Gallery of the Philippine Air Force Aerospace Museum
and Aircraft Park, Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City
Before the Second World War, the base was called Nichols Air Field and then changed to Nichols Air Base. During the early '80s, it was renamed Villamor Air Base in honor of war hero, ace pilot, and veteran, Colonel Jesus Villamor.
Ito ang museo na pinakamalapit sa aming tahanan at libre naman ang
entrance dito. Sa bawat photo gallery at mga exhibit, halina at kilatisin at
mamangha sa mahaba at mayamang kasaysayan at kasalukuyan ng Hukbong
Panghimpapawid ng Pilipinas.
Kabilang sa mga agaw-pansin sa mga naka-exhibit ay ang mga gamit,
memorabilia, at newspaper clippings ng kilalang Japanese struggler na si Hiroo
Onoda na tatlumpung taong nagtago sa Lubang Island sa Mindoro. Lumikha ng
malaking balita ang mamang ito noong panahon ni Marcos. Siguro, parang di
kapani-paniwala na umabot ng 30 years ang pananatili niya sa Lubang sa
pag-aakalang hindi pa tapos ang digmaan! At pagkatapos ng buhay-istragler,
saglit siyang bumalik sa Japan tapos nag-settle din kalaunan sa Brazil. Hindi
siya isang war hero. Tulad din sa karamihan sa kanyang mga kabaro, they seemed
unapologetic sa mga atrocities na pinagagawa ng kanilang hukbo sa mga bansang
sinakop nila noong digmaan. Anyways,
hindi si Onoda ang star ng museum kundi ang mga bayaning sina Colonel Jesus
Villamor at marami pang iba at lahat ng bumubuo sa Philippine Air Force na
maaasahan tuwing may kaguluhan man o kalamidad at sa mapayapang panahon.
*******
Gallery of Trees
*******
“Thailand Week 2018” at the SMX Convention Center, SM
Mall of Asia Complex, Pasay City last March 5
Sana, makapunta uli ko sa Thailand tulad noong nakaraang taon, hehe!
*******
A toast to one of my all-time favorite films, “Gladiator” (2000). Buti na
lang at ipinalalabas ito sa HBO ngayong Marso. Kahit na ilang beses ko na itong
napanood, gustung-gusto ko talaga ang kwento.
"Pollice Verso (Thumbs Down)" by Jean-Leon Gerome (left) and "Spoliarium" by Juan Luna (right); courtesy of Wikipedia
*******
Kung di lang sana ko nilagnat nitong mga nakaraang araw lalo na noong Holy
Week ay nadagdagan pa sana ang pagtungo ko sa aking visita iglesia ngunit ang
magtungo sa Shrine of St. Thérèse noong Huwebes Santo ay sapat na sapat na at
maligaya kong ipinagdiwang ang araw na iyon at doon din ako nag-Stations of the
Cross. Pagsapit ng Biyernes Santo ay gaya ng aming tradisyong kinagawian dito
sa bahay, tinutukan namin ang “Siete Palabras” live coverage mula Sto. Domingo
Church sa Quezon City.
Bukod sa napakagandang religious film na “Ignacio de Loyola” at "#MichaelAngelo" sa channel 7,
nakapanood din ako ng iba pang sine sa TV tulad ng walang kupas na 1993 film, Dolphy-starred "Home Along da Riles" (haha!) mula Cinema One at ang “Hugo” sa channel 5 na akala
ko ay tungkol kay Victor Hugo kundi sa isang batang lalaki at ang kanyang
“automaton” na marunong magdrowing at ang rediscovery at pagkilala sa popular
filmmaker noong early 20th century na si Georges Mélies. At pagsapit sa HBO,
tatlong gabi ng Star Wars prequel trilogy na episodes 1,2, & 3 na sa totoo
lang ang paborito ko sa mga “trilogy” arrangement ng naturang movie franchise
kahit na ilang beses ko nang napanood ang mga ito pero tuwang-tuwa pa rin ako.
Staycation talaga tuwing Holy Week ngunit ang pagsapit ng Linggo ng Pasko
ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ang pinakamasayang araw!
Matthias Grunewald's the Resurrection of Christ (Google images)
*******
The statue of Lapu-Lapu near Plaza 66, Villamor, Pasay City
*******
Gallery of the Blue-Eyed Bird
Gallery of the Blue-Eyed Bird