Top: Mga Parol (Crayon Etching Artwork)/ Bottom: Christmas Lantern made of kapis shells
Isang kinagisnang paniniwala na ang araw ng Pasko sa Pilipinas ay isang
katangi-tanging araw para sa kabataan. Pero kung uuriratin mo sila, ang
natatanging araw na ito ay kinatatakutan nila. Sa araw ng Pasko, kahit inaantok
pa ay maaga silang ginigising ng mga magulang upang makapaghanda na. Pinasusuot
sa kanila ang mga bagong damit kasama ang mga eskapularyo, at matapos
makapag-almusal, hila-hila na sila ng mga magulang upang magsimba. Kailangang
tumahimik habang nagmimisa ang kura paroko. Kapag nagusot ang kanilang baro,
isang pingot. Kapag gumalaw habang nagaganap pa ang Misa, isang kurot. Kapag
tumawa, isang batok.
Ang
mga batang ito na hila-hila ng kanilang mga tatay at nanay ay dinadala sa bahay
ng mga kamag-anakan at mga kaibigan. Sapilitan silang pinasasayaw, pinakakanta,
o pinatutula upang ang balana ay lubos na masiyahan at matuwa. Kapag natapos na
ang sapilitang pagpapakwela, nireregaluhan sila ng mga sensilyo (salapi) upang
may panggasta ngunit ang mga ito ay hindi napupunta sa kanilang mga bulsa
sapagkat ito’y itinatago ng kanilang mga magulang.
Sa
bawat bahay na puntahan, lagi at laging itinutulak ng mga magulang ang mga anak
sa mesang dulugan. Sa unang pagsandok, sarap na sarap sa paglamon sa mga ulam
ang mga kabataan. Pero maya-maya’y hinihingal na sila sa sobrang kabusugan. Sa
kanilang pag-uwi, sila’y nag-iiyakan na kung hindi natutunawan dahil sa sobrang
kasibaan.
Ang
Pasko ng mga nakatatanda ay pagbibigay galang sa mga magulang, lolo, lola,
tiyo, at tiya. Kahit may edad na ay nagmamano pa rin sila sa nakatatanda sa
kanila. Kapansin-pansing may nakalaan ding simpleng regalo na pinahahalagahan
nila tulad ng matamis na prutas o kahit anong bagay na buong pusong inialay ng
sinumang nagbibigay. Sa mga walang-wala, ang paghahain ng matamis at malamig na
tubig mula sa isang maralita ay isa nang pinahahalagahang biyaya na di
matutumbasan sa balat ng lupa. Ang Pasko ay pagbibigay. Hindi mahalaga kung ang
handog ay maliit o malaki man. Sa maliit na regalong ibinigay, kailangang
kalakip dito ang pusong nagmamahal. (Halaw mula Kabanata 8: “Maligayang
Pasko” ng nobelang “El Filibusterismo” ni Gat José Rizal)
O, di ba! Halos walang pinag-iba
ang paskong kinagisnan ng ating pambansang bayani at ang Pasko ng makabagong
panahon na ating kinamulatan, hehehe! Kaya lamang, maraming pagkakataon talaga
na masyado na tayong absorbed sa mga stressful preparations, parties, get
togethers with all those potluck-diet-later and other
commercialized/secularized “observances” kaya nalilimutan na minsan ang tungkol
sa tunay na diwa ng Kapaskuhan- ang pagsapit ng Panginoong Hesu-Kristo sa ating
buhay. Amen.
Drinowing ko yung nakita kong kakaibang life-sized Belen sa Redemptorist Church sa Baclaran kahit na hindi naman ito ang eksaktong anyo ngunit naunawaan ko ang mensahe at ang relevance nito sa pinagdaanan ng maraming Pilipino na kahit ganoon man katindi ang mga pagsubok, tuluy na tuloy pa rin ang Pasko.
Mackerel sky on Christmas Day
Sa mismong ika-25 ng Disyembre,
maalinsangan at maaliwalas. Hindi naman tuluy-tuloy ang ginaw na hatid ng
hanging Amihan. Pero para sa akin, mas gusto ko ang ganito dahil hindi ako
nagkakasakit di tulad nitong mga nakaraang araw nang bigla na lang nagbabago
ang panahon na maaraw at maya-maya’y mag-uulan naman.
Ang pamumukadkad ng mga lirio
(Hippeastrum variety of Amaryllises) na nagsimula noong winter solstice.
*******
Siyanga pala, naging busy place
din ang “tent city” sa Villamor Air Base Elementary School grounds. Ang
dami-daming bisita nitong mga nakaraang araw. Mga charity events ng ilang
sports and showbiz personalities. Nakakita na ako ng ilan sa kanila pero hindi
ako nabighani o na-starstruck; ni hindi rin ako excited na magpa-picture kasama
ang isa man sa kanila. Well, wala namang masama sa kanilang mga outreach
programs para sa mga evacuees... basta ang motivation ay intrinsic, yun bang
bukal sa kalooban or genuine charity and spreading the holiday cheers at hindi
yun extrinsic or just for gaining more publicity and promotions for their
“friendly public image” and TV shows/ networks na kanilang kinabibilangan.
Hey, noong isang gabi, manonood
na sana ako ng nagiging Saturday night habit ko nang panoorin sa TV5 na “Juan
Direction” pero isiningit ang isang special coverage tungkol sa surprise
goodwill visit ni Justin Bieber sa Tacloban. Nakagugulat nga ang ginawa niya.
Mukhang nag-mature na ang naturang pop superstar di tulad noong una niyang
pagbisita upang mag-concert sa bansa kung saan binatikos siya sa pagiging
“brat” lalo na nang paalis na siya sa airport; mukha siyang tinopak noon, eh,
hehehe! At saka, hehehe, buti at hindi sila nagpang-abot sa Leyte ni Manny
Pacquiao. Noong nakaraang taon lamang ay inasar-asar niya sa social media ang
people’s champ and he seemed unapologetic about that.
December 20. Children’s
Christmas parties dito sa Villamor Air Base Elementary School... at bilang
party host and events organizer sa section namin, ang mga saloobin ko ay aking
naipahahayag sa pamamagitan ng uploaded drawing above this paragraph. Sigh...
Halos buong araw na makulimlim noon tapos nag-uulan pa at nakadama ako na
magkakaroon ng not-so-enjoyable Christmas Party para sa akin. At ganoon nga ang
nangyari. Talagang nakakapagod talaga ang mag-organize ng party at halos hindi
ako nakapahinga simula pa lang sa pag-aasikaso ng order na pagkain!
Tension-filled. Fatigue. Hanggang sa Christmas party ba naman, saway pa rin ako
nang saway! Nagpa-games ako, madalas ay ginugulo lang ng mga bata na hindi
marunong makuntento. Once na natanggap na ng mga bata ang kanilang regalo,
hindi na nila ako pinakinggan sa aking mga paalala. May mga sasabihin pa sana
ako pero wala rin namang saysay ang magsalita pa sa kanila kaya sa pagkabwisit
ko ay pinauwi ko na lang sila. At ang lalong nakakainis, wala man lang
nagkusang-loob na tulungan akong maglinis ng classroom! Bad trip talaga ako sa
halip na mag-enjoy.
Anyways, ang party ay
para naman sa kanila at hindi sa akin. Enjoyment para sa kanila, pasaning-krus
naman para sa akin! At least, kahit tatlong bata lang mula sa klase ay naging
thoughtful sa pag-abot ng regalo.
Pagkalinis sa classroom,
isa pang task na kailangang matupad bago ako umuwi ay bigyan ng maayos na
libing ang isang kaawa-awang sisiw na karaniwang inilalako sa labas ng mga
paaralan. Kanina kasi nang pagud na pagod ako pagdating pa lang sa klase at
hindi pa nagsisimula ang party, sinalubong ako agad ng mga sumbong. Ang mga punyemas na pasaway na mga bata! Isa
sa kanila ay naapakan daw ang munting sisiw... at ang lintik na nagpaikli ng
buhay nito ay nagsawalang-bahala na lang. Tapos, itatapon lang nila sa
basurahan? Hindi man lang nila inilibing. Madudumihan daw sila! Mga walang
awang bata! Kaya nga bago ako umuwi, kabilang sa mga dala ko ay ang paper bag
na pinaglagakan ng patay na sisiw. Naghanap ako ng pwesto sa mga puno ng
mahogany sa gilid ng paaralan. nagbungkal ako doon at inilibing nang maayos ang
sisiw.
Nakapikit ang sisiw na para
bang natutulog lang. Matingkad pa rin ang kulay berdeng food coloring sa
balahibo nito. Nagpapahinga na siya sa piling ng lupa at ng mga puno; malayo na
siya sa malulupit na bata at doon sa tindero na nagpaikli ng kanyang buhay.
Siguro sa ibang tao na nakapansin sa ginawa ko, isa itong ka-weirduhan. Hayaan
ko na lang sila sapagkat ang aking ginawa ay nagdulot sa akin ng naiibang
kagaanan ng kalooban.
*******
Looking back at 2013, hindi ko
alam kung nagkataon lang ba o kahalintulad talaga sa bagsik at biglaang
pagsalakay ng isang ahas ang taong ito kaya nga Year of the Snake.Tulad ng
pagbabalat ng ahas, maraming kaganapan ang “nagbabalat” din upang lumitaw ang
tunay na anyo; hmmm, parang doon sa Senado nitong mga nagdaang araw lamang,
kasunod ng mga balitang “scam”, umatikabo’t rumapido ang televised word wars...
hehehehehe, no comment. Napakaraming pangyayari, natural calamities or man-made
strife and other troubles na tulad sa isang mythological serpent na may maraming
ulo at pinagtutuklaw ng kamandag ng kaguluhan at pagdurusa ang marami nating
kababayan at ang ating bansa mismo.
Where’s the “nationwide anti-venom”?
Anyways, ang blog na ito ay
hindi naman isang yearend report. Well,
sa kabila ng sunud-sunod na bad news, meron din namang rays of sunshine,
calming moonlight, and looking up at the stars in the sky. Stop by to smell the
scent of flowers at tulad ng isang quotable quote mula sa isa sa mga paborito
kong pelikula na “American Beauty”na dalawang beses pang sinambit (especially
by Kevin Spacey’s character as Lester Burnham) “...it’s hard to get mad when there’s so much beauty in the world...”.
Just count the good news, stories that will bring us the smiles especially
during the Christmas season tulad ni Pope Francis. Marami tayong kababayan na sinubok ang katatagan
at pinatunayan naman nila ang kanilang katatagan at natunghayan ang pagkakaisa
ng mga Pinoy at ng international community para tumulong sa muling pagbangon ng
mga kababayan natin sa mga nasalantang lugar. Hay, nakatutuwa na ang 2013 ay
year of the Filipina beauty queens and athletes din, di ba?
As for me, ang 2013? A year of
ups and downs, and the constantly changing merry-go-rounds. Ngunit ako’y lubos
na nagpapasalamat sa Panginoon.
*******
Presenting the finale of this
last blog post of 2013.
GALLERY OF THE ABSURD
“Bitter Self-Satire”
Kawawang manunulat...kawawang Samizdat Publications...paano na ang mga
nakaline-up na mga kasunod na akda?
Insect-eating plants (symbolizes the rejection from bookstores and other
book dealers, established publishing companies, and sarcastic people)
Kayo bang mga anonymous readers lalo na ang mga matagal nang nakikibasa ng
blogs ko, ang mga saloobin niyo ba ay tulad ng mga nakasaad sa larawan sa
itaas? Any unsavory reaction? O, bakit natahimik ang ilan sa inyo? Nakakatakot
kasi ako maging kaibigan, tama ba?
“2014: YEAR OF THE HORSE”
gallery of the absurd... mainam nga na ang weirdong blogger na mismo ang maghahayag ng satirical views sa kinahantungan ng kanyang venture kaysa ang marinig pa sa ibang tao... yung ibang anonymous readers diyan, alam ko na wala lang sa inyo...
ReplyDelete