This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 11, 2010

Picture Lay-outs and Speech Balloons

“... since I am impressed it must contain some sort of impression.” – statement of an art critic upon seeing Claude Monet’s “Impression: Sunrise” in 1872



Okey talagang mag-trip down memory lane sa tuwing pinanonood ko ang re-run ng “Dragon Ball” sa Q-11 on weekday afternoons. Mas gusto ko ang mga unang season nito kung kailan batang musmos pa si Son Goku kaysa sa mga succeeding seasons na DB Z kung saan adult na siya (except DB GT dahil bumalik siya sa pagkabata due to the impulsive wish of his first ever major enemy kahit uugud-ugod na, si Mr. Pilaf kasama pa ang dalawang loyal na alalay nito) at mas mararahas na ang mga laban niya (including DB movies featuring powerful foes like Broly and Coola). Kasi mas fun ang adventures, eh. Okey silang mag-ate ni Bulma at ang mga kabarkada pa yung mga original cast. Una ko itong napanood noong 1995 at talagang sinubaybayan ko ito at kinatuwaan. At talagang natawa ako sa ‘first granted wish’ na ibinigay ng mystical dragon kahit ang naughty naman, hehehe! Kaiba kasi sa karamihan sa mga naglipanang anime- character/ visual design and personality, the stories, etc. Anupa’t ang Dragon Ball ang pinakapopular na anime. Ah, yung Son Goku ng Saiyuki along with certain Sanzo, Gojyo, and Hakkai at isang cute dragon na nagiging jeep? Di ko yun kilala! Pero ang Dragon Ball kasi ay hango sa isang Chinese novel na isinulat ng isang anonymous author noong Ming Dynasty pa, ang “Journey to the West” kung saan ay may tauhan doon na para talagang unggoy kung kumilos at malamang ang nag-inspire kay Akira Toriyama para likhain si Son Goku. Ayos, a! Hindi ko lang napanood ang Hollywood movie na Dragon Ball pero noong 1994 ay may napanood akong VHS copy ng isang Taiwanese fantasy-martial arts film na “Dragon Boy” kahit na marami rin itong pinagkaiba sa anime. Kamehame wave! Actually, mayroong hari noon sa Hawaii bago ang US conquest na ang pangalan ay si King Kamehameha. Pero wala siyang kinalaman sa anime, a!

Syempre, muling ipinalalabas sa TV ang mga anime na iyon- upang maging entertainment ng BAGONG HENERASYON ng mga manonood. Pareho noong Voltes V na unang sinubaybayan ng mga kabataan noong ‘70s kahit na biglang na-censor ng gobyerno ni Marcos ang last four episodes nito (related statements to this sentence at my first blog site http://weirdjtt.blog.friendster.com; please look for the essay “Ninoy & Makoy”). Nagbalik ang nasabing anime noong ‘90s, first sa IBC-13 then to GMA-7 na siyang tuluyan nang ipinalabas ang lahat ng kabanata nito at tuwang-tuwa naman ang ‘70s kids dahil doon, haha! Malimit talaga ang mga replay ng mga Japanese-made animated series na iyon na minsan din nating sinubaybayan na parang mga soap opera lalo na yung mga hango sa mga classical stories or movies/ plays gaya ng Cedie, Trapp Family Singers (one of my all-time favorites), Peter Pan, Dog of Flanders, Princess Sarah, Remi, Georgie, Cinderella, The Yearling, at napakarami pang iba. Mga wholesome ang category na iyon. Tapos, nakabuntot ang mga action-filled anime gaya ng Dragon Ball, Ghost Fighter, Yaiba, Samurai X, Sailor Moon, Mojacko (this one is safe, fun, and rated 'general patronage' and one of my all-time favorites), Slam Dunk (bitin pero it's one of my favorites, too) and the list is endless! Maaksyon at the same time, binabatikos for violence kahit na naka-indicate ang parental guidance sa may ibaba ng screen ng TV. At naalala ko noon yung mga ‘teks’ na yun ng anime,hehehe!Bago ko malimutan, si Doraemon pala ay pinanonood ko rin!
Hokusai's Great Wave Off Kanagawa
Kunisada's Sumo Wrestling Scene
Sharaku's Portrait of Sawamura Sojuro, Kabuki Actor
Hiroshige's Plum Garden in Kameido (left) and Vincent Van Gogh's Flowering Plum Tree (right)
Hokusai's Ninja

A caricature done by Kuniyoshi


Hindi naman bago ang konsepto ng anime designs dahil sa naunang nauso na mass-produced, affordable prints na mala-poster na ididikit na lang sa mga dinding, ang Ukiyo-e or “pictures of the floating world” (yun nga lang ay realistic and poetic ang disenyo dito and no large eyes, out-of-this-world hairstyle, sweat drop, and slapstick humor). Malamang nga na ito ang nagpapagaan sa mood ng somber atmosphere of the Tokugawa regime especially in its last decades (thanks to America for the modernization). Una ko nga palang narinig ang tungkol doon sa isang episode ng “Lupin III” tapos nakita ko pa sa Mabuhay magazine. Signature Japanese art talaga kahit na meron din Chinese influence. At lubos itong hinangaan ng Westerners, lalo na ang European Impressionists of the 19th century. Marami ang maestro pagdating dito tulad nina Kunisada, Kunichika, Kuniyoshi, Kuneho...no,no,hehe... Harunobu, Utamaro, Sharaku, etc, etc, at talagang marami kasi may mga apprentice pa ang mga yun (click niyo na lang sa Wikipedia). Lumitaw rin ang mga tanyag na landscapists na sina Hiroshige at Hokusai na mayroong art album noon na tinatawag na manga sketchbook (o,yan at sa kanya ang credit at hindi sa mga manga at mangagaya artists na alam niyo). Kahit anong tema ang makikita sa mga ukiyo-e- nature, views, portraits, ordinary people, scenes of everyday life, fantasies, kahit yung kalaswaan. Noon pa nauso ang ‘smut’ at di ito 20th century invention out of pruriency and obscenity (pero may ‘Board of Censors’ din naman ang gobyerno nila di-naglaon). Ay, grabe... di ko nga matingnan nang diretso ang ganoong mga litrato na nakolekta sa Google at para akong masusuka, hehehe! Nabanggit ko na si Hokusai. Noong bago pa siya nag-concentrate sa kanyang monumental and wholesome “Mt. Fuji views”, including his iconic “Great Wave Off Lake Kanagawa” at bata-bata pa siya ay gumagawa siya ng “for adults only” prints... nang nakita ko ang isa dito sa Google, parang ayoko na yatang kumain ng takoyaki! Naku-culture shock ako, hehehe! Iyung ganoong uri ng ukiyo-e ay tinawag na shunga, ang sinaunang ‘hentai’. Hoy, kahit kailan ay hindi pa ako nanood ng mga ganoong mahahalay na anime, a! Exception siguro ang “Ghost in the Shell: The Movie” na maraming eksena kung saan walang damit ang bida na si Motoko Kusanagi pero wala naman siyang sex scenes doon (adult anime rin ang "Akira" pero more of action ang genre nito). Bukod sa kalaswaan, meron din di maganda ang kwento kaya tuloy nawawalan ng kwenta ang isang anime. Gaya ng napanood ko (pero hindi natapos) na animated movie (English subtitles) na hindi ko rin alam ang title at hango sa buhay ng maalamat na si Shiro Amakusa (di ito yung sa isang season ng Samurai X); ngunit sa palagay ko napakalayo ng kwento nito mula sa tunay na katauhan ng naturang Japanese Christian martyr. That anime was nothing but a thrashy showcase of violence and gore and highly-offensive to Christianity as well. Siguro nga na ipinakikita ng animators ang harsh fact noong Tokugawa regime nang ipinapatay nito ang mga Kristiyano (including St. Lorenzo Ruiz and co.). Kaya lang, napaka-OA naman ng depiction of religious persecution doon at hinaluan pa ng supernatural chuvanessence. What about the staff behind those type of anime? Siguro kasi, madali lang sa kanila- kailangan lang ng drawing pens at papel tapos colors... and unlimited imagination that unleashes sadistic portrayals and licentious characterization! Ngunit hindi naman ako ang tipo na manghahagis ng bato, ano? Kaya lamang kasi, gaano man ka-mature ang tayong mga tao at tumingin pa rin sa mga hindi dapat pagtuunan ng pansin at hindi makinig sa konsenya ay nagkakasala pa rin kahit sa isipan lamang. We humans are frail creatures after all. Hay, I still feel like some puritanical critic because of these statements yet I’m no prig! By the way, pity me, I still don’t know what an otaku means...

The Grand Finale of this blog post. Kung alam ko lang sana noon pa na hahantong sa near extinction ang Pinoy komiks sa dekadang ito ay iningatan ko sana ang iba kong komiks noon! Ang mga komiks na magazine-format at taglilimang piso pero marami namang kwento at may kwenta pa (kahit na ma-karbon ang mga pahina tulad sa dyaryo). Ubiquitous entertainment materials of Pinoy pop culture na kung nasaan naroon ang mga news and magazine stand sa mga bangketa ay naroon din ang mga ito (pati Liwayway magazine nga ay bihira na rin). Hindi pa ako kailanman nakausyoso sa tinatawag nilang Komikon. Meron namang mga komiks sa mga bookstores pero manga/anime style ang mga ito at di ko trip! Ang gusto ko ay istilong Pinoy talaga at nakaka-relate ang mga Pinoy dito lalo pa kung stories of realism. Na ang mangga ay mangga nga at hindi mukhang manga! Wala naman akong pakialam sa mga kontrobersyang dumikit sa pagkakakilanlan ni Carlo J. Caparas (hoy, Radioactive Ogag Reject, tumahimik nga kayo!). At kahit na hindi man siya gawaran ng National Artist award ay naging tinitingalang modelo naman ng isang nangangarap na manunulat na nagsumikap at nagtagumpay. Na kung gusto mong maging storyteller na pinakikinggan ng madla ay hindi naman kailangang magsunog ng kilay sa mga prestihiyosong unibersidad at magkandarapa sa paghahabol sa mga National Artists para maging professor mo. Natuwa na sana ako noon nang nagkaroon ng “komiks renaissance”. Muling nabasa ang mga obra ng ilan pang batikang manunulat tulad nina Elena Patron, Gilda Olvidado, atbp at natunghayan muli ang naggagandahang illustrations ng mga talented artists. Ang tipo ng komiks na hinahanap-hanap ko. Akala ko ay tuluy-tuloy na ang pamamayagpag muli nito sa masa (mula sa sampung piso na black and white ay naging labinlimang piso na ito mula nang naging colored) kaya lang ay biglang natigil ang mga issues and I was so disappointed. Sigurado na hindi lang ako ang nanghinayang dahil napakarami pa naman ang nag-aabang sa kwento ng tungkol sa hiwaga ng Cadena de Amor, sino ang stalker ng Beauty Queen, kailan ba babalik ang respeto sa sarili ni Andres de Saya, malalaman na ba ni Mirasol kung sino sa tatlong bata ang tunay niyang anak,mahahanap pa ba ang 100-million Peso Lotto Ticket nang makubra na ang premyo, at iba pang kwentong sinubaybayan na ng madla. Nagsimula na sana ang serye ng “Tatarin” ni Nick Joaquin. Sayang! Sayang na sayang! Ano ba talagang nangyari, Sterling Publications? Pambihira naman, o. Paano na ito at mag-iimagine na lang ako at ang iba pa ng kung ano ang magiging takbo at pagwawakas ng mga kwento? Ako’y nagagalit sa totoo lang kung hinahamak ng ibang tao ang lokal na komiks. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit lalo akong nahilig sa pagbabasa, ang mga kwento ay tumatak na sa aking isipan at kamalayan, at may naiambag sa paglawak ng aking mga natutunan tungkol sa lipunan. Meron kayang mabibilhan ng mga lumang komiks? Alam ko ay ang halos lahat ng komiks noon ay inililimbag ng isang kompanya sa may Murphy, Quezon City. Pinoy komiks, Pinoy komiks, huwag yung manga... please?

2 comments:

  1. kaya nga i-preserba ang mga Pinoy komiks! mahirap nang maghanap ng ganito! di ko trip ang manga, parang awa niyo na!

    ReplyDelete