*pambihira, salagubang pala yun at hindi uwang! (6/30/12), hehe...
the May or June Beetle- courtesy of Wikipedia/Patrick Coin (author)
Johnny-come-lately chatter about that big three news in a row many, many days ago. First, Lady Gaga concert at the newly-constructed SM Mall of Asia Arena. Noong first time namang nag-concert dito sa bansa ang ale na iyon, wala namang mga maiingay na protesta. Hindi naman ako fan niya pero trip na trip ko ang kanta niyang “You and I” and its corny/maize-rich music video... because of her piano playing and crossdressing scenes in the famous Nebraska cornfields (doon ba talaga nai-shoot ang video?). Oh, almost forgot. The “Judas” song, the great cacophony to every fundamentalist’s ears. Lady Gaga looks like Marilyn Manson in the music video but I understood the lyrics even though according to the Gospels, Mary Magdalene and Judas Iscariot were never been some love team. Lalo na noong pinuna ni Hudas ang ginawa ni Maria Magdalena na paghugas sa mga paa ng Panginoon at pinunasan ito ng sarili niyang buhok; an ancient method of foot spa. Ngunit ano pa man ang paliwanag tungkol sa artistic contents ng kanta, hindi na talaga maawat ang mga protesta. Well, which is more annoying? The Lady Gaga concert or that controversial art exhibit of Mideo Cruz last year? Fundamentalists will probably answer about the concert?
Magkakaiba-iba talaga ang saloobin at pananaw ng mga tao lalo na sa isang demokratikong bansa gaya ng Pilipinas. Man, naalala ko ang isang nabasa ko sa dyaryo many years back. Some modern day puritans condemn Barney and SpongeBob Squarepants as harmful entertainers to their young ones because of alleged homosexuality. Oh, my goodness... respetuhin na lang ang saloobin ng ibang tao kahit na napapailing na ako sa kanilang mga naglalagablab na mga krusada. Let them stay clean because they want to stay clean by disinfecting things they believe to be threats to cleanliness because cleanliness is next to godliness according to them. Kibit-balikat na lang ako, hehe...
By the way, naalala ko na naman ang tungkol sa kontrobersyal na makabagong edisyong inilathala ilang taon na ang nakalipas ng tungkol sa gnostic Gospel of Judas; and its sudden outburst as some talk-of-the-town gradually faded away again just like its fate during the ancient times. At saka sa isang past blog ko dito (please see “Ego Trip on the 16th of April: A Soliloquy For a Certain Blogger called WEIRDJTT” dated April 16, 2012), isa sa dalawang crayon etching artworks na naka-upload doon ay may pamagat na “Judas Grieves”. Noong meron pang “Rock Rumble” program sa 102.7 Star FM, malimit ko pang marinig sa airwaves ang “Halik ni Hudas” ng Pinoy rock band na Wolfgang. And the age-old question goes: why did Judas Iscariot need to KISS Christ?
uploaded picture of Giotto Di Bondone’s Kiss of Judas pre-Renaissance fresco/ courtesy of Wikipedia
Second, Jessica Sanchez. Ah, what a reign of the white guys with guitars. Ngunit paano naman si Adam Lambert na runner-up din siya pero mukhang nahigitan na niya ang champion ng American Idol season na sinalihan niya? Hindi naman ako fan ni Jessica. Great voice, yeah-yeah. And great Californian twangy accent; wondering where’s the sweet Mexican tone since she is also half-Mexican herself. Sa totoo lang nitong huling laban ni Pacquiao kung saan inawit niya ang pambansang awit ng Amerika, parang wala akong naintindihan sa mga binigkas niya. Tapos, narinig ko yung ilang FM radio DJs na nagkukumentaryo tungkol sa boxing event na kung si Jessica naman ang paaawitin ng “Lupang Hinirang” with all that twang... at na-simulate pa nila ang posibleng tunog, hehehehe, natawa ako sa narinig ko mula sa kanila! Ang punto ay tulad sa iba pang Fil-Ams na English lang ang alam na lenggwahe at napilitan at napilipit ang dila sa wikang Filipino.
Third, Chief Justice Renato Corona. Ah, SALN (statement of assets and liabilities net worth, tama ba?)... the piece of paper which has the power to topple down anyone in the government. My further comments about that, I’ll just keep to myself and my diary, not here. Bilang isang empleyado ng pamahalaan, batid ko rin kung paano magsulat sa isang SALN. Just don’t make it bland or tasteless, salten your SALN and make it complete!
At tulad ng nauna nang tinuran ng netizens, laspag na nga ang patawa effect na ito: “Mga gaga, hindi nakuha ni Jessica ang corona!”
***
picture of hard-boiled jackfruit seeds or beans
Mmm...yum,yum,yum,yum! This is not the usual platter of beans for your chili con carne. Fresh jackfruit seeds which were hard-boiled for almost an hour. Before munching on these nutty delights, peel off the white hull and brown outer seed coating. Taste almost like taro root crop (gabi).
***
Updates on international pageviews of this blog site. The long list now includes Gabon, Kuwait,Netherlands, Thailand, Vietnam, France, Indonesia, Sweden (because I once talked about their Marabou chocolates in the past blog “Impressionist Wannabe” dated August 6, 2011), and then China. Siguro, kung hindi overseas Filipino worker yun doon, eh, baka tagaroon mismo. Nagsasaliksik ng tungkol sa iba’t ibang pananaw na may kinalaman sa Scarborough Shoal (Panatag) stand-off eh, may mga binanggit din kasi ako tungkol doon sa mga past blog posts dito.
Nitong isang araw ay may nabasa akong article sa New York Times na naka-insert sa Saturday Edition ng Manila Bulletin (dated June 9, 2012). Tungkol sa mga alitan sa West Philippine Sea or rather South China Sea in international terms. May binanggit kasi doon tungkol sa ginawa umanong pagbabanta ng Chinese naval authorities sa isang Indian oil exploration company na kasosyo ng Vietnam. Nag-back off tuloy ang kumpanya ngunit nagbitiw ng matapang na pahayag ang Indian foreign minister na “The South China Sea is the property of the world.”
The Dalai Lama
Sabi raw ng ilang turista, kapag nasa China at mag-Google ang sinumang nag-i-internet, hindi mahahanap ang mga artikulo tungkol sa Dalai Lama (I remember those old news items showing ‘very nationalistic’ Chinese protesters branding him as some riot seed during his US visit), Tienanmen Square protests (the tragic people power revolution), at iba pang itinuturing na “enemies of the state” umano. During the 2008 Beijing Olympics, it was been reported that China refused to include the Philippines as one of the Olympic Torch itinerary just because of the Spratlys issue; despite the grandeur, their famous Bird’s Nest has a rotten egg in it!
Nitong Hunyo mismo, bumisita ang 17th Karmapa at ang venue ng kanyang sessions with the audience ay sa SMX Convention Center; hindi ako nakapunta doon. Wikipedia please and you will be surprised to find out that there are actually two 17th Karmapa. Sino ba sa kanilang dalawa yung batang maliit na may suot na dilaw na headdress na nasa litrato ng artikulo tungkol sa Tibetan Buddhism sa aming 1989 edition encyclopedia? Marahil kung magkakaroon din ng Philippine visit ang Dalai Lama, tiyak na mag-aalboroto ang China at pag-iinitan ang ilang may kinalaman sa ating bansa tulad ng ginawa nila sa ating banana exports or travel ban sa tourists spots natin, tsktsktsk... annoying and arbitrary bullying! May mga Tibetan nationals din daw dito sa bansa noon pa. A Tibetan monk is a sure picture of peace maliban na lamang kung sumali siya sa mga protesta laban sa Chinese government sa pamamagitan ng pagsilab sa kaniyang sarili just like that Vietnamese monk during the Vietnam War. Malaking bahagi ng buhay ng kasalukuyang Dalai Lama ang mamuhay at mamuno in exile. According to general references, sinamantala kasi ng China ang pagiging isolationist ng Tibet noon. And then tightly hugged the land of the monks as her very own. Meron akong napanood minsan sa English-speaking Chinese cable channel kung saan man may isang documentary (with propaganda contents perhaps) tungkol sa Tibet at mga tao dito na higit na bumuti umano ang kalagayan nang dahil sa pamamahala ng Chinese government. Yet the Tibetan protests will never be suppressed. Learn from the sands. The tighter you hold it, the more it will slip out of your hands.
No spark of antagonism in China-Philippines relations, please. Anyway, according to several accounts, their ancient traders and seafarers from their bygone dynasties of illustrious emperors used to call my country as “Ma-yi”, the land of gold.
***
uploaded picture of a tumbleweed/ courtesy of Wikipedia/ Flickr
Sa trabaho ko ngayon, panghapon na at inilipat ako sa Ikalimang Baytang. At least, wala nang advisory class at HeKaSi pa rin na may isang EPP ang subject load! Naalala ko ang isang conversation ng mga characters nina Leonardo Dicaprio at Kate Winslet sa “Titanic” noong getting to know each other pa lang sila, itong si Lover Boy aka Jack Dawson ay ikinumpara ang kanyang sarili sa isang tumbleweed na tutubo na lang kung saan siya dalhin ng hangin. Wala namang tumbleweed dito sa Pilipinas pero merong talahib at amorseko. Na tutularan ko rin...
***
Matagal ang hangover ng madla tungkol sa katatapos pa lang na Manny Pacquiao-Timothy Bradley bout. I think the results were so unfair. Ngunit bilog ang mundo hindi parisukat tulad ng boxing ring. Aside from that, ang madla ay nagtataka rin; a rosary used to be prominent around his neck sa bawat sagupaang sinuong niya magwagi man o mauwi sa draw ang laban. Napanood ko pa nga sa isang defunct show ng GMA-7 na “Magpakailanman” noong pasikat pa lang siya at isinadula ang kanyang buhay (iba pa yung sa isang sine, ha?), nakasaad doon na noong nagsisimula siya sa boksing, ang asawa niya ang unang nagsabit ng isang rosaryo sa kanya at buhat noon ay lagi na niya itong sinusuot bago at pagkatapos ng bawat laban. For sola scripturan reason? Will he quote Matthew 6:7 to justify? Anyways, I still find the bout results as unjust. Some people think- is it because they don’t want to tarnish Bradley’s winning streak? Hometown decison? And how I wish that Timothy Bradley will never be another Floyd Mayweather, Jr. Preacher na pala si Pacquiao, ano? Let him also solemnly preach with his actions now that he will return to his congressional duties. Will a rematch be arranged sometime in November or December?
I’m sorry to admit this. Bakit kaya buhat noong napanood ko ang laban at pati yung sa kanila ni Marquez last year, napapagunita ako sa isang dialogue ng sine na “The Scorpion King” kung saan ang pangunahing kontrabida na si Memnon ay nasabi out of some instinct sa kanyang Sorceress na “you look... diminished...”. Ewan basta hindi naman sa naghahanap ako ng mas maaaksyon pang sagupaan sa boxing ring tulad sa mga nakaraang laban niya. Siguro kung kasing-agresibo pa rin siya noong mas bata pa siya ay... oo nga pala, no more contrary image of a fighter-preacher, please...
***
Muli kong binuklat ang Polaris, ang aming yearbook sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) at ang mga classroom pa namin noon sa lumang Sea Tower na nasa kanto ng Roxas Boulevard at Arnaiz Street ng Pasay City (very memorable ang building na iyon). Iilan lamang ang kilala ko dito, mostly mga kapareho ko ng kurso, ang BS Customs Administration (ang layo naman ng relevance nito at sa dual career ko ngayon, hehe!) ngunit ang quotes ng ilan kong ka-batch kahit sa ibang kurso are quite of great interest. At saka , parang hindi ko matingnan nang matagal ang itsura ko doon sa totoo lang. Inedit pa nila ang ipinasa kong quotation na ako nga mismo ang nag-compose di tulad sa karamihan sa mga kaeskwela ko. Ang original na quote ay dapat sana ganito: “Take advantage now of a hearty laughter because tears might come later”; pagdating sa yearbook, sa ilalim ng litrato ko at address/contact number, ang nakasaad ay “Take advantage now of a hearty laughter because it might never come later”. Gusto kong magreklamo pero naka-imprenta na, tsktsktsk! Marami rin nga doon sa ilang pahina ang may typographical errors.
Karamihan sa mga quotes ay halos magkakapareho. Mga tungkol sa pananalig, pagsusumikap, tagumpay, karunungan, at iba pang aral ng buhay. Ang Confucian saying na “a journey of a thousand miles begins with one step” ay nagkaroon ng ilang alteration sa iba; yung isa ay ginawa pang ‘million miles’! Meron din naman not-the-usual, hehe! Marami ay fans ni Spider Man gaya nga ang quote ay “with great powers, come great responsibility” or the Christmas-themed “it’s better to give than to receive” and the kinky-sounding “make love not war” and then the warlike “only the strong survives” and the paradox of “the more you hate, the more you love”; marami naman doon ay ang sea man’s motto ang isinaad na “a man without ambition is like a ship without direction”. Hindi ko na lang babanggitin kung sinu-sino yun baka ma-dyahe ang mga yun, eh.
Ngunit ang mga sumusunod na quirky quotes ang tingin ko ay ang pinakamaaangas at ubod ng taray. I’ll mention their names and courses out of respect and acknowledgement of their witty side. Hoy, wala nang gagaya sa mga quotes nilang ito, ha?! Pero hindi ko lang sigurado kung sariling ideya nila at sila ba mismo ang nag-compose or mayroong ibang source ng kanilang inspiration.
“make your fantasy a reality” – Michael N. Coria, BS Computer Science
“love is responsibility” – Alfie M. Mendoza, BS Customs Administration
Mga quotes naman ang mga sumusunod ng mga seaman of the BS Marine Transportation course:
“the ship is my house, the sea is my land” – Daryl O. Barias
“touch the heart of the king, not his kingdom” – Geo Glen P. Biliran
“life is a roller coaster” – Gilord S. Dela Cruz
“today is sacrifice, tomorrow is paradise” – Russel L. Felipe
“study without application is abortion” – Fernan S. Guerrero
“”If the sea’s angry and the waves are fierce, a seaman’s task is never complete, for as along as there is water to sail and shore to reach, a seaman will never retreat” – Lucky R. Reyes
Mga quotes naman ang mga sumusunod ng mga seaman of the BS Marine Engineering course:
“Ryan Mojar Afable, now a name, soon will be a legend” – Ryan M. Afable
“no one can see the real beauty of the sea except a seaman like me” – Ace Dominick T. Petroche
“a seafarer will always be a seafarer forever” – Joseph S. Sanone
“a tremendous feeling has arisen in me, that even if you throw me in hell, you cannot disturb my paradise” – Vanz Ryan DR. Cariaga
Mga quotes naman ng mga seaman of the Seafarers Rating Course (SRC):
“no fear when Ryan is here” – Ryan J. Buenaventura
“I’m not afraid of the storm because I know how to sail” – Eros L. Nacional
Karamihan nga pala sa mga ka-batch ko ay nakakalat na sa buong mundo. Ang aming Alma Mater, ang AIMS, siya ang terminal or port, maraming schedule ng departure ngunit agad na natatapatan ng arrival schedule.
***
Noong Hunyo 9 nga pala, araw ng Sabado, sumali ako sa Manila Bulletin Sketchfest na ginanap sa Ayala Triangle Gardens. Tanghali na kasi nang nagtungo ako doon eh hanggang alas dos lang yun ng hapon. Napilitan akong mag-taksi lalo pa’t Makati ang lugar na iyon at kung mag-MRT tapos maglalakad sa paghahanap eh mabaho na ako sigurado pagdating pa lang sa venue, hehehe! Maalinsangan ang araw na iyon. Sa totoo lang ay magkahalong gusto at pag-aalinlangan ang nadama ko sa contest na iyon. Parang trip lang na wala akong pakialam kung talo na ako sa simula pa lang o magmukha lamang basura ang entry ko kung itatabi sa gawa ng ibang participants at mas maganda pa nga ang gawa ng mga nasa kiddie category. Kibitbalikat... ngunit masaya pa rin ako. Ang tema ng kontes ay “it’s more fun in the Philippines” pero importante na ma-integrate ang “Make it Happen. Make it Makati” campaign. Ang ginawa kong drawing ay may pamagat na “River Cruise with a Noble Cause. It’s more fun in the Philippines” sapagkat nakuha ko ang ideya para dito sa napanood kong balita noong nakaraang taon na isang Lithuanian student sa Asian Institute of Management- Makati ang gumawa ng isang balsa na yari sa plastic bottles na binalutan niya ng lambat at namangka siya sa Ilog Pasig sakay dito; iyon ay isa niyang environmental campaign at panawagan sa lahat na pangalagaan naman ang mga anyong-tubig ng Metro Manila na matagal nang problema ang polusyon. Hindi lang siya basta turista, ano? Make it Happen. Make it Makati... bawat lungsod pala ay may kani-kaniyang tourism campaign; nakabibighani nga ang allure of the Makati central business district skyline na natatanaw ko buhat sa rooftop ng bahay namin. Hindi naman ako tagaroon but it is the people who make up their home city of Makati not those high-rise buildings or the busy commerce areas.
May hiling lang ako. Kinuha na ng Manila Bulletin staff ang lahat ng entry. Kung sakali man na mababasura na nang tuluyan ang entry ko, sana huwag nilang ilamukos nang tapon sa garbage bag kundi isama na lang nila sa mga naipakilong waste paper na dadalhin sa recycling center.
Isang weirdo: ang lakas ng loob at tigas ng mukha na sumali sa MB Sketchfest kahit na not a chance na makapag-compete sa mga tunay na mahuhusay sa arts; ngunit di bale, ang pogi naman niya! May angal?
***
Ipinalalabas nga pala uli sa Studio 23 tuwing Linggo ng hapon ang ‘90s animated series ng X-Men and Spider Man tapos Tagalized na (pero as of this date, July 21- inilipat na sa bagong schedule ang X-Men na tuwing 5:30 pm na raw). Well, malinaw sa aking alaala na unang ipinalabas ang mga ito sa channel 2 noong early and mid-90s and in original English pa. Nostalgia again lalo na doon sa X-Men animated series na mas pinanabikan ko pa kaysa sa movie adaptations nito. Tandang-tanda ko pa noong 1993, Biyernes, April 16 na birthday ko pa nang nag-premiere ito sa Friday primetime ng channel 2 at sinusundan pa nga ito ng Highlander: The Series, the adventures of the Scottish swordsman Duncan McCloud. Basta, naalala ko na noong taon na iyon, hindi nakukumpleto ang Friday nights ko kung hindi ko mapanood ang X-Men (bwisit nga lang na madalas pa ang brownout noon). Then sometime in early 1994, wala pa ngang finale ang X-Men ay bigla na lang napalitan ng “Batman: The Animated Series” na exciting din naman. At saka... para bang mas okey pa ang TV program line-up noon. Tulad na lang sa channel 2 sa panahon nang ang “Eat Bulaga” pa ang noontime show nito. Ang primetime programs noon pagkatapos ng TV Patrol at pati na rin sa iba pang TV networks ay hindi pulos mga teledrama, reality and game shows ang umiiral kundi mga kwelang sitcom. At tuwing Biyernes ng gabi ay yun nga. X-Men or yung iba pang cartoons na sumunod dito at US imports- Highlander, The Nanny and especially ang nagpainit sa Friday Nights kahit hindi na summer, Baywatch. Sa ibang channel naman tulad ng 7, The Flash; sa 9, McGyver; sa 5, early Saturday night pa yun, ang Thunder in Paradise na tungkol sa isang hi-tech na yate at pinagbibidahan ni Hulk Hogan.
***
Oo nga pala. Isa rin sa mga pinakasinusubaybayan ko noong early ‘90s sa channel 5 ay ang “Idol ko si Pidol”. No big deal naman kung merong Home Along da Riles sa 2 or replays ng John and Marsha sa 9 ang ating King of Comedy dahil mga lumang pelikula naman niya ang ipinalalabas sa 5 na tuwing Martes pa ng gabi yun. Tuwang-tuwa pa ko noon. Well, walang katulad kasi si Dolphy.
Walang katulad si Dolphy at mapalad tayo na kabilang tayo sa henerasyon na napasaya niya at ng kanyang long, illustrious and brilliant career.
***
Lupit ng NBA Finals nitong nakaraang araw. Napatahimik ng init ang dagundong ng kulog. Last year kasi, pinulaan si Lebron James sa kanyang paglalaro at ngayon, bumawi siya. #LETSGOHEAT pa rin!
***
Update sa ipinaimprenta kong pocketbook na bwena mano kong ilalathala: ang tagal pang makumpleto ngunit slow but sure naman; sana, pwede ko nang maipakita ang babasahing ito bago pa man magtapos ang buwan ng Hunyo. Kagaya ng mga nabanggit ko sa bawat last part ng mga nakaraang blog posts ko dito, isa yun romance paperback. At saka pink ang choice color ko para sa cover page nito na may cover illustration na ako mismo ang gumawa. Ang girly-girl ng feeling sa pocketbook na ito. Sa totoo lang, ako na ang nagsasabi na tila wala naman sa itsura ko ang magsulat ng mga akda na may romantic contents, hehe... ang bwena manong akda na iyon ay mukha rin tulad ng iba pang romance pocketbook ngunit ayoko itong ikumpara sa iba. Kung sa karamihan sa mga romance ay boy-meets-girl ang karaniwang tema, sa akin ay mayroong girl-meets-girl scenario at naipahiwatig ko pa iyon sa back cover prologue! Whoa, binibigyan na siguro ng ibang kahulugan ang mga pahayag dito ng kung sinumang makakabasa ng blog na ito pero kung interesado man kayo, pakiantabayanan na lang ang pocketbook na iyon na sasabihin ko naman dito kapag available na. Ah basta, yung mga main characters na girls, ano... hehehe, abangan na lang kung sinu-sino sila at anu-ano ang kanilang mga pakikipagsapalaran sa buhay. O, kung girl-and-girl pa rin ba talaga sa pagtatapos ng kwento. Abangan...
Aaminin ko na ang mga akda ko na naisulat ay hindi nawawalan ng intimate scenes tulad na lang sa una kong pocketbook. Ang mga next in line pa na pagsisikapan kong maipalimbag in the months to come ay mas mahahaba na with heavier themes. Speaking of intimate scenes, discreet ako pagdating dito; yun nga lamang ay ako ang conservative, ang mga characters ay kadalasang hindi, hehe! Basta, mga adult characters and situations with maturity. Sa mga susunod na novella ay mayroong character na siya ang bida ngunit siya rin ang kanyang anti-hero kasi may pagka-bad girl ang dating niya or bawal na pag-ibig ng dalawang main characters and with a closet gay. Natatawa ako; basta mga kwento na tiyak na iri-reject lang ng mga publishing company na iyon kasi hindi umaayon sa expectations ang standards ng editors nila kaya nagtatag ako ng sarili kong publications na ipinarehistro ko sa Department of Trade and Industry nang sa gayon ay makapag-aplay rin ako ng ISBN at maging copyright sa National Library para sa aking mga akda. Isa akong independent writer at ako na rin maglalathala ng aking mga akda.
Sana, sa susunod kong pag-blog dito ay ikukwento ko na ang tungkol sa pocketbook kong iyon na ready na.
A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
yeah, ang haba ng blogs
ReplyDelete