This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, November 30, 2013

Tail-end of a Cold Front



Top: Vehicles of different media personnel covering the situation of typhoon survivors from Samar and Leyte. Middle: VABES children walks past the tent city. Bottom: The back side view of the "Tent City" installed at the quadrangle of the Villamor Air Base Elementary School.

            The depressive aftermath at ang bukambibig na “Hayan ang pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda!”.
            Nadatnan ko pa ang Tacloban noong May 2006 as a bustling and vibrant city pagkagaling pa lang sa San Juanico Bridge at hindi ko batid kung kailan ko muli matatanaw iyon. Na-miss ko ang Jaro, Leyte- ang kanyang rustic charm and green countryside; nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil wala naman nasaktan sa aming mga kamag-anak at kakilala doon.
            Sa unang araw ng Disyembre, Advent na. In a few days more, it will be Christmas. I felt that I had an early but meaningful celebration of Christmas these past days and I don’t need to flaunt more details about those deeds here in this blog. I prayed about that to the Lord God. Basta, masaya lalo pa’t ang Pasko ang paborito kong holiday.
*******
           
             Isang authentic na larawan ni Gat Andres Bonifacio (courtesy of Wikipedia)

             Palaganapin ang dakilang pag-ibig sa tinubuang lupa...
            Sa taong ito, significant ang “ika-150”. Naalala ko nitong Setyembre, doon sa Roxas Boulevard ay may mga banner pa ng paalala tungkol sa 150th birth anniversary ni Apolinario Mabini. At sa petsang ito naman ay ang 150th birthday ng Supremo ng Katipunan. Samakalawa naman, Disyembre 2, ay ipagdiriwang naming mga taga-Pasay City ang ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng aming mahal na lungsod na ipinangalan sa anak na prinsesa ni Rajah Sulayman ng Maynila.
*******
            Basta buwan ng Nobyembre ay may sanaysay na dito sa blog tungkol sa annual “Dugong Bombo” in cooperation with the Philippine National Red Cross na ginanap muli sa SM City Manila noong Nobyembre 16, doon sa Cyberzone area. Lumahok muli doon ang weirdong blogger na ito at lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil na-qualified muli ako doon. Ang haba-haba ng pila pero ako ang huli sa blood extraction (at kinunan pa ako ng litrato tulad sa unang donor na dumating mula nang nagsimula ang event), na para bang “many were called but few were chosen”; gayunpaman, matagumpay ang Dugong Bombo dahil mas marami na naman daw ang nakolektang blood bags ngayong taon. Bukod sa healthy lifestyle (na lagi ko naman  sinusunod), nais ko na ang aking dugo ay “happy blood” din kaya nga muli akong nagnobena at humingi ng tulong kay St. Jude Thaddeus. Ang kopya ng St. Jude’s Novena ay nasa “Prayers”- please refer to the side menu of this home page. Ang November posts ko noong 2011 and 2012 ay may essays din tungkol sa Dugong Bombo. Kailangang bago magtapos ang Nobyembre ay mag-visita iglesia or pilgrimage sa St. Jude’s Parish plus side trip pa sa bahaging iyon ng Malacañang Complex (malay ko at matanaw ko pa si Pnoy) sa San Miguel hanggang Quiapo, hehe!
*******
            Madalas nga pala akong nakikinig sa Saturday night program ng FM radio station na 103.5 K-Lite, yung “Faster than Lite” dahil puro hard rock, heavy metal, at iba pang musikang bato (na wala namang kinalaman sa pagtira ng bato) ang mapapakinggan kahit na pansin ko na madalas yun at yun din ang pinatutugtog at iilan lang na track requests ang pagbibigyan. Ang DJ on-air dito ay si Karl McFly. Minsan may sinabi siya na talaga namang shocking. Kinuwento niya ang tungkol sa isa sa mga TV commercial ng Resorts World Manila kung saan merong matabang lalaki doon na tingnan mo lang ang mukha ay matatawa ka na (eh, ganoon kung mag-advertise ang RMW, eh). Sa tuwing napapanood ko noon ang komersyal na iyon, nasasabi ko “sino ba ang isang ito na pumayag na magmukhang engot sa komersyal na yan?” At bigla na lang binanggit ni DJ Karl sa kanyang radio program kung sino ang character na iyon... walang iba kundi siya mismo! Man, siya pala yun! Nag-text message pa ako sa radio program niya na binasa pa niya on-air. Sorry, DJ Karl... di ko alam kung natatawa ba siya o naiinis pero ang reaksyon niya ay “That’s alright, buddy! I’ll take it as a comment!” Buddy raw ako; oo nga pala, nagtago ako sa alyas kong “weirdjtt”.
 
*******
            “I refuse to be a victim...!” – Caroline, Annette Bening’s character in the 1999 Academy award-winning and one of my all-time favorite films, “American Beauty”; that line was only reiterated from the evening radio program she was listening to from her car stereo before the climax of the film occured.
            Sabi ng radio announcer doon from his on-air counselling, that will be your mantra. Great. It should be the mantra especially of those who had been pushed off because of bullying and other forms of human rights abuses. Pero hindi naman yun ang isyu ni Caroline sa naturang pelikula; sinabi lang niya yun  out of impulse and despair.
            Noong pinanood ko muli ang 75 peso-VCD nito (original yun at binili ko pa sa Astrovision- SM City Iloilo), Kevin Spacey’s character as Lester would make you feel amused and then you’ll shed tears afterwards.
*******
            Nang napanood ko ang episode ng “Ang Pinaka” sa GMANewsTV tungkol sa awkward social situations, bigla ko na namang ginunita itong isang pangyayari noong Oktubre 24 at iyon ay kasing-weird ko. United Nations Day din yun, a! Pagkagaling namin ng nanay ko sa isang COMELEC briefing sa The Pearl Manila, ay nagtungo kami sa DepEd-NCR office sa Bago Bantay, Quezon City (na pagkalayu-layo talaga!). May inasikasong papeles doon ang nanay ko. Tapos, sumakay na kami sa MRT pabalik sa EDSA-Taft Rotonda. Nang tumigil ang MRT sa Ortigas, merong sumakay na mga yuppies- isang babae at isang lalaki. Akala ko ay mag-asawa lalo na nang napansin ko kahit sa gilid ng aking paningin na maumbok ang tiyan nung babae. Maagap akong tumayo, sinabi ko sa kanya "Ale, dito na po kayo" at ibinigay ko sa kanya ang upuan ko kasi wala ni isa sa mga lalaki sa loob ng bagon ang nagpaka-gentleman. Napaupo na yung babae pero napuna ko na panay ang hagikgik ng kasama niyang lalaki. At yung si Babae ay tila pinipigil ang bungisngis niya at pilit tinatakpan ang mukha niya ng kanyang cellphone  na ewan ko kung nanliliit na ba sa hiya hanggang sa bumaba na lang sila pagdating sa Ayala station na panay pa rin ang tawa ng lalaking kasama niya.
            Hindi naman pala yun ‘baby bump’ doon sa ale! Baka di-sinasadyang nainsulto ko siya sa kanyang body built. Sorry, Miss Yuppie... ang weirdo ko po kasi, eh!
*******
            Marami na palang batang musmos ngayon ang hindi na bata talaga. Minsan, nag-Internet ako, doon sa computer station sa kanto ng 12th-7th Street dito sa Villamor Air Base. May nakatabi akong batang lalaki na sa palagay ko ay 10 or 11 years old na. Higop na higop sa paglalaro sa isang online game at sa sobrang enjoyment ay panay rin ang rapido ng bibig niya. Kaya lang ang kanyang pinagsasabi ay pulos kabastusan na para bang yun na lang ang alam niyang sabihin at wala na siyang pakialam sa mundo. Matagal yun, a! Naiingayan talaga ako ngunit higit na nadidismaya ako sa iba pang internet users lalo na yung grown-ups na. Dinig na dinig sa buong shop ang mahalay na bunganga ng totoy pero wala lang sa kanila. Naroon lang sila sa Facebook and online games nila o sa panonood ng Youtube at para bang normal na lamang sa kanila na ang mga bata sa panahong ito ay pwede nang hayaan sa walang kontrol na pananalita kasi “freedom of expression”... nagkakatuwaan lang yung totoy, eh!
            Hindi ko na natiis. Halos bulyawan ko yun. “Bata, pwede bang tumahimik ka na nga!”
            Agad na nangibabaw ang katahimikan na para bang nag-target ako ng tranquilizer sa isang mabangis na hayop. Naubos na ang prepaid account ng totoy at lumabas na siya’t umuwi na. Samantalang ang mga nakatatandang Internet users sa shop ay tuloy lang sa katsa-chat sa FB friends nila.
*******
            Ah, noong isang araw nga pala ay sinubukan ko kung paano mag-express ng sarili ang mga bata. Pinasulat ko sila ng mga sanaysay. Ang unang talata ay tungkol sa di-malilimutan nilang karanasan. Marami ang impressive talaga na kahit hindi perfect ang syntax or grammar o ang balarila ay nauunawaan ko pa rin ang nasasaloob nila. Ang ikalawang talata ay hehehe, tungkol sa mga crush nila at kung bakit nila hinahangaan ang mga ito. Siyempre, matindi ang reaksyon pero sinabi ko naman na ako lang ang makababasa sa kanilang mga sanaysay at hindi ko naman sila itsitsismis at normal lamang sa mga bata na nasa ganoong edad ang magkaroon ng mga crush, di ba? Aba, nagsulat nga sila tungkol sa paksang iyon; sinunod nila ang mungkahi ko
na kung nahihiya silang banggitin ang buong pangalan, eh di kahit ang initials na lang. Talagang kakaiba ang nadama ko nang binasa ko ang mga sinulat nila at natutuwa ako sa kanila (hindi natatawa, a!).
*******
            Mahirap talaga maging self-publishing writer. Okay, panalo na ang mga established publishing companies diyan at totoo na ang tinuran nung mama noong nakaraang taon sa Plaza Miranda sa tapat ng Simbahan ng Quiapo (please refer to “Scent of Rain-drenched Soil and Lush Plants”- August 2012 blog post). Sa Q & A portion ng cartomancy consultation sa kanya, tinanong ko siya tungkol sa aking venture sa independent publications. Napailing siya kasi ayon sa tarot cards, wala akong gaanong kita dito. Pwede lang akong makilala bilang writer or blogger... pero hindi magiging mabili ang mga pinalimbag kong akda? Sigh...
            Buti pa si Franz Kafka at mayroon siyang tapat na kaibigan na si Max Brod na naging susi upang mabasa ng mundo ang kanyang mga obra maestra. Kaya lang iba sa panahon ni Kafka at iba pang manunulat. Sa kasalukuyang panahon naman, umiiral na lang sa fiction publishing industry ang komersyalismo kahit na may pagkapalasak pa ang story plot ng maraming akda; ang mga tagapaglathala ay hindi raw "basta-basta" susugal kung sa palagay nila ay hindi naman "kikita" ang isang akda na bahagi na lamang ng negosyo at hindi ng panitikang Pilipino. Maraming tao ang wala namang panahon para magbasa kasi mas nakalilibang pa ang mag-FB or Candy Crush para sa kanila. Itatago ko na lang muna siguro ang aking mga akda sa isang safe box... anong malay ko na sa ibang panahon, merong mga taong bukas ang isipan upang tulungan ako na mailathala at maipalimbag ang mga ito.
            Some aspiring, weird writer... that one called Joan T. Teves.