I love
this book that I bought from Booksale- SM Sucat, ParaƱaque. It recalls the
historic and beautiful Papal visit of Pope Francis here in the Philippines in
January 2015.
*******
Pebrero 11, beautiful Sunday in ordinary time, liturgical
season before Lent and the Feast of Our Lady of Lourdes. Last chance ko na yun
para dumalo sa Hortikultura Filipina 2018: Plants and Arts Fest na ginanap sa
Quezon Memorial Circle. Makulimlim pa nga ang panahon pero kahit
tanghaling-tapat na ay hindi maalinsangan. At mainam nga na maginhawang sumakay
sa MRT nang araw na iyon! Pagpara sa Quezon Avenue, first time akong nakapasok
sa Eton Centris. Sayang nga lang at naabutan kong sarado ang kalapit nitong
“Bantayog ng mga Bayani” na gusto ko rin mapasyalan pero sabi ng guard, tuwing
weekdays lang daw sila bukas sa publiko. Sumakay na lang ako ng dyip papuntang
City Hall at pagbaba doon, merong underpass patawid na sa mismong QC Circle. Di
man ako nakabili ni isang halaman ay masayang-masaya pa rin akong
nakapag-usyoso sa sobrang ganda ng event na inorganisa ng Philippine
Horticultural Society. Nag-enjoy ako nang husto.
At lalo pang nakumpleto ang araw ko nang itinuloy ko ang
pamamasyal hanggang sa Quezon Monument. Para sa akin na taga-Pasay, ang araw na
ito ay Quezon City Day! Aba, aba, nakasaad ba naman sa aking birth certificate
na ako’y ipinanganak sa V-Luna, Quezon City.
Sa wakas, napuntahan ko na ang Museo ni Manuel L. Quezon!
Libre ang entrance doon pero kung nais ng bisita, pwedeng mag-hulog ng kahit
magkanong halaga ng donasyon; how about a 20-peso bill which is dedicated to
our man? Kay lalim ng historical significance ng naturang museo gaya ng sa iba
pang shrine ng mga bayani. Tsktsktsk, na-miss ko ang dating HEKASI 5 (the now
defunct RBEC curriculum) kung saan prominente sa mga aralin ang mga paksa ng
panahon ng mga Amerikano, Komonwelt, at Hapones kasama ang tungkol sa
panunungkulan ni Pangulong Quezon at pagbibigay-halaga sa mga programa niya
tungkol sa pambansang wika at ang katarungang panlipunan.
*******
Pebrero 14. Dito sa aming tahanan, higit naming ipinagdiwang
ang Ash Wednesday kaysa Valentine’s Day.
Well, anyways, marami akong natanggap mula sa mga bata sa
school na mga chocolates and artificial flowers. Valentine’s is not just for
lovers, right?
Nabanggit ko na sa isang past blog (please refer to the last
essay of the June 2017 post “Tag-araw, Tag-ulan”) at uulitin ko muli dito.
Bakit pa ako maghihintay kung wala na akong hihintayin pa?
*******
Pebrero 16. Isang maalinsangang araw para sa Chinese Lunar
New Year! At ako’y nagpunta sa Resorts World lalo na sa Newport Cinemas. Noong
una, ayokong manood ng sine doon at baka grabe ang taas ng presyo ng ticket
kumpara sa mga mas kilalang malls. Reasonably-priced naman pala, eh. Ang
hinahabol ko kasi nang araw na iyon ay ang first showing ng... I had to admit
here- “Fifty Shades Freed”. Hindi ko nga nasimulan pero ang okey ay pagdating
doon sa sinehan, wala pang sampu ang nanood; parang anim lang kami nang oras na
iyon! Anyare? Ah, siguro, mas maraming nanood nang nag-premiere ito at mas lalo
naman noong Valentine’s. Dalawa kasi ang cinema na nagpapalabas pa ng naturang
pelikula. Okey pala ang ganoon tapos, yung pwesto ko (di ko sinunod ang seat
number sa ticket) ay parang love seat o pangdalawang tao at ginawa kong parang
komportableng sofa na solong-solo ko habang nanonood. Siyempre, tulad ng aking
kinagawian kapag nanonood ako ng sine mag-isa, nagkukunwari akong lalake at
ayoko nang may katabi!
Iyon ang ikatlong adult film na pinanood ko sa sine; the
first two ay ang “Basic Instinct 2” at “Casa” both in 2006, at sa noo’y
Masagana Cinemas pa sa Taft-Libertad na ngayon ay sa Puregold na. Hindi ko
napanood ang first two “50 Shades” pero itong “Freed” ang climax daw, the peak
kunbaga. Di ko trip ang phenomenal novel trilogy nito ni E. L. James pero pwede
namang basahin na lang ang plot summary sa Wikipedia tapos mag-imagine. Alam ko
namang hindi yun Cinderella genre story ni Anastasia Steele at mas lalong
malayo sa pagiging Prince Charming type si Christian Grey. Damn it, all about
the BDSM crap being exploited as a freakin’ way to sizzle up love as in pain
for pleasure or pleasure for pain. Yet, amidst the irrationalities and madness
only Chris and Ana could explain in their rollercoaster, acrobatic display of
submission and dominance, the beauty of true love with lasting, meaningful
relationship still emerges unperturbed. Ang ganda pa rin ng sine. Kinilig ba
naman ako? Ssshhhhh... hehehe!
At pagkatapos kong manood ng sine, namasyal ako sandali sa
RWM hanggang sa artificial flower-adorned “Tunnel of Love” na nitong Disyembre
lamang ay puno ng LED lights para sa Christmas display na “World of Lights”.
Kamangha-mangha rin ang prosperity trees na nakagayak para sa Chinese New Year.
Gayundin ang Chinese New Year display na ito at pati mga
Chinese-inspired paintings ng mga taga-Ateneo na naka-exhibit sa SM Megamall
(some featured paintings done by Lupicinio Ng for “Under The Moonlight” and
Peter Paul Taton for “Cranes”; gallery includes the Atrium and the Chapel of
the Eucharistic Lord.
*******
Nitong Pebrero 23, ginanap sa Villamor Air Base Elementary
School ang “Balik-Tanaw: Kulturang Pinoy” na itinanghal ng D’Great Rovers.
Ngayong school year, walang field trip ang mga mag-aaral kaya ang educational
tour program and itinerary ay dinala na sa paaralan. Kahit na medyo bitin ang
oras ng pagtatanghal ay nag-enjoy naman ang mga bata and at the same time ay
natuto pa sila lalo tungkol sa mayamang kultura ng Pilipinas.
*******
Pebrero 24. Isang maaliwalas at maalinsangang araw muli. Hay,
sa wakas nakapunta na ako sa EDSA Shrine! Matagal ko nang gustong makarating
doon na pinagmamasdan ko lamang noon mula sa MRT o bus. Kaya lamang, paglabas
ko mula sa Chapel, hindi ako makaakyat doon kay Mama Mary at di ko rin
napagmasdan nang malapitan ang mga nakaukit na historical frieze kasi ang
daming pulis at kahit ang mga ordinaryong namamasyal lamang gaya ko ay
pinagbawalang lumapit. Ano ba naman yan? May okasyon pa naman. Paano, sa
di-kalayuan, nagsimula nang mag-assemble and formation ang maraming raliyista
na magmamartsa patungong People Power Monument. Ang nadatnang kong malaking
grupo ay pinangungunahan ng ilang religious activists. Yung iba namang
nakabuntot sa hanay ng iba pang militante... hehe, ewan.
Nakatuntong na rin ako sa makasaysayang pook na 32 years ago
ay isang malawak at madamong lugar. Nakaka-miss talaga ang lumang kurikulum ng
HEKASI 5. Pagdating sa mga paksang tumutukoy sa EDSA People Power Revolution ng
1986, kailangang honest, based on historical facts, and unbiased approach ng
pagtuturo nito lalo pa’t tayo’y nasa makabagong panahon at mga kaliwa’t kanang
social media wars and propaganda ng ‘revisionist trolls’ na naglipana. Ang EDSA
Revolution noon ay paalala na hindi lahat ng himagsikan o rebolusyong
nagsusulong ng pagbabago ay pulos kaguluhan at karahasan. Hmmm, sa social media
universe kaya? Magwagi nawa laban sa nagpapatuloy na bangayan at siraan doon
ang rebolusyon ng katotohanan at kabutihan.
*******
This satirical illustration is not meant to elicit humor but
to carry out a message to end the ghastly culture of several Middle Eastern
societies of treating their employees particularly the household workers as if
these are in the lowest level of their slavery mindset. In the wake of the
Filipino exodus from Kuwait after reported series of harrowing ordeals which
several overseas workers there went
through, Filipinos still believe that not all Kuwaiti and other Mideast
households are “patches of hell” on earth. Filipinos make the best workforce in
the world and offer unparalled, quality service to the world, remember that! It
is the right of anyone that human rights be respected.