This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, March 31, 2019

Amaryllis Blossoms

Amaryllis blossoms with little roses and kalachuchi and the full moon
    
     

    
   
Marso 3. Maaliwalas ang panahon kaya mainam ang pagdayo namin sa Quezon City Memorial Circle. Nitong Pebrero lamang ay nagpunta rin kami doon para sa Hortikultura at ngayon naman ay para sa Flora Filipina. Ang sarap talagang mamasyal sa QMC. Namumukadkad noong araw na yun ang mga narra. Nagtungo kami sa mga hardin kung saan ginanap ang Bougainvillea Extravaganza. Nakabibighani talaga ang mga bougainvillea. Bongga talaga sa dami ng makukulay na bulaklak. Sa kabilang garden naman, ang daming orchids, flower beds, at mga landscape exhibits. Spectacular talagang horticultural events!  
  


                

        
      
   
    
      
     

    
   
      
      


     
    
    
   
    
    
    
   
  

March 5. Meron akong kakaibang napanaginipan: napanood ko sa panaginip ang isang elemento ng kadiliman na nag-anyong tao at nagpang-abot kami sa isang chapel tapos sinabuyan ko siya ng holy water mula sa isang mangkok pero di man lang siya naano. Pagdating sa loob mismo ng chapel, sa halip na labanan ko yung masamang espiritu, inilapat ko ang kamay ko sa likod niya at paulit-ulit akong nanalanging, "Patawarin Niyo po siya, Panginoon, kaawaan  Niyo po siya. Tanggapin Niyo po uli siya." Hanggang sa naabo na lang yung ispirito at naglaho sa hangin. Pagkatapos nagising na ako. Noon ko pa natutunang kapag nagdarasal, personal man o ang recitation ng "Prayer of Our Lady of Fatima" na nagsisimula sa "O my Jesus...", di lang mga nabubuhay o mga pumanaw ang alalahanin sa mga panalangin. Isama rin ang iba pa anumang elemento sila. Nakaka-disturb man pero bakit hindi? 
Marso 6. Ash Wednesday. Sa aking workplace, naging maingay. Di nga ako sumali dahil ang diskusyon nila ay pulos pulitika at relihiyon. Talaga namang pag may strong political biases, ganoon na lang ang todong paghanga ng mga tao sa isang public figure at ganoon na lang ang panlalait nila at pang-aalipusta sa mga kritiko ng idolo nilang yun. Pagkatapos, mula pulitika, napunta naman sa kung anu-anong paksa: cover-up di-umano ni Pope Francis sa priestly abuses, ang mga Rothschild o Illuminati, ang yumaong St. Pope John Paul II, at kahit anong urban legend, hoaxes, toxic fake news, at mga history revisionism na trip lang nilang pagpistahan at ina-assume nang 'accepted truth'.
Well, kapag ba naman babad lagi sa social media lalo na shared posts sa Facebook, too good to be true o di na kailangang uriratin kung totoo ba ang sources nito. Ewan ko sa kanila pero nalulungkot lang ako sa pagka-inutil ko na dapat sana, nag-effort man lang akong ipagtanggol si Pope Francis at si Pope John Paul mula sa mga panghuhusga nila. At saka karamihan sa workplace ko, mga loyalista pala, tsk tsk! Halimbawa, sa dami ng mas relevant issues sa bansa ngayon, mas gusto pang pag-usapan ng mga tao ang panawagang palitan ang pangalan ng airport at ibalik muli ito sa katawagang Manila International Airport. Hay, naku! Doon na lang kayo mag-focus sa Ilocos. Bakit di na lang ang airport sa Laoag ang ipetisyong ipangalan niyo sa inyong "Apo"? Di ako dilawan, hehe! Itiman pwede: i-blot ng itim ang anumang nagpapabaligtad sa mga facts kaya naglipana ang kung anu-anong biases and revisionism! 
Nabasa ko sa February 2019 issue ng My Pope magazine na doon sa Vatican, buhay na buhay pa rin ang traditional snail mail. May mga Vatican staff ang nagtutulung-tulong para asikasuhin ang tone-toneladang liham para sa Papa from around the world. Kung may pagkakataon, gusto ko rin subukan magpadala ng liham kay Pope Francis at baka sakaling mapili ito at personal na makaabot sa kanya, hehe! Nauunawaan ko namang ginagawa ni Pope Francis ang lahat ng kanyang makakaya para sa Inang Simbahan ngunit sadya talagang wagas ang insatiability ng mga kritiko na panay ang puna at atake na kung di man mga nakukulangan sa aksyon ng Vatican sa mga isyung kinakaharap nito, baka "gusto lang" nilang kayanin o i-bully ang pope at ang kaparian. Wala talagang puknat ang character assassination laban kay Pope Francis, Vatican, at ang Simbahang Katoliko. Meron ngang mga kaso ng pang-aabuso dahil sa kahinaan na rin ng pagkatao ng  mga sangkot na pari o obispo pero kailangan pa rin respetuhin ang due process of the law at ang proseso ng paglilitis pagkatapos ipresenta ang mga ebidensya o testimonya ng magkabilang panig, ang biktima at ang nasasangkot. Libu-libo na raw ang mga naitalang kaso. May mga nagsasabi ng katotohanan ngunit meron din nagsisinungaling lamang o naki-mass hysteria o baka naman may hidden agenda gaya ng pag-asam ng pinansyal na danyos o gusto lang talaga manira ng kapwa.
Ang mga nagkasala sa hanay ng mga pari ay sadya lang marupok na mga tao; mamuhi sa kasalanan at huwag sa sinner! Ang kasalanan ng iilan ay di kasalanan ng lahat. Tama ang sinabi ng isang obispo bilang tugon sa usual anti-Catholic tirade ni Duterte na maglalaho rin daw ang Simbahang Katoliko: lilipas ang sandaan o sanlibong "Dutertes" ngunit dahil sa grasya ng Panginoong Diyos, mananatili pa rin ang Simbahang Katoliko!
Ang mga kritiko, bashers, trolls, at manunulat ng umano mga expose laban sa Inang Simbahan at mga pari ay malakas lang talaga ang loob. Minumura nila, sinisiraan, nilalait... kaya ang Panginoon na ang bahala sa kanila. Nawa'y matulad sila sa mga harsh anti-Catholics noon na matapos lumasap ng life-changing, baptism of fire situations, ngayon ay mga namumuno na sa pagtatanggol sa Inang Simbahan at sa pananampalataya. Kapag kalooban na talaga ng Panginoon ang umiral... 
Merong libro si Duterte tungkol daw sa pang-aabuso ng mga paring Katoliko. Eh kung may libro naman tungkol sa mga iskandalo ng mga ministro, pastor, at iba pang non-Catholic religious leaders, ieendorso rin kaya niyang basahin ito? Ayon nga naman sa isang anecdote na nabasa ko, isang kritiko ang nakipag-away sa isang pari at umalis na sa simbahan dahil sa hypocrisies dito. Ang sagot ng pari, kung gusto niya bumisita uli sa simbahan, meron pa namang isa pang bakanteng pwesto doon... ang bakanteng pwesto para sa kritiko mismo, hehe!
Going back sa hoaxes, fantastic conspiracy theories, urban legends, and pseudo-facts, favorite topic din ang mga Rothschild. Ang House of Rothschild daw ang kumokontrol sa banking and finance ng Europe. Hindi ako apologist para sa mga taong yun ni hindi ko nga sila kilala! Mas tiwala pa ako sa aming lumang encyclopedia pagdating sa general references dahil hango naman ang mga articles nito sa established facts and painstaking researches ng mga eksperto noon pa. Kaya nga back to basics, pick-up ang R volume, buksan sa pahina kung saan nakahilera ang Rothschild family, at wow, kahanga-hanga pala ang ninuno nilang Mayer Amschel Rothschild! Ipinanganak na mahirap sa isang slum area sa Germany noong 18th century, nagsumikap hanggang sa nakamit ang tagumpay.
Kaya lang, matagal nang umiral sa Europe ang anti-Semitism. Kung di man dala ng mga Hudyo ang stigma na ang mga ninuno nila ang nagpapako sa Panginoon, labis lang talaga sila kinainggitan mula pa noong Middle Ages. Sa sinaunang mga panahon pa, napatunayang resilient people kasi sila, sanay sa hirap ngunit matiyaga at madiskarte kaya umunlad sila. Kung talagang makapangyarihan ang mga Rothschild at kontrolado nila ang Europe gaya ng bombastic claims na mababasa sa social media, bakit hindi nila napigilan ang mga pogroms sa Russia at ang Holocaust ni Hitler na ikinamatay ng milyun-milyon nilang kalahi at iba pang minoridad?
Uso na noon pa ang fake news. Halimbawa, ang forgery na ginawa raw ng mga Russian secret police, ang "Protocols of the Elders of Zion" para i-justify ang kanilang pogrom laban sa mga Hudyo. Napanood ko nga ang kahalintulad na eksena sa "Fiddler on the Roof", nawasak ang maraming shtetl or Jewish villages kahit na hindi naman national threat ang mga ito. At yung Illuminati story? Ewan ko! Meron ngang Illuminati sa Quezon Avenue, Quezon City: ang tindahan ng mga chandeliers and other lighting fixtures and home interior decors! 
Marso 8. International Women's Day Celebration! Gusto ko sanang umabsent sa trabaho at manood kahit saglit lang sa mga rally ngunit ang batid ko na lamang na paraan ng paglahok dito ay huwag kaligtaang banggitin ito sa mga klase namin sa Araling Panlipunan lalo pa't ilan sa mga paksa ay tinatalakay ang kalagayan ng mga kababaihan sa iba't ibang panahon sa kasaysayan ng bansa. Talakayin na lang sa klase na kahit ganoon man ang machismo ng Pangulo ng bansa, hindi naman siya anti-women, hehe! 

Marso 14. Pagkabisita namin sa aming mga kamag-anak at nakipiyesta rin kami, sa wakas ay napuntahan na rin namin ang Dambana at Museo ni Gat Apolinario Mabini sa Barangay Talaga, Tanauan City, Batangas. Bukod sa gusali ng museum galleries, nasa bungad din ang replica ng bahay-kubo ng ating bayani sapagkat sa mismong malawak na lote nakatayo noon ang tahanan ng mga Mabini. Ayon talambuhay ni Pule, hindi sila gaanong nakaririwasa sa buhay kung kaya't ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na gusto sana siyang magpari noon ay itinaguyod ang pagpapa-aral sa kanya sa Maynila at sinuportahan ang pangarap niyang maging isang abogado.
Pagpasok sa museo, nakamamangha ang mga exhibit na mga larawan at napakaraming memorabilia at koleksyon ng mga gamit ng ating bayani. Kapag pinagmasdan ang maamong mukha ni Mabini, siguro nga na mabini pa rin siya sa pag-uugali di tulad ng ibang bayani na bakas sa mukha ang marubdob na paglahok sa mga digmaan. Nakapaskil din ang mga quotes mula kay Pule lalo na ang mga pahayag niya noon na tila mahihinuha ang pagtataglay niya ng foresight; animo nakita na niya ang magugulong political situation sa Pilipinas noon hanggang  kasalukuyan lalo na ang katiwalian at mga political families na karamihan ay mga pansariling  interes lang ang isinusulong at hindi ang kapakanan ng bansa. Itinuturing ng ilang historians at scholar na si Pule ang unang prime minister ng Pilipinas. May quote din siya tungkol sa PWD empowerment lalo pa't nalumpo siya dulot ng polio bago siya mag-30 at hindi dahil sa sipilis dulot ng pagiging babaero umano tulad ng paninira sa kanya ng mga kalaban niya sa pulitika.
Nagsagawa raw kasi ng forensic investigation sa mga labi ni Mabini noon. Polio nga ang dahilan ng pagkalumpo niya at di dahil sa nahulog siya sa kabayo o nagkasakit ng sipilis. Magagawa pa bang mambabae ni Mabini habang nag-aaral sa Maynila samantalang pinadadalhan siya ng salapi ng kanyang ina mula sa pinagpaguran nitong paglalako ng kapeng barako?

Meron lang akong napunang exhibit doon; sang-ayon si Mabini sa emancipation of women at pagbibigay ng patas na oportunidad para sa mga ito... maliban sa sangay ng hudikatura at institusyon ng simbahan. Sa ika-20 siglo, may mga babaeng namumuno sa ilang religious groups bilang lady pastors o kahit babaeng pari pa sa kanilang sekta ngunit karamihan pa rin sa mga major religions, lalaki pa rin ang dominante. Kaya lang, pagdating sa sangay ng hudikatura ng pamahalaan, doon nagkamali si Mabini dahil marami sa mga pinakamahuhusay na mahistrado at hukom ay mga babae!

   

     
   
 
   
   
    
  
     
   
  
   
  
    
   
    
   
    
   
   
    
 
  
    


   
  

   

Ngayong Marso, dalawang programa ng channel 7 na nagtapos ang sinubaybayan ko: ang Onanay at ang My Special Tatay. Mga kakaiba kasi ang kwento at kahit melodramatic man, nakaka-hook pa rin subaybayan. Meron din akong napanood sa HBO na re-telling ng King Kong saga, ang "Kong: Skull Island". Another spectacular sci-fi adventure film at naka-set sa mismong islang kaharian ng ating dambuhalang gorilya. Di tulad ng King Kong 2005, matagumpay na nakapamuhay nang payapa ang gorilya matapos siyang guluhin ng mga taong-labas at ng ibang halimaw. Sa kanyang isla, bathala rin ang tingin sa kanya ng mga katutubo at tagapagtanggol ng iba pang nilalang doon.

Marso 19. Nitong gabi ay may nadiskubre ako by serendipity ang isang article sa "E" encyclopedia na nakapukaw ng atensyon ko. Tungkol sa isang autobiographical work na tila naka-address din sa future generations, ang "The Education of Henry Adams" (contributed by Peter Chaitin). Si Henry Adams ay descendant ng dalawang US presidents pero pinili niya ang simpleng buhay. Ang akda niya na lumabas noong 1918 bukod sa autobiography, parang social commentary rin lalo na ang highlight nitong "The Virgin and the Dynamo" kung saan ayon sa may-akdang si Adams, ang kasaysayan ay nadidetermina ng relasyon ng isang indibidwal sa isang "central symbolic force"; at na-foresee na ni Adams ang teknolohiya bilang dominant factor sa buhay ng tao. Isang pag-unlad na mabilis na ginagawa nang irrelevant ang uri ng humanistic values na kanyang isinabuhay simula sa kabataan niya. Laganap ang sekularismo kaakibat ng pag-unlad sa maraming bahagi ng Mundo pero  natatabunan naman nito ang mga mabubuting aral kasama ang relihiyon o pananampalataya at wastong asal ng maraming tao na ipinamana pa naman ng mga ninuno at naunang henerasyon.