa pagkibitbalikat sa kanilang pagkakasala.
*******
            Oktubre 11, 2015. Nang nagsimba kami sa Our Lady of Loreto Chapel sa loob ng Camp Jesus Villamor Air Base, ang Gospel reading ay tungkol sa “the rich but foolish young man” na nais maging alagad ng Panginoon subalit hindi niya naman magawang iwan ang karangyaan. Kagabi lamang sa TLC channel, mayroong travel show na featured ang isang Buddhist meditation exercises na kahanay ng yoga. Sa transcendental meditation, whatever the religious background, matutong mag-let go, ang bitiwan ang mga attachments na nagdudulot ng mga pag-aalala in order to liberate your self. Going back to the Gospel, kung literal ang pagkakaunawa sa diskurso doon, magkakaroon nga ng pag-aalala lalo na kung marami ka nang naipundar na kayamanan na pinagsumikapan mo pa naman. Subalit ang pagiging mayaman at pagiging tapat sa pagkakawanggawa o pagtulong sa kapwa ay maaari naman magsama, di ba? May punto rin si Willie Revillame nang minsang na-interbyu. Prangka siya sa pagsagot sa tanong kung anong pipilin niya- simpleng buhay o marangyang buhay? Marangyang buhay raw para sa kanya dahil kung marami kang salapi, higit na maraming pagkakataong makatulong sa kapwa at ibahagi ang kayamanan sa nangangailangan. Eh, opinyon niya yun; kaya lang sa nabasa kong life story niya sa Yes Magazine, talagang matagumpay siya sa showbiz career ngunit hindi sa pagkakaroon ng isang buong pamilya na kapiling niya sa loob ng isang masayang tahanan.
            Subalit nagbabala ang Panginoon tungkol sa “attachments”. Ang panahong nakalaan para sa Diyos ay para lamang sa Diyos. Panahong walang nakabalandrang attachments na magiging distraction lang natin sa pag-ibig Niya.
*******

            Para sa bawat makabayang Pilipino, dapat ngang iboykot ang mga mapa at lalung-lalo na ang mga globong “made in China”. Mapapansin talaga na sa bahagi ng Southeast Asian region, lantaran ang pagkalimbag ng tinaguriang “nine-dash claim” sa napakalaking bahagi ng South China Sea at pag-label ng “Nansha Islands” sa mga pinag-aagawang teritoryo dito. Such a great deal of greed!

            At saka, madalas na ang mapapanood na lang na mga balita galing mainland China na isinisingit sa mga local news programs ay tungkol sa mga madalas na road accidents doon because of human errors and even stupidity o di kaya’y pagguho ng mga gusali nilang mahina naman ang pagkakayari tapos mga inosenteng bata na napapahamak kung saan-saan gaya ng natusok ang kamay sa elevator o nahulog sa butas sa lubak-lubak na kalsada. Tsktsktsk! Bakit ba nagiging “international news” ang mga ito? Siguro, di lang dito sa Pilipinas iniuulat yun. Ano yun? Para kapulutan ng aral tungkol sa pag-iingat? O, hayaang mag-isip ang mga manonood ng pang-uuyam at pangungutya sa ilang tao sa China?
            Sana, ang mga susunod na balita galing China ay ganito: nagbibitak-bitak na ang mga pasilidad nilang ipinatayo sa mga inangkin nilang isla sa West Philippine Sea dulot ng hostile weather condition and rough seas tapos ang mga taong ipinadala nila doon ay labis nang nabuburyong at depressed pa kaya nagngangalngal nang ibalik na sila sa China dahil unti-unti nang gumuguho sa tindi ng mga storm surges tuwing may nananalasang bagyo ang mga ipinagmamalaki nilang “self-sufficient city” daw doon. O di kaya, ang mga Chinese poachers ay naka-engkwentro ang mga Abu Sayyaf tapos hinostage sila at inagaw ang kanilang “state-of-the art” fishing vessels kaya ang gobyerno nila ay nagmakaawa sa gobyerno natin na tulungan naman sila. O, kung may good news man, sana mga ganito: sunud-sunod na bumagsak sa kamay ng batas ang mga big time Chinese drug dealers na dinakip sa iba’t ibang bahagi ng mundo, malaya na ang mga Chinese political detainees na di-makatarungang ikinulong ng gobyerno nila; at sa wakas, nasilayan muli ng Dalai Lama ang kanyang dating tahanan sa Lhasa, Tibet kahit sandali lang nang hindi man lamang nababatid ng Chinese government.
            Well, here in the Philippines, democracy and responsible practice of the right to freedom of expression prosper on and on!
*******


“Basic Instinct 2”
            Nang ako’y naiwan mag-isa sa bahay namin, pinanood ko na sa wakas ang binili kong original DVD ng sad to say, commercial flop umanong “Basic Instinct 2” na nagkakahalaga lamang ng 99 pesos sa Astroplus sa SM MOA. Actually, ito ang unang adult film na pinanood ko sa sinehan at sa dating Masagana Cinemas pa yun sa Libertad corner Taft Avenue; now, the said mall was called Wellcome Plaza-Puregold at ang Eng Bee Tin plus ang Chowking sa ground floor ang ilan sa mga pwesto na magpasa hanggang ngayon ay nananatili pa rin. 2006 pa yun noon, mag-isa lang ako sa sinehan na walang masyadong nanonood at naka-disguise pa ako bilang isang lalaki! Lakas-tama ng trip,a! Pero kailangan, eh, at palagi ko yung ginagawa tapos ayoko rin ng may katabi! Ang ikalawa at huling adult flick na inusyoso ko ay ang local erotic but not that pornographic “Casa” starring then starlet Asia Agcaoili and wonderin’ where’s she now?
            Going back to the aforementioned DVD movie, una akong naintriga sa sineng ito nang nabasa ko sa dyaryo noong Marso 2006 ang isang panayam kay Sharon Stone at pagkatapos, naging goal ko na bago matapos ang buwan ay dapat mapanood ko yun sa Masagana Citimall. Kahit na hindi gaanong maintindihan ang maraming conversations lalo na ang London cockney accent ng mga British actors, naunawaan ko pa rin ang takbo ng plot ng naturang erotic thriller na sa disappointing results nito sa commercial cinemas, malayung-malayo raw sa tagumpay ng naunang Basic Instinct (1992).
            Ang character ni Sharon Stone bilang Catherine Trammell ay masasabing anti-heroine, pang-movie villainess talaga subalit hanggang sa pagtatapos ng pelikula, ang mga movie viewers ay mahihiwagahan pa rin kung ang irresistible femme fatale na ito ay tunay bang guilty o di kaya’y pinaghihinalaan lamang siya dahil na rin sa ginagawa niyang pagmamanipula o mind games sa kanyang mga biktima of mostly men who got so obsessed with her and ultimately brought to their self-destruction. After all, isa sa mga sinabi niya sa huling eksena “... it’s just a story.”
            Nitong mga nakaraang taon, napanood ko rin sa TV5 (o ABC-5 pa lang nang mga taong iyon) ang “Basic Instinct 1” at hindi pa naka-dub sa Tagalog. Marami lang na tinanggal na mga eksena lalung-lalo na yung notoryus “leg-crossing and uncrossing” ng bidang babae pati ang mga lesbian scenes and themes na napaulat noon na nagpaputok ng butsi ng mga militant LGBT members, hehehe! And Sharon Stone remains one of the most beautiful actresses in film industry despite her past controversies of alleged racism and unfair treatment concerning her Filipina househelper who sued her in court and her insensitive, Chinophobic statements after the deadly Szechuan earthquake many, many years back which she declared as “China’s karma”.


James Corden's spoof of Sharon Stone (courtesy of Google and People website)

*******
            Nang muli akong naiwan sandali mag-isa sa bahay, naisipan kong panoorin yung dalawang lumang DVD na kasama sa mga naiwang gamit ng aming bedspacer na nag-abroad na. Isang tingin lang sa mga ito, alam kong hindi kaaya-aya ang nilalaman nito. Oh well! I-check ko uli kasi nakatakda nang ibasura ang mga ito. Kamakailan lamang, nag-browse ako sa Google images ng mga antique Japanese ukiyo-e woodcut prints at kabilang sa mga ito ay ang mga tinatawag na shunga o graphic depiction ng kahalayan according to the artists’ notion at mga wisyo noong Tokugawa period. Karamihan naman sa human figures doon ay hindi naman appealing ang itsura, hehehe! Hindi porn star quality lalo na yung mga hayok sa laman na mga lalaki na hindi nga kagwapuhan tapos yung hairstyle pang out-of-this world. Actually, way back in 2004 at hindi pa gaanong pinaghihigpitan ang mga cable companies, may isang Japanese movie channel ang nagtatanghal pala ng “midnight adult films”; soft porn ang genre at hindi ipinapakita ang “waist down” sa mga love scenes at minsan nga halos no exposure at all tulad sa isa pang Korean channel.
            Going back to the smut DVDs, katulad ng isang curious teenager, isinalang ko yun sa player... at hindi ko talaga magawang mapanood nang buo o diretsahang pagmasdan tapos pina-fast forward ko na lang. Isa akong musmos na pinakialaman ang gamit ng nakatatanda at yung bedspacer namin na may-ari nito ang siyang matanda! Mapapanood ang usual routine na parang mechanical na without passion ng mga sex performers sa kanilang hardcore adult videos. General reaction sa videos: nakakadiri! Pero parang ang nangyari ay social research o pag-obserba sa buhay ng ibang tao. Sa isang eksena doon, nakita ko pa ang taga-video na nag-reflect sa salamin ng kwarto kung saan nagaganap ang mga kasalanan. Other comments on those AV: nagpo-provoke ng prurient interests sa mga viewers na walang kontrol sa sarili. Mabuti at ang lahat, maliban sa isang video, ay heterosexual relations. Kita naman sa itsura ng mga performers na sila’y hindi minors. There are no sadomasochism acrobatics nor drug-induced performances. Just lustful intimacies. Kung dalawang uri lang ng panooring pelikula between disgusting horror films or adult movies concerning adult performers with consent, yung pangalawa na ang pipiliin ko, hehehe! Basta, hindi ko na lang titingnan nang diretsahan ang maraming eksena!
            Wala man values ang porn DVDs na yun except perhaps, considerable campaign for safe sex, ang mga actors and actresses ay hindi dapat husgahan. Why don’t we pray for them that someday they shall regain their dignity, self-respect, and self-worth once more?