Mother Teresa of Calcutta, now a canonized saint last September 4 at St.
Peter’s Square, Vatican City, was without doubt among the most iconic,
influential, and beloved women of the 20th century and even for times to come.
The wrinkles and lines on her face celebrated the countless smiles she offered
to the people in most dire need of hope, love, and care during her long,
fruitful life of humanitarian career under God’s grace and providence. Truly,
genuine beauty radiates from within.
***
Ika-6 ng Setyembre. Nadadamay na ang reputasyon ng Pilipinas dahil sa
maingay na bunganga ni Digong. Maaari naman siyang magpahayag ng kanyang
constructive criticism tungkol sa Amerika, kay Obama, kay Ban Ki-Moon, at sa
European Union ngunit huwag naman sana sa pamamagitan ng pagmumura at
pag-aalipusta sa dignidad ng tao. Pero sadya talagang parang matanda na
nagmamaoy na dahil sa tuba.
Pinapakialaman daw siya sa kanyang pamamalakad sa bansa. Ayaw niyang
nagki-criticize ang mga ito tungkol sa sunud-sunod na kaso ng extrajudicial
killings, summary executions, and human rights abuses kahit bago pa man
magsimula ang kanyang termino bilang presidente.
Pero bakit pagdating sa China na kinakaya-kaya lang ang Pilipinas
pagdating sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, tila tameme siya?
Nasaan ang tapang niya? Itutuloy ba niya ang nauna niyang pangako noong panahon
ng kampanya na siya raw ay magdyi-jetski patungong Spratlys at itatanim ang
watawat ng Pilipinas sa isa sa mga isla dito? O, baka nandiyan naman ang
kanyang mga tagapagsalita upang linawin ang kanyang mga nagko-contradict na
pinagsasabi na hitik lang kasi ito sa hyperbole and worse- joke only?
Available pa sa mga bookstore ang little black book na ang pamagat ay “The
Duterte Manifesto”. Hindi ako bumili pero nakibasa lang ako sa back cover nito.
Basta, huwag daw siyang sisihin sa bibig niya... “God-given” din daw ito sa
kanya. Sigh.
“...what enters into the mouth does not make a person unclean,
what defiles one is what comes out of his mouth.” ~Matthew 15:11~
Follow-up
for this essay: Oktubre. Makalipas ang ilang linggo pagkatapos ng ASEAN Summit
sa Laos, nag-state visit si Digong sa Japan at kasabay pa ang pagkakapanalo sa
Miss International 2016, ni Kylie Verzosa. At napaulat pa sa mga diyaryo at TV
news na noong pabalik na sa bansa ang kanyang delegasyon, sabi niya ay narinig
daw niya ang salita ng Diyos habang siya ay komportable na sa kanyang
kinauupuan sa loob ng eroplano at siya ay pinagsasabihang iwasan na ang
pagmumura. Noong campaign period, bukod sa rape joke, nadali rin siya dahil
umano sa pagmumura kay Pope Francis na agad din niyang inihingi ng paumanhin.
At nang minsang nag-courtesy call siya sa isang Simbahang Katoliko, nagbitiw pa
siya ng pangako na sa bawat murang binubuga ng bibig niya, katumbas yun ng
isang libong piso na kanyang donasyon sa charity. Ah, siguro, ililista yun ng
dakila niyang alalay na si Bong Go at naka-magkano na kaya siya?
At
sa follow-up news naman tungkol sa balitang iyon na nakarinig daw siya ng
“divine message” habang pauwi galing Japan, sinabi naman niya- joke only.
Balik
sa dating kinagisnan. Madalas kong natityempuhan na broadcasted sa AM radio
stations o sa government TV channels ang kanyang talumpati sa iba’t ibang
events dito man sa Pilipinas o sa mga Filipino communities abroad, ang talagang
natural na Digong. Formal speeches, mga batikos at patama sa mga kritiko tapos
napunta naman sa ibang kuwento at lumiko sa isa pang kwento at nagsanga pa ng
karagdagang kwento para hindi antukin ang audience na agad magtatawanan at
kinikilig pa kapag narinig na siyang bumwelta ng kanyang pagmumura.
***
Ika-2
ng Setyembre. Gabi. Pinanood ko ang finale ng matagal ko nang sinubaybayang
“JuanHappyLoveStory” sa GMA-7. Tuwang-tuwa ako sa rom-com na ito sa totoo lang
dahil nag-break free siya from the usual weepies and heavy melodramas na tatak
na ng primetime program block ng TV networks. Mature and adult-oriented with
naughty humor yet still discreet, yun ang trip ko sa mga palabas sa TV!
***
Ika-12
ng Setyembre. Special non-working holiday ngayon bilang pakikiisa sa
pagdiriwang ng Islamic holiday of Eid’l Adha or the Feast of the Sacrifice. Ang
mga local and international terrorist groups ba na lagi na lang binabanggit sa
mga balita ay maliliwanagan at matututo pa kaya ng tunay na sakripisyo? Ang
isakripisyo na ang kanilang kalupitan at mga makasariling hangarin o ideolohiya
upang manaig na ang katarungan at kapayapaan sa mundong ginugulo nila.
***
Ika-17
ng Setyembre. Nagpunta ako sa annual Manila International Book Fair na ginanap
muli sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. Hindi mahulugang karayom
palibhasa ay Sabado! Kaunti lamang ang binili ko- notebook mula St. Pauls, set
of BookMark postcards tungkol sa local ancient artifacts, at ang Volume 1 of
the highly-popular “Looking Back” compilation by Professor Ambeth Ocampo. Ang
huling nabanggit ko ay nabili ko sa malawak na National Bookstore-Anvil hall na
kung bagsak-presyo pa sana ang iba pang volumes ng “Looking Back” ay
pinagbibili ko na sana kung hindi lang short sa budget!
Nakatutuwa
talagang basahin ang essays ni Prof. Ambeth at siksik pa sa historical facts na
nasusundan g kanyang witty, dynamic views and insights. Mga selected
compilation yun mula sa column niya sa editorial section ng Philippine Daily
Inquirer.
***
Botanical Gallery