This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, April 24, 2013

This Weirdo's Summer Blog

HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...

“If I am not for myself, who will be for me? And when I am for myself, what am I? And if not now, when?”
~from Hillel the Elder, a Jewish sage who lived and taught in Jerusalem during the late 1st century BC to the early years of the 1st century AD when Jesus was still a child~

***Pssssst! Ang karugtong nito ay ang May 2014 blog post na "Ang Bakasyunistang Weirdo sa Tigbauan, Iloilo".***


The weird blogger: gwiyucky (I don’t give a damn about your cloying “gwiyomi”)
Alam naman ng lahat na iba-iba ang mga tao sa mundong ibabaw. This weirdo here, kung hindi man ako maunawaan ng mga tao sa paligid ko kung bakit ako ganito na madalas sumalungat sa agos at hindi tulad nila, ang pagmamakaawa ko na lamang ay huwag naman husgahan agad ang aking pagkatao. Batid ko naman kung paano makipagkapwa-tao sa mga paraang alam ko at hindi ko lang kasi ito pino-flaunt. Kaya nga nakaka-relate talaga ako sa ilang lines mula sa kanta ni Chris Brown na “Don’t Judge Me”- ...just let the past/ just be the past/ and focus on things that are gonna make us laugh/ take me as I am, not who I was/ I promise I’ll be, the one that you can trust...
Hindi talaga ako fan ni Chris Brown pero trip na trip ko rin ang mga kanta niya kasabay ang “Hey Porsche” ni Nelly, hehe! By the way, tungkol naman sa litrato sa itaas, cool tattoo designs nga yun. Mga tato na naka-print sa arm stockings tulad ng suot ng mga tsuper at motorista at maraming ganoong tinda sa mga bangketa ng Baclaran o Quiapo o saan man. Okey na proteksyon sa mga braso na laging bilad sa araw. Summer pa naman,o.
Oo nga pala na noong isang araw lamang ay kaarawan ng weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves. Ika-16 ng Abril at araw rin yun ng pagbebendisyon sa family house namin sa Tigbauan, Iloilo. Ayaw ko talagang ipagkalat na kasabay ng okasyong yun ang house blessing. Ayoko kasing mang-abala ng mga tao. Pangatlong beses na nga akong nag-bertdey sa aming probinsya- una noong 1988 at pangalawa noong 2004. Matinding kritisismo nga ang tinanggap ko kahit na hindi direktang sabihin sa akin dahil nga sa pagka-introvert ko, almost recluse tulad ng isang ermitanyo. My sincere apologies kung hindi man ako palakwento o ma-PR. Reserved personality kasi ang katangian ko noon pa. Kaya nga nangingilag sa akin ang maraming tao and my presence seems intimidating. Again, please don’t judge me. Wala naman akong ginagawang masama. I always abide by these two proverbial sayings: silence is golden; silent water runs deep. Hindi nga ako palakwento o ma-PR ngunit ang mga katangiang ito ay hindi naman sukatan ng pagkatao, di ba? Palagi lang akong nasa isang tabi, sa sulok ngunit palagi man akong tahimik o kahit pa ang tingin sa akin ng marami ay boring na kasama, I’ll always be there for you like some unexpected friend...

***

The cute pink bungalow at Torres Street also in Tigbauan, Iloilo. Trivia: ang pintura nito ay inspired mula sa Lando & Lorie’s Banay-Banay Restaurant sa San Jose, Batangas.

Kung noong nakaraang taon, ang bakasyon namin sa probinsya ay mula Abril 30 hanggang Mayo 10, sa summer naman ng kasalukuyang taon ay mula Abril 5 hanggang Abril 18. Back and forth ay sumakay kami sa eroplano, Cebu Pacific flight pa. Ang lapit lang kasi ng NAIA Terminal 3 dito sa Villamor Air Base, eh. Ang malayo na distansya ay mula Iloilo Airport sa Sta. Barbara hanggang Tigbauan. Dalawang linggo na bakasyon. Rest and relaxation, visits to the happy, cheerful relatives, the simple life... ang bakasyon ay bakasyon. Kung dadagdagan ko pa ng detalye ang sanaysay na ito ay halos wala rin pinagkaiba sa mga pahayag ko sa aking blog noong nakaraang taon na “Himig ng mga Tigbaw” (posted last May 18, 2012) kasi pareho lang ang blissful feeling na nadama. Oo nga pala, ang “Himig ng mga Tigbaw” ay kabilang sa mga sanaysay dito sa blog site na may pinakamaraming pageviews ayon sa istatistika ng dashboard. Gayunpaman, ang susunod na photo gallery ay naglalarawan ng ilan sa mga impressions mula sa bakasyon sa Tigbauan, Iloilo.

St. John de Sahagun Parish, Tigbauan, Iloilo
Ito ay kabilang sa maraming simbahan sa lalawigan na naipatayo noong panahon ng mga Kastila pero ang kambal na kulay abo na mga ‘kampanaryo’ ay idinagdag lamang noong 2000 kaya tatlu-tatlo na ang kampanaryo. Hindi ko alam kung ang mga yun ba ay functional o ipinagawa dahil sa ‘aesthetic taste’ ng dating alkalde na namayapa na. Sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, may iba’t ibang opinyon tayong mga mamamayan... tulad ko na sa aking palagay, sana hinayaan na lamang ng pamunuan ng bayan na manatili sa orihinal na disenyo ang bubungan ng makasaysayang simbahang ito. Masdan na lang kasi ang iba pang heritage sites tulad ng mga simbahan ng Paoay, Ilocos Norte at Miag-ao, Iloilo. Kung halimbawang nagkaroon ng vision of the future ang arkitekto ng simbahan na namuhay noong panahon ng mga Kastila, siguro madi-disappoint siya sa ginawang pag-alter sa itaas na bahagi nito. Well, at least ay nasilayan ko pa rin ang orihinal na istruktura o anyo ng simbahan bago isinagawa ang so-called “renovation” sa bubong. Hindi man ako mahusay sa sketching, sinikap ko pa rin iguhit kung ano ang napagmasdan ko noon. Subalit ano pa man ang anyo ng simbahan sa pagdaan ng mga panahon, nanatili itong matatag at nagbubuklod sa mga nananampalataya.

At saka, nitong huling pasyal ko sa kalapit na Tigbauan Plaza, mainit ang singaw ng halos sementadong pasyalan lalo na kung matindi ang sikat ng araw. Sana, greener and fresher na ang plasa sa susunod. Di ba galing naman sa buwis na ibinabayad ng mga Tigbaueño ang pondo para sa beautification and maintenance ng pampublikong liwasang ito?

The calmness of early morning shortly before sunrise as felt in one of the streets at the town proper.

Sa “Himig ng mga Tigbaw”, kabilang sa mga naka-upload doon ay ang larawan ng tanim naming date palm malapit sa tabing-ilog. Napakagandang puno yun ngunit ngayon, ito na lang ang natira. Isang tuyot na tuod na mistulang kumpol ng mga bunot ng niyog at hindi namin mawari kung paano at bakit ito nasawi. Sayang na puno, tsktsktsk!

Malaking tulong nga ang tulay na ito sa ilog bagamat may ilang bahagi sa rampa nito ang may mga butas na. Mayroon pang isang campaign poster na nakapaskil malapit sa hagdan ng tulay. Hindi ko na lang babanggitin ang pangalan ng incumbent na pulitikong tumatakbo para sa isang lokal na pwesto dito sa Tigbauan. Sa poster mababasa ang “attribution” sa “effort” nila kaya naipagawa ang tulay na ito. Ngunit minsan-minsan lang ako makapagbakasyon dito sa probinsya kaya hindi ako basta na lang makakapag-komento sa kung anong political situations dito maliban na lang sa aking paniniwala na ang ipinanggastos sa pagpapagawa sa tulay na ito ay mula rin sa ibinabayad na buwis ng mga Tigbauanon o yung town revenue tulad sa iba pang government projects, di ba?

Isa pa naman sa mga paborito kong lugar noon pa man sa Tigbauan ay itong ilog kasama ang dike. Subalit ano na ang kinasapitan ng napakagandang pook na ito? Sa tahimik na lagaslas ng ilog, nadirinig ko ang kanyang mga sumbat at sama ng loob sa mga tao. Maraming tao ang nakikinabang sa kanya subalit hindi naman siya tunay na pinahahalagahan sapagkat hindi nila pansin ang kanyang kagandahan, pagbibigay-sigla sa mga kabuhayan ng mga tagarito, at ang pagiging saksi sa makulay na kasaysayan ng bayang ito. Ang ilog ay hindi na singlinis ng dati at paano na ang mga susunod na henerasyon ng mga tagarito? Matutulad na lang ba sa mga taga-Metro Manila na ang kinamulatan na ay maruruming ilog at sapa?
UPDATE! 2013 pa ang litratong ito. Nitong mga huling bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo ay wala na ang ganitong tanawin sa may dike doon. 

Minsan ay nagi-guilty ako. Paano kung may mga basura na galing sa bahay namin dito sa Tigbauan ang nakakadagdag pala sa lumalaking open dump site na ito sa kabilang dulo ng dike? Wala namang ganito dito noon, a! Nakakadismaya na matagal na palang inaabuso ang ilog. Meron pa bang puwang sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ang tuluy-tuloy at lubos na pangangalaga sa kapaligiran at pagmamalasakit sa kalikasan? Huwag na nating hintayin na magalit itong ilog. Ang basura ay babalik din sa mga tao. At maaapektuhan pa ang kalusugan ng mga tao.


Upper picture: calm view of the river with the mackerel sky above. Lower picture: low tide during sunset

Lalong napakaganda ng mga tanawing ito kung manunumbalik ang dating kaayusan at kalinisan nito gaya noong mga nagdaang panahong iyon kung kailan higit na payapa ang pamumuhay, naaalala pa ng madla ang alamat ng bayan ng Tigbauan at ang mga epiko ng “Maragtas” at “Labaw Donggon” at gayundin ang matiyagang paglinang sa mga kaalaman at kasanayan sa paghahabi ng hablon bilang bahagi ng kultura ng mga Tigbauanon sa halip na mah-jong. No offense sa kuru-kuro kong ito,ha?
 
(This update was added here last November 3, 2013)
Noong isang araw nga pala, nang namili ako sa Mart One Expressions Shop sa ikalawang palapag ng Pasay City Public Market, para akong naka-jackpot nang aking matagpuan sa tambak ng mga lumang libro sa fiction bookshelves doon  ang isang kopya ng “Mga Piling Alamat ng Ating Lahi”, isang makapal na comic book na istilong manga na inilathala ng Psicom Publishing noong 2008 pa (pero ang presyo ay 175 pesos pa rin!). Black and white nga lang ang inside pages pero kabigha-bighani ang artworks and designs at lalo akong na-engganyong bilhin ito kasi kabilang sa sampung kwento nito ay ang tungkol sa alamat ng Tigbauan at Lamokon (o Namocon na isa sa mga barangay ng Tigbauan na may magagandang beach resorts). Actually, nabasa ko nang pahapyaw noon ang alamat in English pa at nasa isang yearbook ng town fiesta.
Ang alamat ay ganito: nagsimula ang kwento sa paghahandog ng dalawang mahiwagang tadiaw o banga na puno ng buhangin at bato para sa hari at reyna ng Kalipayan bilang pagbati sa kapanganakan ng kanilang prinsesa. Ang mga banga ay ipinabaon sa magkaibang dako bilang tanda ng hangganan ng kaharian. Nang nagdalaga na ang prinsesa, may tatlong masusugid na manliligaw- ang hari ng Hamtik (ngayon ay Antique), ang hari ng Irong-Irong (ngayon ay Iloilo), at ang prinsipe ng Aklan. Ang ikatlo ang napusuan ng prinsesa. Hindi ito matanggap ng dalawang talunan kaya nagsabwatan sila na salakayin ang kaharian. Habang naghahanda para sa digmaan ang mga taga-Kalipayan, nagkaroon ng di-maipaliwanang na salamangka sa mga hangganan ng kaharian kung saan sasalakay ang mga kaaway. Ang dalawang banga doon ay nagpausbong ng matatalas na patalim mula sa lupa at nagpakawala ng napakaraming lamok kaya nagapi ang mga kaaway  at nailigtas ang Kalipayan. Sa paglipas ng mga panahon ang mga talim ay naging mga damo na tinatawag na tigbaw at naroon pa rin ang malalamok na latian. At doon daw hinango ang ngalan ng bayan na Tigbauan at ang isa sa mga barangay nito na Namocon.
Kaya lang yung may-akda ay nalimutan banggitin kung ano ang tigbaw na sa Tagalog ay talahib. Kaya nga ang May 2012 blog post ko ay may pamagat na “Himig ng mga Tigbaw” at may prelude na tula tungkol sa mga talahiban o tigbawan. Ang sumusunod na larawan ay yung aklat na iyon mismo kung saan ko nabasa ang alamat. Kailangan palang i-acknowledge ang mga talented people ng Psicom kaya nabuo ang ganitong kagandang babasahin: Reginald Ting (panulat), Bing Ramos (text editing), Gilbert Monsanto at Romeo Remalante Jr. (colors), Jim at Jay Jimenez, Kriss Sison, Lui Antonio, Lan Medina, at Mico Suayan (designs), at Marvin Maglaque (cover design). By the way, yung ilan sa mga artists nito kung naaalala pa ng mga Pinoy komiks fan ay kabilang din sa mga illustrators ng Kick Fighter Komiks from the early ‘90s. Si Mr. Gilbert Monsanto ay na-mention din sa isa sa mga sanaysay ng September 2013 blog post dito (please see “Samizdat Publications: My Little Blue Book”).
















 















Ang bayan ng Oton ay napapagitnaan ng Tigbauan at Iloilo City. Madalas kaming nakadadaan dito ngunit kahit kailan ay hindi naman ako nakapamasyal dito. As of April and May 2013, namumutiktik sa dami ng campaign posters ang napakaganda sanang liwasan ng bayan at pagkatapos ng eleksyon, marami namang kalat, tsktsktsk!










 Sa wakas, nakarating na ako sa “the most feminine” sa mga lumang simbahan sa ating bansa at kilala sa naiibang kagandahan, ang St. Anne’s Parish or simply, the Molo Church na siyempre, nasa distrito ng Molo, ang "Parian" ng Iloilo noong panahon ng mga Kastila. Isa ito sa napakaraming historical and cultural heritage sites ng Iloilo City. Kung ang katedral ng Jaro na distrito rin ng lungsod ay puro male saints ang nakahilera, dito sa Molo, female saints naman. Ayon sa mga historians, noong nag-stopover sa Iloilo ang barkong sinakyan ni Dr. Jose Rizal na patungong Dapitan, itong ating pambansang bayani na marami nang babae ang naging bahagi ng buhay niya, ay nagtungo sa katedral ng Molo upang manalangin. Mula sa katedral, naroon ang Molo Plaza. Merong pavilion doon na may mga istatwa ng mga diyosa mula sa Greek mythology. Maganda ang liwasan ngunit may mga napansin akong mga tuod ng malalaking puno. Noong nakaraang taon, ipinasara ang liwasan nang ni-renovate. Sayang naman na mga puno kaya siguro lalong nadagdagan ang alinsangan sa paligid at ewan kung anong dahilan ng mga nagpaayos sa plasang ito.


Kung ang La Paz district ay may batchoy, ang signature dish naman ng Molo ay walang iba kundi ang Molo soup (na hindi naman talaga mukhang pansit) tulad ng specialty ng Molo County Bakeshop. Basta Iloilo, napakaraming delicacies at pasalubong items na mapagpipilian. Buti at nakabili uli ako ng bañadas (sayang at walang rosquetes na available). Sa mga nagtataka kung ano ang bañadas, mga bilog at flat na mga biskwit ito na pinahiran ng puting merengue sa ibabaw bago i-bake sa oven. Napanood ko nga sa mga re-runs ng cultural show na “100% Pinoy” sa GMA NewsTV ang isang feature tungkol sa maraming tradisyunal na biskwit ng mga Ilonggo. Mga culinary by-products daw ang mga yun nang ginawa ang ilang mga simbahan noong panahon ng mga Kastila kung saan in demand sa construction ang puti ng itlog. At upang huwag masayang ang egg yolks ay ginawa itong mga biskwit at iba pang matatamis na di-naglaon ay meryenda rin ng mga manggagawang Pilipino. Ang barquillos naman ay lumaganap daw out of serendipity dahil sa di-umano’y nasobrahan sa lutong na mga wafers para sana sa ostiya ng Misa.


Saturday, March 23, 2013

Lagaslas ng Waters of March Bossanova

PSSSSST! Ang karugtong nito ay ang "My Blogs Which Are My Drugs... Safe, Emotional Drugs"
 posted last March 2014 (comment added-November 3, 2014)
 
“If you are thinking a year ahead, sow a seed.
If you are thinking ten years ahead, plant a tree.
If you are thinking one hundred years ahead, educate the people.” 

~Kuan Tzu, 7th century B.C.~

Una kong nabasa ang napakagandang ancient Chinese proverb na ito sa isang full page advertisement na lumabas sa Manila Bulletin noong Pebrero 13 tungkol sa bagong tatag na Henry Sy, Sr. Building sa De La Salle University-Taft (dating damuhan yun na parang football field)... walang-wala itong kinalaman sa UAAP; pakialam ko sa mga palaro ng mga unibersidad na yun, hehehe!


View of the three schools: Villamor Air Base Elementary School(left), Pasay City South High School(middle), and Philippine State College of Aeronautics(distant right)

Field demonstration of VABES pupils last March 1

Preparations for the graduation

Pagtatapos 2013 sa Villamor Air Base Elementary School (VABES)

Napakalayo talaga ng mga paaralang iyon at madalas na nagsasabay-sabay sa paglalakad pauwi sa kahabaan ng driving range ang mga nasa elementarya, hayskul, at kolehiyo. Kaya lamang ay may napansin akong mga hindi kanais-nais na panoorin na makailang beses pa doon sa mga pinakadulong kalye ng Villamor Air Base na patungo na sa mga paaralan ng VABES, PCSHS, at PHILSCA. Marami doon tindahan na malimit pinagtatambayan ng maraming estudyante lalo na pagkagaling sa eskwela. Bili dito, bili doon. Lamon dito, lamon doon. Yosi dito, yosi doon... damn! Wala nang pinipiling edad yan, gusto kasi nilang tumanda agad- nasa college, pati mga hayskul, at ang masama pa nito, meron nang mga nasa elementarya pa lamang na mga batang musmos na mala-tambutso na ang mga bunganga, sunog-baga na at pumipila na marahil sa hanay ng future pasyente ng TB o kanser. Paano, yun siguro ang nakikita nila sa kinalakihang kapaligiran nila.
Meron lang akong heavy regrets na may halong guilt mula sa nakaraan. May tindahan kami noon, eh. Kaya tagatinda rin ako ng mga yosi. Ang engot ko noon. Akala ko ay inutusan lang ng mga nakatatanda ang ilang bata na bumili ng sigarilyo; yun pala, sila mismo ang gagamit nito. May batas pa naman na nagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa isang menor de edad kung ito pala ang kokonsumo. Tsktsktsk, kaya nang lalo ko yung napagtanto, ini-interogate ko na muna ang mga batang bibili lalo na yung mga hindi ko kilala. At least, may naitama naman sa ilan kong pagkakamali nang tinanggihan kong pagbilhan ng sigarilyo yun ibang bata at malalanding babae at lalaki na hayskul pa lang kahit mabanas pa sila o mangulit, silang mga hitad! Hehe... pero kahit na, naging yosi vendor pa rin ako dati! Tulad ng mga may tindahan doon sa mga dulong kalye na iyon ng Villamor, naisantabi ang ethics and health awareness sa ngalan ng consumerism o pera galing sa benta!
(This uploaded satirical drawing was added on May 8, 2015 at pareho ng isa sa mga naka-upload sa "Provocative" blog post ng November 2014)- bato-bato sa baku-bakong kalsada


The full moon last February 25

Kasi HEKASI ang subject load kaya tuwing Pebrero, kinagawian ko nang isalaysay sa abot ng aking makakaya ang tungkol sa makasaysayang EDSA People Power Revolution bago yung araw mismo ng anibersaryo nito. Malaking tulong talaga ang “People Power” na aklat na puno ng black and white na larawan at reflections buhat sa iba’t ibang personalidad. Nakadikit pa nga dito ang tag price na 190.00 pesos (originally priced as 200, great bargain at binili pa ito sa National Bookstore- Baclaran na wala na ngayon). Family treasure na ang aklat na ito kasi na-tresure na dito ang lahat ng alaala ng mapayapang pagbabago sa bansa noong 1986.
***
Patapos na ang school year 2012-2013, wala akong advisory class kaya walang uploaded class picture dito di tulad sa natutunghayan sa March blog posts ng mga nakaraang taon.
Freedom of expression here and democracy rules. Siguro kung sakaling may mga makakabasa dito na kilala pala ako o namumukhaan man lang, wag akong babanggitin sa tsismis, i-misunderstand, o mapre-judge na. Ibang klase lang kasi ang trabaho ko na may maraming expectations o inaasahan. Ginagawa ko naman ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya. Ibinubuhos ko ang aking passion sa aking career alang-alang sa mga bata; mag-low level man ang stamina ko o frustrations kadalasan ang balik sa aking tiyaga ngunit ang dedikasyon ay patuloy sa pag-aalab... basta para sa kanila. Hehe, titser... pa naman... akong naturingan. Titser na hindi mukhang titser at madalas hindi kumikilos na tulad sa isang titser; baka ako ireklamo sa ganitong prangkahang pananalita. Hoy, blogs ko ito, ha, kaya sasabihin ko ang mga trip kong sabihin basta maingat. Hindi ako palakwento doon, eh. Hindi ako ma-PR; basta actually, I’m just some boring colleague. Alam ko ang mabuting pakikisama. Hindi naman ako masamang tao. Yet may weirdness, my long been admitted weirdness, along with my naturally reserved personality usually brings the discomfort to people around me and I’m so sorry if I’m this kind of person... but this is the real me.
Freedom of expression and democracy rules. Siguro, kung halimbawa lamang na tadhana ko ang isang career change, marahil kung hindi ako guro ay isa akong manunulat. Fiction writer na sa totoo lang ay noon ko pa pinangarap. Pero maaari naman na walang ma-kompromiso. Sige, tuloy ang pagiging weird but dedicated and impassioned teacher; and then go on moonlighting as a writer which makes me so happy...
***

Map of the Great Serpent Mound at Ohio, USA (courtesy of Wikipedia/ original uploader-frei-daniel)

Ang African egg-eating snake pagkatapos kumain ng paborito niyang itlog (courtesy of Wikipedia/Mond76)
***
Ang acronym pala nitong karapatang pantao na ito, ang “freedom of expression” ay “f.o.e.” at nasa hiatus pa naman ang isyu tungkol sa “anti-cybercrime law” na tinututulan ng marami dahil may mga probisyong nagsusupil umano sa malayang pagpapahayag. Hindi ko sasabihin dito kung ako ba’y pabor o hindi doon. Basta, may prinsipyo na ang bawat karapatan ay may katumbas na tungkulin. Maging responsable sa pagtamasa ng “freedom of expression” kasi kung ito’y aabusuhin ay talagang magkakaroon ka ng maraming “f.o.e”.
Foe, synonym for enemy, get it?
Sa Malaysia raw, ang pamamahayag doon ay hindi raw kasinglaya ng dito sa Pilipinas. At nakakalungkot ang nangyari sa Filipino community sa Sabah, tsktsktsk!
***
After “Gangnam Style”, may “Harlem Shake” naman! Teka lang nga. Tandang-tanda ko na noong 2005 ay may nauso nang sayaw na tinawag na “Harlem Shake” or simply “Harlem” at isa itong cool hip-hop dance na may maayos na choreography na minsan ay sinasamahan pa ng strut or breakdance hindi kagaya ng nauuso kuno ngayon na very unruly, anything goes dance crap. Ah, hindi ako mahilig sa sayaw, ano? Kung uso sa inyo ang “Harlem Shake”, eh di uso. Problema na yan ng mga tumbong niyo, hehehe...
***
May naalala ako mula rin sa mga dating TV show na pinanood ko noong 1998 na hindi ko lang sigurado kung isa ba yung segment ng “Wow!Mali” ng ABC-5 (now TV5) o sa copycat nitong “Wow!” doon sa IBC-13. Mga practical jokes at minsan ay nagkaroon ng on-the-spot contest kung saan ang segment host ay tatanungin ang mga lalaking contestant tungkol sa isang bahagi ng katawan nila at huhulaan nila ito within 5 seconds at kapag hindi nasagot ay dadakmain yun ng host. Ang pinahuhulaan ay ganito: anong body part na may 5 letra, nagsisimula sa “B” at nagtatapos sa “G”? At yung mga lalaki, pagkarinig pa lang doon ay nataranta na sa kaiisip at pagkatapos ng 5 seconds ay dinakma na ng host ang kanilang... BISIG! May sumagot sana ng ‘baywang’ pero 5 letters dapat, ano? Mayroon din kahalintulad pang tanong: ano itong bahagi ng katawan na magkapares na 4 letra, nagsisimula sa “S” at nagtatapos sa “O”? Ang sagot... eh, di SIKO. =Þ
Ibang klase rin na mga show na halu-halong kwela na korni na puno ng kabalbalan pero ako’y napatawa pa rin. Tulad nung elevator na pagbukas mo ay may inidoro sa loob at may lalaki pang nakaupo dito. O yung isang seksing tsik na pasahero sa dyip na naka-sleeveless at kapag itinaas niya ang braso niya ay naghahabaan ang buhok niya sa kili-kili. Sa isang beauty parlor naman, merong promo na libreng foot spa at kung kailan sarap na sarap na ang kostumer sa pagbabad ng paa ay may dumating na lola na nagmamadali at kukunin ang foot spa set na arinola raw niya. Meron isang challenge kung saan ang mga contestants ay nasa palengke at hinahamon na lapitan ang isang maton na matadero doon at pasikretong hipuin ang pwet nito. Karamihan ay takut na takot lalo pa’t may dala itong malaking itak pero ang mga naglakas-loob ay tinupad ang challenge (may magalang na nagpaalam pa) sabay karipas ng takbo nang bigla silang hinabol nung mama sa buong palengke; kasabwat naman yung mama, ano? Hehehe!
***

Pope Francis (courtesy of Wikipedia/ Presidência da Republica/Roberto Stuckert Filho/ Agencia Brasil)
Kung sa worldly politics, the “dark horse candidate”. Sa nabasa ko naman na isang komentaryo sa diyaryo, the obscure cardinal elector who was never mentioned (in the news) among the most “prospective” in the conclave likely to succeed Pope Emeritus Benedict XVI, reminds us about a teaching of Christ – “the first will be the last and the last will come first”. White smoke from the Sistine Chapel chimney... presenting the Argentinian Cardinal Jorge Mario Bergoglio, now Pope Francis.
Many centuries had past yet the humility of St. Francis of Assisi continues to be imitated and admired by generations and included among these is Pope Francis that’s why he had chosen that name. “Come and rebuild My Church”, a voice he heard in a vision. Ang parehong pahayag na nagsilbing hamon sa bagong talagang Santo Papa para sa lagay ngayon ng Simbahan, partikular sa maraming lugar sa mundo. Let us also include the new pope in our prayers.
By the way, noong conclave, nakita ang ilang ligaw na seagulls na dumapo sa Sistine chimney. Si Pope Francis ay tagahanga ni St. Francis of Assisi na patron ng ecology and animal welfare at mayroong isang medieval painting by Giotto di Bondone which depicted the saint (according to a legend) preaching to the birds. Arrival of the Sistine seagulls, coincidence or sign from above?
***
Kasabay ng papainit nang panahon ay ang lalong papainit na election fever sa bansa. Araw-gabi, kampanya at hayaan ko na lang ang mga tumbong nila. Basta ngayon pa lang, pinagpapasyahan ko na kung kani-kaninong pangalan ang isi-shade sa balota pagdating ng araw mismo ng halalan. Campaign extravaganza. At ang madalas na pinagbabasehan lamang ng maraming botante ay ang kasikatan lang ng mga kandidato. Noong mga nakaraang araw, “Team Patay-Team Buhay” issue sa diocese of Bacolod. Ayon sa kanila, hindi naman yun pag-eendorso o pagbabalewala sa mga kandidato basta may kinalaman lang sa paninindigan sa RH Bill. Wala namang religious bloc voting sa Simbahang Katoliko. Separation of Church and State. Religious vote? Political lobbying? Kailan ba tunay na nangyayari ito? Bloc voting, hmmm, sa ibang relihiyon meron nito. Panahon na naman ng panunuyo ng ilang kandidato sa ilang religious leaders upang iendorso sila. Wait up, naulinigan ko ang opinyong ito mula sa ibang tao tungkol sa endorso-endorso na iyon. Sabi nila, hindi naman siguro lahat ng kasapi o miyembro ay sumusunod sa panghihikayat ng kanilang religious leader kasi may sarili rin namang pagpapasya ang mga ito. Tapos, yung paniniwala or mindset na kaya nananalo ang ilang kandidato dahil umano sa religious endorsement ay mala-propaganda lamang. Para raw pagkokondisyon sa paniniwala ng madla na ‘susi’ raw sa tagumpay ng ilang kandidato ang ginawang pag-eendorso ng mga lider sa kanilang mga kasapi.
Hay, demokrasya... siyanga pala, the word “propaganda”. Minsan ay nabasa akong glossy general reference book na kabilang sa features nito ay tungkol sa isang religious denomination. Ang contributing writer nito ay proud na proud sa success story ng kanyang relihiyon sa bansa. Lumaganap na raw kasi ang kanilang churches sa maraming lugar na dati-rati ay “Catholic Church-dominated landscape” daw, including Rome (baka naman sa sunod, iuulat ng manunulat na ito na meron na rin silang simbahan malapit sa Ganges River or sa Tibet, ha?). Ayon sa kanya, kapansin-pansin ang kagandahan ng mga simbahan at samahan nila di tulad ng mga “dilapidated” nang mga simbahan ng mga Katoliko at iba pang relihiyon. Dumami raw ang kanilang miyembro kasi sa relihiyon daw nila matatamo ang tunay na kaligtasan and the rest are damned ayon sa turo sa kanila. Sigh...
No mentioning here ng ilang denomination, ha? Their TV shows and reading materials are filled with propaganda frequently. As a believer of ecumenical and interreligious mutual respect, their so-called “preaching” which harbors religious hostility and even bigotry makes me sad.
Bakit ba iba’t iba ang version ng Bibliya? Latin or Vulgate, Septuagint, King James, New International or Revised Authorized... ganoon ba ka-importante ang version? Eh, iisa lamang ang diwa ng lahat ng ito. At naroon pa ang sari-saring interpretasyon o exegesis ng sari-saring tao. Ang pagkakaunawa ng isa ay iba naman doon sa iba at humahantong pa sa tunggalian kung sino sa kanila ang tama at sino ang mali.
Minsan ay nag-channel surfing ako at napanood ko sandali ang TV show nitong isang religious leader and his usual “Bible-quoting prowess” upang maging basis or magdya-justify sa mga pahayag niyang naglalayong ituro ang para sa kanya’y pagkakamali sa mga paniniwala ng kanyang kapwa-tao. Well, karapatan niya ang malayang pagpapahayag ngunit tungkulin naman ng kanyang mga kapwa-tao na maipagtanggol naman ang pananalig nila mula sa ‘karapatan’ niyang iyon, di ba? Tulad nitong usual ‘idolatry accusation’ niya dahil sa pagka-focus niya sa Exodus 20:3-5 na nagsasaad na “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa”. At literal na literal ang pagtanggap ng ilang tao dito...
Ito’y mga quotes mula sa Catholic apologists tulad ni Fr. Paul Kaiparambadan na isa sa mga naunang nag-akda ng lathalaing “Alamin ang Katotohanan” na ang Tagalog version ay hindi na yata available sa bookshops ng St. Pauls. “kung literal na tatanggapin ang mga salitang iyon, masasabing ipinagbabawal ng Diyos ang lahat ng uri ng sining at arkitektura sa mundo... lahat ng sining ay kalarawan at kawangis ng sansinukob”
“ang totoo, ipinagbabawal ng Diyos ang mga huwad na diyus-diyosan na makikikta noon sa mga paganong kultura/ naniniwala sila na ang mga istatwang iyon mismo ang kanilang mga diyos”
“subalit hindi ipinagbawal ng Diyos na gamitin ang mga estatwa sa mga lugar ng sambahan na makatutulong sa mga tao na madama ang presensya ng Diyos...”
“Ang tunay na Biblikal na kahulugan ng idolatriya ay hindi pagbabawal sa mga estatwa at mga larawan... ito ang pagbabawal na sambahin ang mga huwad na diyus-diyosan at paggawa ng kasalanan... tulad ng winika ni San Pablo sa Col 3:5- “Patayin niyo ang anumang makalupa na nasa inyo: pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman na ito’y pagsamba sa mga diyus-diyosan.”
Doon din sa Exodus, mababasa rin doon ang instructions o utos ng Panginoon kay Moses sa pagtatayo ng pook-sambahan ng mga Israelita, ang Tabernacle. Ang mga tamang sukat ng haligi at mga silid pati ang mga kasangkapan at si Aaron na kapatid ni Moses ang high priest. At ang pinakatampok dito ay ang “Ark of the Covenant”, isang malaking kahon kung saan nakalagak ang stone tablets ng Sampung Utos at ang consecrated manna. Ito ay may takip kung saan may dalawang rebulto ng ginintuang anghel o kerubin. Ito ang pinaniniwalaang komunikasyon ni Moses sa kaitaasan. Ang Tabernacle ay may balabal o kurtina na ang binurdang disenyo ay mga anghel din.
Sa Numbers naman mababasa ang tungkol sa tansong rebulto ng ahas na nakalingkis sa poste na ipinagawa ng Panginoong Diyos kay Moses dahil muli Niyang kinaawaan ang mga mareklamong Israelita na pinagtutuklaw ng mga ahas sa disyerto. Sa pagtingala nila sa rebulto, sila’y gumaling at ang tagpong iyon ay binanggit din ng Panginoong Hesu-Kristo sa Kanyang pangangaral. Ang mga sinaunang Kristiyano (matagal na panahon bago pa ma-compile ang Bibliya) ay merong iconography na may religious importance tulad ng isda, ang Krus, at ang mga dila ng apoy at yaong puting kalapati na sumasagisag sa pagsapit ng Holy Spirit noong Pentecost.
May kahabaan ang diskusyon tungkol doon na mababasa sa “Alamin ang Katotohanan”. Sana muling maglathala ng ganito ang St. Pauls.


















Paintings to remind us of the season



Hieronymus Bosch's Ecce Homo or Behold the Man (courtesy of Wikipedia)

The Crucifixion by Giotto di Bondone at Rimini (courtesy of Wikipedia)
Gustave Moreau's Pieta

Rembrandt Van Rijn's The Resurrection of Christ (courtesy of Wikipedia)

Saturday, February 16, 2013

Mackerel Sky


Mackerel sky over Erlangen, Germany (courtesy of Wikipedia; the author's name was not clearly stated except as "Ribo")
Nitong isang araw lamang dito sa Villamor Air Base Elementary School (VABES), may ginanap na eleksyon ng mga batang officers para sa supreme pupils’ government. Look, walang plastikan, buhat pa noong Grade 3 ako tapos hanggang hayskul at kolehiyo, pag tungkol sa so-called student government ay kibitbalikat... hehehe! Ah, the smell of campaigns and the odor of popularity as the prime bases of individual vote; eh, ganito rin naman ang aktwal na scenario sa darating na local and national elections sa Mayo. Pero may napansin akong isang campaign poster nung isang batang kandidato (na isa pa sa mga nagwagi)- picture niya na nakadikit sa isang background na larawan ng Building B ng VABES kung saan may dalawang mag-aaral, a girl and a boy, na naka-backpack na papasok sa klase tapos basa pa ang campus quadrangle na obviously katatapos pa lang ng ulan ng nilitratuhan ang tanawing ito. Hey, regular kong tsinetsek ang statistics ng blog site kong ito at itong isang blog post na “Siberian-chilled Northeast Monsoon” (posted on December 2011 pa) kung saan may mga kuhang litrato ng VABES, PCSHS, PHILSCA, at ang driving range ay kabilang sa mga may pinakamaraming pageviews. Naging prominente pa sa Google images ang mga larawang ito (pati class picture namin!) kung i-type sa search ang “VABES” or “Villamor Air Base Elementary School”. Google images... sa isang click lamang ay nariyan na ang mga larawang kailangan niyo! Paano kung halimbawang ginamit lang ng kung sinong graphic artist man yun ang uploaded blog photos ko na AKIN naman? ETHICS, please? Maraming uploaded pictures dito sa blogs ko. May mga kuha mismo ng digital camera namin; at yung mga hindi akin ay binabanggit ko ang source ng mga ito (i.e Google images, Flickr, especially Wikipedia) kahit na na-share naman to the public ng mga authors pero hindi ko naman maaaring angkinin! GET IT?!
PLEASE, I HAVE A REQUEST TO YOU, ANONYMOUS READERS. I AM NOT SELFISH. EVER SINCE I SIGNED UP HERE IN BLOGGER, I TOLERATE ANYONE WHO GOT TIME TO VISIT THIS SITE EVEN THOUGH I HAVEN’T RECEIVE NOT ONE SINGLE COMMENT FROM YOU EXCEPT FROM MYSELF. YET, I HAVE THIS STRONG MANTRA, “WHAT IS YOURS IS YOURS AND WHAT IS MINE IS MINE”. THIS BLOG SITE IS MY SANCTUARY SO LEAVE NOTHING AND TAKE NOTHING BUT THOSE MATTERS OR ISSUES HERE WHICH GOT TATTOOED ON YOUR MEMORIES!
***
String of news since the start of the week. Inaabangan ko pa naman sana ang bagong season ng “Mommy Elvie @ 18” sa GMANewsTV yet she’s already a star buhat pa noon sa “The Misadventures of Maverick and Ariel” sa channel 5. Ngunit malungkot man na pamamaalam kay Mommy Elvie, star pa rin siya na naging supernova pa- a distinct and great stellar luminosity of her own. Bye, Mommy Elvie!
***
And another celebrity took the last bow, too. Si Lolo Lolong ay namamahinga na. Nabanggit ko na siya sa isa sa mga sanaysay ng “September Softness” (posted on September 26, 2011). Crocodiles are considered fearsome monsters by many but they are God’s creatures, too. Sa pagkasira ng maraming natural habitats ng iba’t ibang nilalang and the main culprit ay mga mismong pabaya at makasariling tao, sino ang higit na halimaw?
***
News on goodbyes still but a type of farewell to begin another new life. It’s about Pope Benedict XVI when he announced his resignation, an instant breaking news last February 11, the Feast of Our Lady of Lourdes and days before Lent. Hours later, a lightning struck the roof of St. Peter’s Basilica. It’s very, very rare for a pope to voluntarily stepped down; the popes before him had ended their papacy at the end of their lives. Pope Benedict will about to say goodbye on February 28 and then, will spend a quiet retirement.
He’s just human, an octogenarian now but then again, he will be a birthday boy on April 16 despite his health concerns. Ripe old age and a reserved personality in contrast to the late Pope John Paul II’s worldwide charisma. I think he already had foreseen the future. Naalala ko sa balita noong una siya nahalal bilang papa (pinakamatanda pa siya at pinakabeterano pa sa mga cardinal), nabanggit niya na magiging “interim pontiff” na lamang siya. Tapos, nang muli kong binasa itong talambuhay or autobiographical notes niya na nabili ko noon sa St. Pauls bookshop, may isang pahina doon kung saan ikinuwento niya na noong nagtungo na siya sa Rome upang mapabilang na sa College of Cardinals ng Vatican, nagnilay-nilay siya na “When will I be set free? This I do not know...” At ngayon, masasagot na ang katanungang iyon.
Ang mga nilakaran niyang landas ay hindi madali na parang mga daanang may mga nakabaong landmines. One admirable thing about the pope is his steadfastness, as tranquil as the primeval and pristine forests of his German homeland. Siguro nga na totoo na karamihan daw sa mga tao na ang preferred pet ay mga pusa ay likas na mga tahimik; among the pope’s lighter side reveals that he is a cat person. Sa kabila ng mga pinagdaanang mga kritisismo at pangungutya pa ng ilang makitid, sekular, at puritanical na mga tao na mga akala mo’y hindi marunong magkasala, a servant of God remains a servant of God. The pope’s not perfect (parang kagaya ng dialogue sa mga huling eksena ng “Angels and Demons”, ha!) subalit naniniwala akong ginawa niya nang maayos ang kanyang mga tungkulin. Pagpalain nawa ng Panginoon ang Kanyang mapagkumbaba at abang lingkod na nagngangalang Joseph Alois Ratzinger. Amen.

Autobiographical notes of Pope Benedict XVI (published by St. Pauls) set upon lush and flowering purple (Oxalis triangularis variety) and green wood sorrels
***
Bago nag-Pebrero, nagkaroon kami dito sa bahay ng pagkakataon sa free preview channel ng SkyCable na mapanood ang ilang programa sa JeepneyTV. Isang malaking kasiyahan ang muling mapanood ang ilan sa mga TV shows na unang na-enjoy noong Dekada ’90 lalo na yung “Home Along Da Riles”. Well, akala ko pati ilang kabanata ng “Eat Bulaga” ay ipalalabas din dahil noong first half of the said decade, ito ang naghahari sa noontime slot ng ABS-CBN at kasunod nito ang mga TAPE-produced din na mga afternoon drama series. Aminado akong Kapuso pero way back in the early ‘90s noong hindi pa umaalingasaw ang competition ng TV networks (kaya pare-parehong masaya), love ko channel 2 mula sa mga cartoons and kiddie shows hanggang sa variety/ magazine shows, evening news, and especially the weekly sitcom, the most popular was “Home Along Da Riles”. Kahit dalawang dekada na ang lumipas, basta si Comedy King Dolphy, walang kupas ang kwela! Napanood ko rin ang iba pang lumang shows. Talagang golden age nga ng Philippine TV ang mga nagdaang panahon at balanced programming pa; paano ba naman, sa kasalukuyan- umaga, hapon, gabi, pulos mga drama series. Kaya lang, hindi pa na-install ang Digibox sa TV namin; man, I miss JeepneyTV!
***
May iba pang TV shows na bumabalik din sa aking gunita. Ang dami ko kasing trip na panoorin noon kabilang itong dalawang adult-oriented, late night shows, ang “Out” ng GMA-7 way back in 2004 at ang hatid ng ABC-5 (now TV5), ang “Secrets” yata yun sometime in 2004 also perhaps; di ko halos maalala kung kailan ang eksaktong taon. Hehe, ang “Out”, a Saturday night treat, the not-the-usual serving of information and entertainment but GMA-7 was highly-praised for this presentation sapagkat ito ay naglalayong palaganapin ang kultura ng paggalang at pag-unawa. Hindi ko man yun laging napapanood pero may isang episode na nagkaroon ng feature tungkol sa male strippers or macho dancers sa mga night clubs. Tapos, may lalaki doon na naka-Mulawin costume pa at may sizzling performance sa saliw ng “Ikaw Nga” ng Southborder (mismong soundtrack pa ng naturang Kapuso telefantasia) at natawa ako sa boses nung isa sa mga host na mula sa lalaking-lalaki na tono ay biglang halos nag-falsetto sa sinabi pa niyang “Aguiluz, ikaw ba yan?”
Regarding “Secrets” naman. Host naman dito si Juliana Palermo. Again, hindi ko rin yun laging napapanood pero may isang feature nito na ibang klase na para bang may pagka-contrary sa sexy motif pa naman ng nabanggit na show dahil nagtunog-conservative (na maaari pang makatanggap ng standing ovation mula mismo sa mga konserbatibo, hehehe!). Sa last part ng show ay may babasahin ang host na sulat ng paghingi ng payo. Isang lalaki ang sumulat at nagtanong kung ano ba ang pinakamabisang paraan para hindi niya mabuntis ang girlfriend niya. At ang payo ni Juliana ay simple lang pero ang apoy ng sense nito ay pwede nang sunugin ang adult magazines like FHM or Playboy- the best method you can do is abstinence. O, di ba? Taray! Wala nang tsetseburecheng dagdag. Mahilig lang kasing manulsol ang mga adult magazines na iyon na kailangan daw talaga ng maiinit na sexual moments upang tumibay ang romansa as if treating it like some absolute bond to relationships. Lalo lang nilang pinakakati ang mga tao, eh, hehehe! Hay naku! Just wait a cotton-pickin’ minute! Bakit nga ba nagdadaldal ako ng tungkol sa ganitong klaseng tema? Goodness... nyehehehehe!

RATED SPG! Love, love, love...
***
And the nostalgia continues. Bukod sa past TV shows, I really miss the once ubiquitous Pinoy komiks. Naitatago ko pa rin ang ilang isyu ng “Kick Fighter Komiks” (the parody of Street Fighter, a widely-popular early ‘90s video game). Labis-labis akong nanghihinayang sa pagkawala ng ilang komiks titles ko but some stories from those got tattooed on my mind. Unforgetable. Dalawang kwento from a lost 1992 komiks. Humihingi ako ng paumanhin sa mga may-akda na maging ang pangalan niya o yung comic artists ay hindi ko maalala. Basta ang kwento ng teenage romance ng may-akda nito ay tungkol sa isang high school girl na crush na crush ang isang heartthrob to the jealousy naman ng kanyang male bff who secretly loves her. Naging sila naman ng crush niya kaya ganoon na lang ang lungkot nitong lalaking best friend niya at iniwasan na siya. Ngunit bastos pala yung mokong na crush niya kaya na-turn off siya dito hanggang sa nabuksan na ang kanyang isipan na ang tunay na nagmamahal pala sa kanya ay nariyan lang pala sa kanyang tabi all along, her faithful best friend. Hay, gossip girl talk xoxo... ay oo nga pala, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang xoxo!
Ang isa pang kwento ng isa pang may-akda sa komiks na iyon ay adult story naman. Tungkol sa isang palikerong lalaki na laruan lamang para sa kanya ang mga babae na kapag nabuntis niya ang isa man sa mga ito ay wala na siyang pakialam. Pero kahit ganoon siya, mahal na mahal niya ang kanyang kapatid na babae hanggang sa isang araw ay napansin niya itong malungkot at ayaw magsabi ng problema sa kanya. Nalaman na lang niya isang araw na bigla itong namatay dahil sa pagpapalaglag pagkatapos iwanan ng boyfriend na nakabuntis dito. Doon na niya na-realize na ang mga kasalanan niya ay babalik din sa kanya at ang masakit pa ay ang mahal niya sa buhay ang magiging kabayaran. Kaya ang makakati diyan... hehe!
***
Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasisimulan ang paghahanap sa tamang printing company na tunay na mapagkakatiwalaan sa pagpapalimbag sa aking mga akda. Conflict sa trabaho, eh. Optimistic ako na sana sa bakasyon, magawa ko na. Kailangan kong mag-ingat sa pagtitiwala. Basta, naniniwala akong minamalas ang taong nangwawasak ng tiwala at malinis na pangarap ng kanyang kapwa-tao.
Nais ko nang maipalimbag ang aking mga akda...
***
THE GALLERY OF VARIETY


Two views of the "lovers' moon"


Roadside beauties often hardly noticed


Post-Valentine's Day thoughts; cute little cards from some of my thoughtful girls in VABES

Saturday, January 19, 2013

Breezy, Pleasantly Cold Moments For Soliloquies

16th century Boxer codex depicting an ancient Tagalog couple of the noble class (courtesy of Wikipedia)
The Philippine Eagle Pithecophaga jefferyi (courtesy of Wikipedia,Flickr,and its author scorpious18)
Noong isang araw lamang nag-premiere ang epicseryeng “Indio” na pinagbibidahan ni Senador Bong Revilla sa GMA-7 matapos ng halos oras-oras na promotion dito sa mga network commercials buhat pa noong Disyembre. Siyempre dahil kakaiba muli ang kwento ay inabangan talaga ng die-hard Kapuso viewers. Tungkol muli ito sa sinaunang lipunan ng mga Pilipino tulad noon sa “Amaya” at mga Bisaya muli ang mga tao dito subalit ang pinagkaiba nito ay inilalarawan din ang kalagayan ng ating mga ninuno sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Espanyol. Ahas na actually isang imported North American corn snake ang istariray na hayop sa “Amaya” samantalang sa “Indio” ay isang agila na ating pambansang ibon kahit na computer animated lamang ito.
Ipinatupad noon ang sistemang encomienda na talagang nagdudulot ng pang-aalipusta ng mga mananakop sa mga katutubo; marahil napapraning noon ang mga mapagmataas na Kastila kaya kinailangan pa nilang paghigpitan ang mga sakop nila hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pa nilang teritoryo sa Gitna at Timog Amerika at baka magsipag-alsa ang mga ito. Ngunit lahat ba ng mga Puting balbasin na mga taong ito ay ganoong kalupit at masasama na at ginagawa lamang maskara ang relihiyong hatid nila sa bawat sakop nila? FYI: may mga makatao rin naman tulad ni Padre Bartolomé de Las Casas ng Hispaniola Island sa Caribbean noong 16th century na ipinaglaban ang pagsasawalang-bisa sa encomienda dahil labis nang nagdurusa ang mga Indios doon. At saka nga pala, noong Grade 5 ako at sa aming asignaturang HEKASI, nang una kong mabasa ang salitang encomienda ay inakala kong pagkain ito dahil tunog-pagkain talaga. Well, ito pala ay mga teritoryong ipinagkaloob sa mga pinuno ng conquistadores na paghuhugutan nila ng iba’t ibang buwis at sapilitang pagggawa.
Tila magiging melodramatic naman ang takbo ng “Indio” tulad sa iba pang soap opera o teledrama- ah, the wicked, wicked Spaniards and the “dakilang api” Indios kung iyon ba ang nais palabasin ng mga writers. Tunay ngang malulupit ang trato noong mga panahon iyon ng mga Kastila sa mga Pilipino, Aztec, Inca, Aprikano, at sa marami pang mga sinakop nila at hindi ito pinabubulaanan ng mga historians na objective o patas sa kanilang pagsasalaysay. Sa drama na “Indio”, okey lang na may mga elemento at temang pantasya at supernatural, huwag lang sana haluan ng mga one-sided views and prejudice ang takbo ng kwento na magpapasiklab nang ganoon na lang sa nag-aalab na damdamin ng mga makabayang manonood na lalong kamuhian ang mga Kastila na para namang masasamang nilalang na ang lahat ng mga ito at wala ni isang naiambag na mabuti sa pagpapayaman ng kultura ng ating lahi. Kung si Jose Rizal nga ay unbiased ang pananaw sa kanyang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” sa paglalarawan sa iba’t ibang tauhan, Kastila man o Pilipino, kasama rin ang mga Tsino. Ngunit papasimula pa lang naman ang “Indio” sa primetime. Marami pang kabanata na mapapanood, huwag mag-alala. :)
***
Chen Hongshou's portrait of the great poet(circa 17th century)-courtesy of Wikipedia
...there were five willow trees by his house so he was fondly called “Mr. Five Willows” and he was quiet and reserved, not envious of high position or great wealth.
...but he lived in peace. Sometimes he entertained himself by writing to show his ideas and he never cared for gain or loss.

These are excerpts from the prose, “Mr. Five Willows” which is included in the cute little paperback “Chinese Analects”, a collection of short and witty tales from ancient Chinese literature compiled by Thomas C. Sy and published by Merriam-Webster Bookstore whose branch along Avenida Rizal in downtown Manila is where I bought the said booklet. “Mr. Five Willows” is like the summary of its original version, “The Biography of Master Five Willows” written by one of the greatest nature poet, T’ao Yuan-ming, the courtesy name of T’ao Ch’ien (AD 365-427) who was said to be a former government official who left politics and fame to live a frugal, peaceful life in his farm.
Masaya pa rin ang payapa at simpleng buhay na hindi na naghahangad ng mga bagay na hindi naman nakatakdang mapasaiyo. Yeah, ganoon din ako. Mahilig magbasa si Mr. Five Willows at madalas siyang magsulat upang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ideya at ganoon din ako. Yun nga lang ay manginginom ang ating bida lalo pa kung naimbitahan ng mga kaibigan and always bottoms up... a big no-no for me!
***
St. Agnes by Domenichino (courtesy of Wikipedia)
Pre-Raphaelite painting:John Everett Milais' "Madeleine" for John Keats' poem "Eve of St. Agnes" (courtesy of Wikipedia)
Nalaman ko lang ang tungkol sa St. Agnes’ Eve by chance sa diksyunaro nang may hinahanap akong kahulugan noon. Pamagat din ito ng isang nakabibighaning tula ni John Keats. Tuwing gabi raw ito ng ika-20 ng Enero at kinabukasan, ika-21, ang kapistahan at paggunita sa martyrdom ng ancient Roman Christian girl. Ang tinaguriang “St. Agnes’ Eve” ay sinasabing medieval superstition umano- na ang isang babae (maaari rin kaya kung lalaki para fair?) ay mapapanaginipan ang kanyang mapapangasawa matapos humingi ng tulong kay Santa Agnes. Woah, get it, singles who are looking for the one that should never get away? Aba’y hindi ako kabilang sa kawan ng mga iyon, ano? At saka, pamahiin yun... kung babasahin muli ang talambuhay ni Santa Agnes, namatay siya na teenager and single. May isang Romanong lalaki na balak siyang iligtas mula sa persecution sa mga kondisyon na iiwan niya ang Kristiyanismo at magpapakasal dito kahit hindi niya ito mahal. Ngunit inalay na niya ang kanyang puso sa Panginoon at hindi na ito maaagaw ng kahit na sinong lalaki kaya sinapit din niya ang kapalaran ng iba pang kapanalig. Steadfast siya sa kanyang pananalig at hindi naman siya marriage counsellor noon kaya bakit may pamahiin pang iniuugnay sa kanyang pangalan?
***
gender symbols (courtesy of Wikipedia/Kyle/Lexicon)
Kasama raw sa probisyon ng RH Bill na ngayon ay ganap nang batas (harinawa, ang batas na ito ay huwag magkaroon ng mga butas dahil sa pag-abuso o maling pagpapatupad dito na magdudulot lang ng kasiraan sa mga Pilipino sa halip na benepisyo; sa bansa natin kasi, maraming batas ang butas tulad ng narinig kong linya sa isang lumang pelikulang aksyon na pinagbidahan pa yata ni Bong Revilla), kasama raw sa mga probisyon nito ang pagbibigay-diin pa sa sex education sa high school. Kapag nababanggit ang sex ed, may ilang tao na ang dumi ng iniisip. First of all, ano ba ang sex? Hindi ba, kasarian or gender? Male and female? Masculine and feminine? Nai-integrate din ang ilang terms nito sa mga subject na Science (especially tuwing first grading period) at Home Economics ng mga batang nasa Ikalimang Baytang sapagkat patungo na sila sa age of adolescence at nagpapaalala’t nagbubukas sa kanilang isipan na pag-ingatan ang kanilang mga sarili at i-treasure ang kanilang puri.
Mayroong role dito ang mga guro. Nitong isang araw lang, kabilang sa mga paksang tinalakay sa HEKASI ang tungkol sa paglaganap ng mga suliraning pangkabuhayan noong Ikatlong Republika at magpasahanggang ngayon ay pasanin pa rin ng ating bansa. Nabanggit na isa sa mga dahilan ng mga suliraning ito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon. Sa mga pagsisikap ng pamahalaan na solusyunan ang mga suliraning ito, kabilang na ang pagpaplano ng pamilya. Family planning? At dito, naging mas masigla ang talakayang angkop sa edad ng mga mag-aaral sapagkat ito’y reyalidad ng buhay. Sa family planning, bahala na ang mag-asawa kung ilang anak ang kailangan nila, marami o kaunti basta panagutan nila. Hindi kasama ang aborsyon sapagkat itinuturing itong krimen sa ating bansa lalo pa’t pinag-aralan na ng mga bata sa Science nila na ang buhay ng tao ay nagsisimula sa pagsasama ng sperm at egg cell. Ang mga batang ito ay patungo na sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata kaya wala namang masama kung habang maaga pa lang ay bigyang babala na sila na huwag makalilimot na respetuhin ang sarili at ang kapwa lalo na kung nasa wastong panahon at nasa gulang na sila upang makipagrelasyon. Dumarami na kasi ang kaso ng teenage pregnancies and parenthood; mga kabataang napariwara, nakalimot sa pangangalaga sa sarili at sa kanilang puri o di kaya’y nagabayan naman marahil nang maayos subalit sadyang pangahas, mapusok, at mataas na ang tingin sa sarili na hindi iniisip ang mga konsekwensya ng kanilang mga pinaggagawa.
Harinawa, ang mabubuting payo at gabay sa paaralan at tahanan ay huwag mabubura sa isipan ng mga batang iyon.