This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 22, 2012

Alinsangan at Aliwalas at Ginaw sa Panahon ng Kapaskuhan

Sparkling Christmas balls set on fine, powdery beach sand inside a fish bowl
ang bagong parol na napundi agad ang isang bumbilya
ang lumang parol na isinasabit pa rin for sentimental value of the past Christmases
oriental motif for Christmas decorations

Ngunit iba pa rin ang mga natural na parol at Christmas lights, siyempre. On early evenings, look up sa ganitong mga araw ng Disyembre. Ibang klase ang kislap ng mga bituin at ang planetang Jupiter. Sama-sama sa silangang dako ang Orion, Taurus, Gemini, at Canis Minor. At ang malaking aso, ang Canis Major, kung saan sa ‘collar’ nito, naroon ang Sirius na mistulang parol sa langit.
Sinubukan kong litratuhan ang Sirius pero ang lumitaw sa mga larawan ay animo isa itong nebula or irregular galaxy.
***
Ilan sa mga susunod na sanaysay ay johnny-come-lately na nga yet never mind if these were that.
Maraming araw na ang nakalipas since Manny Pacquiao’s defeat and the cliché ng simile na iyon tungkol sa buhay na para raw gulong na taas-baba. And so goes the colorful boxing career of the man this year.If ever Juan Manuel Marquez will visit the Philippines, he should not worry about his security. Sa mga Pinoy na tumaya sa kanya, hindi naman ibig sabihin hindi na maka-Pilipino, ha? May isang nakadidismaya rin kay Pacquiao sa tuwing inaawit ang "Lupang Hinirang" bago ang laban niya. Sa halip na umawit din siya ng pambansang awit natin (pulitiko pa man din siya) ay panay pa ang ensayo nila ng kanyang coach; kabaligtaran ng mas relaxed at mas focused na si Marquez na kasama ang team nito ay nagbigay-galang talaga sila sa flag ceremony. At meron bang available na retaliatory edited photos sa internet kung saan si Justin Bieber ay nasa boxing ring screaming like a girl na ayaw madaplisan man lang ang mala-porselana niyang kutis? Halos mapuruhan si Pacquiao kaya panay ang pa-check-up; may God have mercy on Pacquiao.
Ah, isang araw matapos ang laban, napanood ko sa primetime news ng channel 5 ang panayam sa halos naghihisterikal na si Aling Dionisia sa kanyang paninisi at panunumbat sa mga pastor na iyon na laging bumubuntot sa kanyang anak. Aba, totoo pala itong tsismis-tsismis sa showbiz column ng isang lumang tabloid issue na may isang mag-inang celebrity na palaging nag-aaway dahil na-proselytize sa ibang relihiyon ang anak. Ngunit sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, karapatan naman ni Pacquiao kung nais niyang magpalit ng relihiyon. Siyempre, ipagtatanggol din naman ng mga pastor ang kanilang sarili mula sa mga banat ni Mommy D. Iba-iba lang talaga ang opinyon ng mga tao tulad ng isang hinuha na ito tungkol sa kanila na tila nagkaroon ng mindset na kung hindi umano sa isinagawa ng mga pastor na ito na “intensive” Bible studies, prayover, and solascripturan way of life na ipinakilala at kanilang “more meaningful” and “happier” praise and worship services, hindi raw matatalikuran ni Pacquiao ang mga bisyo nito. Bagay na hindi niya nagawa noong Katoliko pa siya, pastors? Huwag nang magpaliguy-ligoy pa with your goody-goody statements, please? Kabilang ba sa malimit na Bible passage nila ito (what if they are fundamentalists)? - "Do you think that I came to bring peace on this world? No, I came rather with a sword. I have come to set a man against his father and a daughter against her mother, and a daughter-in-law against her mother-in-law. A man's worst enemies will be right in his own home! If you love your father and mother more than you love Me, you are not worthy of being mine. Or if you love your son or daughter more than you love Me, you are not worthy of being mine. If you refuse to take up your cross and follow Me, you are not worthy of being mine. " (Matthew 10:34-38)
Well, si Pacquiao lang ba ang boksingerong Pilipino? Nagwagi naman ang mga lumaban sa undercard division,a! And most recently, si Nonito Donaire,Jr. sa ibang weight division. Other matters, Azkals...kibitbalikat; eh,sa hindi ako mahilig sa soccer,eh! Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon, great!
***
December typhoons were said to be the fiercest. Sendong for 2011 and this year, Pablo. Kapag ang mga pook ba naman na hindi karaniwang nakalalasap ng mga bagyo ang labis na nasalanta, mahirap talagang makabangon dagdag pa ang napaulat na suliraning pangkapaligiran doon sa kanila tulad ng illegal logging at indiscriminate mining.
How to celebrate Christmas meaningfully? Parties? Get togethers? Exchange gifts? The long, costly preparations? Hmmm, alam ko at nagawa ko na at masaya ako, hehe! Hindi na kailangang iulat dito dahil ang Panginoon na lamang ang nakaaalam.
Yeah, I’m such a weirdo. Kapag may napapasama sa mga salu-salo, handaan or get togethers, hindi ako ma-PR. Hindi ako palakwento, aloof! Some people think of me as this so cold and reserved. Just please don’t misunderstand or pre-judge me because I also know how to accomplish good deeds but I rather do it humbly and quietly.
***
Pagkalusot ng RH Bill and the happy, exuberant pro-RH. Celebration in purple. I’m at the magenta or red-violet area! Masyado na bang nagsasaya ang ilang mga pro at inuuyam naman nila ang mga anti-RH sa kanilang umano’y tagumpay laban sa paninidigan ng mga ito? Sa ilang past blogs, nagbabanggit na ako doon ng tungkol sa aking mga “red-violet” essays hinggil sa naturang isyu. Ah, hindi ko na uulit-ulitin yun dito.
***
The picture shows the last sunlit moments at dusk during the winter solstice.
Mayan calendar, ha? And that blockbuster movie that exploited its concept (I didn’t find that film cool). Ah, those smart ancient shamans, scientists, and mathematicians probably got so starstruck from excessive observation of the night sky! I’m sorry to have this kind of opinion, no offense. I had read some articles that some elusive native American Indian groups from the North to the Central down to the South actually made some hallucinatory plants and fungi as part of their sacrament and when they were in trance because of these, they believed that they were actually in direct communication with their deities. These strange rituals were handed down from generation to generation for thousands of years. Just like that so-called fabulous calendar. Ngunit hindi lang naman ang mga sinaunang Mayan Indians ang nananakot ng mga future generations, eh. They have those Christian counterparts which I don’t want to mention the names of their denominations who had raved about doomsday and afterwards became the laughing stock of the town. I thought they read their Bibles religiously. Ang Diyos lamang ang nakaaalam kung kailan, ang pangaral ng Panginoong Hesu-Kristo.
***
Komentaryo lamang ito tungkol sa isang kanta na pinatutugtog na naman dahil sa kasalukuyang okasyon, ang “Christmas Single” ng OPM band na Rocksteddy. Just one word from me about that: rubbish! Eh ano naman ngayon kung single? Dapat tigilan na itong napaka-ugok na mentalidad ng ilang tao na dahil lang sa single ay malungkot at nakakaawa na, di ba? Single and happy... a merry Christmas indeed!
***
This recent Christmas party dito sa VABES, hindi na ako party host, hehehe! Eh, wala naman akong advisory class ngayong school year; masaya naman yun,a! Ay, oo nga pala. Ang panahon na pabagu-bago ay nagdudulot ng sakit tulad ng trangkaso. Hay... maraming salamat sa Panginoon, gumaling na ako doon. Kaya lang yung hangin naghahatid din ng allergens. Sipon. Ha-choo!
***
Sana sa susunod na taon, matupad na ang pangarap ko na maipalimbag ko na’t mailathala ang aking mga akda. Sana, ang lalapitan kong kumpanya ng printing press ay tapat, makatao, at may takot sa Diyos. As usual, ang taong inaasahan kong tutulong sa akin ay ang sarili ko. Kung gusto niyo, mga anonymous readers, kung halimbawang meron sa inyo ang matagal-tagal na rin na nakikibasa sa mga blogs dito, tulungan... ah, never mind. Matagal na nga rin pala akong nagpapahiwatig ng paghingi ng tulong sa ilang past blogs, not a single one among you ever gave a damn! At saka, nagbasa ako minsan ng magasin ng 2013 Year of the Snake ni Bro. Mhon at ng Rising Star Publications, tungkol sa aking animal sign. May mga nakatutuwang pahayag. May mga pahayag din doon na para akong natatawa na minsan ay naiinis ngunit may ilan naman na nagsisilbing babala sa akin lalo na ang tungkol sa pakikisama o transaksyon sa ibang tao. Ang mga Pig people ay natural na matapat at maayos makipagkapwa-tao subalit ang kabaitan nilang ito ay madalas sinasamantala at inaabuso ng mga taong mapaglamang sa kapwa; nagiging gullible, ba. Pinagdaanan ko na nga yun nitong taon lamang nang may nilapitan akong isang walanghiyang kumpanya ng printing press na nabulungan yata ng demonyo, tsktsktsk! Nag-aalala ako na baka kahit ano pang ingat ko ay ano... ayoko! Ayoko nang maging gullible! Bakit ba kasi may mga taong ayaw magpaka-tao at pinipili nilang magpaka-tae na lang dahil sa di-mabuting ginagawa nila sa kapwa?! Pagsisikapan ko pa lalo ang wastong pag-iingat. Kaawaan nawa ako ng Panginoon.
***
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!
The Nativity/ Adoration of the Magi by Fra Angelico and Fra Filippo Lippi(courtesy of Wikipedia)



1 comment:

  1. hey,Joan, merry Christmas and happy New Year din, ha? :)

    ReplyDelete