A narrow understanding neither realizes the real value of a diamond in a rough nor the natural wonder of a tranquil wilderness. Celebrate democracy, exercise freedom of expression. This blog homepage has other pages as well; refer to the side bar of this page. For readers who don't understand the Filipino essays here, do not rely on your browser's online translator because the translation is so awful; better ask a real Filipino to interpret these for you.
This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!
Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.
SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.
ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt
Saturday, May 18, 2013
This Weirdo's Summer Blog Before The Rainy Season Comes
Lirio plants and blossoms (actually these are of Hippeastrum genus of the Amaryllis family
Bagamat tapos na ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day noong Mayo 1 pa, nagbalik kasi sa aking gunita ang sumusunod na bilingual na awit na itinuro sa amin noong Grade 6 sa Villamor Air Base Elementary School. Pinakopya pa nga sa amin ang piyesa nito galing sa batayang aklat namin sa Musika na bahagi ng subject na MSEP sa music writing book na hanggang ngayon ay iniingatan ko pa rin kahit niluma na ng panahon. Sayang at hindi ko naman nakopya ang pangalan ng kompositor o naglapat ng lyrics para sana ma-acknowledge at ako’y lubos-lubos na humihingi ng paumanhin sa kanila sa pagbanggit ko dito sa blog ng tungkol sa awit nila at ang kagandahan ng mensahe nito. Government property kasi ang textbook naming yun kaya isinauli bago matapos ang school year. Tulad ng hangarin ng kompositor ng awit, ang “Dignity of Labor” ay alay sa lahat ng mga manggagawa.
Out in the world we are going,
Striving in life’s glorious din,
Joy and success ever seeking,
Hoping to conquer and win.
Labor’s our best inspiration,
Thrilling both body and mind;
Labor enriches the nation,
God’s precious gift to mankind.
*In loving work, there is honor,
Labor with love wins the strife;
Dignify and cherish labor.
Giving our nation sweet life.
(repeat *)
... ‘tis God’s precious gift,
A boon to mankind.”
“Sa daigdig, mga irog,
Tayo ay dapat kumilos;
Hayo’t lahat ng gawain,
Masayang ganapin.
Ang paggawa’y bigyang buhay,
Nang umunlad ang bayan;
Paggawa’y nagpapayaman,
Sa sangkatauhan.
*Ibigin ang paggawa,
Iyan ang batis ng tuwa;
Kalayaan nating hangad,
Diyan nagmumula
(ulitin ang *)
... ang paggawa ay kaloob ng Diyos.
***
Nitong isang araw lamang ay muli akong nakabili ng isang romance pocketbook na may red cover at merong erotic illustration pa; siguro warning yun na hindi wholesome ang kwento di tulad ng ibang pocketbook na pwede na kahit sa mga dalaginding pa. Hindi ko lang babanggitin ang pamagat at ang pangalan ng may-akda at ang publishing company na pinagmulan ng aklat na ito. Ang reaksyon ko kasi sa kwento ay hindi kaaya-aya, eh; pero hindi naman ako nagsisisi kung bakit binili ko pa ito at mura lamang. Kahit pa sa palagay ko ay may panahon din naman makinig ang mga tao sa likod ng paglalathala sa aklat ng feedback mula sa mga mambabasa. Heto ang reaction essay ko. Mababaw ang plot. Conventional. Nabuo ang romance dahil yung pathetic and a**hole male protagonist ay hindi pinigil ang kati at init ng katawan niya nang may isang babaeng nagpaka-cheapipay mapansin lang niya sa kabila ng pagkakaroon na niya ng isang ideal at mabait na girlfriend na matiyagang naghihintay sa kanya. Mababaw na love affair kasi tila ang foundation lang nito ay physical and especially, sexual attraction lamang. At sa bandang huli ang bidang lalaki at ang bidang babae ang nagkatuluyan like they lived happily ever after. At ako naman ay nag-imagine din kasi gusto kong lapatan ng twists ang kwento ng pocketbook na yun. Ano kaya? Kunsabagay, whirlwind romance naman ang naganap sa pagitan ng ating mga bida. At yung malibog na lalaki ay nagsasawa rin kasi katulad ng iba pang lalaki ay mabilis mabuyo sa panlabas na kagandahan at lalung-lalo na sa sexual satisfaction na makakamit kaya di malayo na in the near future, kapag may new ‘object of desire’ na naman siya ay paiiralin na naman niya ang kati ng katawan niya. Tapos yung misis naman niya, mari-realize na lang ang konsekwensya ng ginawa nitong seduction noon na akala niya’y lusot na siya dito. And then, masusundan ng some ‘crime of passion’ as part of the revenge plot, nyehehehehehehe! Pero, bali-baligtarin man ang kaganapan, sila pa rin naman ang bagay sa isa’t isa, for goodness’ sake... hay, naman!
Biro lang yun, ano? Sick joke. Well, huwag nating hamakin ang mga pocketbooks kasi aliwan ito ng masa at bahagi pa rin ang mga ito ng pop culture at panitikang Pilipino kahit pa anong “scholarly criticism” pa ang ibato ng mga pa-sosyal ang taste, mga propesor at iba pang dalubhasa ng UP,Ateneo, o kahit anong eskwelang alam mo, di ba? Hay, sa totoo lang ay higit pang kapana-panabik ang mga kwento ng “vintage pocketbooks” na binili ko noon sa Merriam-Webster Bookstore sa Avenida Rizal malapit sa kanto ng Recto. Sana ilabas pa nila ang iba pang lumang isyu ng “Valentine Romances” na ang publisher ay “Books for Pleasure” from the early ‘90s. So far, ang pinakanagustuhan ko sa mga nabasa kong pocketbooks ay ang “Ibig pa rin Mahalin” ni Gilda Olvidado (nabanggit ko na nga ang tungkol dito sa February 2012 blog post ko na “Stopping For A While To Smell The Scent Of Flowers”). Ibang klase ang pagsasalaysay ng mga manunulat noon kung ikukumpara naman sa karamihan sa mga contemporary romance novels ngayon na pa-Taglish-Taglish pa na buti sana kung bahagi ng dialogue ng mga tauhan! Tulad ng nasabi ko na sa ilang past blogs ko, literal na huwag i-judge ang isang aklat dahil sa cover nito o naninilaw nang mga pahina.
Edvard Munch's The Kiss (Wikipedia)
***
Habang tina-type ko ang talatang ito para sa blog post ko ngayong Mayo ay may marka pa rin ng indelible ink ang kanang hintuturo ko kahit ilang araw na ang lumipas buhat noong nagkaroon ng eleksyon. Sa ngayon nga ay mas interesado pa akong malaman kung anu-anong party-list ang nagwagi sa halip na tungkol sa mga senador.
Filipino voters had just celebrated democracy last May 13 sa kabila ng ilang aberya lalo na sa mga sumpunging makina ng mga PCOS (poll count optical scan) at mga nauna nang ulat tungkol sa sari-saring election-related violence, vote buying, poison political propaganda bukod sa patutsadahan ng mga kandidato, at ang paglaganap ng political families/ dynasties na bahagi na talaga ng bawat halalan dito sa bansa. Well, sa mga binoto kong kandidato sa iba’t ibang posisyon, the usual outcome na may mga nagwagi at may mga hindi pinalad. Eh, sa lagay ba naman ng eleksyon dito sa bansa, ang pinakamabigat na basehan yata ng pagboto ng maraming tao ay popularidad o kasikatan ng mga kandidato bukod sa malaking pera (lalo na para sa TV commercials nilang paulit-ulit noong panahon ng kampanya at nakaaasiwang panoorin ang pagmumukha ng ilan sa kanila at nakaririndi nang pakinggan ang mga pangakong feeling nila ay kanilang tutuparin), makinaryang pulitikal, impluwensya, at koneksyon sa kilalang pamilya o partido ng mga ito. At yung iba na may pagka-pobre subalit nasa katauhan naman ang qualifications ng isang maaasahang public servant ay inaasahang doon na sa lower ranks pagdating ng bilangan ng boto. Nalungkot man ako sa pagkatalo ng ilang binoto kong kandidato, ang mahalaga ay naipahayag ko ang aking paniniwala sa kanila at sa kanilang mabubuting hangarin sa paglilingkod sa bansa at sa kapwa-Pilipino.
Dito nga pala sa Pasay City, mabuti at nanalo uli sa pagka-vice mayor si Marlon Pesebre. Hehe, simula pa noong 2001 elections nang kumandidato pa lamang siya sa pagka-konsehal ay gamit na niya ang campaign jingle niyang hango sa “Who Let The Dogs Out?” ng hip-hop group na Baha Men at naging soundtrack pa yata yun ng “Rugrats the Movie”. At pagkatapos, after twelve years, yun pa rin ang tugtog na paulit-ulit na umaalingawngaw mula sa loudspeakers na nakakabit sa van na nag-iikot sa mga lansangan ng Villamor Air Base at sa marami pang pook dito sa Pasay noong campaign period... at pagkatapos, nananalo at nananalo pa rin ang ating pangalawang alkalde, hehehe!
***
Two paintings by Caspar David Friedrich: top- The Abbey in the Oakwood/ bottom- A Couple Contemplating on the Rising Moon (courtesy of Wikipedia)
Meron din late Sunday night treat ang FM radio station na kaalyado ng TV5 na 92.3 Radyo Singko NewsFM (within Metro Manila at iba pang karatig lugar lamang po), ang “Kasindak-sindak” tuwing 10:00 hanggang 11:00 ng gabi kung saan boses pa lang ng radio host ay mangangalisag na ang balahibo niyo. Tinatalakay dito ang kahit anong may kinalaman sa kababalaghan at katatakutan at sa mga mahilig sa Facebook diyan, meron din silang fan page doon. Naibabalik din ang mga thrilling na alaala noong ang mga tao ay solid radio listeners pa at pinaglilikot ang imahinasyon habang sinusubaybayan ang radio program ng DZRH na “Gabi ng Lagim” na mayroon pa pala sa kasalukuyang panahon.
Hey, ang theme song ngayon ng mga ukay-ukay at adik sa pamimili sa mga ukay-ukay- “Thrift Shop” by Macklemore & Ryan Lewis feat. Wanz with some chorus lines like this: I’m gonna pop some tags/ Only got 20 dollars in my pocket/ I-I-I’m huntin’, lookin’ for a come-up/ This is ******* awesome...
Isa pang FM station na kinahihiligan ko nang pakinggan, ang 99.5 PlayFM kung saan palagi ko rin naririnig ang “Thrift Shop” at pati ang recent hit mula kay Robin Thicke feat. T.I. & Pharrell, ang “Blurred Lines”. Nag-search pa nga ako sa Internet tungkol sa controversial video nito; hehehe, wala, inalis na kasi hehehe, malaswa daw. Kaya pala sabi minsan ng radio dj na “ang landi ni Robin Thicke!”. Pero may nakita pa rin ako na ilang footages na nag-uumapaw sa sexual humor; ang kinis nung mga models, grabe, pantay ang kulay ng kutis ng mga tsikas, hehehe...ang landi-landi nga talaga ni Robin Thicke! Pero, in fairness, ang favorite ko sa mga kanta niya ang “Pretty Little Heart” feat Lil’ Wayne.
Sa mga trip ang house music and other club mix and remix pero walang time o di kaya’y pera para mag-night life sa mga bar, ilang FM stations (PlayFM or yung Wave 89.1) ang meron niyan either every Friday or Saturday night pero yung RadioHigh 105.9 na jazz and other classical music ang tugtog tulad ng Crossover 105.1 na katabi lang nito sa frequency, madalas around midnight o past 11:00 pm pa gabi-gabi, nasa playlist ang iba’t ibang tracks ng house music. Bakit ko nga inaanunsyo dito sa blog ang tungkol dito eh hindi naman ako gumigimik at kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-usyoso sa mga ganoong lugar na laging puno ng pawisan nang mga hard-partying party animals dancing all night till they drop? Hehehe! Well, sound trip on house music played on FM radio is so much like some late night treat, chill out without the noisy fashion-conscious people around, and then taste your imaginary booze.
Edvard Munch's The Dance of Life (Wikipedia)
***
Blunders. Every human being commits blunders. May naalala lang kasi ako, hehehe! Mahilig naman ako sa pagkaing de-lata pero hindi sa lahat ng oras, ano? Grade 1 ako noon at unang beses ko lang narinig ang salitang “de-lata” nang sinabi ng aming guro na magdala ng relief goods lalo na ang mga de-lata para sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ba ang de-lata? Ang engot ko noon! Kinagabihan ay may ulam nga kaming pagkaing de-lata. Pork and beans bilang complementary sa iba pang ulam. At kinuha ko nga ang latang pinaglagyan nito, hinugasan, at dinala sa paaralan kinabukasan. Ganoon na lang ang tindi ng tawanan ng mga kaklase ko sa dala kong “relief goods”. Buti na lang at hindi pa umuuwi ang aming kasambahay noon na naghatid sa akin sa school. Bumili siya ng tunay na de-lata sa pinakamalapit na tindahan- isa muling de-lata ng pork and beans.
Isa pang key word: hygiene. Grade 3 na ako at engot pa rin ako kung ano ang ibig sabihin ng hygiene o kahit ang salitang ‘salaula’ nang nakaligtaan kong magdala ng panyo at may sipon pa naman ako noon. At ako’y suminga sa scratch paper. Diring-diri ang katabi ko at wala lang sa akin basta mawala lang ang bara sa ilong ko. Tapos may isa kaming kaklase, pinahiram niya ang kanyang panyo sa akin na di-kalaunan ay sinauli ko rin agad kasi hindi yun akin.
Ilan lamang ang mga yun sa blunders na natatandaan ko pa. Nakakahiya man, grabe! And yet the embarrassment brought about by blunders is just a part of experience. To be foolish before getting wise, celebrating humanity.
May pagka-metaphor din ang dalawang uri ng paglalakad: ang naglalakad na ‘chin-up’ at ang naglalakad nang nakatingin sa lupa o konkretong kalsadang tinutungtungan. Doon sa pangalawang nabanggit, ganoon ako lagi. Parang laging nakatungo. At malaki ang pagkakaiba. Kung naka-level ang ulo ng naglalakad, maayos ang tikas ngunit kadalasan hindi napapansin ang nilalakaran na baka may mga naaapakan na kung ano o hindi na napapansin ang paligid. At kung naglalakad naman na nakatuon lagi sa nilalakaran ang paningin, maaaring mauntog naman ang ulo. Further explanation on these ‘symbolism’... ah, sa akin na lang, hehehe!
***
Noong isang araw ay ni-reactivate ko uli ang Facebook account ko na “Joan T. Teves” kahit na ang username ay “weirdjtt” din tulad dito sa Blogger at sa Twitter (dahil ang dami-daming “Joan Teves”!). Nag-iisang dahilan lang kung bakit- gusto kong maningil ng matagal nang pagkakautang sa akin ng isa kong dating kamag-aral noong hayskul sa St. Mary’s Academy. Meron naman akong landline number na hindi nagbabago pero siya itong kayhirap nang hanapin. Hindi man lang siya makipag-usap sa akin di tulad noon. Nalulungkot ako dahil makakatulong pa naman ang pera sa publishing venture ko. Walang tawag hanggang ngayon, sana bayaran na niya ako. Matapos ng pitong araw at wala lang, pina-deactivate ko uli ang FB account ko. Useless lang na Facebook account. Marami ngang friends na nag-add sa akin pero hindi ko naman lubos na kilala at lalong hindi naman talaga makakausap na parang virtual or nominal friends lamang. Iba talaga kung kakausapin mo ang iyong mga kaibigan nang personal at hindi yun pa-fb-fb tsetsebureche pa! Nauunawaan ko naman sila, eh; karamihan ay may sarili nang pamilya at mga abala sa trabaho. Hoy, baka may magsumbong sa kanila tungkol sa pinagsasabi ko dito, ha? Wala naman akong masamang intensyon sa mga pahayag na ito.
Hindi pa nga tapos ang summer. Okey nga ang pinagpapawisan, eh, kahit ang baho ko na minsan, hehehehehe! At least, hindi ako nagkakasakit, ano? Ang sarap pa rin ng panahon ng summer at hiling ko na sana bago matapos ito at magtag-ulan na’t balik-trabaho uli, muling umusad ang paglalayag ko patungo sa katuparan ng aking pangarap. Kung naaalala niyo, mga anonymous readers, simula sa July 2012 blog posts at sa mga sumunod pa ay inihayag ko ang tungkol sa aking kabiguan na napakasakit sa damdamin. At ngayong 2013, kailangang positive outlook na lalo pa’t muli akong nagsisimula. Sana, ipanalangin ako ng kung sino man “concerned” sa anonymous readers ng blog na ito at babanggitin ko rin sila sa aking mga panalangin kahit hindi ko man sila kilala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
umuusad na ang venture... sana. tuluy-tuloy na matapos ang aking kabiguan noong nakaraang taon
ReplyDeletemga anonymous readers, do you care about this weird blogger even just a bit?
Huwag mo nang tanungin ang mga anonymous readers na iyan kasi para ka lang nakikipag-usap sa mga bato.
DeleteAt saka ang blog na ito ay isang soliloquy at hindi colloquy ng kolokoy.
Delete