The Story
of a Soul: Autobiography of St. Thérèse of Lisieux translated by Anthony
Beevers/ inilathala ng Sinag-Tala Publishers at aking nabili mula sa Paulines’
Bookstore ng Daughters of St. Paul, 2655 F.B. Harrison, Pasay City. Ang mga
sumusunod ay ilang hango mula sa payak na talaarawang iyon na dahil sa
pagpapala ng Panginoong Diyos ay naipalaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
at hindi mabilang na mambabasa ang naantig sa puno ng katapatang mga nilalaman
nito buhat sa malalim na paghayag ng ating santa ng kanyang pambihirang
pananampalataya.
“Jesus saw fit to enlighten me
about this mystery. He set the book of nature before me and I saw that all the
flowers He has created are lovely. The splendor of the rose and the whiteness
of the lily do not rob the little violet of its scent nor the daisy of its
simple charm. I realized that if every tiny flower wanted to be a rose, spring
would lose its loveliness and there would be no wild flowers to make the
meadows gay. It is just the same in the world of souls- which is the garden of
Jesus. He has created the great saints who are like the lilies and the roses,
but He has also created much lesser saints and they must be content to be the daisies
or the violets which rejoice His eyes whenever He glances down. Perfection
consists in doing His will, in being that which He wants us to be.” (from
Chapter 1)
“I’ve said that Jesus is my
Director... so I, the Little Flower on the mountain of Carmel turned at once to
the Director of directors and blossomed in the shadow of the Cross. I was
watered by His tears and Precious Blood and His adorable Face was my radiant
sun.” (from Chapter 7)
“I believe quite simply that
it is Jesus Himself, deep in my poor little heart, who works within me in a
mysterious manner and inspires my daily actions.” (from Chapter 8)
She called her doctrine
“little way of spiritual childhood” and it is based on complete and unshakeable
confidence in God’s love for us. This confidence means that we cannot be afraid
of God even though we sin, for we know that, being human, sin we shall but,
provided that after each fall, we stumble to our feet again and continue our
advance to God. / The depth of her love
for God means that all the small trivial acts of which she is capable take on
great value because of the motive behind them. And God, with His overwhelming
love and understanding, accepts them joyfully. (from the book’s Introduction)
At dahil
sa aklat, higit natin makikilala si Sta. Teresita or St. Thérèse of the Child
Jesus (dito sa Villamor Air Base at tuwing Oktubre 1 ang kanyang feast day).
Isa siyang halimbawa ng nabanggit ng Panginoon sa Kanyang aral tungkol sa
pagtataglay ng genuine and humble childlike faith- “...na ang mga nagpapakababa
ay iniaangat.”
*******
The
covered court constructed at the vast, open area of the Villamor Air Base
Elementary School grounds where the temporary makeshift classrooms’ site had
been, way back in the school years 2014-2015 and 2015-2016.
*******
Ika-10 ng
Oktubre. Sa araw na ito ay may nationwide exam para sa Grade 4 tungkol sa
English Proficiency and the rest of the elementary pupils ay wala nang klase;
ang mga titser at iba pang empleyado ng paaralan ay magri-report pa rin. Kahit
ako, hindi na pumasok sa school dahil ayaw kong palagpasin ang pagkakataong
masilayan ang Philippine visit ng incorrupt heart relic ni St. Padre Pio
Pietrelcina ngayong taon sapagkat higit itong magtatagal sa mga provincial
itinerary nito sa Cebu, Davao, at lalo na sa Batangas, doon sa Padre Pio Shrine
sa Sto. Tomas na napuntahan na namin noong 2015 pa (pakitunghayan ang “Isang
Lunes Santo sa Batangas” blog post March 2015).
Pagdating
ko sa Sta. Cruz mula LRT-Carriedo, tumigil muna ako sa simbahan doon at
nagdasal bago ako sumakay ng dyip na biyaheng Intramuros hanggang pier (North
& South Harbor). Maalinsangan pa ang panahon kahit nang nasa Magallanes
Drive na ang dyip na na-trapik pa pero nang palapit na sa Manila Cathedral,
makulimlim na ang langit at medyo lumamig na ang hangin. Pagbaba ko pa lang sa
may Plaza Roma, namangha ako sa sobrang dami ng mga tao na pumila para sa
public viewing ng relic! Pambihirang tanawin ng sangkatauhan! People from all
walks of life. Halos magdalawang oras akong nakatayo doon sa pila tulad ng
karamihan sa mga dumayo sa Cathedral at sadyang test of endurance talaga.
Umulan na nga doon ngunit mabuti at lagi kong dala ang aking payong. Nakatulong
din ang ulan at makulimlim na panahon upang pawiin ang alinsangan at lalong
hindi nagpatinag ang bawat tao sa pagkahaba-habang pila. Batid kong iba-iba ang
hangarin ng mga tao. May mga kahilingan, pasasalamat, or simply, out of
curiousity. Nitong Abril ngayong taon, nagpunta rin ako sa Cathedral nang
dinala doon ang blood relic ni St. Pope John Paul II (pakitunghayan ang
“Strawberry Yogurt Smoothie” April 2018 blog post).
Hindi ako
nabagot sa mahaba at matagal na pila sa totoo lang. Malamang ay dahil sa
lumamig ang panahon nang nakarating ako sa Intramuros at mas sariwa naman ang
hangin sa palibot ng Manila Cathedral. Pinagmasdan ko rin ang mga nakapaligid
na gusali sa Plaza Roma tulad ng Bureau of Treasury (ang dating Ayuntamiento)
along Cabildo at sa di-kalayuan sa Gen. Luna, ang Palacio del Gobernador na
opisina na ngayon ng COMELEC. Ngunit ang kaaya-aya talagang panoorin ay ang
pagiging disiplinado na ng mga tao sa pila at marahil ay tuluy-tuloy nga ang
pagdarasal ni Padre Pio at kabilang sa kanyang mga panalangin ay nawa
manatiling kalmado ang mga taong matiyagang pumila masilayan lamang ang kanyang
puso. Isa sa mga quotable quote mula sa ating santo noong nabubuhay pa, “Be
calm, pray, and don’t worry”.
May mga
pagkakataon nga lang na nabwisit din ako sa dalawang beses na may sumingit sa
pila namin. Hindi naman ako pwedeng makipag-away. Awa ng Diyos, wala namang
naganap na mainit na pagtatalo sa mahahabang pila at yung mga sumingit sa hanay
namin, mga senior citizens pala, ay sinabihan ng mga concerned marshalls na
meron priority lane para sa mga matatanda, PWDs, buntis, at mga may kasamang
maliliit na bata. Bago mag-ala singko ng hapon, sa wakas ay nakapasok na ako sa
gilid ng katedral. Hindi mahulugang karayom hanggang sa loob mismo ng simbahan!
At mabilisan lamang ang viewing sa relic sapagkat sobrang dami pa ng mga tao sa
mga pila. Hindi ko masyadong natitigan ang puso dahil ang taas ng kinalalagyan
ng reliquary nito at medyo malabo na ang glass case nito dulot marahil ng
moisture ng panahon at mula sa libu-libong tao na humawak dito. Nasilip ko pa
rin ang incorrupt heart na animo tapa o di kaya’y black truffles. Subalit ang
damdaming ito, tulad ng mga close encounters sa mga saintly relics na nasilayan
ko na mula kay Sta. Clara de Montefalco, St. Anthony of Padua, at St. Pope John
Paul II, hindi maihayag ng mga salita. Ito ay pagkamanghang di-maipaliwanag
basta damhin ko na lang at lalong mapagtanto na kayganda ng daigdig na nilikha
ng Panginoong Diyos. Paglabas ko sa Manila Cathedral hanggang sa pag-uwi, ni
hindi nga ako nakadama ng pagod.
Makalipas
ng ilang araw, napansin ko pa rin sa social media ang tungkol sa relic tulad ng
Yahoo!News tungkol sa Cebu itinerary ng puso. Binasa ko ang maikling news
article na nai-post ng SunStar. At pati ang mangilan-ngilang comments ay
inusyoso ko. Ako’y nadismaya. Pulos galing sa mga online readers na mga trolls,
bashers, and puritanical Christian prigs na taglay ang kanilang nakalalasong
bigotry. Nakalulungkot na ang nilalaman ng kanilang mga puna ay mga
pambabatikos at paninirang-puri sa mga paniniwala ng kanilang kapwa-tao. Bago
pa mapalitan ng iba pang news article ang tungkol sa relics, nag-comment din
ako. I speak out for Padre Pio and for those people na matiyagang pumila para
masilayan ang relic. Bawat tao na pumila sa public viewing sa relic ay may
kani-kaniyang petition for Padre Pio’s intercession at hindi kami kailanman
nagsagawa ng idolatry o paglabag sa Unang Utos gaya ng laging bintang ng mga
puritanical Christian prigs na yun.
Kaming
mga Katoliko ay nagbibigay-pugay sa mga santo na noong nandito pa sa Mundo ay
malalim na ang pagiging Jesus-lovers nila at higit pang Kristiyano ang
pamumuhay hindi lang sa salita kundi sa gawa kaysa sa mga nagpapakilalang
‘Christians’ daw sila sa lalim ng pag-unawa sa Bibliya o marubdob sa pagkanta
ng kanilang praise and worship songs ngunit mga makikitid naman ang pananaw,
unawa, at respeto sa pananampalataya ng ibang tao. Sila itong mahilig
makipag-argumento sa paghahangad nila na ang kanilang mga personal na
paniniwala ang nasa tama at ang mga hindi nila katulad dito ay mga napariwara o
nawala na sa landas. At may na-realize ako. Hindi man talaga ako relihiyoso
pero may nais akong ipahabol sa intercessions ni Padre Pio na isama niya nawa
sa kanyang mga panalangin ang mga taong ugali nang atakihin o bastusin ang
pananampalataya ng kanilang kapwa dahil lamang sa hindi nila katulad ang mga
ito ng paniniwala and in God’s perfect time, matauhan sila at maliwanagan.
Napansin
ko nga na karamihan sa mga comments na naka-post sa mga Yahoo News portal ay
platform na lamang para sa negatibong reaksyon, panlalait, pambabastos, at
hindi na freedom of expression; mahihinuha rin na karamihan sa mga
nagku-comment sa mga social media ay nangangailangan talaga ng wastong edukasyon,
tsktsktsk! Well, naglipana pa rin sa Internet ang mga walang magawang matino sa
kanilang walang habas sa paghayag ng kanilang pangungutya at paninira sa kahit
sino o ano. Sa kasalukuyan, sila ay natataehan pa sa sarili nilang negativities
and insecurities; be calm, pray, and don’t worry, balang araw ay matatauhan din
sila.
Post
script. Nobyembre 1. Undas. Gumawa na naman ng ingay ang ating kagalang-galang
na Pangulong Duterte sa kanyang usual anti-Catholic rhetoric. Binanatan na
naman niya ang mga paniniwala at tradisyong Pilipino na nauukol sa Todos Los
Santos habang nasa Norte siya at mino-monitor ang kalagayan ng mga tao sa mga
pook na nasalanta ng Bagyong Rosita. The usual tatak-Digong defamation remarks
tapos paglapastangan niya sa mga taong namuhay nang banal at sinabi niyang
ilagay na lang ng mga Katoliko sa altar si “Santo Rodrigo”. Hmmm, ang mga
militant artists na gumagawa ng mga Duterte effigies tuwing may malawakang
kilos-protesta tulad ng tuwing SONA o Human Rights/ International Women’s Month
Celebrations ang magagaling sa paglikha ng mga ‘stunning portraits’ ng ating
Pangulo: parang may altar rin naman para kay “Santo Rodrigo”, pagtirikan ng mga
itim na kandila, at nasa ilalim nito ang mga ‘human sacrifices’-mga biktima ng
extrajudicial killings since 2016! SATIRE IN THE FORM OF THIS ESSAY.
*******
Oo nga
pala. Oktubre nga pala ngayon. Mapapanood pa sa TV ang mga documentaries and
magazine shows na tampok ang mga kwentong katatakutan. Di naman nakapagtatakang
ang trending sa cinema world ay mga Halloween-themed movies especially imported
ones. Yung bang mga horror flicks na nagiging predictable na kahit na pataasin
pa ang scream meter ng suspense and thrill ng takbo ng kwento. At sa larangan
naman ng panitikan, uso na naman ang mga horror, spine-tingling, hair-raising
tales for a chilling scarefest gaya ng Panorama Halloween issue 2018 ng Manila
Bulletin. Ang napansin ko sa mga kwentong katatakutan, para bang nagiging
pare-pareho na yung ‘dramatic’ flow of events lalo na sa pangingibabaw ng
kadiliman at kasamaan ng mga karakter at tila gustong palabasin ng mga authors
nito na wala nang kaligtasan ang mga biktima. Well, basag-trip na kung biglang
magkaroon ng twist ang mga kwento kung saan maparusahan naman ang mga
masasamang nilalang at kaharapin ng mga ito ang divine judgment bilang parusa
sa paninira ng mga ito sa buhay ng mga tao at katiwasayan ng mundo. Hay, naman,
o! Hehehe! Depende na sa nais ng mga readers kung ang gusto ba nila ay yung
tragic, bloody, gory story endings or pwede namang ang mga karakter na
‘biktima’ ay nagkaroon ng pagkakataong gumanti sa mga maligno, aswang, at iba
pang horror characters at pabalikin ang mga ito sa impyerno. Anyways, bweno in
reality, hindi basag-trip ang pagpapairal ng absolute truth ng pangingibabaw at
pagliliwanag pa rin ng kabutihan sa Mundo, sa buhay, at hanggang sa
kabilang-buhay. Amen.
Di naman
talaga ako mahilig sa horror movies. Mas gusto ko pang manood ng sexy films,
ano? Kahit yung mga lumang R-18 noon sa mga sinehan na ipinapalabas na sa ‘very
late night’ schedules ng PBO o CineMo na naipa-censored na rin naman ang ilang
eksena, aba, aba, okey naman pala. Medyo malabo na nga lang ang kulay ng
pelikula na animo palaging magtatakipsilim na o di kaya’y madaling-araw na
pasikat na ang araw. Nakapanghihinayang naman na hindi ko napanood itong isang
pelikula na “Wild and Free” sa sinehan. Nakakainis naman kasi at iilang sinehan
lamang ang nagpalabas nito at malalayo pa yun. At hindi pa na-extend ang
showing ng naturang pelikula. Anong problema? Nag-flop ba sa takilya? Palibhasa
ba ang mga bida ay mga potential, talented Kapuso artists at di yung mga mas
mabentang Kapamilyas na suking-suki ang pabebe image sa mga paulit-ulit na
komersyal? Sa totoo lang, mas trip ko pang panoorin ang mga pelikulang mature
ang adult content pero may lalim ang kwento kaysa mga pabebeng rom-com flicks
na pinagbibidahan ng mga loveteams na may chemistry daw... nakakaumay.
******
Kaysaya
namang makarating sa Agrilink 2018 na sa World Trade Center Manila dito sa
Pasay City. Nakatutuwang gumala sa napakaraming exhibits and booths doon mula
sa mga halaman at hayop (di mabaho doon sa mga piggery, a!) hanggang sa mga
farm equipments and supplies pati sa mga bazaar ng regional products. Paborito
ko na yata yung camel na naroon. Hay... ang sarap siguro kung may sariling
agricultural estate sa isang masagana at mapayapang nayon sa probinsya tapos
masayang farm life and lucrative agri-businesses. Ang saya namang mangarap nang
gising na ganoon nga na manirahan sa pook na iyon na may magagandang tanawin,
sariwang hangin, at maayos na buhay, hehe!
*******
Nitong Oktubre rin ay nakadalo ako sa National
Arts and Crafts Fair na ginanap sa SM Megamall kung saan tampok ang iba’t ibang
regional products and product showcase mula Region 1 hanggang ARMM. May
nadatnan pa akong cultural show doon ng mga Tausug Muslims. Nakapamili pa ako
ng ilang produkto. Ang sarap sanang mag-shopping dahil karamihan sa mga items
doon ay bihirang mahanap sa kahit saan. Filipino products na talaga namang
world-class. Pero bakit yung ibang tanyag na world-class Pinoy products tulad
ng Cobonpue furniture and Malagos Chocolates, sa presyo pa lamang ng mga iyon
ay mistulang ayaw nang ipalasap sa mga pangkaraniwang Pilipino?
Pero,
promise. Ang saya-sayang makadalo sa ganoong uri ng event. Magkakaiba man ang
political, ethnic, and cultural background dito sa Pilipinas, lahat tayo ay
pare-parehong Pilipino!