Top: Vehicles of different media personnel covering the situation of typhoon survivors from Samar and Leyte. Middle: VABES children walks past the tent city. Bottom: The back side view of the "Tent City" installed at the quadrangle of the Villamor Air Base Elementary School.
The depressive aftermath
at ang bukambibig na “Hayan ang pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda!”.
Nadatnan ko pa ang
Tacloban noong May 2006 as a bustling and vibrant city pagkagaling pa lang sa
San Juanico Bridge at hindi ko batid kung kailan ko muli matatanaw iyon.
Na-miss ko ang Jaro, Leyte- ang kanyang rustic charm and green countryside;
nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil wala naman nasaktan sa aming mga
kamag-anak at kakilala doon.
Sa unang araw ng
Disyembre, Advent na. In a few days more, it will be Christmas. I felt that I
had an early but meaningful celebration of Christmas these past days and I
don’t need to flaunt more details about those deeds here in this blog. I prayed
about that to the Lord God. Basta, masaya lalo pa’t ang Pasko ang paborito kong
holiday.
*******
Palaganapin ang dakilang pag-ibig sa tinubuang lupa...
Sa taong ito, significant
ang “ika-150”. Naalala ko nitong Setyembre, doon sa Roxas Boulevard ay may mga
banner pa ng paalala tungkol sa 150th birth anniversary ni Apolinario Mabini.
At sa petsang ito naman ay ang 150th birthday ng Supremo ng Katipunan.
Samakalawa naman, Disyembre 2, ay ipagdiriwang naming mga taga-Pasay City ang
ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng aming mahal na lungsod na ipinangalan sa
anak na prinsesa ni Rajah Sulayman ng Maynila.
*******
Basta buwan ng Nobyembre
ay may sanaysay na dito sa blog tungkol sa annual “Dugong Bombo” in cooperation
with the Philippine National Red Cross na ginanap muli sa SM City Manila noong
Nobyembre 16, doon sa Cyberzone area. Lumahok muli doon ang weirdong blogger na
ito at lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil na-qualified muli ako
doon. Ang haba-haba ng pila pero ako ang huli sa blood extraction (at kinunan
pa ako ng litrato tulad sa unang donor na dumating mula nang nagsimula ang
event), na para bang “many were called but few were chosen”; gayunpaman,
matagumpay ang Dugong Bombo dahil mas marami na naman daw ang nakolektang blood
bags ngayong taon. Bukod sa healthy lifestyle (na lagi ko naman sinusunod), nais ko na ang aking dugo ay
“happy blood” din kaya nga muli akong nagnobena at humingi ng tulong kay St.
Jude Thaddeus. Ang kopya ng St. Jude’s Novena ay nasa “Prayers”- please refer
to the side menu of this home page. Ang November posts ko noong 2011 and 2012
ay may essays din tungkol sa Dugong Bombo. Kailangang bago magtapos ang
Nobyembre ay mag-visita iglesia or pilgrimage sa St. Jude’s Parish plus side
trip pa sa bahaging iyon ng Malacañang Complex (malay ko at matanaw ko pa si
Pnoy) sa San Miguel hanggang Quiapo, hehe!
*******
Madalas nga pala akong
nakikinig sa Saturday night program ng FM radio station na 103.5 K-Lite, yung
“Faster than Lite” dahil puro hard rock, heavy metal, at iba pang musikang bato
(na wala namang kinalaman sa pagtira ng bato) ang mapapakinggan kahit na pansin
ko na madalas yun at yun din ang pinatutugtog at iilan lang na track requests
ang pagbibigyan. Ang DJ on-air dito ay si Karl McFly. Minsan may sinabi siya na
talaga namang shocking. Kinuwento niya ang tungkol sa isa sa mga TV commercial
ng Resorts World Manila kung saan merong matabang lalaki doon na tingnan mo
lang ang mukha ay matatawa ka na (eh, ganoon kung mag-advertise ang RMW, eh).
Sa tuwing napapanood ko noon ang komersyal na iyon, nasasabi ko “sino ba ang
isang ito na pumayag na magmukhang engot sa komersyal na yan?” At bigla na lang
binanggit ni DJ Karl sa kanyang radio program kung sino ang character na
iyon... walang iba kundi siya mismo! Man, siya pala yun! Nag-text message pa
ako sa radio program niya na binasa pa niya on-air. Sorry, DJ Karl... di ko
alam kung natatawa ba siya o naiinis pero ang reaksyon niya ay “That’s alright,
buddy! I’ll take it as a comment!”
Buddy raw ako; oo nga pala, nagtago ako sa alyas kong “weirdjtt”.
*******
“I refuse to be a victim...!” – Caroline, Annette Bening’s
character in the 1999 Academy award-winning and one of my all-time favorite
films, “American Beauty”; that line was only reiterated from the evening radio
program she was listening to from her car stereo before the climax of the film
occured.
Sabi ng radio announcer
doon from his on-air counselling, that will be your mantra. Great. It should be
the mantra especially of those who had been pushed off because of bullying and
other forms of human rights abuses. Pero hindi naman yun ang isyu ni Caroline
sa naturang pelikula; sinabi lang niya yun
out of impulse and despair.
Noong pinanood ko muli
ang 75 peso-VCD nito (original yun at binili ko pa sa Astrovision- SM City
Iloilo), Kevin Spacey’s character as Lester would make you feel amused and then
you’ll shed tears afterwards.
*******
Nang napanood ko ang
episode ng “Ang Pinaka” sa GMANewsTV tungkol sa awkward social situations,
bigla ko na namang ginunita itong isang pangyayari noong Oktubre 24 at iyon ay
kasing-weird ko. United Nations Day din yun, a! Pagkagaling namin ng nanay ko
sa isang COMELEC briefing sa The Pearl Manila, ay nagtungo kami sa DepEd-NCR
office sa Bago Bantay, Quezon City (na pagkalayu-layo talaga!). May inasikasong
papeles doon ang nanay ko. Tapos, sumakay na kami sa MRT pabalik sa EDSA-Taft
Rotonda. Nang tumigil ang MRT sa Ortigas, merong sumakay na mga yuppies- isang
babae at isang lalaki. Akala ko ay mag-asawa lalo na nang napansin ko kahit sa
gilid ng aking paningin na maumbok ang tiyan nung babae. Maagap akong tumayo, sinabi ko sa kanya "Ale, dito na po kayo" at
ibinigay ko sa kanya ang upuan ko kasi wala ni isa sa mga lalaki sa loob ng
bagon ang nagpaka-gentleman. Napaupo na yung babae pero napuna ko na panay ang
hagikgik ng kasama niyang lalaki. At yung si Babae ay tila pinipigil ang
bungisngis niya at pilit tinatakpan ang mukha niya ng kanyang cellphone na ewan ko kung nanliliit na ba sa hiya
hanggang sa bumaba na lang sila pagdating sa Ayala station na panay pa rin ang
tawa ng lalaking kasama niya.
Hindi naman pala yun
‘baby bump’ doon sa ale! Baka di-sinasadyang nainsulto ko siya sa kanyang body
built. Sorry, Miss Yuppie... ang weirdo ko po kasi, eh!
*******
Marami na palang batang
musmos ngayon ang hindi na bata talaga. Minsan, nag-Internet ako, doon sa
computer station sa kanto ng 12th-7th Street dito sa Villamor Air Base. May
nakatabi akong batang lalaki na sa palagay ko ay 10 or 11 years old na. Higop
na higop sa paglalaro sa isang online game at sa sobrang enjoyment ay panay rin
ang rapido ng bibig niya. Kaya lang ang kanyang pinagsasabi ay pulos kabastusan
na para bang yun na lang ang alam niyang sabihin at wala na siyang pakialam sa
mundo. Matagal yun, a! Naiingayan talaga ako ngunit higit na nadidismaya ako sa
iba pang internet users lalo na yung grown-ups na. Dinig na dinig sa buong shop
ang mahalay na bunganga ng totoy pero wala lang sa kanila. Naroon lang sila sa
Facebook and online games nila o sa panonood ng Youtube at para bang normal na
lamang sa kanila na ang mga bata sa panahong ito ay pwede nang hayaan sa walang
kontrol na pananalita kasi “freedom of expression”... nagkakatuwaan lang yung
totoy, eh!
Hindi ko na natiis. Halos
bulyawan ko yun. “Bata, pwede bang tumahimik ka na nga!”
Agad na nangibabaw ang
katahimikan na para bang nag-target ako ng tranquilizer sa isang mabangis na
hayop. Naubos na ang prepaid account ng totoy at lumabas na siya’t umuwi na.
Samantalang ang mga nakatatandang Internet users sa shop ay tuloy lang sa
katsa-chat sa FB friends nila.
*******
Ah, noong isang araw nga pala ay sinubukan ko kung paano
mag-express ng sarili ang mga bata. Pinasulat ko sila ng mga sanaysay. Ang unang
talata ay tungkol sa di-malilimutan nilang karanasan. Marami ang impressive
talaga na kahit hindi perfect ang syntax or grammar o ang balarila ay
nauunawaan ko pa rin ang nasasaloob nila. Ang ikalawang talata ay hehehe,
tungkol sa mga crush nila at kung bakit nila hinahangaan ang mga ito. Siyempre,
matindi ang reaksyon pero sinabi ko naman na ako lang ang makababasa sa
kanilang mga sanaysay at hindi ko naman sila itsitsismis at normal lamang sa
mga bata na nasa ganoong edad ang magkaroon ng mga crush, di ba? Aba, nagsulat
nga sila tungkol sa paksang iyon; sinunod nila ang mungkahi ko
na kung nahihiya silang banggitin ang buong pangalan, eh di kahit ang
initials na lang. Talagang kakaiba ang nadama ko nang binasa ko ang mga sinulat
nila at natutuwa ako sa kanila (hindi natatawa, a!).
*******
Mahirap talaga maging
self-publishing writer. Okay, panalo na ang mga established publishing
companies diyan at totoo na ang tinuran nung mama noong nakaraang taon sa Plaza
Miranda sa tapat ng Simbahan ng Quiapo (please refer to “Scent of Rain-drenched
Soil and Lush Plants”- August 2012 blog post). Sa Q & A portion ng
cartomancy consultation sa kanya, tinanong ko siya tungkol sa aking venture sa
independent publications. Napailing siya kasi ayon sa tarot cards, wala akong gaanong kita dito. Pwede lang akong makilala bilang writer or blogger... pero hindi
magiging mabili ang mga pinalimbag kong akda? Sigh...
Buti pa si Franz Kafka at
mayroon siyang tapat na kaibigan na si Max Brod na naging susi upang mabasa ng
mundo ang kanyang mga obra maestra. Kaya lang iba sa panahon ni Kafka at iba
pang manunulat. Sa kasalukuyang panahon naman, umiiral na lang sa fiction
publishing industry ang komersyalismo kahit na may pagkapalasak pa ang story
plot ng maraming akda; ang mga tagapaglathala ay hindi raw "basta-basta" susugal kung sa palagay nila ay hindi naman "kikita" ang isang akda na bahagi na lamang ng negosyo at hindi ng panitikang Pilipino. Maraming tao ang wala namang panahon para magbasa kasi
mas nakalilibang pa ang mag-FB or Candy Crush para sa kanila. Itatago ko na
lang muna siguro ang aking mga akda sa isang safe box... anong malay ko na sa
ibang panahon, merong mga taong bukas ang isipan upang tulungan ako na
mailathala at maipalimbag ang mga ito.
Some aspiring, weird
writer... that one called Joan T. Teves.
yeah, weird...
ReplyDelete