(courtesy of Wikipedia/uploader SidneyHall)
The Scorpius with its
brightest star and its heart, Antares. And this time of the year, the planet
Saturn is located near the ‘sting’ of its tail but much closer to Ophiuchus. This constellation is the most
spectacular in the summer night sky even though I was born under the zodiac
sign of Aries the Ram and the Scorpio nights are actually from October 24 to
November 22.
courtesy of IAU Sky & Telescope/ Wikipedia/Google images
***
Abril 5. Ang ika-59 na Pagtatapos ng
mga mag-aaral ng Villamor Air Base Elementary School ay muling ginanap sa
Cuneta Astrodome sa ganap na alas ocho ng umaga. Muli, ang weirdong
nagngangalang Joan T. Teves ay kasama sa mga inanyayahang dumalo tapos na-late
pa. Eh, di siyempre sa araw na ito, naging trip ko ang mag-ayos-ayos para
magmukhang tao kahit papaano. Walang basagan ng trip kung mag-disguise uli ako
na isang girly-girl kahit kabaligtaran naman sa tunay kong pagkatao.
Pinanood ko hanggang matapos yung
programa. Nakaupo ako sa dulong silya ng pwestong nakalaan para sa Grade 5
faculty at nadadaanan pa ito ng mga bata pagkababa nila mula sa stage matapos
tanggapin ang kanilang certificates at bago bumalik sa kani-kanilang pwesto.
May isa hanggang dalawang bata ang nakapansin sa akin tapos nagmano pa nang
nakangiti and the rest, whether mga tinuruan ko sa asignaturang HEKASI o
Filipino, lalo na mula sa mismong advisory class ko noong Grade 5 pa sila,
dumaan lang.
Hindi siguro ako nakilala o lalong
hindi ako napansin. Hindi naman nakatago ang pwesto ko, eh. Gusto ko sanang
batiin sila kaya lang, para akong invisible kaya minabuti ko na lang ang
manahimik at panoorin sila at maging masaya na lamang para sa kanila dahil sa
wakas ay nakatapos na sila sa elementarya. Aking ipinapanalanging nawa’y mas
lalo pa nilang pagsumikapan ang buhay high school at huwag silang mapariwara.
Ito ang pakiramdam ng pagiging isa
na lamang multo mula sa nakaraan. Yun bang buong umaga ng araw na iyon sa
graduation ng VABES, nakisalamuha ako sa mga tao at walang gaanong nakakapansin
sa aking presensya maliban na lamang sa mga nakaupo malapit sa akin. Kaya nga,
pagkatapos pa lamang ng programa ay lumayas na ako agad. Nagko-commute kasi ako
at kapag nakisabay ako sa karamihan sa mga tao, baka matagalan bago ako
makasakay sa dyip patungong EDSA-Rotonda.
***
Abril 9 hanggang 16, Semana Santa o
Holy Week na. Ang Palm Sunday ay tumapat din sa Araw ng Kagitingan. Noong 1942
at kasagsagan ng Second World War (man, that was 75 years ago), mga anong petsa
kaya tumapat ang Holy Week? Bago o pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan?
Sobra-sobra pa sa penitensya ang tinaguriang Death March mula Mariveles, Bataan
hanggang San Fernando, Pampanga at ang train ride patungong Capas, Tarlac.
Nakapunta na ako noong September 11, 2010 sa Corregidor (refer to “The Cocktail
Blog” October 2010 blog post) at sana, makarating din ako sa Dambana ng
Kagitingan sa Bundok Samat, Pilar, Bataan. Sa libu-libong USAFFE kasama ang mga
gerilya, at ang milyun-milyong mamamayan na sinapit ang malagim na panahong
iyon, kulang pa nga ang mga salita upang ilarawan ang kanilang sukdulang
pagdurusa subalit sa kabila ng poot, depresyon o pagkawala na sa katinuan dulot
ng kaguluhan, siguradong marami pa rin ang hindi namatayan ng pananalig sa puso
nila.
Sa maalinsangang Linggo ng Palaspas,
bago ako dumalo sa panghapong Misa dala ang aking palaspas, nakapag-visita
iglesia pa ako. Pagdating sa EDSA, nagtungo muna ako sa Don Carlos Village kung saan
naroon ang Our Lady of Fatima Parish. Cute pa rin ang simbahang ito kahit pa as
of this blog writing time, hindi pa siya mukhang tapos at marami pang finishing
touches ang dapat gawin pero maaliwalas sa loob dahil sa malalaking bay windows
sa may altar. Very conducive also for prayers, reflection, and meditation lalo
na sa Adoration Chapel nito.
Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa
MRT. Siguro nga na may mga oras talagang maluwag at maginhawang sumakay dito.
Hindi siksikan sa mga bagon. Ang destinasyon ko ay Guadalupe, Makati. At merong
kakaibang tagpo. Pagdating sa Ayala station, merong isang matandang lalaki na
sa halip na sumakay sa unang bagon na naka-reserve sa mga katulad niya,
dumiretso sa ibang bagon at tila iniisa-isa ng tingin ang mga pasahero. And
halfway bago mag-Buendia, yung isang magandang tsik na nakaupo malapit sa akin
ang nag-alok ng upuan niya pero tumanggi naman ang mama. Sabi niya, sinusubukan
lang daw niya kung sino ang magmamagandang-loob na magbibigay sa kanya ng
mauupuan at yung babaeng iyon ang ‘nakapasa’. Pagpara sa Buendia, pumanaog na
ang mama. Ano siya? Isang angel-in-disguise or fairy na sinusubukan lang kung
ang mga target na mga tao ay merong busilak na kalooban?
Pero naisip ko, ano kaya kung inalok
ko rin sana ang upuan ko tutal maluwag naman sa MRT nang mga oras na iyon at
kaya kong tumayo na lamang? Hay... too late. Nagbabalik sa gunita ko ang isang
tagpo noong 2013 at sa MRT din. Siksikan as usual at sa bagon na pulos lalake,
ibinigay ko ang upuan ko sa isang babae na akala ko buntis. Tinanggap naman
niya pero tinakpan niya ang mukha niya habang walang tigil sa katatawa ang
kasama niyang lalake.
Awkward situation...
Paghinto ng MRT sa Guadalupe
station, nagtanung-tanong ako sa mga pulis, sekyu, at pati dyipni barker kung
nasaan ang simbahan ng Our Lady of Guadalupe. Itinuro nila yung pagtawid ng
EDSA at paliko sa Loyola Memorial Chapels. Ang layu-layo ng nilakad ko na parang
penitensya at kinailangan kong dumaan sa masikip na sidewalk na merong
mapapanghing pader tapos sa kitid ng daanan ay hindi pwedeng may kasalubong ka.
Pagdating sa street na iyon, ang bumungad naman ay ang San Carlos Seminary
(dito kami nag-recollection noong 3rd year high school sa St. Mary’s Academy).
Sabi ng sekyu, ang hinahanap ko raw na Guadalupe Shrine mismo ay naroon sa
kabilang panig ng EDSA na malapit daw sa MMDA. Pero sinabi niya na
sa bandang ibaba ng street ay meron din daw simbahan doon.
Ang balak ko kasing puntahan ay yung
antigong simbahan sa Guadalupe Viejo (malapit na nga ito sa Ilog Pasig) na
napanood ko pa nga noon sa ilang kabanata ng dating primetime series sa channel
7 na “Beautiful Strangers”. Babalik na sana ako sa MRT at saka ang init-init na
talaga kaya lang sayang ang pagkakataon kaya nilakad ko pa rin ang palusong na kalsada na tinatawag na
Bernardino at hindi ko na sigurado kung saang lupalop na ako dinadala ng mga
paa ko. May mga nadaanan akong lugar na maraming dikit-dikit na bahay tapos
parang ginawang talyer ng dyip ang kalsada. Hanggang sa nagulat na lang ako
dahil nasa tamang lugar naman talaga ako!
Nasa mataas-taas na lugar ang
kinalalagyan ng Spanish period church na nagpapaalala sa akin ng simbahan ng
Malate at ang Manila Cathedral. Ang tawag pala sa kanya ay Nuestra Señora de Gracia (Our Lady of Grace
Parish). Ang lawak-lawak ng bakuran at mga halamanan nito. Pagdating ko doon,
patapos na ang isang funeral Mass at palabas na ang mga tao. At dahil simula na
ng Holy Week, natatakpan ng kulay violet na tela ang mga istatwa at krusipiho.
Mag-aalas tres na ng hapon kaya 3 o’clock habit and recitation of the Chaplet
to the Divine Mercy na. Hay, nawala ang pagod ko sa masayang hapon na iyon.
Sa totoo lang, hindi naman talaga
ako religious, eh. Malayo ako sa pagiging banal, tsktsktsk! Hindi ito pa-humble
effect dahil nagsasabi ako ng totoo. Pero isang araw na lang kasi, naisip kong
maging personal na tradisyon kung di man matatawag na panata, ang magpunta sa
mga simbahan sa iba’t ibang lugar kahit hindi panahon ng Holy Week o Advent
para sa ‘anytime visita iglesia’ na ito. Basta, nararamdaman ko na lang. At
marami na nga akong napuntahang simbahan na ang ilan sa mga ito ay makailang
beses ko nang binisita tulad dito sa Pasay, Maynila, at sa Parañaque. Religious pilgrimage, significance, relevance,
soul-searching, meditation, unwinding moments, appreciation of the arts,
culture, and history, charity through sincere prayers for the communities that
surround the church and for all strangers who took efforts to travel to visit
that church... all rolled into one. Malaki man o maliit, sinauna man o itinatag
na sa makabagong panahon, bawat simbahan ay tahanan ng Panginoong Diyos kaya nararapat
nating pahalagahan at pangalagaan.
***
Miyerkules Santo, Abril 12.
Baclaran.
Visita iglesia uli. Santa Clara de
Montefalco Parish sa Padre Burgos, Pasay kahapon, sa petsang ito naman ay ang
Santa Rita de Cascia Parish sa Quirino, Baclaran. At pagkatapos ay alay-lakad
naman papuntang Redemptorist.
Dahil Miyerkules, araw ng nobena sa
Ina ng Laging Saklolo kaya sa loob ng Baclaran Church ay di mahulugang karayom.
Naging tradisyon ko na tulad nitong mga nakaraang taon ang mag-Via Crucis or
Way of the Cross. Meron palang dalawang site sa Redemptorist compound para sa
14 Stations of the Cross. Ang traditional or old Stations ay nakahilera along
the grand promenade patungong simbahan samantalang ang modern or new Stations
ay nasa garden ng kumbento. Yung ikalawa ang pinuntahan ko at ng iba pang
strangers na kasabay ko. Mas tahimik kasi doon sa hardin at nalililiman pa ng
mga puno. Talagang makakapag-concentrate ka sa iyong pagninilay at panalangin.
Sunod na pinuntahan ko ay ang Shrine
of St. Thérèse, siyempre dito yun sa Villamor Air Base.
***
Huwebes Santo, Mahal na Araw o
Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Kapansin-pansin talagang ang mga araw na
ito ay kabilang sa mga pinakapayapang araw sa buong taon sa totoo lang.
Kahit naman walang cable
subscription ang TV, marami pa ring mapapanood na secular and religious/Lenten
presentation alike. Sa TV5, ang saya namang magkasunod na ipinalabas ang
Tagalized Disney animated films na “Pocahontas” (1995) at “Frozen” (2014). Ang ganda
rin palang pakinggan ang Tagalog version ng mga theme songs nitong “Colors of
the Wind” at “Let It Go” lalo pa’t swak na swak ang pagkanta dito ng mga voice
talents na dapat ay binigyan din ng credits at the end of the show. Sa channel 7 naman ipinalabas ang Tagalized "Prince of Egypt" (1998).
Tanghaling-tapat naman ng Good
Friday, kaugalian dito sa aming tahanan ang tumutok sa GMA-7 para sa “Siete
Palabras” (Pitong Huling Pahayag ng Panginoon). Very Filipino ang programa. Sa
totoo lang, ito ang pinakamagandang Lenten presentation ng Holy Week prior to
Easter Sunday. At balang araw, nais ko rin mapuntahan ang Sto. Domingo Church.
Abril 16. Linggo ng Muling
Pagkabuhay. Sumapit na ang paborito kong okasyon sa buong taon. Higit pa nga sa
birthday ko... na ngayon ding araw na ito! Tulad noong 2006, tumapat din sa
Easter Sunday ngayong taon ang birthday ko. Kahit wala namang salu-salo o
pamamasyal (lalo pa’t makulimlim at maulan sa araw na ito na para bang hindi
panahon ng tag-init), ang mahalaga ay dumalo sa Paschal or Easter Mass kung
saan ginaganap din ang renewal of baptismal vows. Maraming salamat sa
Panginoon. Amen. Nitong mga nakaraang araw, ang dami-daming balita kahit
paulit-ulit pang pangyayari- mga nakakasawang balita tungkol sa gulo sa
gobyerno, lindol o sakuna sa ilang lugar, kaguluhan, terorismo, krimen, katiwalian.
Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang kaligayahan sa Linggo ng Muling
Pagkabuhay ay nangingibabaw at umiiral pa rin. Pag-asa, pananampalataya,
panatag na pakiramdam... ang araw na ito ay araw rin ng pasasalamat.
Hay, birthday. Well, age is just a number,
right?
***
Possibly, these Japanese-made
drinking cups were used for green tea or even sake and I bought these recently
for ten pesos each at an ukay-ukay store along F.B. Harrison here in Pasay. The
one in the foreground has become my favorite for cold water, hot coffee, and
steamy turmeric tea.
I think this mug without handle is
destined to be mine especially that the calendar for 1983 was printed on its
glaze. It has been a long time since this one was manufactured somewhere in
Japan yet by the look of it, it’s like as though it was only made yesterday.
The colorful picture has symbolic meanings for me as well. The wild boars
herald that the said year was the Year of the Pig in Chinese astrology while
the fire, in western zodiac, is the element associated with Aries the Ram, my
sign.
***
A
Visit to San Sebastian Church, Manila
El Greco's St. Sebastian (courtesy of Wikipedia)
Si Saint Sebastian ay isang ancient
Roman Christian martyr noong panahon ng paghahari ni Emperor Diocletian.
Popular din siyang subject sa mga likhang-sining noong Renaissance period at
ang usual portrayal sa kanya ay semi-nude, athletic-looking yet with male
supermodel looks tulad sa mga sinaunang Greek sculptures. Man, we got a hot
hunk for a saint.
Abril 21. Isang maalinsangang araw
upang magtungo sa aking second favorite city after Pasay, ang Maynila. Isa
muling visita iglesia at ang nag-iisa sa aking itinerary para sa araw na ito ay
ang Basilica Minore of San Sebastian sa may panulukan ng C.M.Recto.
Nakakalito talagang magpunta sa ilang bahagi ng Maynila tulad sa University
Belt kung saan naroon din ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R).
Pagdating ko nga doon, para akong alien na hindi ko batid kung saang lupalop na
ba ng mundong ibabaw ako naroroon.
Lakad dito, lakad doon. Tanong dito,
tanong doon. Hanggang sa natanaw ko ang mga nagtataasan at matutulis na twin
towers ng mismong simbahan. Doon pa sa bandang likurang pader nito ako nakaabot
at grabe naman na mga bandalismo sa likod pa man din ng simbahan at gawa ng mga
taong walang magawang matino sa buhay nila. Malawak talaga ang bakuran ng
simbahan.
Unang kong nakita ang larawan ng San
Sebastian sa Mabuhay magazine at akala ko noon sa ibang bansa ito. Tapos,
special mention pa ito sa isa sa mga chapters ng lumang batayang aklat sa
HEKASI para sa mga grade 4, ang “Pilipinong Makabayan” (Bookman Publishing).
Tinagurian daw itong “Lego Church of Asia”; ano? Lego na ina-assemble? Pero ginawaran daw ito ng UNESCO bilang isang heritage site lalo pa’t
naiiba ang arkitektura at istruktura nitong Gothic Revival mula sa usual
Baroque designs ng karamihan sa mga Spanish colonial churches; ibinatay kasi
ang istilo nito sa ilang simbahan sa Europe. Natapos gawin ang San Sebastian
noong 1890’s na, sa mga huling taon ng panahon ng mga Espanyol sa
bansa.
Ang arkitekto ng simbahan ay si
Genaro Palacios; ang obra maestra niyang ito ay higit pa nga sa palasyo. Ayon
sa nabanggit kong textbook, Pilipino raw siya kaya kabilang siya sa mga Pinoy
mula sa iba’t ibang larangan ang tumulong sa pagpapaunlad ng ating kultura.
Pero ayon sa Wikipedia and other online sources, isa raw siyang Espanyol. Ano
ba talaga? Ah, maaaring kaya siya isang Pilipino dahil noon, ang katawagang
“Filipino” ay para sa mga Espanyol na ipinanganak dito sa bansa samantalang ang
mga katutubo ay higit pang tinatawag na “Indio”. O, maaaring si Genaro Palacios
ay isang mestizo.
Tanghaling-tapat na. Pagdating ko sa
simbahan, ang dami-daming estudyante. Baccalaureate Mass pala ng mga graduating
students ng SSC-R. Hindi na ako nakapagsimba. Late na ako at isa pa akong
outsider kaya nagtungo muna ako sa Adoration Chapel. Pagkatapos manalangin at
magpasalamat, lumabas ako at nagpunta sa isang bahagi ng landscaped area sa
harap ng kumbento at inihasik ko sa isang bakanteng sulok ng hardin ang mga
dala kong plantlets ng kataka-taka. Ito ang aking herbal donation para sa
hardin ng simbahan para maging mas luntian pa dito. Sana, huwag mapagkamalan ng
hardinero na mga ligaw na damo ang mga ito. Huwag na silang magtaka pa, hehe!
Kaakit-akit din ang mga kataka-taka kapag magsipaglago na ang mga ito, ano?
Gusto ko sanang tumambay sa may
Parish Office dahil mahangin kaya lang di ako nagtagal doon nang nagdatingan
ang isang grupo ng mga estudyante ng San Sebastian at ang iingay nila kaya
lumabas uli ako. Buti sana kung may katuturan ang mga pinagsasabi nila. Ayaw
nilang dumalo sa Misa. At yung isang cynical na lalaki sa kanila ay tila
nagmamalaki pang hindi na raw siya nagsisimba at hindi naman lahat ng pumapasok
sa simbahan ay malilinis. Eh, di wow. Ang galing naman ng pangangatwiran ng
tabatsoy na estudyanteng yun, o! Kahalintulad ng pamimilosopong “hindi na
makapagsimba dahil baka raw masunog pag pumasok sa simbahan”. Eh, bakit ako?
Napakaraming simbahan na ang nabisita ko at hindi naman ako napapaso pagpasok
pa lang sa pintuan ng mga ito! Hindi naman ako relihiyoso. Makasalanan ako. Eh,
bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa bawat visita iglesia na ito? Minsan,
isang tanghaling-tapat, mag-isa lang ako sa loob ng Malate Church for a quiet,
contemplative solitude. Kahit hindi ko na buksan ang kalapit na bentilador, iba
ang lamig doon sa totoo lang.
Struggle against the dark side of
one’s self is one of the many ways in keeping our relationship with God.
May nabasa akong opinion column sa
isang diyaryo. Ang mga taong mahilig pumuna sa mga nakikita nilang hypocrisies
ng kanilang kapwa ay sila rin mismo mga sandamukal na ipokrito at ipokrita. Eh,
paano yan? Gawain nga yun ng Pangulo at ng kanyang mga panatikong tagasuporta
at trolls, di ba?
Tatambay na sana ako sa katabing
kumbento kahit sa may hagdanan lamang kaya lang ay tinaboy naman ako palabas.
Hay, naman! Para na lang nga akong multo, eh. Dapat pala lagyan nila ng paskil
ang pinto ng kumbento na “Unauthorized persons, keep out” o di kaya’y “Off
limits to weird strangers”.
Nang natapos na ang Baccalaureate
Mass at naglalabasan na ang mga estudyante, ang weirdong kaluluwang ligaw na
ito ay tumuloy na sa simbahan. Kaya lamang, nagsisimula na sana akong namnamin
ang kasiyahan ng visita iglesia na ito sa San Sebastian nang napansin kong
isa-isa nang sinasara ng mga church personnel ang mga pinto at pinapalabas na
ang natitirang mga estudyante na busy pa sana sa pagselfie-selfie nila sa
church premises. Nasa istatwa na sana ako ni San Ezekiel Moreno kaya lang ang
mga basag-trip namang mga tauhan ng simbahan ay sinabihan ang lahat ng
mangilan-ngilang dayong panauhin at pati siguro mga multo na lumabas muna dahil
isasara nila ang simbahan na para bang naging private chapel na ang status.
Akala ko ba naman, kahit wala pang schedule ng Misa at iba pang okasyon ay
bukas lagi ang San Sebastian tulad sa iba pang dinarayong simbahan sa Maynila
gaya ng Quiapo, Sta. Cruz, Malate, Ermita, at ang ‘Malacañang neighbors’- St.
Jude and St. Michael Archangel.
Sayang, gusto ko pa sanang hawakan
man lang ang isang haligi at mag-imagine sa mga imprints na tila madarama mula
sa kasaysayan ng simbahang ito. Ito kaya ay ipinatayo ng mga prayleng Espanyol
dahil sa polo y servicios o sapilitang paggawa tulad sa iba pang simbahan at
mga proyekto ng gobyerno? Malamang, ilan sa mga polistas o manggagawa dito ay
di-naglaon sumapi sa himagsikan. 1892 at bagong gawa pa ang San Sebastian,
diretsuhin lang ang kahabaan ng Calle Azcarraga (lumang katawagan sa Recto)
mula dito, sa isang bahay doon sa may Tutuban-Divisoria ay itinatag ni Andres
Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan. Nang sakupin ng mga Amerikano ang bansa
at sa panahon ng mga Hapones, naging kanlungan ba ito ng mga Pilipino? Ilang
kilos-protesta na ba ang nasaksihan nito during the so-called First Quarter
Storm bago mag-Martial Law hanggang sa kasalukuyang panahon lalo pa’t malapit lang ito sa Mendiola? At ilang
libong estudyante na kaya ang nag-aral at nagtapos sa marangal nitong kolehiyo? At napabilang na rin pala ito sa itinerary ng Traslacion ng Poong Nazareno tuwing Enero 9.
Bago ako lumabas sa gate ng
compound, muli akong dumaan sa Adoration Chapel na tanging nanatiling bukas. At
merong isang lalaking estudyante ang nagtungo rin doon; siguro graduating
student siya. Nakatutuwa namang bata. Habang ang karamihan sa mga kaeskwela
niya ay bukambibig na lang kanina kung saan sila lalamon o gigimik o mag-FB na
lang, siya ay naglaan ng panahon upang manalangin at magpasalamat.
Nang nag-Internet ako para
magsaliksik pa tungkol sa San Sebastian, may mga recent articles online na
‘endangered heritage site’ na raw ito dahil sa structural integrity. Mga
environmental factors daw sa paglipas ng mga panahon tulad ng simpleng pag-ihip
ng hangin mula sa Manila Bay na tagapawi man ng alinsangan subalit may dala raw
panganib para sa steel structures ng simbahan. Napansin ko nga ang kakaibang
lumbay sa loob ng simbahan bukod sa madilim. Sigurado ba talaga si Genaro
Palacios, pati si Gustave Eiffel, at ang mga inhinyero noon na tatagal ng ilang siglo ang San Sebastian
tulad sa mga mas matatandang stone churches sa bansa? Kaya siguro ang mga
tauhan ng simbahan ay naglilimita sa mga taong dumarayo dito lalo na kung
walang schedule ng religious activities. At saka, sa main entrance pa lang,
meron ngang anunsyo doon ng walking tours na parang field trip at kabilang ito
sa mga pagkukunan ng pondo para sa conservation efforts para sa simbahan.
Naluluma na nga sa panahon ang
pisikal na istruktura ng isang simbahan subalit hindi ang “Simbahan” –ang pamayanan ng mga tapat na mananampalataya. At sa
pananatiling matatag sa pananalig ng pamayanan, naniniwala akong ang San
Sebastian ay tatagal pa talaga dahil sa Simbahan, sa awa ng Panginoong Diyos.
San Sebastian under construction in 1890 (courtesy of Wikipedia)
***
Book
Gallery
“The
Best of Ang Pinaka” by GMA Network and Summit Books
I
remember the host Rovilson Fernandez promoting this during the Noel Bazaar at
SMX Convention Center,
SM
Mall of Asia last December 2016; believe me, it’s informative and fun to read as well!
This
April, I finally completed my prized collection of “Looking Back” volumes by
Professor
Ambeth R. Ocampo; try one and you’ll definitely get hooked for more of his
delightful essays.
History
is never a boring subject, absolutely.
***
Finale
of this Blog
Please,
oh, please, visit and read my Wattpad works at https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Pedophile
B.I.T.C.H. (Bound In Total Control of Himself), my first published Wattpad
work.
Hey,
those puritans and moralists among the anonymous readers out there, please
don’t pre-judge this novella just because of its provocative title. The real
essence is in the story itself.
At heto ang tatlong bagong maiikling kwentong kasama
na sa aking Wattpad works. Ang “Amnestiya” at “Wattpad Fan” ay mga isinumite ko
nga sa Liwayway magazine noong 2014 pero ni-reject ng kanilang editorial staff
dahil hindi raw nakapasa sa kanilang pamantayan. Hmp! Kaya nga naniniwala akong
ang Wattpad ay isang kanlungan para sa iba’t ibang uri ng panitikan at nilikha
upang bigyan ng pagkakataon ang mga nangangarap na manunulat! Anong malay ko na
ang mga ni-reject noon ng Liwayway ay may mga papansin at uunawa naman sa
Wattpad!
Amnestiya
Ang
kwento ng isang pamilyang namuhay sa panahon at tagpong walang kasiguraduhan
hanggang sa paggawad ng amnestiya mula sa pamahalaan sa ngalan ng
pagbabagong-buhay.
Wattpad Fan
Crazy
over Wattpad. Yun ang taguri kay Heather. Madalas siyang mag-daydream dulot ng
kilig sa kababasa ng Wattpad romances subalit ang mga love stories bang iyon ay
pwede bang maganap sa tunay na buhay? Mangarap ka na lang nang gising, Heather!
Mirage
Matagal
nang may lihim na pagtingin si Sylvester para sa babaeng hindi naman siya
pansin. Batid niyang wala rin namang patutunguhan ang damdaming ito at umaasa
lang siya sa wala hanggang sa sumapit ang araw nang muling nagbalik ang dilag
ng kanyang pangarap. Magpapatuloy pa rin kaya siya sa kanyang kahibangan o
gigising na siya sa wakas mula sa mga ilusyong matagal na nagkulong sa kanyang
puso sa nakaraan?