The Our
Lady of Fatima Parish at Don Carlos Revilla Village, Pasay City
Isang
replika ng Poong Nazareno na nakasuot ng damit na ipinanggayak din sa orihinal
na poon sa Quiapo
Nang minsang namili ako sa
Liana’s sa Taft Rotonda dito sa Pasay, nagulat ako nang madatnan sa isang
bahagi ng department store nito sa second floor kung saan walang gaanong tao
ang nagagawi, merong tray sa ibabaw ng istante ng hardware supplies ang may
naka-displey na mga casette tapes na ibinebenta! Ano kayang naisip ng mga
namamahala at inilabas nila ang mga ito mula sa matagal na pagkaka-imbak sa
bodega nila? Tapos ang presyo ay naglalaro mula higit 50 hanggang 75 pesos
samantalang wala na halos mabiling casette player (ewan lamang doon sa Raon sa
Quiapo at pati antique shops) at pati nga portable CD players ay bihira rin sa
mga bilihan ng appliances! Para bang ‘clearance sale’ na lang maubos lang ang
stock at mangilan-ngilan na lamang ang mapagpipiliang album titles at ang year
of manufacture pa ng mga tapes ay buhat pa noong later half of the ‘90s to
2001! Wala na ba silang iba pang album? Tamang-tama at dito sa bahay, meron
kaming portable radio and CD player na meron din casette na binili noon sa
ukay-ukay (thrift shop) ng Japanese items at nasa mainam pang kondisyon.
Iniingatan pa rin namin ang aming koleksyon ng tapes buhat pa noon, ano? At ang
mga nabili kong tapes ay sadyang naghintay ng higit sa dalawang dekada bago
napatugtog! At ang ganda pa rin ng sounds!
*******
May napakinggan na naman akong
isang magandang kwento na di ko malimutan. Nagsimba kami noon na isang
maaliwalas na araw ng Linggo sa Our Lady of Loreto Chapel at ang pari ay
nagkwento bilang bahagi ng kanyang homily. Ang ganda ng kwento. Allegory ito
tungkol sa plano ng Panginoon para sa atin.
Noong unang panahon sa Palestine, tatlong munting
punungkahoy ay nagsipagsibol sa isang kakahuyan. Bawat isa sa kanila ay
nagsalaysay ng kani-kanilang pangarap. Ang unang puno ay nangarap na kapag
naging matayog na siya upang buwalin at pakinabangan ng mga tao, nais niyang
maging bahagi ng magarang mansyon ang kanyang katawan at dito maninirahan nang
marangya ang isang makapangyarihang pamilya. Ang ikalawa naman ay naglahad na
balang araw, ang katawan niya ay magiging matatag na haligi ng isang malaking
barko kaya lahat ng mga tao sa pantalan ay mapapatingala sa kanya at kung
saan-saang panig ng mga karagatan sa mundo ang kanyang mararating. Ang ikatlo
naman ay nag-ambisyong darating ang araw na iyon na magiging bahagi raw siya ng
isang “pambihirang pagtatanghal” na siyang pag-uusapan ng lahat ng tao at
magiging tanyag daw siya dahil doon.
Lumipas ang mga panahon at ang mga puno ay
nagsipaglaki hanggang sa hustong gulang na nila upang magamit ng mga tao. Ang
unang puno ay pinutol at mula sa troso nito ay ginawa ang isang sabsaban at
kulungan ng mga alagang hayop ng mga pastol sa Bethlehem; isang malamig na
gabi, dumating doon ang isang mag-asawa at isinilang ang Sanggol na nang lumaki
ay naging mahusay na karpintero tulad ng Kanyang ama-amahan. Ang ikalawang puno
naman ay dinala sa Galilea upang gawing bangka; bukod sa ginagamit sa
paglalayag at pangingisda sa lawa, sumakay doon ang Guro upang makalayo pansamantala
sa labis nang paglapit sa Kanya ng napakaraming tao na nakikinig sa Kanyang
pangaral at umaasa sa Kanyang pagpapagaling sa kanila. At ang ikatlong puno
naman, nang pinutol ay dinala sa Jerusalem upang gawing mga krus. At sa isa sa
mga krus na ito, ipinako ang Panginoon.
*******
Buhat pa noong isang araw ay
nag-aalboroto na ang Bulkang Mayon. Spectacular man ang masilayan ang lava
fountain and flow nito lalo na sa gabi, deadly beauty pa rin. At libu-libong
tao na ang naapektuhan, di lang mga tao kundi lahat ng nilalang na may buhay.
2003 pa iyon nang una kong masilayan nang personal ang pambihirang kagandahan
ni Daragang Magayon. Kailan kaya uli? Sana, sa muling pagkakataon ay payapa na
muli ang Mayon.
*******
Special tribute edition of
Playboy Philippines dedicated to our grand old man, Hugh M. Hefner. What an
issue!
*******
Extra!
Kung isang Ilonggo ang
tatanungin, ang ibig sabihin ng ‘damak’ ay marumi, dugyot, o salaula. Kung mga
Turkish nationals ang tatanungin, ano kaya ang ibig sabihin sa kanilang wika ng
brand name na ito ng Nestlé Chocolate with irresistible pistachios?
*******
“Grand
Gallery of Manila Trip and the Super Blue Blood Moon of January 31”
Inside
the Malate Church
The
Malate Pieta: In memory of the people who perished during World War II and the
Liberation of Manila 1945
The
statue of the Comfort Woman at Baywalk
Rajah
Sulayman Park
The Sto.
Niño procession at Roxas Boulevard since it was the last Sunday of January
“Signs of the Times” –
pinapansin ba naman? Sa kahabaan ng ruta ng parada, ang mga tao ay literally
naglalakad sa ‘carpet’ ng mga ikinalat nilang basura. Sana naman sa sunod na
taon, isa sa mga Santo Niño na lalahok sa parada ay bihisan bilang militant
environmentalist and advocate of Manila Bay rehabilitation and clean-up.
*******
The phenomenal, once in a lifetime, super blue blood moon!
The phenomenal, once in a lifetime, super blue blood moon!
Looks
rather like the biscuit moon, I guess.