"He who knows the surface of the earth and the topography of
a country only through the examination of maps... is like a man who learns the
opera of Meyerbeer or Rossini by reading only reviews in the newspapers. The brush of landscape artists Lorrain, Ruysdael, or Calame can reproduce on canvas
the sun's ray, the coolness of the heavens, the green of the fields, the
majesty of the mountains... but what can never be stolen from nature is that
vivid impression that she alone can and knows how to impart- the music of the
birds, the movement of the trees, the aroma peculiar to a place- the
inexplicable something the traveler feels that cannot be defined and which
seems to awaken in him distant memories of happy days, sorrows, and joys gone
by, never to return."
Dr. José P. Rizal, Los Viajes (courtesy of Panorama
magazine, Manila Bulletin)
Dalawang linggo mahigit din ang aming family vacation sa Tigbauan,
Iloilo. Ang dami naming napuntahang lugar. Kahit simple at malalapit lamang
kagaya ng plaza ng bayan ay memorable na at masaya. Siyempre, hindi rin namin
pinalampas ang mamasyal sa Iloilo City. Kabilang sa aming itinerary ang mga distrito
ng Molo, Jaro, Mandurriao, at Villa Arevalo.
Abril 26. Tunay nga ang taglay na "Old World Charm" ng
Iloilo. Napuntahan na namin sa wakas ang Yusay-Consing Heritage House o mas
kilala na bilang Molo Mansion na katapat mismo ng Molo Church and Plaza. 1926
pa ito itinayo kaya lamang makalipas ng maraming taon, tulad ng iba pang lumang
bahay sa lungsod, napabayaan na raw dulot ng iba't ibang kadahilanan ayon sa
mga references ukol dito. Gigibain na raw ito para gawing supermarket pero
mabuti na lang at di itinuloy ng SM at sa halip, inayos ito, ni-restore, at
ginawang malaking souvenir shop and Filipiniana boutique ng Kultura. Madalas
din may mga workshop na may kinalaman sa arts and culture sa ikalawang palapag.
Ang lawak din ng lote ng mansyon at agaw-pansin doon ang higanteng balete at
mga hardin. Maraming bisita araw-araw sa Molo Mansion. Sa mga heritage houses
ng Iloilo, ito ang pinaka-cute sa totoo lang. Very iconic din ang architecture,
nostalgic...
Namasyal din kami sa Riverside Esplanade. Mukhang napakalalim ng
Iloilo River. Kung di lang maalinsangan, ang sarap sigurong lakarin ang
kahabaan nito hanggang marating ang Mandurriao o doon sa Jaro. Sana, magkaroon
din sila ng river ferry o di kaya'y river cruise para sa mga turistang gustong
mag-sightseeing sa City of Love sa pamamagitan ng ilog!
Abril 27. Tolerable pa rin ang init dahil malakas ang ihip ng
easterlies. Dumalo kami sa anticipated Mass para sa Divine Mercy Sunday
kinabukasan sa St. John of Sahagun Parish or Tigbauan Church. In English ang
Misa kasi pagsapit ng Linggo, lahat ng Misa ay in vernacular, ang Karay-a.
Nag-Misa ang isang visiting priest and professor galing Iloilo City. Ang
lakas-lakas ng boses lalo na nang naghomily at ang microphone ay animo naging
loudspeaker. Para siyang aktibistang raliyista subalit naniniwala akong
inspirasyon mula sa Holy Spirit kung bakit ang husay niya sa kanyang talumpati
at pagpapaliwanag tungkol sa Salita ng Panginoon.
Abril 29. Malaking tulong itong nabili kong road map ng Iloilo
City and Western Visayas Region. Namasyal na naman kami sa Iloilo City.
Pinuntahan namin ang distrito ng Jaro na noon ko lang narating. Nabasa ko noon
pa na noong panahon ng mga Espanyol, magkakahiwalay pang mga pueblo o bayan ang
Jaro, Molo, Arevalo, at iba pang pesent-day districts na nagkaisa mula nang
itinatag ang makabagong Lungsod ng Iloilo.
Kung ang Cebu ang Queen City of the South, ang Bacolod ang City of
Smiles, talagang hindi maitatangging ang Iloilo naman ang City of Love. Kaya
nga, pagdating sa ranking ng favorite cities ko sa buong planet Earth, una para
sa Pasay at ang ikalawang ranggo ay para sa Maynila kasama na ang Iloilo.
Una naming pinuntahan sa Jaro ay ang katedral nito. Familiarized
na ako noon pa sa distritong ito kasi nakaugnay ang Nuestra Señora de
Candelaria at si Graciano Lopez-Jaena. Ang Jaro Cathedral ay isa ring National
Shrine. Meron itong candle chapel at ang dambana mismo ng Our Lady of the
Candles na kailangang akyatin sa facade ng katedral. Sayang at sarado ang main
church dahil general cleaning nang mga oras na iyon. Totoo talaga na kung sa
Molo Cathedral, nakahilera malapit sa center aisle ay mga female saints, dito
sa Jaro ay mga male saints naman.
At nakita namin ang baptistery. Ang pinag-usapang silid ng
binyagan dahil kay Senator Grace Poe-Llamanzares na muling kumakandidato sa
nalalapit na eleksyon. Napanood ko noon sa TV ang kwento ng buhay niya; na
noong baby pa siya, natagpuan daw siya doon sa baptismal font na parang isang
foundling. At pagkatapos, napaulat nang inampon siya nina Susan Roces at ng
yumaong Fernando Poe, Jr. Sa mismong baptistery na yun siya bininyagan at
mismong si Jaime Cardinal Sin na Jaro archbishop noon ang nag-officiate.
Mula simbahan, tumawid kami sa plaza. Grabe, anong nangyari sa
Jaro Belfry na simbolo rin ng distrito at lagi rin nakikita ang larawan sa mga
Iloilo travel brochure and maps? Nang mga oras na yun, ni hindi nga malapitan
ng mga turista dahil ginawang public urinal ng mga balasubas na tao. Kung pwede
lang mag-suggest sa local government na ang nabanggit na tore ay may potensyal
pa rin sa turismo. Pwede kayang ayusin nila ito at kung maaari pa, bakit hindi
nila ito gawan ng viewing deck kung ligtas pa rin pumanhik ang mga tao dito?
Siguro ang dami-daming paniki ang nakatira doon sa tuktok; o, eh di ang ipot
nila ay ang guano na mainam din pataba sa mga pananim.
Ang lawak ng plaza ng Jaro pero kulang sa maintenance at may mga
bandalismo gaya sa iba pang pampublikong parke. Ang malungkot na Graciano
Lopez-Jaena sa ibabaw ng kanyang pedestal na dinaan-daanan lang ng maraming
tao, tsktsktsktsk! Mayroon akong nabasang article tungkol sa kanya mula sa
Looking Back volume 1 ni Professor Ambeth R. Ocampo. Napakahusay kasi
niya sa mga talumpati, sila ni Marcelo H. Del Pilar. Mabilis din niyang gawing
mabulaklak ang kanyang mga pahayag kaya nga tinagurian siyang El Bolero ng mga
Ilustrado sa España; siguro nga na taglay niya ay sharp wit sa kanyang pag
ba-bluff ng sasabihin niya at kung nakainom daw siya, "kahanga-hanga"
ang spontaneity sa kanyang deklamasyon. Nai-imagine ko rin kung paano
kaya siya magsalita sa tuwing may pagtitipon ang mga Ilustrado sa Madrid; tatak
niya sigurado ang sweet, musical Ilonggo accent in contrast sa mabigat na
puntong Tagalog nina Del Pilar o ni Rizal. At sa essay na yun ni Prof Ambeth na
may pamagat na "Lopez-Jaena, a Forgotten Hero", nakakalibang din basahin
kasi naikwento doon ang human side ni Graciano at malamang ang mga Ilonggo na
nakabasa nung ay sasabihing "damak si Toto Sianong!" ang ating bida,
hehehe! Mahilig daw ito sa sardinas na kinakamay lang nito mula sa lata at
pagkatapos ipapahid lang niya ang namantikang nguso at kamay sa manggas ng coat
niya. At minsan, may kaibigan siyang binilhan siya ng bagong damit pamalit ng
'basahan' na gayak niya. Kinabukasan, suot na naman niya ang parehong coat at
tuloy pa rin ang kanyang Bohemian-style or free-spirited c'est la vie. Kaya
lamang, namatay siyang pobre at hindi na nakauwi sa Pilipinas noong 1896;
parehong taon din ng kamatayan nina Plaridel at Rizal at taon din ng Himagsikan
laban sa mga Espanyol.
Sa Jaro, Iloilo City, walang nabanggit kung mayroon pa bang
descendants ang mga Lopez-Jaena o kung saan ba nakatayo ang kanilang ancestral
house noon para gawan ng shrine and museum gaya sa iba pang bayani. Gayunpaman,
nagkaroon siya ng imortalidad sa pampanitikang nasyonalismo lalo pa't siya ang nagtatag
at naging unang patnugot ng makabayang pahayagang La Solidaridad at kabilang
siya sa mga haligi ng Kilusang Propaganda na idinadaan sa mapayapang paraan ang
kanilang mga panawagan ng reporma sa Pilipinas noong ito ay kolonya pa ng
Espanya.
Marami talagang mga lapastangang tao ang walang pagpapahalaga sa
kasaysayan at kapaligiran. Lalapitan ko sana yung memorial marker para sa isa
pang rebolusyonaryo, si Patrocinia Gamboa at yung para sa mga Ilonggo na
beterano ng world war 2 kaya lang ang daming tao na ginawa lang yun tambayan,
ihian, at pinagsulatan pa ng bandalismo. Sana, umaksyon naman ang local
government na ayusin ang Jaro Plaza.
Sinasabing noon pa man panahon ng mga Espanyol hanggang sa mga
Amerikano at Commonwealth period, maraming mayayamang angkan ang nakatira sa
distrito ng Jaro. Ang dahilan ng pagyaman nila ay ang industriya ng asukal at
iba pang produkto ng agrikultura. Ang ebidensya ng mararangyang pamumuhay noon
ay makikita sa maraming malalaking bahay na bato at iba pang istruktura na sa malungkot
na dahilan ay napabayaan na o di kaya tuluyan nang inabandona ang iba. Ngunit
may mga nanatili pa ring nasa maayos na kalagayan sapagkat pinangalagaan o di
kaya'y ginawa nang commercial buildings.
Nagtungo rin kami sa Nelly's Garden, isang compound na merong
malawak na lawn na parang soccer field sa bungad, mga bed & breakfast rooms
for rent na parang boutique hotel, gardens, and especially, ang 1928 heritage
house na tinagurian din Lopez-Hofileña Mansion. Mayroon nga lang entrance fee
for day tour pero hindi pwedeng pumasok doon sa malaking bahay kasi naninirahan
pa rin doon ang mga inapo ng mga orihinal na may-ari. Ayon sa staff ng
compound, si Señorita Nelly ay lumuwas noon sa Maynila para mag-aral. Pre-war
period pa yun. At ang ating Ilongga socialite ay doon din nakahanap ng lovelife
dahil ikinasal siya sa isang binata na nagmula sa isang mayamang angkan ng mga
pulitiko sa San Juan.
Ubod ng ganda nung bahay na well-preserved pa. Napansin ko sa
karamihan sa mga heritage houses na konkreto gaya ng Molo Mansion at itong
Nelly's, bukod sa typical na merong dalawang palapag, balkonahe, at ang
tinatawag na belvedere o viewing deck, meron itong shallow open basement na
mukhang dungeon. Ayon sa mga katiwala, nakakatulong daw yun para sa bentilasyon
sa kabahayan. Sa modernong panahon, meron pa kayang nagpapagawa ng bahay na ang
disenyo ay gaya ng mga pre-war mansion tulad nito?
Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Mariquit doon din sa Jaro.
Pero bago yun, nagkamali pa kami ng sinakyang dyip! Paano, wala man lang
karatula ng pangalan ang mga kalsada! At yung tsuper, napakunot-noo pa nang
sinabi naming ipara kami sa Sta. Isabel street kung saan naroon ang Casa
Mariquit. Buti na lang at matulungin ang ibang pasahero na nakita na ang bahay
na iyon malapit sa mga gasolinahan at coffee shop. Ay, pambihira naman! Walking
distance lang pala ang Casa Mariquit mula sa Jaro Plaza na nauna na naming
pinuntahan! Well, at least nakapag-sightseeing sa residential areas at
malalaking eskwelahang nadaanan. Meron palang Fil-Am cemetery doon at nakita
rin namin ang Casa Gamboa na isa nang coffee and souvenir shop.
Sa wakas, narating na rin namin ang Filipino-Spanish design na
Casa Mariquit na itinatag noong 1803 ng mga ninuno ng Lopez family na may-ari
ng ABS-CBN. Pagdating namin doon, akala namin sarado tapos parang haunted house
at sa tabi nito ay may mga naglalakihang banyan trees na kauri ng mga balete at
ang mga ugat ay nakayakap na sa Marian grotto na nasa gilid ng maluwag na
bakuran. Maya-maya'y isang teenager na lalaki na nakadamit-pambahay at mukhang
kagagaling lamang sa likod-bahay ang dumating para mag-tour guide. Ang mga
katiwala pala ng mga Lopez ay may bahay doon sa likuran at tila may talyer pa.
50 pesos ang entrance fee. Pagbukas sa silong na merong malaking hagdan, ang
dilim; nagtitipid kasi ang mga katiwala sa kuryente! Siyempre gaya ng mga
typical na bahay-Kastila, ang ikalawang palapag ang pinakabahay dahil ang mga
pangunahing silid ay naroon. Isa sa pinakamagandang bahagi ng bahay ay yung
asotea. Ilang sandali pa, dumating ang iba pang bisita kaya naging maingay na
sa Casa; ngunit sadyang sumisigla ang heritage house na ito dahil din sa mga
bisita.
Mayroong distinct beauty ang Casa Mariquit at tulad sa iba pang
heritage houses, nostalgic charm. Ang luwag ng bahay at well-preserved pa rin
ito. Pwede pang hawakan ang mga nakadispley na antiques and memorabilia doon
basta ingatan lang. Ang may-ari ng bahay ay si Donya Mariquit (palayaw niya
ito) at napakayaman ng kanilang pamilya dito sa Jaro. Napangasawa niya ang
abogado na si Fernando Lopez na sumabak din sa pulitika noon lalo na sa panahon
ng Ikatlong Republika o pagkatapos ng giyera. Pero ang highlight ng kanyang
political career ay nang naging vice-president siya ni Marcos bago mag-Martial
Law. Gayunpaman, nawala man sa pulitika, naging payapa naman ang pagsasama ng
mag-asawang Mariquit at Fernando hanggang sa kanilang pagtanda. Napakasinop pa
nila sa mga kagamitan nila kaya nga naging museo rin ang family house nilang
ito na bukas sa publiko na interesado sa mga iniwang aral o legacy ng kanilang
marangal na angkan.
Pagkagaling namin doon, nagmeryenda kami sa Panaderia ni Pa-a
(palayaw yun ng Tsinoy na si G. Uy na nagtatag nito, ano?). 1896 pa ito itinayo
at naging moderno man ang gusali nito na merong cafeteria at bilihan ng
pasalubong, ang sinaunang pugon ni Pa-a ay naroon pa raw at ginagamit pa rin sa
pagluluto ng kanilang tanyag at dinarayong tinapay. Ang sarap ng otap na binili
namin doon.
Cinco de Mayo. Maaliwalas at maalinsangan ang panahon. Linggo
ngunit nakadalo na kami sa anticipated Mass kahapon pa. Mayroon kaming Guimaras
trip! Siyempre, mahaba-habang biyahe patungong Iloilo City. Buti na lang at ang
nasakyan naming dyip sa plaza ng Tigbauan ay diretso papuntang
"Super" o Iloilo Terminal Market. Nasa downtown area na iyon at
malapit na sa pumpboat station. Dumaan ang dyip sa ilang barangay na akala ko
nasa Tondo. May napansin pa akong isang barangay doon na ang pangalan ay
"Rizal-Ibarra". Meron din "Tanza". At nang patungo na kami
sa Ortiz wharf, muli kong nasilayan ang agaw-pansing Cesar Ledesma Mansion o
kilala rin bilang ang Eagle House dahil sa mga istatwa ng mga agila sa may gate
nito. Hindi ito bukas sa publiko di gaya ng ibang Iloilo heritage houses.
Ang dami-daming pasahero sa wharf either na papunta o galing na sa
Jordan, Guimaras. Huli kaming namasyal doon noong 2013 pa (pakitunghayan ang blog
post na "This Weirdo's Summer Blog"). Mabilis ang biyahe ng bangkang
sinakyan namin papunta doon sa isla. Pagdaong sa Jordan, may kinontrata kaming
traysikel para ihatid kami sa iba't ibang pook. Stopover sa Smallest
Plaza, ang kapitolyo ng probinsya, mahaba-habang sightseeing tour lalo na sa
malalawak na manggahan sa magkabilang panig ng the long and winding road at ang
katakam-takam na mga bunga nito na naghahatid ng kasikatan at malaking kita
para sa lalawigan, at tumigil din kami sa bayan ng San Lorenzo kung saan may
pagawaan ng asin, malalawak na kabukiran, at mga nakakalat ng mga higanteng
windmills na nagsusuplay ng renewable energy sa probinsya gaya ng sa Bangui,
Ilocos Norte at doon sa Cardona, Rizal.
Napakahaba ng biyahe ng traysikel. Di lang namin napuntahan ang
Buenavista at dumaan lang kami sa Sibunag. Ang dami-dami pa namang places of
interest dito sa Guimaras. Bumalik pa kami sa Jordan, doon sa Barangay San
Miguel. Sa wakas, nakarating na ako sa lugar ng mga Trappists! Ang lawak ng
lugar kaya lang, pinapayagan lamang ang mga bisita hanggang sa souvenir shop at
sa simbahan ng Our Lady of the Philippines Trappist Abbey. Off limits na sa mga
bisita ang monastic grounds kung saan naroroon ang mga monghe. Minsan naman ay
may oras na ilan sa mga monghe ay kinukumusta ang mga panauhin but most of the
time, secluded ang kanilang pamumuhay gaya ng iba pang Cistercian monks.
Pagkatapos ng panalangin at Misa, magtatrabaho na sila sa kanilang pananiman at
pasalubong centers at ang mga produkto nila ay ipinagbibili sa gift shops at
iba pang distributors upang may maipantustos sa monasteryo bukod sa mga donasyon.
Napakaganda at napakapayapa doon sa Trappist Abbey.
Ilan sa nabili namin sa souvenir shop ay rosary bracelet at
medalyon na may nakaukit na imahe ni St. Benedict, ang nagpasimula ng monastic
rule na sinusunod ng mga Benedictino kasama ang mga Trappists. Nabasa ko sa
information card nito na makatutulong daw ito sa paglaban sa masasamang
nilalang, tukso, pagkakaroon ng proteksyon, at maibsan ang sakit ng katawan.
Ano yun? Anting-anting, agimat, o bertud? Subalit para sa akin, ang St.
Benedict medallion ay nagsisilbing paalala na magkaroon tayo ng lubos na
pananalig sa Panginoong Diyos katulad ng isinabuhay ni St. Benedict. Amen.
Pagkapananghalian namin sa Biking's Seafood restaurant,
napakahabang biyahe na naman hanggang susunod na bayan ng Nueva Valencia.
Nakarating kami sa Sitio Alubijod, doon sa Raymen's Hotel and Beach Resort kung
saan din kami nagpunta noong 2013. Hay, na-miss ko ang dalampasigan dito. Ang
sarap magtampisaw. Kinabukasan, katanghalian na nang check-out namin at pag-uwi
sa Tigbauan, Iloilo. Maraming salamat sa Panginoon, ligtas at maayos ang aming
biyahe.
Mayo 9. Muli kaming namasyal sa Iloilo City, doon sa Jaro uli! Sa
wakas, nakarating na kami sa Angelicum School sa barangay Tabuc Suba na papunta
na sa bayan ng Leganes. Doon makikita ang para sa akin ay ang pinaka-eleganteng
pre-war mansion sa Iloilo at isa rin sa mga pinakamaganda sa mga heritage
houses sa bansa, ang Lizares Mansion. Kaya lang, bawal daw pumasok doon dahil
naging kumbento na. Mayroong historical marker sa malawak na lawn sa tapat ng
bahay na iyon.
Yun nga lang, tulad ng Mariano Lacson Mansion Ruins sa Talisay,
Negros Occidental, ang lungkot ng naging kasaysayan ng Lizares Mansion at hindi
man nagtagal ang paninirahan dito ng pamilyang minsang nagmay-ari nito.
Commonwealth period nang sinimulan itong ipagawa ng sugar baron na si Don
Emiliano Lizares. Ang nagdisenyo ng mansyon ay ang tanyag na architect at anak
ni Juan Luna na si Andres Luna San Pedro na siya rin ang nasa likod ng
mararangyang disenyo ng mga bahay ng mayayamang pamilya sa Maynila at Sariaya,
Quezon. 1937 nang natapos ang Lizares Mansion subalit nang sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napilitan ang pamilya na lisanin ito at nagkubli
sila sa Pototan, ang parehong bayan ng Katipunerang si Teresa Magbanua. Nang
abandonado na ang mansion, ginawa raw itong himpilan ng mga Hapon na nadestino
sa Iloilo. Who knows kung nagkaroon din ba ng tales of horror sa bahay na iyon?
Pagkatapos ng giyera, ang mga Lizares ay bumalik sa bahay nila kaya lang 1949,
namatay si Don Emiliano at ang kanyang pamilya ay mga lumisan na sa Jaro; may
mga lumuwas sa Maynila at may mga bumalik sa Negros kung saan nagmula ang
angkan nila. At ang kaawa-awang mansyon ay naiwan sa kamay ng mga caretakers,
napabayaan, inangkin ng ilang garapal na tao na ginawa raw itong casino kaya
ipinasara ng alkalde ng lungsod, napabayaan muli, at pagsapit ng dekada '70s,
dumating ang mga paring Dominikano. Binili nila ang mansyon at lupang
nakapaligid dito, nilinisan, at inayos. Pagsapit ng 1978, itinatag ang
Angelicum School of Iloilo at ang Lizares Mansion ay naging Dominican convent
na at mayroong Chapel dito.
Kahit saang anggulo, napakaganda ng Lizares Mansion sa kabila ng
mga pinagdaanan nito sa iba't ibang panahon. Ang masulyapan lang ito kahit mula
sa malayo ay naghahatid ng nostalgia. Matutunghayang minsan ay naging sagisag
ng marangyang pamumuhay ng isang angkan at pagkatapos ay ang masaklap na
kinahantungan nito subalit sa kasalukuyang panahon, animo isang phoenix. Sa
mapayapang school grounds ng Angelicum, ang malaking bahay ay nambibighani,
maraming kwentong isinasalaysay, at ipinagsisigawang hindi siya isang multo
mula sa nakaraan na katatakutan. Isa pa rin siyang tahanan.
Mayo 10. Sa loob ng maghapon, ang dami na namin napuntahan.
Nagpunta naman kami sa distrito ng Arevalo doon din sa Iloilo City. Parang
probinsyang-probinsya na nga doon, tahimik, at malayo mula sa ingay ng city
proper. Ang ganda pa doon at di-kalayuan ang dagat. Noong panahon ng mga Espanyol,
kilala ito bilang La Villa Rica de Arevalo. Minsan ay Villa ang tawag sa
distrito. Kilala ang lugar sa mga hablon, sinamay, at produktong piña jusi.
Naroon din ang isang cute na heritage house kung saan mahahanap ang main
office ng Mama's Kitchen at bumibili kami dito ng pasalubong items.
Di rin namin pinalagpas ang plaza o Avanceña Park. Ang sarap
namang mamasyal doon. Presko ang hangin at well-maintained ang mga
hardin. Dinarayo ang simbahan dito, ang Most Holy Name of the Redeemer
Parish kung saan makikita ang Sto. Niño de Arevalo na ikatlong pinakaantigong
Santo Niño sa bansa. Kayumanggi nga ito. At saka napansin ko rin na meron din
ang simbahan na istatwa ng Mama Mary at Niño Jesus na nakabihis ng kasuotang
Pilipino tulad sa Trappist Abbey sa Guimaras. Our Lady of the Philippines yun;
sa ibang term naman, Our Lady of the Barangay.
Ang sunod naman naming dinayo ay ang Oton na katabi ng Tigbauan.
Tabing-dagat din ito at may malalawak na bukid at kapatagan. Nabanggit sa
textbooks ng Araling Panlipunan 5 ang bayan na kilala noon bilang Ogtong at
noong 1600s, isang katutubo na nagngangalang Tapar ng Panay ang namuno sa
pag-aalsang panrelihiyon. Nagtatag siya ng isang bagong folk religion na
pinaghalo ang sinaunang mga paniniwala o animismo at ang Kristiyanismo at dito,
siya raw ay diyos. Kaya lang agad na sinupil ng mga Espanyol ang pag-aalsa at
ginawaran ng masaklap na kaparusahan si Tapar at ang mga kasama niya.
Ang ganda ng plaza ng Oton. Mapuno pa. Pinuntahan din namin ang
Immaculate Conception Parish. Base sa naka-exhibit tungkol sa kasaysayan ng
nabanggit na simbahan, ang laki pala ng original na anyo nito. Mga paring
Agustino ang nagpatayo nito tulad sa simbahan ng Tigbauan. Kaya lang pagsapit
ng 1948, ang mala-katedral na simbahan ng Oton na nakaligtas mula sa digmaan,
ay gumuho naman sa lindol ng taong iyon. Muling itinayo ang simbahan nang mas
simple na ngunit maganda pa rin. Ang Marian grotto at Adoration Chapel ay
kakaiba ang dating dahil sa mga naglalakihang banyan trees na ang mga ugat ay
nakayakap na dito. Sacred tree ng mga Hindu ang banyan tree at ang mga ancient
Buddhist temples ng Angkor Wat sa Cambodia ay marami rin ganito na tumutubo sa
mga ruins. Kung ang ilang mga tao ay nangingilag sa anyo ng mga balete at
banyan, ang mga ugat nito ay nagdudulot ng kakaibang dramatic beauty sa grotto.
Dapat nga sa landslide-prone areas, banyan trees ang itanim doon, di ba?
City of love nga talaga ang Iloilo. Nakakagalit naman nang minsang
inihayag ni Duterte noon na ang naturang siyudad ay ang "most shabulized
city" daw sa bansa, ayon kuno sa 'intel reports' aka sulsol+tsismis
etc. Sobra naman ang matanda na iyon! Mas malala pa kaysa sa mga drug problems
ng Metro Manila at mga karatig-probinsya? Bakit, hindi ba nagkakaproblema sa
droga at krimen ang pinakamamahal niyang Davao City? Naghihimutok lang siguro
ito laban sa Iloilo na malamang ay may kinalaman ang resulta ng bilangan ng
boto dito noong Presidential election. Napaka-bitter na presidente kahit
handugan pa ng piaya muscovado at pinasugbo at saka ng manamis-namis na tuba!
Subalit naniniwala akong hindi nagbuburo ng sama ng loob ang mga Ilonggo at
kung sakaling bumisita ang ating Pangulo sa Iloilo, warm welcome pa rin ang
isasalubong sa kanya.
Gabi na nang payapang lumapag ang Cebu Pacific flight na sinakyan
namin sa NAIA-3. Maraming salamat sa Panginoon. Amen.
*******
Ika-13 ng Mayo. Ang init-init sa araw na iyon! Kasing-init ng
local and national election. So far, so good at maayos sa pangkalahatan ang
halalan dito sa Pasay. At nang nagbilangan na tapos nalaman namin ang
poll results... ang masasabi ko na lang ay makapangyarihan talaga ang endorso
at bibig ni Duterte.
*******
Mayo 19. Nakapanood ako sa channel 7 ng isang vintage, pre-war
animated film ng Disney, ang Snow White and the Seven Dwarfs. Na-preserba nila
ang film nito at kahit lumipas na ang higit sa kalahating siglo, very
entertaining and appealing pa rin ito sa mga manonood ng makabagong henerasyon.
Hi-ho, hi-ho, ang ganda ng Snow White!
*******
Nakakainis at mukhang pumapalya na ang aming desktop computer na
napakinabangan ko nang husto mula noong 2010. Nagkakaproblema na sa isang hard
disk sa CPU nito. Hay, di man lang umabot sa ikasampung taon. Paano na ang
photos and files ko dito? Lahat din ng blogs at kwento/ maikling nobela ko ay
nai-type ko sa tulong na desktop computer namin. Tsktsktsktsk!
*******
Matatapos na ang bakasyon at pasukan na naman. Excited so soon sa
bagong school year. Hanggang sa susunod na bakasyon!