Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!
The Sleeping Saint Joseph on a Christmas card
I
happily received these wonderful presents from Caritas Manila days before
Christmas. Pope Francis also popularized the devotion to Mama Mary’s husband
and Jesus’ foster father. St. Joseph’s slumber was believed to be a symbolic
meditation which finally arrived at the realization about God’s will and plan
for our lives.
***
Ika-3
ng Disyembre. Advent season na ngunit sa araw na ito, ako ay nakapa-visita
iglesia sa apat na simbahan sa Maynila. Hindi man ako ganoong ka-relihiyoso,
nais ko magtungo sa isang pilgrimage na meron pang cultural and historical
tour. Pagbaba ko mula LRT-Carriedo, ang una sa aking itinerary ay ang simbahan
ng Sta. Cruz. Sampung taon na pala ang nakalipas mula nang huli akong nagtungo
dito nang ako ay pumupunta noon sa Ongpin, Binondo upang kumonsulta sa isang
mahusay na Tsinoy doctor. Ang simbahan ay nanatiling hindi nagbabago. Naroon pa
rin ang malawak na myural sa may altar area lalo na yung painting ng isang tupa
na napagkamalan ko pa namang alien noon; nakatingala pala yung tupa, ang
simbolo ng pagiging Lamb of God ni Jesus. Maraming tao ang nasa simbahan nang
ako ay nakarating doon. Mga nananalangin. May mga natutulog. May mga
nagpapalipas lamang ng oras mula sa alinsangan sa labas.
Sunod
ko namang nilakad ay ang magulo at masikip na Carriedo na para bang ako’y
sumuong sa obstacle course makarating lang sa simbahan ng Quiapo. May mga
nadaanan pa akong kiosks ng mga ‘wishing candles’ na nakapaligid kay San Juan
Bautista, the prominent saint of this Advent season. Hmmm, wala namang masamang
magsindi ng kandilang iba’t ibang kulay. Bumili ako ng tiglimang pisong
kandila, sinindihan, at itinirik doon sa parang parilyang ihawan. Hindi naman
ako seryoso sa ganitong matagal nang paniniwala pero ang kulay ng kandilang
binili ko ay pink. For love and health daw. Okey naman sa akin ang maging
single-blessed basta ako’y mananatiling in the pink of health!
At
tumuloy na ako sa loob ng Quiapo Church. Kaya pala tuluy-tuloy ang hangin sa
loob dahil sa mga ga-higanteng mga ceiling fan na mas malaki pa sa mga elesi ng
helicopter o ng eroplano. As usual, punung-puno ng tao sa loob ng simbahan.
Paglabas ko sa main entrance, nakapaskil sa bulletin board doon ang mga
pro-life posters. Sa Disyembre 8, bukod sa Feast of the Immaculate Conception
(at tuwing sumasapit ang araw na ito ay tahimik ko ring ginugunita ang
anibersaryo ng aking teaching career sa aking mahal na paaralan), Feast of Our
Lady of Guadalupe rin at sa Disyembre 28, the Feast of the Holy Innocents. Ang
mga litrato ay merong graphic images ng aborted fetuses. Nakakatakot man
tingnan ngunit iyun ay katotohanang nagaganap sa maraming lugar sa mundo na
walang pagkilala sa unborn babies bilang mayroon nang buhay. Sa mga balita
noon, pati mga simbahan ay ginagawa ring lugar na pinag-iiwanan ng mga
ipinalaglag na sanggol. Kamakailan lamang, nagpahayag si Pope Francis na ang
mga pari, hindi lang ang mga obispo, ay maaari nang duminig ng kumpisal ng mga
babaeng ipina-abort ang ipinagbubuntis. Ang mga kababaihang iyon at pati mga
aborsyonista ay may karapatan din humingi ng kapatawaran mula sa Diyos basta
iwaksi na nila at pagsisihan ang kanilang ginawa.
Paglabas
ko sa Plaza Miranda, tumawid ako sa Lacson Underpass patungong Echague kung
saan may mga dyip na biyaheng San Miguel, sa Malacañang Complex mismo. Sunod
kong tinungo ang National Shrine of St. Jude Thaddeus. Siyempre habang papunta
doon, na-enjoy ko muna ang paglalakad sa Arlegui, sa labas ng Laperal Mansion
hanggang J.P.Laurel tapos tawid sa Ycaza. Maraming beses na rin akong nagtungo
sa St. Jude. Ilang beses ko na rin ngang nababanggit dito sa blogs na sa tuwing
sasapit ang yearly Dugong Bombo, ako ay nagri-recite ng aking St. Jude’s
Novena. At nitong huling blood donation event, naging qualified uli ako!
Mula
St. Jude, nilakad ko naman ang patungong National Shrine of St. Michael and the
Archangels. Buti at hindi gaanong mainit at nakatuwaan ko rin ang maglakad sa
Laurel lalo na sa labas ng mga gate ng administrative buildings ng Malakanyang.
Napakatahimik na lugar itong San Miguel, lalo na sa mismong Palasyo. Eh, hindi
naman naglalagi dito si Duterte. Doon siya madalas sa Davao City lalo na sa
weekends. Habang patungo ako sa St. Michael, nadaanan ko pa ang Freedom Park
kahit na hindi na ako nag-stopover doon. Maraming kabataang nakatambay. Sa mga
taong iyon na regular na nakatambay at namamasyal sa naturang parke, sino sa
kanila ang mga may tunay na malasakit upang magtulung-tulong na i-rehabilitate
ang lugar? Na sana’y mas malinis na ito at burado na ang mga wala namang
kwentang bandalismong ginawa nila sa monumento ng kalapati ng kalayaan?
Tanghaling-tapat
na nang nakarating ako sa St. Michael tapos wala nang ibang tao sa loob nang
mga oras na iyon. Hindi naman nakakatakot kahit mag-isa lang ako dahil payapa ang
buong lugar at kung may mga ispirito, silay ay kaaya-aya at payapa katulad ng
shrine na ito lalo pa’t si St. Michael ang isinugong arkanghel na lumupig sa
diyablo. Tulad sa ibang simbahan, meron itong columbarium at ossuary sa loob at
mas marami pang vault sa labas na malapit sa Marian grotto and gardens. Doon
ako umupo sa pew na malapit sa malaking Sleeping St. Joseph. Pagkatapos
magdasal ay nagpahinga muna ako sandali. Napagod din ako lalo pa’t
nagko-commute lang ako tapos ang baho ko na, hehehe! Subalit sa Advent visita
iglesia na ito, maraming salamat sa Panginoon, nakadama ako ng naiibang gaan ng
kalooban at tunay na kaligayahan.
Paglabas
sa shrine, mabilis lang ang makasakay ng dyip na pabalik sa Quiapo.
Nananghalian pa ako sa Greenwich. Nakakagutom din ang paglalakbay sa puso ng
Maynila,o! Lumamon na ako carbonara at cheesy bread sticks with Sprite. Sayang
at ang Goldilocks na palagi ko rin dinarayo noon at kabilang sa mga matagal
nang may pwesto sa Carriedo ay tuluyan nang nagsara kahit na marami namang
customers. Paano, garapal ba naman sa pagdami ang mga illegal sidewalk vendors.
Natabunan na nga noon ang Goldilocks na tanging ang signboard na lang nito sa
second floor ang natatanaw, lalo pang nakubli ito dahil sa matindi nang
pagsisikip sa Carriedo. Hindi ako bumibili sa mga bangketa ng Quiapo sa totoo
lang. Karamihan sa mga materyal na panindang nakabalandra sa daanan ay mga
schlocks. Ang nabili ko lamang ay mga kiwi (paborito ko sa lahat ng imported na
prutas) sa fresh fruit stands sa labas ng SM Clearance.
Naglakad-lakad
muli ako sa mas maluluwag na kalsada ng Quiapo at mainam ang pag-uulap ng
langit pero hindi naman umulan. Makapal na ang dami ng mga kostumer sa tindahan
ng Excellente Ham. Marami nang namimili ng panregalo at iba pa para sa
nalalapit na Pasko. Malapit nang matapos ang Quinta megamarket at
masiglang-masigla pa rin ang kalakaran sa mga palengke at tiyangge patungong
Plaza Miranda. Gusto ko sanang bumili ng Cordillera native backpack sa isa sa
mga nadaanan kong tindahan ng handicrafts ngunit kulang ang budget ko; siguro
sa susunod na lang.
Bumalik
uli ako sa Plaza Miranda. Tipikal nang katangian ng liwasang ito ang
di-mabilang na taong dumaraan at ang ‘rally’ ng sangkaterbang nakaparadang
sasakyan sa gilid ng Quezon Boulevard. Simula na ng mga panghapong Misa sa
simbahan at puno na ito ng mga tao.
Ah,
apat na taon na pala ang lumipas mula nang huli kong cartomancy session;
pakitunghayan ang “Fresh Scent of Rain-Drenched Soil and Lush Plants”- August
2012 blog post. Hindi ko na namataan sa paligid yung mama na iyon. Ang Quiapo
ay pook pa rin ng syncretism! Naging trip ko uli ang cartomancy at para sa akin
ay wala namang kademonyuhan dito; yung mga solascripturan puritanical prigs na
literal na literal lang kung umintindi ng Bibliya ang nagsasabi ng ganoon! Ang
nilapitan ko ay yung ale na may pwesto malapit sa entrance ng Lacson Underpass.
Napili ko uli ang tarot deck. Napansin ko sa mga baraha na ang mga ito’y
lukut-lukot na at ang ilang piraso ay tila nangatngat pa ng bubuwit ang dulo
nito; malamang sa hindi na mabilang na kumonsulta sa ale sa loob ng maraming
taon, ano? Bago balasahin ang mga baraha at pinapili ako ng pito, sabi ng ale
ay magdasal muna ako ng “Ama Namin” nang buong taimtim.
Sa
totoo lang, hindi lamang ang mga sasabihin ng aleng tagabasa ng kapalaran ang
inoobserbahan ko kundi pati siya mismo. I am always fascinated with fortune
tellers whether they are gifted with extrasensory perception or are they just plain bluffing in interpreting
the configuration and influences of the cards with one another. Kaya nga
pagkatapos ng cartomancy, pumasok muli ako sa simbahan at kasama na ang ale sa
mga panalangin ko. At para sa akin, ang interpretation sa symbolism of tarot
cards ay nagtataglay rin ng psychological depth. At saka, lalo rin akong
naintriga sa tarot cards noon pa dahil sa sinubaybayan kong mid-‘90s animé na
“The Vision of Escaflowne”. Ang ganda kaya ng kwento ng isang yun!
(My very own Major Arcana tarot cards-
sigh, I don’t even know how to use it either for cartomancy
or the ancient card game of trumps)
Heto
ang ilan sa mga sinabi niya: ako ay masyado raw emosyunal. Yeah, tama. There
were times when I was down with depression. Inaamin ko ang aking pagiging
emotionally-vulnerable, gullible, weak. Pero, cliché man, eh sa tao lamang ako
na humahantong sa mga pagkakataong iginugupo ng damdamin kapag bumababa na ang
tingin ko sa aking sarili dulot ng mga tagpo o sitwasyong hindi maiwasan.
Subalit maraming salamat sa Panginoon, mabilis naman ang aking emotional
recovery. Dapat akong maging matatag. Ipinanganak ako under the Aries zodiac
sign, element is fire and compatible with the feng shui Pig with the element of
water at kabilang sa katangian nito ay ang pagiging matatag!
At
napunta sa lovelife. Hindi na ako interesado tungkol doon sa totoo lang. Gusto
ko sanang tumawa sa pinagsasabi ng ale- darating din ang taong yun... I was so
disgusted at what I heard! Matagal na akong single-blessed at marami akong
kamag-anak from both side of the family na mga single and happy. Kinakantiyawan
na lang ako lagi tungkol sa lovelife; bakit walang nanliligaw sa akin? Ah,
punyemas! Alam ko ang background ng karamihan sa mga lalaking iyan! Tinitimbang
nila ang kapwa nila sa panlabas na itsura at hindi sa tunay na pagkatao; the
outside looks and image means everything to them! Eh, sa tumatanggi akong
magpamake-over, ano? Hindi ako sophisticated; nagpapatuloy ako sa kinagisnan
kong Spartan lifestyle. Hindi ako mukhang presentable. Isa akong eyesore at
hindi nga naman ako mukhang tao sa paningin ng iba... at wala akong pakialam
basta wala akong inaagrabyado at mas lalo walang masamang ginagawa! Ganito na
ako, isang weirdo! Pagkatapos, may inalok siyang naka-sachet na pulbos. Miracle
powder daw yun para maitaboy ang malas sa lovelife. Hindi ako bumili. Baka
mamaya kung ano ang sangkap ng isang yun at paano kung gayuma yun tapos ang
mabighani ko pa ay taong ayaw ko? Higit ko pang pipiliin ang maging happy
spinster kaysa ang maging miserable sa isang miserable ring relasyon. Ah,
magpakapusong-lalaki na single-blessed na lang ako. Basta, isang seryosong
taboo na halos anathema para sa akin ang lesbian attraction and relations.
The
scope on career. Okey naman daw ako. Steady job. At ang sinabing ito nung ale
ang medyo nagpa-disturb sa akin kahit papaano. Sa trabaho, meron daw akong
kasamahan na naiinggit daw sa akin at sinisiraan ako. Naku, ha! Ni hindi ko nga
nararamdaman ang bad vibes na iyon sa workplace, ano? Isa lamang akong average
employee. O, kung totoo man ang tungkol sa co-worker na nakita sa baraha, ayoko
nang maghinanakit o magburo ng sama ng loob. Tutularan ko na lamang ang
memorable quote mula sa character na Lester Burnham na ginampanan ni Kevin
Spacey sa isa sa mga all-time favorite movies ko, ang “American Beauty”- “...it’s hard to get mad when there’s a lot
of beauty in the world.” Isang walang hanggang pasasalamat na ako’y may
trabaho. Hindi lang trabaho, kundi career bilang guro (kahit na hindi naman ako
mukhang guro lalo na kapag wala ako sa aming paaralan!). Tumatanggap ako ng
sweldo mula sa gobyerno. Tungkulin ko ang pagtuturo at pumapasok ako sa VABES
para doon sa mga mag-aaral at nakakatagpo ako ng kasiyahan sa pagbabahagi ng
kaalaman at ang makasalamuha sila.
At
heto pa. Ayon sa mga baraha, sa aking workplace, meron daw akong ‘guardian
angel’ na nagbabantay sa akin habang ako’y nagtuturo. What? Ang tagapagbantay
na iyon na animo supervisor sa klase ay isa kayang namayapang titser? O, isang
pumanaw na estudyante? Marahil ay isa sa mga palakaibigang kaluluwa sa school
namin? Isang guardian angel na masaya! At naalala ko yung unang beses nang
ako’y nagpa-tarot reading. Meron daw akong itim na duwende na maaaring malas sa
akin o natutuwa lang sa akin. Makalipas ng ilang taon, napagnilayan ko na na
ang itim na duwendeng binanggit sa akin noon ay hindi isang supernatural
creature kundi the symbol of the negative side of my own self! Ang aking mga
negativities- kakulangan ko sa sikap at tiyaga sa buhay, pagiging bugnutin ko
at magagalitin sa ilang pagkakataon, ang hindi ko pagtapos sa aking mga
nasimulan, basta, anumang negativity kaya hindi ako umaasenso sa buhay.
May
mga magaganda rin namang sinabi ang ale at alam kong hindi yun pambobola.
Ginagampanan ko nang maayos ang trabaho ko, masaya ako sa aming bahay, mainam
ang aking kalusugan, at mayroon akong peace of mind. Maraming salamat sa
Panginoon. Peace of mind... I love that. Kaya nga, sa araw na ito, apat na simbahan
sa Maynila ang aking binisita at pinag-alayan ko ng panalangin ang mga taong
nakasabay ko rin doon kahit na hindi ko kilala ni isa sa kanila. Pero hindi
nawawala sa bawat cartomancy with palmistry session ang prediksyong ako’y
makakapag-abroad daw. Hmmm, sana nga... kung meron akong malaking budget upang
sumama sa pilgrimages at mamasyal sa ibang bansa at hindi ang magtrabaho doon.
Matagal ko nang binura ang pangarap ko sana noon na maging OFW. At kabilang sa
mga huling pahayag mula sa mga baraha at guhit ng palad- sa susunod na taon daw
ay magkaka-“pangalan” na raw ako. Saan larangan? Sa pagiging fiction writer ba?
May pag-asa pa ba ako doon? Ay, caramba!
Ang
araw na ito ay may kahabaan ngunit ako’y umuwi nang masayang-masaya.