This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Sunday, October 30, 2011

OktoberZest



“I wish to defend your honor, o Blessed Mother of our Lord” / Huge problems when there are various Biblical exegesis around
The above artwork was first conceptualized and done last May 22, 2006 in my drawing pad with the original title “Christians vs. Christians” and there were only three ‘reformer’ guests then; the grinning guy with humongous spectacles and carrying a pair of paintbrushes is the latest addition.
Noong isang araw lamang, habang naghihintay na magsimula na ang funeral Mass sa Our Lady of Fatima Parish sa Salitran, Dasmariñas, Cavite para sa isa naming kamag-anak na namaalam na, nabuo sa isip ko ang ideya para sa October blog post na ito at naalala ko muli ang isang drawing ko noon pa. Patapos na ang Oktubre, Month of the Holy Rosary. Hindi naman ako isang Marian devotee ngunit alam ko kung paano magrosaryo at magnobena. Doon sa unang blog site ko, the defunct http://weirdjtt.blog.friendster.com, inihayag ko na ang aking mga saloobin at pagkatuto na ang pagrurosaryo ay hindi naman isang vain and repetitive and un-Biblical prayer tulad ng palaging bintang ng ibang tao (siguro, balang araw ay i-integrate ko na sa mga pages ng blog site na ito ang ilang refugee blogs mula sa orihinal na site ng mga ito).
Minsan ay may nabasa akong ‘very Christian’ column sa isang old Sunday edition ng Manila Bulletin. Ruth, Naomi, Huldah, Phoebe, the godly women of the Bible na pwede nang i-mention ng very Christian columnist dito... at nasaan na ang Mahal na Ina ng Panginoon? Tapos, noong nabalita ang tungkol sa planong pagtatag ng Monte Maria Shrine sa Batangas at putok-butsi na agad ang ilang grupo na dapat pigilan ang paggawa ng diyos-diyosan sapagkat ang National Artist na si Eduardo Castrillo ay sinimulan nang ililok ang bronze statue ni Mama Mary para sa naturang shrine. Siguro kasi napakahirap nang makipagtalo sa mga taong makitid, hehe! Yung patuloy ang mga bunganga sa pag-iingay sa kanilang pambibintang na ang kanilang mga kapwa-tao ay gumagawa ng mga diyos-diyosan upang sambahin. Ang simpleng maipapayo ng mga apologists ay huwag na lang patulan ang mga taong iyon sapagkat mga sarado na, eh. Ako, kung halimbawang may pera ako upang magbiyahe sa Israel o sa mga karatig-bansa man nito at swerteng nakadiskubre pa ng isang nakabaon na maliit pero delicate nang Baal figurine, di ko ito sisirain bagkus ay ipadadala ko sa museo bilang isang mahalagang artifact na noong unang panahon ay nasaksihan nito ang pamumuhay ng mga Near Eastern people at ito ay tila mensahero ng paggunita sa nakaraan para sa mga tao ng makabagong panahon. Kung ginawa ko yung pag-donate ng Baal figurine, lumabag pa rin ba ako sa Unang Utos, mga fundamentalists? Noong mga araw matapos ang Japan tsunami, merong isang religious group na may publicized prayer meeting at iconoclasm activities. Nagsunog ng mga simbolo ng dahilan ng mga pagkakasala ng mga tao sa mundo tulad ng pera, mga materyal na bagay, at rebulto ng mga santo lalo na ang tungkol kay Mama Mary. Isinasagawa nila yun habang buhos na buhos ang mga emosyon sa abot hanggang langit na pagsusumamo na huwag daw mapahamak ang daigdig sa mga darating pang sakuna ayon sa kanilang ‘prediksyon’- ang mga ‘propeta’ na naglipana... na ang mga luha ay maaari nang maglunod ng mga demonyo at mapapikit na sa antok ang mga anghel. Ang kanilang herbal products at higanteng mga watawat? Ang Guiness world record na Ten Commandments doon sa Baguio? Dapat bang gawin ng ganoong kalaki ito para paulit-ulit na paalalahanan ang makasalanang mundo? Ah, ewan ko sa kanila, hehe! Pero para sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan bahagi ng Bibliya ang passages na hindi ko malimutan na ang nakasaad ay tungkol sa pahayag ng Diyos na “... hindi Ko na isusulat ang Aking mga utos sa mga bato kundi sa puso na ng bawat tao...” Amen.
Matagal ko nang natutunan ang tungkol sa paggalang sa mga paniniwala ng kapwa nating tao ngunit nakalulungkot nga lang na ang pinag-aalayan ng paggalang na ito ay sila rin palang hindi umuunawa’t gumagalang sa paniniwala naman ng kapwa nila. Para sa mga iconoclasts at ang lagi nilang ibinabandera na pagkakaintindi sa Unang Utos, may nabasa akong bahagi ng sanaysay ni Bro. Bo Sanchez sa isang lumang edition ng Kerygma Magazine. Kung ang ibang tao ang kumuha ng mga litrato niyo at ng inyong mga mahal sa buhay tapos aapak-apakan ito, duduraan, at saka bubuhusan ng gas upang sunugin, ano kayang pakiramdam niyo? Meron kaming mga Buddha collection; at kulang na nga lang ay si Ganesha. Ang Egypt ay isang Muslim country ngunit alagang-alaga nito ang mga heritage sites along the Nile- ang mga pyramids, templo, mga colossus ng pharaoh na sinamba pa ng mga sinaunang tao. Hindi tulad ng mga Taliban noon sa Afghanistan. In their puritanical campaigns and burning zeal to rid ‘idolatry’, pinasabog ang isang ancient Buddhist monastery at mga rebulto ni Buddha na naroon noon sa kanilang bansa. Gaya ng nabanggit ko kanina, mahirap makipagtalo sa mga taong may ‘chosen people mentality’. Tsktsktsk. Hay, naman. God have mercy on us all.


***
Hindi ko matingnan nang diretso ang isang video sa mga news headlines nitong mga nakaraang araw tungkol sa last moments ni Muammar Gaddafi. Ang taong namumuhay sa espada ay masasawi sa espada, winika ng Panginoon. Mas mapalad pa pala si Saddam Hussein noong araw na nadakip na siya sa Iraq. Walang karahasan, hindi pinaigting ang silakbo ng damdamin, at may due process of the law (sa kabila ng mga balita tungkol sa assassination sa ilang abogado niya at ng kanyang kapanalig). Pagkatapos ng kanyang bitay ay iniuwi siya sa kanyang hometown na Tikrit kung saan ay binigyan siya ng maayos na libing alinsunod sa Islamic tradition.
Isa sa mga paborito kong kulay ay luntian o berde (at walang kinalaman sa UAAP; pakialam ko nga sa kanila, tse!). Ang pinakamadaling gawin na watawat ay sa Libya ngunit noon lang iyon. Pulos masasama ba ang ginawa ng eccentric na mama na ang paboritong kulay ay luntian at sosyalismo ang ideyalismo at kailangan pa niyang sapitin ang ganoong klaseng katapusan? Ang mga diktador o anumang uri ng pinuno ng isang bansa ay tulad din ng mga karaniwang tao na may taglay na parehong kasalanan at kabutihan. May nabasa akong komentaryo sa diyaryo noon tungkol sa mga overstaying state rulers gaya ni Gaddafi at iba pa. Hindi lang daw pulitika ang motibo kung bakit ayaw nilang umalis sa pwesto. Divine origin of state rights. Na sila’y nagki-claim kasi na sila ay ‘isinugo’ upang pangalagaan ang sambayanan at ang demokrasya ay katangian lamang ng mga sekular na bansa na walang pagkakaisa. Na kung noon pa sila bumaba sa pwesto habang hindi pa sumasama ang kanilang reputasyon sa mga tao ay maaaring mas hangaan pa sila at mas matimbang pa ang pagpapahalaga sa kanilang mga nagawang kabutihan kaysa sa mga unsavory accounts kaugnay ng kanilang pamumuno.
Sa encyclopedia, bata pa si Gaddafi sa litarto doon,a... well ang panahon kung kailan malinis pa’t hinahangaan ang kanyang mga pangarap at adhikain para sa kanyang bansang Libya.
***
Dahil sa panahon na muli ng Undas, panahon na naman ng mga kwentong kababalaghan sa TV man o sa mga babasahin. Ng tungkol sa mga misteryo, pagpaparamdam, paranormal issues, etc (sa palagay ko kaya may multo sa ilang abandonadong bahay ay dahil sa napabayaan ang mga ito ng mga henerasyong dapat sana ay mangangalaga dito; mga bahay na minsan ay pinagsumikapang ipundar ng mga may-ari dito noon, the fruits of their labor of love at pagkatapos sa paglipas ng panahon kapag wala na sila ay kasama rin nawala ang kasaysayan ng kanilang tahanan).
Kagabi ay nanood ako as usual ng mga Halloween special sa TV tulad ng nakagawian ko noon pa. At doon sa Imbestigador, kabilang sa features dito ay ang matagal nang reputasyon ng Bundok San Cristobal, ang kakaibang kakambal daw ng Bundok Banahaw. Nabanggit ko nga pala sa May blog dito na matagal ko nang pangarap pumunta sa Lucban, Quezon kapag Mayo 15 na’t Pahiyas doon, sa Kamay ni Hesus, at sa paanan ng Bundok Banahaw, ang bundok na sine-celebrate sa Tagalog folk song na ang pamagat ay may parehong ngalan. Kaya lamang ayoko nang isantabi ang Bundok San Cristobal or simply Cristobal. Hindi dapat bansagan itong bundok ng mga maligno at ang mga tagaroon sa Dolores, Quezon na ang nakikiusap. Ipinangalan ba naman kay St. Christopher (the very name of this ancient Christian martyr means “Christ-bearer”), patron ng mga manlalakbay, including mountaineers and hikers. Ang kanyang alaala ay nakaukit sa upper facade ng Miag-aw Church sa Iloilo kung saan mukha siyang isang Pinoy na magsasaka doon, napaliligiran ng mga namumungang bayabas, papaya at niyog, at pasan niya sa kanyang likod ang Panginoon na nagpakita sa kanya bilang isang musmos na may pambihirang bigat na sumasagisag daw sa pagpasan sa kasalanan ng sanlibutan. Parang blasphemy na yata kung patuloy pa ang mga kwentu-kwentong walang basehan na ikinakalat pa rin ng ilang tao- igalang na lang natin kung ituring ng marami na banal na bundok ang Banahaw ngunit kahit na hindi pa ako kailanman nakararating sa Cristobal, na-iimagine ko na kung kagaano kabigha-bighani ang mga payapang tanawin buhat doon habang nagninilay tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran na madarama sa mga kagubatan dito... at sa gitna ng kapayapaan at kalikasan na patuloy na umiiral ay madarama nga ang presensya ng Panginoong Diyos na lumikha sa lahat ng ito, sa sanlibutan.

1 comment: