Ika-8 ng Setyembre, traditional nativity of Mama Mary. Maaliwalas ang
panahon buong araw at mainam para sa simpleng visita iglesia. Tatlong simbahan-
ang Our Lady of the Assumption Chapel ng Harrison Plaza Manila, Our Lady of
Sorrows Parish sa F.B. Harrison dito sa Pasay (sa Setyembre 15 pa ang pista
dito tulad ng Turumba ng Pakil, Laguna), at ang huli sa itinerary ay ang
National Shrine of Our Lady of Perpetual Help- Parañaque or simply, the
Baclaran Church. Tatlong lungsod sa loob ng maghapon, hehehe! Hindi nga lang
ako nakadalo sa Misa, tsktsktsk!
Speaking of Baclaran Church, pagkatapos ng thanksgiving prayers ay
namasyal ako sandali sa compound nito. Inayos ang mga gardens at ang saya
mamasyal doon pagkalabas sa simbahan. Naggagandahan ang mga murals and mosaic
na Pinoy na Pinoy ang tema at disenyo. Kaakit-akit na mga likhang-sining na
gawa ng mga talented artists! Ang dami ngang kalapati doon at buti nga hindi
sila hinuhuli ng mga miming na nakatira sa simbahan. Yun nga lang, nang
napagawi ako sa Bantayog ng mga Desaparecido na kay lapit-lapit na sa Roxas
Boulevard gate, nakakadismaya ang nadatnan ko sapagkat nagkalat ang basura at
siguradong ang mga taong huling tumambay sa tapat mismo ng memorial marker ang
nagkalat doon ng mga pinaglamunan nila na nakalagay sa mga styrofoam at plastic
cups kahit na ang lapit-lapit na sana ng mga itinakdang basurahan sa paligid!
Eh anong drama ng mga taong yun? Ignorante na nga sa kasaysayan pati ba naman
sa simpleng pangangalaga ng kapaligiran? Pati mga kinakalawang na plake na may
listahan ng biktima ng human rights abuses ay hindi pinalagpas ng mga
dumaraming “love locks” na ikinabit sa gilid nito na para na ngang bandalismo.
Anong nais ng mga mag-syotang naglagay ng mga kandado? Yung mga martial law
victims ang gusto nilang makasaksi sa kanilang wagas na pag-ibig o paglalandian
with all those sweet nothings galore?
Ang Bantayog ng mga Desaparecido ay isa sa mga naunang atraksyon sa mga
hardin ng Baclaran Church buhat pa noong 2004. Madalas nga kapag ang ruta ng
mga aktibista at iba pang militanteng grupo ay ang Roxas Boulevard,
nag-i-stopover sila doon. Sa ibang pook, sa Tigbauan, Iloilo na aming
probinsya, ang memorial marker sa may plasa na para kay Father Jose Tangente na
isa rin desaparecido, ay dinadaan-daanan lang ng mga namamasyal at ewan kung
ilan lamang ang pumansin. Move on na raw, sabi ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
at wala pang 24 oras, pinulaan na siya at binatikos dahil sa sinabi niyang
iyon. Hindi ganoong kadali ang sinasabi niyang ‘move on’ kung wala namang
closure, ayon sa kanyang mga kritiko. Nariyan pa si dating Senador Enrile na
kabilang pa naman sa EDSA 1 leaders noon kaya lang bumaligtad din. Binatikos
din siya dahil sa one-on-one interview with Bongbong Marcos mga ilang araw bago
ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law at ang tema ng pinagsasabi nila
ay naglalaman ng history revisionism. Hindi ako naniniwala na ‘solid’ ang
North. Naipakita sa isang balita ang
Misa sa isang simbahan sa Ilocos Norte kung saan ang mga ininterbyu na karamihan
ay matatanda at binatikos nila ang ‘move on’ ng kanilang kagalang-galang na
gobernadora. Well, sa ilang literary articles, may mga Ilokano na nagsasabi na
hindi lahat ng Ilokano ay maka-Marcos o loyalista.
Post script. Nobyembre pa lang at napakalayo pa ng Eleksyon 2019,
naglipana na ang mga pahiwatig ng mga tatakbong kandidato sa print ad man o TV
at pati social media. Ang sa palagay ko’y pinakamatagal na airtime ay yung kay
Imee Marcos at dalawang komersyal pa yun. Whatever! At naalala ko ang nabasa
kong news article sa Philippine Daily Inquirer noong 2016 tungkol sa follow-up
sa isa sa maraming kasong isinampa laban sa mga Marcos. Binanggit kasi si Imee
doon na noong dekada ’70, opisyal siya ng isang local government unit na may
kinalaman sa youth sector. Nang bumisita siya noon sa Mapua Institute para sa
isang youth forum, isang engineering student ang lakas-loob na nagtanong at
naghayag ng kanyang mga saloobin tungkol sa mga pangyayari noong Martial Law
lalo na ang tungkol sa human rights abuses. Di-naglaon, ang estudyante ay
dinukot ng ilang kalalakihan at bangkay na nang natagpuan. Ayon sa mga ulat,
away raw sa dormitoryo ang pinag-ugatan subalit nagkaroon pa rin ng ibayong
imbestigasyon at nagkaroon ng hinala na ang mga salarin ay ang mga bodyguard
mismo ng First Family. Post script again. Bago matapos ang taong ito,
hinatulang guilty si Imelda Marcos para sa ilang mabibigat na kaso kaya lang
nakapagpiyansa. At saka matanda raw siya. Hay, iba talaga kapag nasa pedestal
pa rin, tsktsktsk!
*******
Ika-10 ng Setyembre. Viral daw ang video na kuha sa ginanap na Misa sa
opisina ni Senador Antonio Trillanes IV na nitong mga nakaraang araw ay
nahaharap sa alanganin dahil sa status ng kanyang amnestiya; talaga naman itong
gobyerno, hahanap at hahanap ng butas o katiting na mantsa na palalalain
mapatahimik lang ang kanilang mga kritiko. Doon sa Misa, ang pari, sa kanyang
homily ay pabirong nagpatawa na nagdasal daw siya para magkasakit si Duterte.
Siyempre, kiliti ang hatid sa mga nakikinig at overreaction naman para sa mga
tagasuporta ng pangulo. At ang tatang Digong ay singbilis ng kidlat ang
pagbwelta at batikos sabay banat na sana raw, sabi niya, lahat ng paring
Katoliko ay mamatay sa ‘venereal disease’. Tsktsktsk! Itong si Duterte, ugaling
magpasimula ng masasakit na tirada laban sa mga pari buhat pa noon pero kapag
siya naman ang banggitin kahit sa simpleng biro lamang, triple pa ang
pagkapikon niya tapos magmamaoy na sa pananalita niya. At patuloy ang problema
sa presyo ng bigas lalo na sa NFA Rice as of this time of the year gayundin ang
iba pang bilihin, sabayan pa ng pagsipa ng presyo ng gasolina tapos nakaamba
ang pagtaas din ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon at iba pang
economic woes ng bansa.
*******
Napanood ko itong isang episode ng “Biyahe ni Drew” sa GMANewsTV at
nakatutuwa namang ang featured place doon ay ang aking home city of Pasay.
Tunay nga namang maraming hidden jewels ang aming lungsod na hindi dapat
ma-bypass at nakasisiyang makarinig ng bright and positive feedback and
perspective ng ibang tao tungkol dito. Nagtagal din ang itinerary ni Drew
Arellano dito sa Villamor Air Base dahil nag-tour siya sa Philippine Air Force
and Aerospace Museum plus ang Aircraft Park pa, ang Villamor Air Base Golf
Club, at Newport Complex around Resorts World. Sayang at hindi napabilang ang
Shrine of St. Therese dito rin sa Villamor at ang The Henry doon sa F.B.
Harrison. Ang dami rin niyang napuntahan mula sa mga social na establisyimento
sa S Maison-Conrad Hotel, La Fiesta, ang Pablo Antonio heritage house sa Padre
Zamora, at hanggang sa mga pang-masang lugar doon sa Pasay Public Market kaya
lalong nakilala ang Elyglofan pancit palabok at yung Harlem Restaurant sa
Libertad.
*******
Botanical gallery
*******
Bittersweet indulgence: Whittaker’s Dark Ghana 72%
Cocoa with irresistible peppermint fondant
*******
Ika-15 ng Setyembre. Nagpunta ako sa 2018 Manila International Book Fair
(MIBF) sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia at ikasampung taon na ngang
idinadaos doon. Ang haba-haba ng pila sa entrance at ang ticket ay umabot na sa
35 pesos! Grabe naman. Siguro, isa yung factor kung bakit tila nabawasan
ngayong taon ang visitors’ turnout pero ewan ko lang. Nakabili ako ng trip kong
items at nakita ko pa sa personal sina Prof. Ambeth Ocampo at si Sen. Rissa
Hontiveros. Ang daming naggagandahang aklat na kung di lang kasi nakapanlulula
ang mga halaga! Gusto ko pa naman yung “Boxer Codex” at ang coffeetable book
tungkol sa pre-Hispanic gold treasures.
*******
Gallery of Books
Jokes for Everyone by Father James Calasara. Kamag-anak namin ang may-akda nito. Limited lang kasi ang publication ng naturang aklat at nabili ko ito noon pa sa MIBF. 999 clean jokes na pampa-good vibes and sense of humor need not to be too hilarious and boisterous.
Why I Love Being Catholic by Bro. Bo Sanchez & Kerygma Books. Noong
una, nagulat ako sa presyo para sa pocketbook na ito pero naunawaan ko na. Ang
proceeds kasi ay mapupunta naman sa ministries and charitable institutions na sinusuportahan
nina Bro. Bo and his team. Ang ganda ng nilalaman ng aklat at talagang
nakaka-impluwensya, through the inspiration of the Holy Spirit na pangalagaan
at lalo pang kilalanin ang pananampalataya. This book is highly-recommended in
knowing and cherishing the Catholic Christian faith na kung pwede lang sana ay
ipahiram ko ito sa mga kakilala kong nilisan na ang ating Inang Simbahan nang
hindi muna siya lubos na kinilala.
Goyo, ang Batang Heneral: The History Behind the Movie by Anvil Publishing.
Sayang at hindi ko napanood ang pelikula at aabangan ko na lang sa cable movie
channels. Nabili ko rin ito sa MIBF at meron pang autograph ni Prof. Ambeth na
merong foreword dito subalit ang malaking bahagi ay hango sa panayam sa
historian na si Isagani Giron. Sayang nga lang at hindi nag-extend sa mga
sinehan ang pagpapalabas nito di gaya ng Heneral Luna noong 2015. Maganda rin
siguro ang kwento ng sine pero higit na nakakaintriga ang tunay na talambuhay
ni Gregorio Del Pilar na noon pa man ay familiarized na ako sa kanya. Bagamat
pinapurihan ang kanyang katapangan, isa pa rin siyang flawed character tulad
nina Aguinaldo at Luna. Kung mas mura lang sana ang presyo ng mga tiket sa
sinehan! Nabanggit sa libro na ang “Heneral Luna” raw ang pinakamalaki ang kinita
sa takilya sa mga Pinoy historical epic films; hay, naku! Siyempre dahil sa
movie ticket price inflation pero kung ang pagbabasehan ay istatistika o aktwal
na dami ng mga nanood mismo sa mga sinehan, panalo pa rin ang “Jose Rizal” ng
GMA Films, ano? Wonderin’ kung bakit hindi na nagpo-produce ng mga
socially-relevant o makabuluhang pelikula ang GMA films kahit mga de-kalibreng
indie movies? Para masawata naman ang mga kakornihan ng mga rom-com flicks ng
Star Cinema at ABS-CBN na pinagbibidahan ng mga nakakaumay nang loveteams nila,
hehehe!
Bakit Single Ka Pa Rin? by Velden Lim & Kerygma Books. Mixed reaction
para sa akin. Wala namang problema sa pagiging single, ano? And I myself am
single-blessed by choice. Ang aklat ay tila mas naka-address for single ladies
rather single gentlemen pero lahat naman ay pwedeng maka-relate whatever the
gender may be. Informative as well as entertaining with captivating quotes such
as this one by Velden: “...oo, single ka
pa rin but always remember: you are never alone. Stop looking for love and
validation in the wrong people and places. Whether you have a partner or not,
you are forever loved by God. Loved. That’s who you are.”
Gobbolino, the Witch’s Cat by Ursula Moray Williams & Kingfisher
Classics. Nabili ko ito sa Booksale-Harrison Plaza for 50 pesos only. Isa itong
cute na furry fairy tale in the form of a light, short novel for kids and
adults alike. Ma-imagine agad kung gaano ka-cute na miming ang ating bida. Sana
magkaroon ito ng animated film adaptation.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig (Primo Viaggio Intorno al Mondo) ni
Antonio Pigafetta at salin ni Phillip Yerro Kimpo / Aklat ng Bayan c/o Komisyon
sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Nabili
ko rin ang rare book na ito sa MIBF. Before Samuel Pepys, St. Thérèse of the
Child Jesus, Anne Frank, at iba pang tanyag na diarists na inihandog ang
kanilang precious journals sa mundo, isang aristokratong Italyanong binata na
kabalyero, historyador, at navigator na nagngangalang Antonio Pigafetta, ang
sumama sa ekspedisyon ng ex-Portuguese-turned-Spaniard na si Ferdinand Magellan
noong Setyembre 1519. Dahil sa kanyang talaarawan, nabatid ng mga Kanluranin na
mayroon palang isang kapuluan sa kabilang panig ng Mundo na balang araw ay tatawaging
Pilipinas; hindi naman kasi sadya ang pagsapit nila dito at yung Moluccas,
Indonesia lamang talaga ang hangad nila in the first place. At mula sa mga
pahina ng akdang iyon ni Pigafetta, nabatid ng mga sumunod na henerasyon ng mga
Pilipino ang tungkol sa matapang na pinuno ng isla ng Matan (Mactan) na
itinuring na unang bayaning Pilipino na lumaban sa mga dayuhang mananakop
mapanatili lamang ang kalayaan ng kanyang bayan at siya’y si Lapu-Lapu.
Sa totoo lang, nakaka-enjoy basahin
ang akda ni Pigafetta. Talagang glimpses from the past, doon sa kanyang
kapanahunan, ang madarama ng isang mambabasa. Mula man ito sa point of view ng
isang dayuhang manlalakbay na hindi rin nalalayo sa pananaw ng mga conquistadores,
nabibigyan din ng pagkakataong mabatid ng mambabasa ang human side nila kahit
pa ang portrayal sa kanila sa mga history textbooks at mga historical films ay
mga tipong ‘kontrabida’ na sinikil ang kalayaan at karapatang-pantao ng mga
katutubo sa mga lupaing kanilang sinakop. Bukod sa detailed accounts of the
first world circumnavigation na ipinagpatuloy ng ekspedisyon sa kamatayan ni
Magellan hanggang sa pagbabalik nila sa Espanya, ang dami-daming kwento ni
Pigafetta mula sa mga pook na kanilang napuntahan at ang mga hayop at halaman
na nakita niya doon, ang lagay ng panahon at kalangitan, astronomical and
geographical references, at lalo na ang tungkol sa iba’t ibang lahi ng tao at
kultura ng mga ito na kanilang nakatagpo habang ginagalugad ang Mundo; meron
siyang binanggit na ang mga katutubong taga-Patagonia sa South America ay mga
higante- maaari kayang exaggeration yun o pwede rin nagkaroon ng genetic case
of gigantism sa mga katutubo na kanilang nadatnan.
Sa palagay ko, ang climax ng kanyang akda ay ang malinaw na pagsasalaysay
niya tungkol sa labanan sa Mactan noong Ika-27 ng Abril, 1521 subalit walang
pagbabanggit kung nakita niya mismo nang personal si Lapu-Lapu; çilapulapu pa
ang baybay doon; ayon sa mga historians, ang “çi” at hindi naman siguro ‘si’ na
isang pantukoy, ay honorary title para sa mga kasapi ng antas ng mga maginoo o
kadatuan sa lipunang Bisaya samantalang sa mga Tagalog ay “Gat” o pinaikling
pamagat. Nabanggit din niya sa kanyang talaarawan na hindi na niya naipagpatuloy
ang pakikipaglaban dahil tinamaan daw siya ng palaso na may lason mula sa hanay
ng mga taga-Mactan kaya namaga ang katawan niya pansamantala. Kung si Ferdinand
Magellan ay kadalasan ang portrayal sa kanya sa mga history books ay isang tuso
at malupit na tao at ipinangalan pa sa kanya ang “strait of Magellan”, ang mga
celestial neighbors ng Milky Way galaxy sa universe, ang “Magellanic Clouds”,
at pati ilang lugar sa Pilipinas bilang Magallanes (naturalized Spanish surname
niya), para naman sa tapat niyang lingkod na si Pigafetta, ito ang eulogy para
sa kanya:
“...ang
aming salamin, aming liwanag, at ang aming tunay na gabay.”
“...hindi
malilimas sa ating panahon ang kasikatan ng kayrangal na kapitan. Bukod sa iba
pa niyang katangian, mas matatag siya kaysa lahat ng iba sa harap ng
kasakunaan. Mas mahusay niyang natiis ang gutom kaysa lahat ng iba, at mas
naiintindihan niya kaysa sinumang tao sa mundo ang mga mapa ng dagat at
nabegasyon. At siyang lantad ang katotohanang ito, sapagkat wala nang ibang may
angking husay o katapangan na matuto kung paano ikutin ang mundo, tulad ng
kanyang nagawa.”
At doon nagtatapos ang kwento tungkol sa buhay nina Ferdinand Magellan at
Lapu-Lapu.
Gayunpaman, ang paraan ng pagsasalaysay ni Pigafetta ay simple at direkta,
meron nga lang explicit contents,
hehehe! Pero siguro, hindi naman niya intensyong maggatong ng sexual interests
dahil ganoon lang siya ka-objective sa kanyang mga pagmamasid sa mga ‘intimate
behaviors and practices’ ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng sa
sinaunang Pilipino at iba pang lahi nang walang panghuhusga agad kahit na
naghatid malamang ang mga yun ng culture shock sa kanya at siguro pati ang mga
Pilipino ngayon ay mamamangha o mae-eskandalo sa ilang sensitibong kaugalian ng
mga ninuno na tipong ‘sssshhh...do not disturb’ moments. Basta, ang kanyang
talaarawan ay nagsilbi rin highly-valuable reference tungkol sa ilang aspekto
ng sinaunang kultura ng ating mga ninuno bago ang kolonisasyon ng Espanya sa
bansa. Pagkatapos ng nilahukang ekspedisyon, wala nang iba pang references kung
ano na ang nangyari sa kanya o kung nag-asawa na siya at nagkaroon ng pamilya o
ano pa man.
Yun nga lang, tulad ng nabanggit sa foreword ng aklat, ang pagkilalang
nararapat talaga para kay Pigafetta ay nasulot daw ng ibang historians gaya ng
isang nagngangalang Maximilianus Transylvanus at ang “De Moluccas Insulae” nito
kahit na hindi naman siya eyewitness ng ekspedisyong iyon at pinagbatayan
lamang ang mga personal interviews sa mga survivors tulad ng gawain ng mga journalists
ngayon. Maaaring meron din pulitika sa ekspedisyon lalo na sa barkong Victoria;
di nabanggit ni Pigafetta ang pangalang Juan Sebastian del Cano na siyang
pumalit kay Magellan bilang kapitan dahil ang mamang iyon kasi ay kabilang sa
mga mutineers (na maswerteng pinatawad pa) nang nasa South America pa sila;
malamang ay may sama ng loob si Pigafetta sa isang ito. Nagmula na sa ibang
references ang tungkol kay del Cano at
pati ang dahilan daw kung bakit dali-daling lumisan sa Zubu/Sugbu (Cebu) ang
ekspedisyon matapos pagpapatayin ang ilan nilang tauhan ng mga Sugbuhanon mismo
na naunang malugod na tinanggap sila; pinagsamantalahan daw ng kanilang mga
tripulante ang mga kababaihan doon. Malay natin, totoong nangyari yun at
nakaligtaan lang banggitin ng ating diarist maliban sa tungkol kay Enrique
(Henrich sa aklat), ang taga-Moluccas na tagapagsilbi at interpreter ni
Magellan na nilait-lait daw ng mga kasamahan sa ekspedisyon nang iginiit nito
ang kalayaang nakalaan para sa kanya dahil yun daw ang naipangako sa kanya ng
kanyang amo kapag may mangyari dito. Ang naturang lalake ay inudyukan daw ang
mga Sugbuhanon na huwag nang ituring na kaibigan ang mga dayuhang
pinagsisilbihan nito.
Gayunpaman, dito sa Pilipinas, si
Antonio Pigafetta pa rin at ang kanyang diary ang panalo! At natupad din ang
kahilingang inihayag niya halos 500 taon na ang nakalipas: “...maranasan at tumungo upang masilayan ang mga bagay na iyon para sa
aking sarili, nang sa gayon ay maaari akong mapanatag kahit papaano, at nang sa
gayon ay maaari kong makamit ang kaunting katanyagan sa mga susunod na
salinlahi.”