This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, April 28, 2012

Tropical Southwest Monsoon


The following short essays are called the Summer Lilies Anthology, an assortment of mini-blogs in continuation of the previous soliloquy posted this month of April. By the way, may mga naidagdag na akong pages dito sa blog site. Pakitingnan na lang ang tabs sa menu bar sa taas. Salamat.

Noong mayroon pa akong Friendster account years back, ako halos ang nagpo-post sa comments’ corner ng profile ko doon na ginawa kong mini-blogging area. May pumansin man o wala, ang mahalaga ay ang freedom of expression. Nostalgic. I talk about whatever matter or issue I like.

*Panatag (Scarborough) shoal just like the Kalayaan Group of Islands in the Spratlys. The rich fishing grounds legally claimed by the Philippines as part of the exclusive economic zone and coveted by China, overfishing fishy fishermen, and greedy poachers. Oh, really... historical claim since the time of bygone dynasties; where’s the evidence, the solid proof generally accepted by the global community? The time when the empire had their greatest expansion and collapsed and rebuilt while our country, the “Pearl of the Orient Seas” was not yet called “Filipinas” by the Spanish conquistadores but rather archipelago of “Ma-yi” to Chinese traders. Pinaniniwalaan ng mga Intsik na nangingisda na noon pa sa Panatag ang kanilang mga ninuno; wala bang gaanong mahuli sa mga baybaying dagat na pinakamalapit mismo sa imperyo nila? Para sa mga makabayang Pinoy, kung ancient times naman ang pag-uusapan, hindi ba’t higit na kapani-paniwala na mas nauna nang nangisda doon ang mga sinaunang Pilipino sapagkat malapit lang sa Luzon? Katakut-takot na biyahe ang gagawin ng mga Tsinong mangisngisda marating lang ang Panatag mula sa Timog Tsina samantalang oras lang ang bibilangin ng mga Pilipinong mangingisda marating lang ang naturang pook.

*North Korean rocket launch last Friday the 13th of this month; well, the superstition became true to the NoKor regime and some people jeered at it because it was like some erectile dysfunction. NoKor propaganda movement to conceal the biting realities of their nation just went on, tsktsktsk!

*Transgenders accepted in the Miss Universe as Donald Trump nodded- “you’re accepted, not fired”. Oh my goodness... XY chromosomes rule? Anyway, chromosomes never lie kahit na buong katawan ang iparetoke. But the radical change in the world’s biggest beauty pageant had become unfair to the genuine XX chromosomes.

*Noong isang araw, isang maalinsangang araw yun, ay nagtungo ako sa Redemptorist Church sa Baclaran. Tapos may isang ale na karga pa ang anak niyang maliit at lalapitan ang gusto niyang lapitan upang manghingi ng tulong na pamasahe raw nila pauwi. Napayuko na lang ako bilang pag-iwas at mabigat ang pakiramdam ko. Paano yun? Acts of charity na hindi ko ginawa eh nasa loob pa man din ako ng Simbahan kahit na naghulog naman ako sa donation boxes doon? Kulang pa ba dahil hindi ko pinansin yung ale? Nagdasal uli ako, sumama sa nagkatipon na mga tao sa may Santo Niño at doon sa may maraming kandila malapit sa may mosaic masterpiece na representasyon ng Our Lady of Perpetual Help. Hindi na nga pala bago sa akin ang sitwasyong iyon kasi many years back, meron din ale na nakikihalo sa mga tao na nagsisindi ng kandila. Isang nakatatanda na lumapit at humingi ng tulong na dagdag-pamasahe pauwi raw sa Cavite. At nagbigay ako ng bente pesos nang walang alinlangan. Umaalingawngaw kasi sa isipan ko ang mga kwentu-kwento tungkol sa mahihiwagang nagbabalatkayo at humahalubilo sa madla upang subukin ang mga tao. At hanggang sa paglalakad ko palabas ng Redemptorist ay nasa isip ko ang tagpo sa may Simbahan. Ngunit pagkakita ko sa security guard, napatigil muna ako at nagtanong. Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa ale kanina. Sa hindi mabilang ba naman na mga tao na nakasalamuha ng mama na ito, napangisi na lang siya at sinabi na modus yun ng ilang tao. Modus operandi ng mga nagsasamantala sa debosyon ng mga dumarayo sa Baclaran? Ang sinabi ba niyang iyon ay kaliwanagan na sa akin na hindi ako dapat ma-guilty sa ‘emotional blackmail’ ng ibang tao? Ah, sa panahon ngayon, hindi na mapagtanto kung sino ba ang tunay na nangangailangan at sino ang nagpapanggap lamang upang manamantala sa kapwa. Kahit sa mga sagradong pook tulad ng Simbahan ng Baclaran.

*Nahihilig na nga pala ako sa panonood ng James Bond movies mula nang napanood ko sa HBO ang “The Living Daylights” kung saan si Timothy Dalton ang gumanap sa most famous spy in the world of fiction, sexy Secret Agent 007 of the British author Ian Fleming. Nasundan pa yun ng “License to Kill” na ang nabanggit na aktor ang siya rin gumanap. Then, Sean Connery-starred “Diamonds are Forever”. Pagkatapos ay ang “The World is not Enough” with Pierce Brosnan with his hairy chest screaming out. Ngunit ang latest na napanood ko sa HBO at para sa akin ay one of the best Bond films ay yung “Octopussy” with Roger Moore. A real superhero kahit walang supernatural powers; ang kanyang undisputed superpower nga pala ay ang pagiging let’s say, ever irresistable. Set aside the romantic interlude and escapades at hindi naman nauubusan ng ganoon ang ating hero na hindi halos nagugulo ang nakapomadang buhok at hindi rin narurumihan ang Oxford shoes, I just love the suspenseful action scenes. Napabilang nga pala minsan sa comics section ng Philippine Daily Inquirer ang ilang vintage comic strip ni James Bond. May iniingatan pa akong isang 1992 issue ng isang Marvel comics na binili sa Baclaran noong 1995 nang may Booksale pa doon. Ang comics na iyon ay nagkaroon din ng animated series adaptation na ipinalabas noon late ‘90s sa channel 7. According to that Marvel comics, may anak si James Bond na destined na sumunod sa yapak niya, si James Bond Jr., na siyang bida naman dito. Pang-ilan siya? Sinong nanay niya? Sa dami ba naman ng mga tsikas na nahumaling sa ating favorite secret agent, hehe! Napanood ko sa channel 7 na ipalalabas ang lahat ng James Bond movies mula sa classics hanggang sa “Quantum of Solace” na mga recent Bond movie na hindi ko pa nga napapanood.

*Anu-ano nga ba ang mga usap-usapan ngayon? Ah, bukod sa hard training, nariyan din ang enthusiasm sa revivalism, the doctrines of sola scriptura or sola fide, and public preaching (both private and publicized) ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao... at nang nakarinig ako ng awiting-bayan na “Paru-parong Bukid”, naalala ko ang mga political parties na sinalihan niya, hehe! Sa susunod na taon na pala ang eleksyon, tsktsk! Kaya nga unti-unti nang napapanood ang ilang nagpapahiwatig na pulitiko sa ilang advertisement sa mass media.

*Habang usap-usapan din ng madla ang tungkol sa season ngayon ng “American Idol” at si Jessica Sanchez, ewan at parang kibit-balikat lang ako at hindi ako plastik pagdating dito. Ang sinusubaybayan ko’t kinatutuwaan ay yung isa pang American-based talent show kung saan may mga Filipino-Americans din na naglakas-loob na sumali. Showing ito sa Velvet Channel, ang “RuPaul’s Drag Race” na Season 4 na. Bagamat bading na bading, ahahahay...hehehe, aliw na aliw ako sa tuwing nanonood ako dito na hosted by America’s drag superstar, RuPaul. Napanood ko yung season 3 kung saan top 2 pa ang flamboyant yet cutie Fil-Am drag queen na si Manila Luzon na para sa akin ay ang pinakapopular na kalahok doon kahit hindi siya nanalo. At ngayong season 4, may dalawa pang Fil-Ams ang sumali, sina Jiggley Caliente at Phi Phi O’Hara. Hayaan ko na ang mga tao sa paligid kung tutok na tutok man sila sa “A.I” dahil iba ang trip ko, ano?

*Muli na namang nagbalik ang ilang animé para sa mga bagong henerasyon, a. Yun nga lang ang problema ay yung airtime. Well, in the ‘90s, buo ang bawat animé episode from the opening theme to the closing theme kung saan naka-flash pa ang credits sa mga voice talents, dubbers, at iba pa nagtulung-tulong to make the Tagalization and comprehension possible to the Filipino viewers at nakabalanse dito ang bawat commercial break. Ngayon ay parang nabawasan ang excitement; ah, sa dami ba naman ng mga mas recent pang animé lalo pa kung may cable channels sa TV (ang isang recent nito na sinubaybayan ko ay ang “Blood+” mula sa Studio 23; bwisit nga lang na kung kailan patapos na saka pa biglang nilipat ng schedule kung saan inulit na naman ang ilang past episodes!). Kaya lang ay hindi ko pa rin mapigil na manood muli ng ilan sa mga animé na iyon. Muling ipinalalabas sa channel 7 ang “Mojacko”, ang ‘apo’ ni Doraemon at hindi binago ang mga voice talents sa likod nito. Naghatid sa akin ito ng high school memories. That was in the late ‘90s at naalala ko na nagmamadali pa ako noon lagi na makauwi galing eskwela mapanood lang ito na tuwing hapon pa iyon, hehe! At pagkatapos, talk of the class kadalasan ang tungkol dito ng mga magkakaklaseng pare-parehong natutuwa dito. Ang isa pa ay ang “Slam Dunk” na ilang beses nang ipinalabas sa channel 7 pero hindi nakakasawang panoorin bagamat una itong nasa channel 5. College memories naman ang hatid nito kasi palagi rin tema ng daldalan ng mga kaklase ko noon sa AIMS. And then after so many years muling naulinigan ang “moon tiara action!” Sa channel 2, hehe, ngunit mas buo naman na ipinalabas sa cable channel na “Hero” under the “shoujo (young girls) power” category, ang “Sailor Moon” (damn, wholesome sana ito kaya lang hehe, pansin ko sa succeeding seasons kapag dumating na ang iba pang tauhan, parang may mga les, ha; o baka naman ay sisterly love lang yun; isa pa, ang Sailor Moon, tulad ng iba pang wholesome anime ay biktima ng hentai versions na gawa ng ilang tao with prurient interests at walang magawang mabuti , damn!). Tandang-tanda ko pa na una itong nasa channel 5, 1994 yun, mga ilang buwan pagkatapos ma-established nang tuluyan ang kasikatan ng “Dragon Ball” na nasa channel 9 naman para sa avid Filipino animé viewers. Seasonal ang showing ng “Sailor Moon” sa channel 5 at tuwing weekend lang kaya nga nang napanood ko ang last season nito (na inilipat sa Saturday primetime schedule) ay noong 1999 ba yun o 2000 o 2001... hindi ko na maalala basta merong mga bagong characters tulad ni Chibi Chibi at Sailor Starlights (hindi lang si Ranma ang gender-shifting dito, ano?) Aba, every Sunday afternoon yun, 4:30 (buti at hindi napasabay sa “Dragon Ball” at sa mga live action series tulad ng “Machine Man” at “Mask Rider Black” sa channel 13 naman alongside “Battle Ball” and “Ghostfighter” in 1995). Ang sinusundan pa nitong isa pang animated series ay ang “Pro-Stars” kung saan ang tatlong bida ay isinunod sa mga legendary athletes na sina Michael Jordan, Bo Jackson, at Wayne Gretzky. Pagdating ng 5:00 ay yung isa pang pinanonood ko, ang “5 and Up”. Hehe, iba talaga kapag sinubaybayan nang husto ang mga panooring minsan ay naging bahagi ng masayang nakaraan, ano? Mapapansin nga sa mga nag-comeback na animé tulad ng “Sailor Moon”, “Mojacko” o “Slam Dunk” na bahagyang kupas na ang kulay nito ngunit hindi maitatangging may mga bagong henerasyon naman ang mahuhumaling at malilibang dito. And I felt nostalgic...

*Oo nga pala. Target ko na bago matapos ang summer ay maipalimbag ko na ang bwena mano kong akda na nakahanda na ang lahat para ito mai-publish. Freelance lamang ako at ipina-register ko sa Department of Trade and Industry ang aking sariling publications bilang sole proprietorship dahil napakahalagang requirement ito para maisyuhan ng ISBN ang aking mga ilalathala. Basta, sasabihin ko na lang dito kapag ready na.


Monday, April 16, 2012

Ego Trip on the 16th of April: A Soliloquy For a Certain Blogger called WEIRDJTT

“Doon po sa Amin”
(Tagalog na Kundiman na kinatha noong 1800)


Doon po sa aming maralitang bayan

Nagpatay ng hayop, Nik-nik ang pangalan

Ang taba po nito ay ipinatunaw

Lumabas na langis, siyam na tapayan

Ang balat po nito ay ipinakorte

Ipinagawa kong silya’t taburete

Ang uupo dito’y kapitang pasado’t

Kapitang lalakeng bagong kahalili.

Doon po sa aming bayan ng Malabon

May nakita akong nagsaing ng apoy

Palayok ay papel gayundin ang tuntong

Tubig na malamig ang iginagatong.

Doon po sa aming bayan ng San Roque

May nagkatuwaang apat na pulubi

Nagsayaw ang pilay, kumanta ang pipi

Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.



*Nabasa ko mula sa isang batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika 4- Makabayan: Kapaligirang Pilipino; may-akda: G. Menardo O. Anda; napakinggan ko na ang himig at awiting ito na kundimang mala-novelty song.

***
(the garden at summer)

(WARNING! Those people who do not have time to understand weird literary works such as the following essay for the month of April and you feel that you are just wasting your precious time on this, just navigate away from this page and look for real, cool blogs that suit to your styles or rather spend your leisure moments with your beloved Facebook because I also don’t have time on weirdo-haters like you! ~@weirdjtt)

JOAN T. TEVES, an androgynous-looking, unpredictable weirdo, was born on the day when the position of the Sun in the sky continues on its zodiac path of Aries along the celestial equator. This strange being loves glancing at the sky while the soft wind is gently passing by whether during the day or night. And thus established arcane and secret retreats on the Aristarchus crater in the navel of Oceanus Procelarium (Ocean of Storms) and Lacus Somniorum (Lake of Dreams) which are both on the surface of the Moon, at the summit of Olympus Mons and in the wilderness of Chryse Planitia (Plain of Gold) somewhere in Mars, and especially in an inhabitable, life-sustaining Earth-like world that belongs to a planetary system (not yet proven by astronomers because they have no time to think that it exists) that orbits around the great star Sirius of the constellation Canis Major.

“Children’s Games” (1560) by the Flemish Renaissance painter Pieter Brueghel the Elder (or Senior; he’s the patriarch of his artistic clan)courtesy of Wikipedia; notice the playful human figures in this fun-filled painting? They’re mostly grown-ups!

Ayaw na ayaw kong ipagsabi kung ilang taon na ba talaga ako bagamat hindi na maitatanggi sa birth and baptismal certificates ko. Ah, basta hindi ko na lang inaalala ang tunay kong gulang at kinukundisyon ko ang aking sarili na katulad pa rin ako noong sampung taong gulang pa ako; ang isipan ko lang ang umaayon sa tunay kong edad. Ah, gusto ko, eh! May napanood nga rin pala ako noon sa National Geographic Channel na isang kabanata ng kanilang “Taboo” tungkol sa “Role Play”. Mga tungkol sa iba’t ibang pantasya ng iba’t ibang tao ngunit ang napanood ko lang ang yung tungkol sa “adult baby” feature- mga normal namang mga tao ngunit kung mayroon man silang kakaibang kasiyahan sa loob ng kanilang mga tahanan at wala naman silang inaagrabyadong tao ay wala na tayo doon. Kung ako man nga ay masasabing exact opposite ng mga kasing-edad ko, hehehe!

Ang pogi naman ng nasa litratong ito gayundin yun nasa profile pic.

The above image is a recent, eerie portrait of this weird blogger. Skullcap-looking hairstyle? Long hair naman ako sa totoo lang at ayaw ko pang magpa-trim nito. Huwag niyo lang ako diretsahang pariringgan ng kantang “Pagdating ng Panahon” (na malimit din mangyari, sigh...) at upak ang aabutin niyo... nyehehehehehehe! Pero aaminin ko na nitong nagdaang Graduation ng Batch 2012 ng Villamor Air Base Elementary School (VABES), kasama rin nagmartsa ang lahat ng guro; tapos, ako ay naka-disguise. Disguise na mukhang girly-girl at nakalugay ang aking long hair and I was ‘hiding inside myself’; I felt uncomfortable, honestly. Ah, sa mga babasa nito, alam ko na siguro ang inyong judgment sa akin, hihi! Siguro nga na ganito lang ako buhat pa noon ngunit ang aking sagot ay sa pamamagitan ng sketches na ito- pareho na unang pina-upload ko sa aking Friendster account noon pa at yung isa naman ay ginawa ko rin profile pic noong may Facebook pa ako; ah, mayroon na palang ganito dito, sa bwena mano na post nang nag-sign up ako dito sa Blogger na muli kong re-post ko muli sa April 2012 blog kong ito.



***

"Judas grieves" and "Pieta"- both done by crayon etching

Post script to the Holy Week. Meron na palang coined word na “staycation”. Katulad namin dito sa bahay at sa iba pa. Iba talaga ang katiwasayan ng kapaligiran sa tuwing sumasapit ang Holy Week. Nag-imagine na lang ako na nag-out-of-town ako,eh. Sagrado na mga araw... ah, kung sa good deeds, hehe, hindi ko na ihahayag dito; it’s just between me and the good Lord. Ang makukwento ko lang dito na may kinalaman sa Holy Week ay tungkol sa Via Crucis o Daan ng Krus. Biyernes Santo o Mahal na Araw, maalinsangang araw, hindi ako aktwal na nakapag-visita iglesia. Doon na lang ako sa loob ng silid, ipinanatag ang sarili at nagsumikap para sa isang malalim na meditasyon habang binabasa ang booklet ng Daan ng Krus habang nasa malalim din na imahinasyon na almost trance-like. May nabasa kasi ako sa encyclopedia tungkol sa tinatawag na transcendental meditation at isinasagawa rin ito ng mga Jesuits buhat pa noon sa panahon ni St. Ignatius Loyola. Gamitin daw ang malalim na imahinasyon na naka-focus sa buhay ng Panginong Hesukristo. Be still, be calm. Concentrate and contemplate even though I am not that religious . Sa pamamagitan ng Daan ng Krus kahit na wala naman ako sa loob ng Simbahan o saan man retreat places tulad ng Via Crucis ng Guimaras na iniisip ko, animo nandoon na rin ako. At inabot ako ng halos isang oras at pagkatapos nga ay nakadama ako ng pagkahapo na mistulang sumama ako sa mga nag-Way of the Cross. Alam kong kakaiba at iba pa rin kung aktwal ngang nagtungo sa mga itinalagang pook na iyon. Nabasa ko na rin sa wakas ang Pabasa o Pasion. Napakahabang tula na hitik sa mga makalumang Tagalog na mga salita, limang pangungusap sa bawat taludtod na may tigwalong pantig. Nababaduyan ako sa napakikinggang uso raw na modernong pag-chant nito, hehe! Ngunit hindi man ako sumama sa mga pangkat na nagpapabasa, mag-isa ko itong binasa at inawit sa isip ko; pero sa halip na awitin, mainam din pala ang poetry recital nito. Bukod sa makabuluhang gawain noong Semana Santa, isa rin itong appreciation ng panitikang Pilipino. Ngunit makaluma pa rin talaga dito at nagtataglay ng biases. Naganap na ang Vatican councils at matagal nang inihayag ng mga nagdaang Santo Papa na tigilan na ang patuloy na pabubunton ng sisi sa mga sinaunang Hudyo tungkol sa pagpako sa krus ng Panginoong Hesu-Kristo.

Spirituality. Different expressions of it from simple but solemn praying and meditating, religious activities to the extreme like actual crucifixion reenactment(real sharp nails, crown of thorns, and the heavy wooden crosses; only in the Philippines) and self-flagellation. Activities done out of spirituality. Essence of spirituality na nawa’y hindi ito seasonal lamang. Amen.

***

Post script again. Noong isang araw pa nadagdagan ng pages ang blog site na ito. Gaya nga ng plano ko noon pa na i-integrate ko dito ang mga essays mula sa una kong blog site. May mga kaunting nai-edit lang ako sa ilan sa mga ito tulad na lang ng naidagdag sa “Prayers” at mga uploaded pictures sa “Cosmic Reverie”.
Happy birthday to Pope Benedict XVI; I pray for your health and may the good Lord bless and keep you. At maligayang bati rin sa isang nagngangalang JOAN T. TEVES :)