Botanical Gallery
*******
Abril 4, 2018. Sixth day of the Novena to the Divine Mercy at isinulat ni
St. Faustina Kowalska ang mensahe mula sa Panginoon- “Today bring to Me the meek and humble souls and the souls of little children
and immerse them in My mercy. These souls most closely resemble My Heart. They
strengthened Me during My bitter agony. I saw them as earthly Angels, who will
keep vigil at My altars. I pour out upon them whole torrents of grace. Only the
humble soul is capable of receiving My grace. I favor humble souls with My
confidence.”
Akmang-akma ang novena intention na ito dahil nang hapong iyon ay nasa
paaralan pa ako. Sa aking pag-iisa, naipagpatuloy ko ang novena na nasimulan
noong Mahal na Araw pa kasama ang “3 o’clock Prayer” at “Chaplet to the Divine
Mercy”. Maraming salamat sa Panginoon. Amen.
Back of the Sta. Cruz Church when viewed from Plaza Sta. Cruz
Abril 7. Maalinsangang araw ng Sabado. Ngunit tumuloy pa rin ako sa aking
“anytime visita iglesia” kahit tapos na ang Semana Santa. Nagtungo ako sa aking
second favorite city after Pasay, ang Maynila. Pagkagaling ko sa Sta. Cruz
Church, nilakad ko lamang ang patungong Binondo Church at sinundan ko na lang
ang road map na pinilas ko sa lumang directory ng PLDT Yellow Pages. Hindi
naman nakakapagod mula Escolta hanggang Quintin Paredes at tuluy-tuloy na
hanggang Binondo. Di na ako nakapasyal sa mismong Chinatown at nakakapagod na,
hehehe!
Sa wakas, nakarating na ako sa makasaysayang Binondo Church kung saan
naglingkod noon si San Lorenzo Ruiz bilang sakristan higit sa 300 taon na ang
nakalilipas. Di tulad ng Sta. Cruz Church, maliit ang lote ng simbahang ito
lalo pa’t heavily-congested urban area ang Binondo. Nadatnan ko pa nga na may
nagaganap na kasalan nang nakaabot ako sa simbahan. Simpleng maganda ang
simbahan! Doon ko natapos ang aking novena to the Divine Mercy at may mga
pangkat din doon na ganoon din ang nobena nila.
Federico Ruiz's Binondo Church (courtesy of Wikipedia)
*******
Abril 8. Divine Mercy Sunday, ang unang Linggo pagkatapos ng Easter
Sunday. Isang beautiful, significant, and priceless early birthday gift ang
aking natamo sa araw na ito nang nagtungo ako muli sa Maynila. Mula kasi nang
napanood ko sa balita sa TV kahapon ang tungkol sa public viewing ng blood
relic ni St. Pope John Paul II sa Manila Cathedral, ayaw ko nang palampasin ang
pagkakataong iyon. Sumakay ako ng dyip sa Plaza Sta. Cruz na dadaan sa
Intramuros, lalo na sa katedral mismo. Ang bilis ng biyahe at di-nagtagal ay
bumaba ako sa tapat ng Plaza Roma at bumungad na ang napakagandang Manila
Cathedral.
Sa 360⁰ view sa Plaza Roma, everything is about history. Ang katedral, ang
liwasan, tapos ang mga nakapalibot na malalaking gusali tulad ng Palacio del
Gobernador at Cabildo, at lalo na ang matagal nang silent sentinel since 1824
at di man lang napatumba ng karahasan noong Liberation of Manila 1945 base sa
mga post-war photos ng katedral pero pansamantalang na-dethrone ng Tatlong
Paring Martir na obra ni Solomon Saprid noong Dekada ‘70s at muling nailuklok
sa kanyang nakagisnang pedestal sa liwasan, si Haring Carlos IV. Isa sa mga
essays ni Prof. Ambeth R. Ocampo ang nagbanggit tungkol sa kanya, ang Hari ng
Espanya noong early 19th century na nagpadala ng anti-smallpox vaccination sa
mga kolonya ng Espanya kabilang na ang Pilipinas.
Pagdating ko sa katedral, ang dami-daming tao. Meron palang kasalan. Pero
bukod doon, may napakahabang pila rin doon ng mga gustong makita ang blood
relic ng yumaong Santo Papa. Hindi muna ako nagmadali. Tamang-tama at nagkataong
may exhibit ng tungkol sa kasaysayan ng Manila Cathedral na nagsi-celebrate
ngayong taon ng ika-60 anibersaryo ng post-war period nito. Katulad sa
karamihan sa mga gusali at iba pang imprastraktura ng Maynila either na
ipinatayo noong panahon ng mga Espanyol o ng mga Amerikano, nawasak noong
digmaan. Kamangha-mangha talaga ang pinagdaanan ng tinaguriang “Mother of all
Catholic Churches” sa Pilipinas na nagsimula sa pagiging bahay-kubo hanggang
maging enggrandeng katedral at paglipas ng mga panahon, nakalasap ng mga
sakuna, kalamidad, pagguho, at kaguluhan ngunit makailang beses pa ring muling
itinayo, nakikiayon sa katangian ng mga Pilipino na tuloy pa rin sa buhay
anumang pagsubok ang kaharapin. Malamang nga na ang Manila Cathedral ay
ipinatayo ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpataw ng tributo at lalo na ng
polo y servicios o sapilitang paggawa sa mga katutubo subalit ang mga
pinagpagurang gawin ng mga ninunong manggagawa ng mga nagdaang panahong iyon ay
naging handog din sa kanilang mga inapo at pinahahalagahan at minamahal ng mga
sumunod na henerasyon.
Mabilis naman ang pila sa public viewing ng blood relic. Divine Mercy
Sunday sa araw na ito. Sinasabing lalong naging popular ang debosyon sa Divine
Mercy dahil na rin sa impluwensya ni St. Pope John Paul II na kababayan o kapwa
taga-Poland ni St. Faustina. Nang natunghayan ko ang reliquary kung saan
nakalagak ang isang glass vial na naglalaman ng blood sample ng pope, may
saglit ngunit kapayapaang di-maihayag ng mga salita. Ito ang pisikal na memento kung saan madarama ang
essence ng kanyang DNA. Ngunit ang pinakamagandang alaala tungkol sa kanya ay
ang kanyang legacy to the world at ang kanyang pagiging mabuting halimbawa ng
isang simpleng tagapaglingkod ng Panginoong Diyos.
*******
Kahit tapos na ang Holy Week, tuloy pa rin ang aking anytime visita
iglesia. Nakarating na ako sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa
Orense (malapit sa main office ng MMDA) sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Noong
isang taon ko pa yun natanaw mula sa Guadalupe Viejo na pinuntahan ko noong
nakaarang taon nang nag-visita iglesia ko sa Nuestra Señora de Gracia Parish
(plese refer to “Antares”April 2017 post). Palibhasa ang Guadalupe district ng
Makati ay may kakaibang topograpiya- malamang nga noong sinaunang panahon ay maburol
ito tapos naroon pa rin ang mga solid adobe rocks sa may C-5. Kaya lang,
pagdating ko doon ay di ako masyadong nakapaglibot dahil nadatnan kong merong
youth conference doon at puno ng tao ang simbahan kaya pinili kong magtungo sa
Adoration Chapel nito.
Ang isa pang marikit na simbahang aking dinayo ngayong Abril ay ang St.
Joseph Church along Quirino Avenue sa Las Piñas City kung saan matatagpuan ang
tanyag na Bamboo Organ. Napakaganda.Talaga namang lagi kong nadadatnang may
kasal sa mga simbahang napuntahan ko na. Antigo talaga ang simbahan sa
arkitektura at mga interiors nito at talagang agaw-pansin din ang Bamboo Organ
na napakinggan kong pinatugtog sa pagsisimula ng kasal. Naiiba talaga ang tunog
at gaano na ba ka-tanda ang mga kawayang organ pipes na iyon? Ang Bamboo Organ
ay itinuturing na national and cultural treasure, isang produkto ng
resourcefulness gamit ang indigenous, native materials na meron sa Las Piñas. Ito at ang simbahan ay ginawa ng mga mamamayan sa pangunguna ng kanilang kura parokong si Padre Diego Cera de la Virgen del Carmen noong panahon ng mga Espanyol.
Katulad nga ng aking mga saloobing inihayag sa aking past blog posts noong
Abril 2017 at Mayo 2017, mahilig ako sa urban tourism at ang anytime visita
iglesia ay para sa akin, ang napakagandang bahagi nito alongside historical,
socio-cultural, and community appreciation.
*******
Sa totoo lang ay matagal nang sumisingaw ang isyu tungkol sa environmental
issues and concerns sa isla ng Boracay at pati sa iba pang sikat na dinarayong
resorts sa bansa. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta doon. Maraming beses
ko nang nasilayan ang Boracay mula sa RORO at lalo na ang first time kong
natunghayan ang puting buhangin nito noong 1994 mula sa M/V San Paolo ng Negros
Navigation at tunay ngang mala-paraiso ang ganda lalo na noong mga nagdaang
panahon nang di pa ito naabuso ng corporate greed, overcommercialization, and
exploitation. Sa isang lumang isyu ng Mabuhay magazine (April 1991 issue,
notably), ibang-iba talaga ang Boracay noon. Sa paglipas ng panahon, nilamon na
ito ng konsumerismo na yun bang ang karamihan sa mga negosyante ay mas mahalaga
pa para sa kanila ang magkamal ng malaking kita at nasa priority of concerns pa
ba nila ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan? Well recently, isa sa mga
resorts na nag-respond agad sa beach clean-up ay ang Sumilon Island ng Oslob,
Cebu na nitong Abril lamang ay isinara sa loob ng isang linggo para linisin
lalo pa at ito ang isa sa mga crown jewels ng nabanggit na lalawigan.
Katulad sa karamihan sa mga resorts ng Pilipinas, ang Sumilon ay dinarayo rin
ng mga responsableng turista at mga salaulang turista.
*******
Nitong ika-16 ng Abril, paano ko nga ba ipinagdiwang ang araw na ito?
Simple lamang tulad ng karaniwang mga araw. Ah, walang piging or pigging out.
Gusto kong magpunta sa Baclaran Church at ang iba pang significant activities
na may kinalaman kung paano ko nai-celebrate ang araw na ito ay ang Panginoon
na lamang ang nakababatid. Basta ang araw na ito ay ang aking thanksgiving day!