A narra tree's verdant foliage rustling in the dance of the breeze
And a shower of the multitude of golden blooms gently descended
With every tiny petal wafted the sweet calm of the sweltering summer...
(originally posted in "Reverie: The 16th of April" at my first blog site- http://weirdjtt.blog.friendster.com)
(the following pictures are of summer botanical splendor; lilies which are associated with the Lenten season and also with me, haha- bilad man sa matinding init ng araw o pilit iginugupo ng pabugsu-bugsong hangin ay nakatindig pa rin)
Para bang noong nakaraang taon lang ay kabado ako sa para sa board exam namin, o! Ang bilis ng mga araw ngunit isinasantabi ko na lang ang tunay kong gulang. Basta, hehe!Okey lang kahit walang celebrations... higit ko pa ngang ipinagdiriwang ang Pasko at Pasko ng Muling Pagkabuhay, ano?
Nagpapatuloy na nga ang tag-init. Inoobserbahan ko kasi ang posisyon ng mga konstelasyon sa langit. On early evenings, ilan sa mga northern constellations na naging prominente noong malamig ang panahon tulad ng Auriga, Canis Major & Minor, Orion, at Gemini ay palubog na sa kanluran. Matataas naman ang pwesto ng Bootes, Big Dipper, Virgo, Corvus, atbp lalo na ang pinaka-spectacular summer night sky sight na Scorpius (beside Ophiuchus) na lumilitaw sa timog-silangang dako. Kahit na sa urban environment kung saan hindi na sariwa ang hangin ay nagpapatuloy pa rin ang tanglaw ng mga bituin kasama ng mga planeta. Kaya ko rin palaging pinagmamasdan ang mga iyon bukod sa nagdudulot ng katiwasayan sa kalooban ay nalalaman ko kung upgraded pa ba ang grado ng aking salamin. Ipinagawa pa ito sa Perez Optical sa Carriedo doon sa Quiapo at 1,400 pesos din ito, ano? (walang problema kasi tinipid ko naman ang sahod ko sa pagiging 3rd member sa Barangay Elections ng nagdaang taon)
Kailangang nadi-differentiate ang liwanag ng mga bituin sa kanilang magnitude. 0 ang pinakamataas o pinakamaliwanag tulad ng Sirius (Canis Major), Canopus (Carina of Argo), o Capella (Auriga). First magnitude naman ang pumapangalawa at halimbawa nito ay ang orange-red Antares of Scorpius. Ang polestar na Polaris na hindi umaalis sa pwesto nito sa hilaga ay second magnitude naman kaya mahalaga rin na napagmamasdan ko pa ang tanglaw nito. Aba, mula pa noong unang panahon ay napakahalaga nito hindi lang sa mga astronomo, marino, at mga naglalakbay sa gabi kundi sa bawat nako-curious kung nasaan ang direksyon ng hilaga; at saka dito rin ipinangalan ang yearbook namin sa AIMS. Nakapanlulula nga ang light-years o distansya ng mga bituing iyon ngunit lalo kong napagtatanto na ang planeta nating ito, ang Mundo na nilikha ng Panginoong Diyos, ang ang ating 'mother spaceship' sa kahiwagahan ng kalawakan. Do I sound geeky everytime I come out with these astronomical statements? Nais ko lamang pagmasdan ang mga bituin sa panahong ito ng Aries, ang Tupa sa kalangitan. :)
(photos courtesy of Wikipedia)
(the weird blogger's strange portrait)
A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt

Saturday, April 16, 2011
Monday, April 4, 2011
Alinsangan at Aliwalas Sa Panahon ng Tag-init
the weirdo and the majestic Mt. Makiling in the background
Nitong isang araw lamang ay ginanap ang Pagtatapos Batch 2011 ng Villamor Air Base Elementary School (venue: Cuneta Astrodome). Parang kailan lamang nang ako mismo yung Grade 6 na nag-gradweyt... nostalgia... Sa Alma Mater song na "Sa Iyong Isang Alay"- tinupad ko nga yung tinutukoy sa lyrics nun na "isang panatang muli kang babalikan/ upang sa iyong paanan/ muli kang aalayan..."
Ha! Tag-init na nga at namumukadkad na ang mga puno at iba pang halaman. Ayoko nang mag-summer classes sa PNU! Gusto ko naman ng mahaba-habang bakasyon (the advantage of teachers over office employees, nyehehehe, may sweldo pa rin kahit summer na). Hay, ang bakasyon sa Iloilo na matagal ko nang pinanabikan!
***
Madalas nga akong mamili sa mga ukay-ukay sa Pasay-Edsa area lalo na kapag may sale. Iniisnab ko na lang ang mga retail stores sa loob ng mga mall. Sobrang mahal ng mga produkto nila. Tulad na lang sa Dickies branch ng Metropoint. Ang taray pa ng mga sales ladies nang tinanong ko lang tungkol sa 70% off kuno nila. Kung ano raw ang nasa etiketa ay siya nang 70% ng original price ng t-shirts na tinda nila. Ha? Itong isang t-shirt na kupas na ang kulay ay 300 pesos pa rin kahit na 70% discount na? At bigla ko na lang napagtanto na best friend talaga ng masa ang mga tindahan ng mga ukay-ukay! Doon nga sa isang ukay-ukay sa Edsa, at least mas friendly naman ang bading na tagatinda kaysa mga sales ladies sa mall na kay kapal ng make-up. Segunda mano na lamang na kasuotan kahit na hindi mo naman kailanman malalaman kung sino ang huling nagsuot nito. Anong Penshoppe? What Bench or Human? Forme, Cinderella, Kashieca, Karimadon? Komersyalisadong kapitalismo, hehe! Saan ko ba huling nakita ang mga tindahang iyon? Sa mga ukay-ukay, hindi man mga produktong Pilipino ang mabibili doon ngunit nakatutulong pa rin naman tayo sa ating kapwa-Pilipino, eh. Sino ba ang kadalasan ang mga may-ari at naghahanapbuhay nang marangal sa pamamagitan ng mga tindahang ukay-ukay? Mga Pilipino siyempre! :)

Subscribe to:
Posts (Atom)