This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, April 24, 2018

Strawberry Yogurt Smoothie

Botanical Gallery 


*******
Abril 4, 2018. Sixth day of the Novena to the Divine Mercy at isinulat ni St. Faustina Kowalska ang mensahe mula sa Panginoon- “Today bring to Me the meek and humble souls and the souls of little children and immerse them in My mercy. These souls most closely resemble My Heart. They strengthened Me during My bitter agony. I saw them as earthly Angels, who will keep vigil at My altars. I pour out upon them whole torrents of grace. Only the humble soul is capable of receiving My grace. I favor humble souls with My confidence.”
Akmang-akma ang novena intention na ito dahil nang hapong iyon ay nasa paaralan pa ako. Sa aking pag-iisa, naipagpatuloy ko ang novena na nasimulan noong Mahal na Araw pa kasama ang “3 o’clock Prayer” at “Chaplet to the Divine Mercy”. Maraming salamat sa Panginoon. Amen.
Back of the Sta. Cruz Church when viewed from Plaza Sta. Cruz
Abril 7. Maalinsangang araw ng Sabado. Ngunit tumuloy pa rin ako sa aking “anytime visita iglesia” kahit tapos na ang Semana Santa. Nagtungo ako sa aking second favorite city after Pasay, ang Maynila. Pagkagaling ko sa Sta. Cruz Church, nilakad ko lamang ang patungong Binondo Church at sinundan ko na lang ang road map na pinilas ko sa lumang directory ng PLDT Yellow Pages. Hindi naman nakakapagod mula Escolta hanggang Quintin Paredes at tuluy-tuloy na hanggang Binondo. Di na ako nakapasyal sa mismong Chinatown at nakakapagod na, hehehe!
Sa wakas, nakarating na ako sa makasaysayang Binondo Church kung saan naglingkod noon si San Lorenzo Ruiz bilang sakristan higit sa 300 taon na ang nakalilipas. Di tulad ng Sta. Cruz Church, maliit ang lote ng simbahang ito lalo pa’t heavily-congested urban area ang Binondo. Nadatnan ko pa nga na may nagaganap na kasalan nang nakaabot ako sa simbahan. Simpleng maganda ang simbahan! Doon ko natapos ang aking novena to the Divine Mercy at may mga pangkat din doon na ganoon din ang nobena nila.  
Federico Ruiz's Binondo Church (courtesy of Wikipedia)
*******
Abril 8. Divine Mercy Sunday, ang unang Linggo pagkatapos ng Easter Sunday. Isang beautiful, significant, and priceless early birthday gift ang aking natamo sa araw na ito nang nagtungo ako muli sa Maynila. Mula kasi nang napanood ko sa balita sa TV kahapon ang tungkol sa public viewing ng blood relic ni St. Pope John Paul II sa Manila Cathedral, ayaw ko nang palampasin ang pagkakataong iyon. Sumakay ako ng dyip sa Plaza Sta. Cruz na dadaan sa Intramuros, lalo na sa katedral mismo. Ang bilis ng biyahe at di-nagtagal ay bumaba ako sa tapat ng Plaza Roma at bumungad na ang napakagandang Manila Cathedral.
Sa 360⁰ view sa Plaza Roma, everything is about history. Ang katedral, ang liwasan, tapos ang mga nakapalibot na malalaking gusali tulad ng Palacio del Gobernador at Cabildo, at lalo na ang matagal nang silent sentinel since 1824 at di man lang napatumba ng karahasan noong Liberation of Manila 1945 base sa mga post-war photos ng katedral pero pansamantalang na-dethrone ng Tatlong Paring Martir na obra ni Solomon Saprid noong Dekada ‘70s at muling nailuklok sa kanyang nakagisnang pedestal sa liwasan, si Haring Carlos IV. Isa sa mga essays ni Prof. Ambeth R. Ocampo ang nagbanggit tungkol sa kanya, ang Hari ng Espanya noong early 19th century na nagpadala ng anti-smallpox vaccination sa mga kolonya ng Espanya kabilang na ang Pilipinas.



Pagdating ko sa katedral, ang dami-daming tao. Meron palang kasalan. Pero bukod doon, may napakahabang pila rin doon ng mga gustong makita ang blood relic ng yumaong Santo Papa. Hindi muna ako nagmadali. Tamang-tama at nagkataong may exhibit ng tungkol sa kasaysayan ng Manila Cathedral na nagsi-celebrate ngayong taon ng ika-60 anibersaryo ng post-war period nito. Katulad sa karamihan sa mga gusali at iba pang imprastraktura ng Maynila either na ipinatayo noong panahon ng mga Espanyol o ng mga Amerikano, nawasak noong digmaan. Kamangha-mangha talaga ang pinagdaanan ng tinaguriang “Mother of all Catholic Churches” sa Pilipinas na nagsimula sa pagiging bahay-kubo hanggang maging enggrandeng katedral at paglipas ng mga panahon, nakalasap ng mga sakuna, kalamidad, pagguho, at kaguluhan ngunit makailang beses pa ring muling itinayo, nakikiayon sa katangian ng mga Pilipino na tuloy pa rin sa buhay anumang pagsubok ang kaharapin. Malamang nga na ang Manila Cathedral ay ipinatayo ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpataw ng tributo at lalo na ng polo y servicios o sapilitang paggawa sa mga katutubo subalit ang mga pinagpagurang gawin ng mga ninunong manggagawa ng mga nagdaang panahong iyon ay naging handog din sa kanilang mga inapo at pinahahalagahan at minamahal ng mga sumunod na henerasyon. 






Mabilis naman ang pila sa public viewing ng blood relic. Divine Mercy Sunday sa araw na ito. Sinasabing lalong naging popular ang debosyon sa Divine Mercy dahil na rin sa impluwensya ni St. Pope John Paul II na kababayan o kapwa taga-Poland ni St. Faustina. Nang natunghayan ko ang reliquary kung saan nakalagak ang isang glass vial na naglalaman ng blood sample ng pope, may saglit ngunit kapayapaang di-maihayag ng mga salita. Ito ang pisikal na memento kung saan madarama ang essence ng kanyang DNA. Ngunit ang pinakamagandang alaala tungkol sa kanya ay ang kanyang legacy to the world at ang kanyang pagiging mabuting halimbawa ng isang simpleng tagapaglingkod ng Panginoong Diyos.


*******
Kahit tapos na ang Holy Week, tuloy pa rin ang aking anytime visita iglesia. Nakarating na ako sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Orense (malapit sa main office ng MMDA) sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Noong isang taon ko pa yun natanaw mula sa Guadalupe Viejo na pinuntahan ko noong nakaarang taon nang nag-visita iglesia ko sa Nuestra Señora de Gracia Parish (plese refer to “Antares”April 2017 post). Palibhasa ang Guadalupe district ng Makati ay may kakaibang topograpiya- malamang nga noong sinaunang panahon ay maburol ito tapos naroon pa rin ang mga solid adobe rocks sa may C-5. Kaya lang, pagdating ko doon ay di ako masyadong nakapaglibot dahil nadatnan kong merong youth conference doon at puno ng tao ang simbahan kaya pinili kong magtungo sa Adoration Chapel nito.
Ang isa pang marikit na simbahang aking dinayo ngayong Abril ay ang St. Joseph Church along Quirino Avenue sa Las Piñas City kung saan matatagpuan ang tanyag na Bamboo Organ. Napakaganda.Talaga namang lagi kong nadadatnang may kasal sa mga simbahang napuntahan ko na. Antigo talaga ang simbahan sa arkitektura at mga interiors nito at talagang agaw-pansin din ang Bamboo Organ na napakinggan kong pinatugtog sa pagsisimula ng kasal. Naiiba talaga ang tunog at gaano na ba ka-tanda ang mga kawayang organ pipes na iyon? Ang Bamboo Organ ay itinuturing na national and cultural treasure, isang produkto ng resourcefulness gamit ang indigenous, native materials na meron sa Las Piñas. Ito at ang simbahan ay ginawa ng mga mamamayan sa pangunguna ng kanilang kura parokong si Padre Diego Cera de la Virgen del Carmen noong panahon ng mga Espanyol.
Katulad nga ng aking mga saloobing inihayag sa aking past blog posts noong Abril 2017 at Mayo 2017, mahilig ako sa urban tourism at ang anytime visita iglesia ay para sa akin, ang napakagandang bahagi nito alongside historical, socio-cultural, and community appreciation.        
*******
Sa totoo lang ay matagal nang sumisingaw ang isyu tungkol sa environmental issues and concerns sa isla ng Boracay at pati sa iba pang sikat na dinarayong resorts sa bansa. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta doon. Maraming beses ko nang nasilayan ang Boracay mula sa RORO at lalo na ang first time kong natunghayan ang puting buhangin nito noong 1994 mula sa M/V San Paolo ng Negros Navigation at tunay ngang mala-paraiso ang ganda lalo na noong mga nagdaang panahon nang di pa ito naabuso ng corporate greed, overcommercialization, and exploitation. Sa isang lumang isyu ng Mabuhay magazine (April 1991 issue, notably), ibang-iba talaga ang Boracay noon. Sa paglipas ng panahon, nilamon na ito ng konsumerismo na yun bang ang karamihan sa mga negosyante ay mas mahalaga pa para sa kanila ang magkamal ng malaking kita at nasa priority of concerns pa ba nila ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan? Well recently, isa sa mga resorts na nag-respond agad sa beach clean-up ay ang Sumilon Island ng Oslob, Cebu na nitong Abril lamang ay isinara sa loob ng isang linggo para linisin lalo pa at ito ang isa sa mga crown jewels ng nabanggit na lalawigan. Katulad sa karamihan sa mga resorts ng Pilipinas, ang Sumilon ay dinarayo rin ng mga responsableng turista at mga salaulang turista.
*******
Nitong ika-16 ng Abril, paano ko nga ba ipinagdiwang ang araw na ito? Simple lamang tulad ng karaniwang mga araw. Ah, walang piging or pigging out. Gusto kong magpunta sa Baclaran Church at ang iba pang significant activities na may kinalaman kung paano ko nai-celebrate ang araw na ito ay ang Panginoon na lamang ang nakababatid. Basta ang araw na ito ay ang aking thanksgiving day!






Saturday, March 31, 2018

Halu-Halo

Gallery of the Philippine Air Force Aerospace Museum and Aircraft Park, Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City

Before the Second World War, the base was called Nichols Air Field and then changed to Nichols Air Base. During the early '80s, it was renamed Villamor Air Base in honor of war hero, ace pilot, and veteran, Colonel Jesus Villamor. 




































Ito ang museo na pinakamalapit sa aming tahanan at libre naman ang entrance dito. Sa bawat photo gallery at mga exhibit, halina at kilatisin at mamangha sa mahaba at mayamang kasaysayan at kasalukuyan ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas. 
Kabilang sa mga agaw-pansin sa mga naka-exhibit ay ang mga gamit, memorabilia, at newspaper clippings ng kilalang Japanese struggler na si Hiroo Onoda na tatlumpung taong nagtago sa Lubang Island sa Mindoro. Lumikha ng malaking balita ang mamang ito noong panahon ni Marcos. Siguro, parang di kapani-paniwala na umabot ng 30 years ang pananatili niya sa Lubang sa pag-aakalang hindi pa tapos ang digmaan! At pagkatapos ng buhay-istragler, saglit siyang bumalik sa Japan tapos nag-settle din kalaunan sa Brazil. Hindi siya isang war hero. Tulad din sa karamihan sa kanyang mga kabaro, they seemed unapologetic sa mga atrocities na pinagagawa ng kanilang hukbo sa mga bansang sinakop nila noong digmaan.  Anyways, hindi si Onoda ang star ng museum kundi ang mga bayaning sina Colonel Jesus Villamor at marami pang iba at lahat ng bumubuo sa Philippine Air Force na maaasahan tuwing may kaguluhan man o kalamidad at sa mapayapang panahon. 


*******
Gallery of Trees




*******



“Thailand Week 2018” at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex, Pasay City last March 5
Sana, makapunta uli ko sa Thailand tulad noong nakaraang taon, hehe!
*******
A toast to one of my all-time favorite films, “Gladiator” (2000). Buti na lang at ipinalalabas ito sa HBO ngayong Marso. Kahit na ilang beses ko na itong napanood, gustung-gusto ko talaga ang kwento. 

"Pollice Verso (Thumbs Down)" by Jean-Leon Gerome (left) and "Spoliarium" by Juan Luna (right); courtesy of Wikipedia
*******




Kung di lang sana ko nilagnat nitong mga nakaraang araw lalo na noong Holy Week ay nadagdagan pa sana ang pagtungo ko sa aking visita iglesia ngunit ang magtungo sa Shrine of St. Thérèse noong Huwebes Santo ay sapat na sapat na at maligaya kong ipinagdiwang ang araw na iyon at doon din ako nag-Stations of the Cross. Pagsapit ng Biyernes Santo ay gaya ng aming tradisyong kinagawian dito sa bahay, tinutukan namin ang “Siete Palabras” live coverage mula Sto. Domingo Church sa Quezon City.
Bukod sa napakagandang religious film na “Ignacio de Loyola” at "#MichaelAngelo" sa channel 7, nakapanood din ako ng iba pang sine sa TV tulad ng walang kupas na 1993 film, Dolphy-starred "Home Along da Riles" (haha!) mula Cinema One at ang “Hugo” sa channel 5 na akala ko ay tungkol kay Victor Hugo kundi sa isang batang lalaki at ang kanyang “automaton” na marunong magdrowing at ang rediscovery at pagkilala sa popular filmmaker noong early 20th century na si Georges Mélies. At pagsapit sa HBO, tatlong gabi ng Star Wars prequel trilogy na episodes 1,2, & 3 na sa totoo lang ang paborito ko sa mga “trilogy” arrangement ng naturang movie franchise kahit na ilang beses ko nang napanood ang mga ito pero tuwang-tuwa pa rin ako.
Staycation talaga tuwing Holy Week ngunit ang pagsapit ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ang pinakamasayang araw!
Matthias Grunewald's the Resurrection of Christ (Google images)
*******
The statue of Lapu-Lapu near Plaza 66, Villamor, Pasay City

*******
Gallery of the Blue-Eyed Bird