This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 28, 2013

Tanglaw ng mga Parol


Top: Mga Parol (Crayon Etching Artwork)/ Bottom: Christmas Lantern made of kapis shells

             Isang kinagisnang paniniwala na ang araw ng Pasko sa Pilipinas ay isang katangi-tanging araw para sa kabataan. Pero kung uuriratin mo sila, ang natatanging araw na ito ay kinatatakutan nila. Sa araw ng Pasko, kahit inaantok pa ay maaga silang ginigising ng mga magulang upang makapaghanda na. Pinasusuot sa kanila ang mga bagong damit kasama ang mga eskapularyo, at matapos makapag-almusal, hila-hila na sila ng mga magulang upang magsimba. Kailangang tumahimik habang nagmimisa ang kura paroko. Kapag nagusot ang kanilang baro, isang pingot. Kapag gumalaw habang nagaganap pa ang Misa, isang kurot. Kapag tumawa, isang batok.
         Ang mga batang ito na hila-hila ng kanilang mga tatay at nanay ay dinadala sa bahay ng mga kamag-anakan at mga kaibigan. Sapilitan silang pinasasayaw, pinakakanta, o pinatutula upang ang balana ay lubos na masiyahan at matuwa. Kapag natapos na ang sapilitang pagpapakwela, nireregaluhan sila ng mga sensilyo (salapi) upang may panggasta ngunit ang mga ito ay hindi napupunta sa kanilang mga bulsa sapagkat ito’y itinatago ng kanilang mga magulang.
             Sa bawat bahay na puntahan, lagi at laging itinutulak ng mga magulang ang mga anak sa mesang dulugan. Sa unang pagsandok, sarap na sarap sa paglamon sa mga ulam ang mga kabataan. Pero maya-maya’y hinihingal na sila sa sobrang kabusugan. Sa kanilang pag-uwi, sila’y nag-iiyakan na kung hindi natutunawan dahil sa sobrang kasibaan.
             Ang Pasko ng mga nakatatanda ay pagbibigay galang sa mga magulang, lolo, lola, tiyo, at tiya. Kahit may edad na ay nagmamano pa rin sila sa nakatatanda sa kanila. Kapansin-pansing may nakalaan ding simpleng regalo na pinahahalagahan nila tulad ng matamis na prutas o kahit anong bagay na buong pusong inialay ng sinumang nagbibigay. Sa mga walang-wala, ang paghahain ng matamis at malamig na tubig mula sa isang maralita ay isa nang pinahahalagahang biyaya na di matutumbasan sa balat ng lupa. Ang Pasko ay pagbibigay. Hindi mahalaga kung ang handog ay maliit o malaki man. Sa maliit na regalong ibinigay, kailangang kalakip dito ang pusong nagmamahal. (Halaw mula Kabanata 8: “Maligayang Pasko” ng nobelang “El Filibusterismo” ni Gat José Rizal)

              O, di ba! Halos walang pinag-iba ang paskong kinagisnan ng ating pambansang bayani at ang Pasko ng makabagong panahon na ating kinamulatan, hehehe! Kaya lamang, maraming pagkakataon talaga na masyado na tayong absorbed sa mga stressful preparations, parties, get togethers with all those potluck-diet-later and other commercialized/secularized “observances” kaya nalilimutan na minsan ang tungkol sa tunay na diwa ng Kapaskuhan- ang pagsapit ng Panginoong Hesu-Kristo sa ating buhay. Amen.
Drinowing ko yung nakita kong kakaibang life-sized Belen sa Redemptorist Church sa Baclaran kahit na hindi naman ito ang eksaktong anyo ngunit naunawaan ko ang mensahe at ang relevance nito sa pinagdaanan ng maraming Pilipino na kahit ganoon man katindi ang mga pagsubok, tuluy na tuloy pa rin ang Pasko.



                    Mackerel sky on Christmas Day                 
                    Sa mismong ika-25 ng Disyembre, maalinsangan at maaliwalas. Hindi naman tuluy-tuloy ang ginaw na hatid ng hanging Amihan. Pero para sa akin, mas gusto ko ang ganito dahil hindi ako nagkakasakit di tulad nitong mga nakaraang araw nang bigla na lang nagbabago ang panahon na maaraw at maya-maya’y mag-uulan naman.


                Ang pamumukadkad ng mga lirio (Hippeastrum variety of Amaryllises) na nagsimula noong winter solstice.
*******
             Siyanga pala, naging busy place din ang “tent city” sa Villamor Air Base Elementary School grounds. Ang dami-daming bisita nitong mga nakaraang araw. Mga charity events ng ilang sports and showbiz personalities. Nakakita na ako ng ilan sa kanila pero hindi ako nabighani o na-starstruck; ni hindi rin ako excited na magpa-picture kasama ang isa man sa kanila. Well, wala namang masama sa kanilang mga outreach programs para sa mga evacuees... basta ang motivation ay intrinsic, yun bang bukal sa kalooban or genuine charity and spreading the holiday cheers at hindi yun extrinsic or just for gaining more publicity and promotions for their “friendly public image” and TV shows/ networks na kanilang kinabibilangan.
                Hey, noong isang gabi, manonood na sana ako ng nagiging Saturday night habit ko nang panoorin sa TV5 na “Juan Direction” pero isiningit ang isang special coverage tungkol sa surprise goodwill visit ni Justin Bieber sa Tacloban. Nakagugulat nga ang ginawa niya. Mukhang nag-mature na ang naturang pop superstar di tulad noong una niyang pagbisita upang mag-concert sa bansa kung saan binatikos siya sa pagiging “brat” lalo na nang paalis na siya sa airport; mukha siyang tinopak noon, eh, hehehe! At saka, hehehe, buti at hindi sila nagpang-abot sa Leyte ni Manny Pacquiao. Noong nakaraang taon lamang ay inasar-asar niya sa social media ang people’s champ and he seemed unapologetic about that.

                December 20. Children’s Christmas parties dito sa Villamor Air Base Elementary School... at bilang party host and events organizer sa section namin, ang mga saloobin ko ay aking naipahahayag sa pamamagitan ng uploaded drawing above this paragraph. Sigh...
          Halos buong araw na makulimlim noon tapos nag-uulan pa at nakadama ako na magkakaroon ng not-so-enjoyable Christmas Party para sa akin. At ganoon nga ang nangyari. Talagang nakakapagod talaga ang mag-organize ng party at halos hindi ako nakapahinga simula pa lang sa pag-aasikaso ng order na pagkain! Tension-filled. Fatigue. Hanggang sa Christmas party ba naman, saway pa rin ako nang saway! Nagpa-games ako, madalas ay ginugulo lang ng mga bata na hindi marunong makuntento. Once na natanggap na ng mga bata ang kanilang regalo, hindi na nila ako pinakinggan sa aking mga paalala. May mga sasabihin pa sana ako pero wala rin namang saysay ang magsalita pa sa kanila kaya sa pagkabwisit ko ay pinauwi ko na lang sila. At ang lalong nakakainis, wala man lang nagkusang-loob na tulungan akong maglinis ng classroom! Bad trip talaga ako sa halip na mag-enjoy.
            Anyways, ang party ay para naman sa kanila at hindi sa akin. Enjoyment para sa kanila, pasaning-krus naman para sa akin! At least, kahit tatlong bata lang mula sa klase ay naging thoughtful sa pag-abot ng regalo.
            Pagkalinis sa classroom, isa pang task na kailangang matupad bago ako umuwi ay bigyan ng maayos na libing ang isang kaawa-awang sisiw na karaniwang inilalako sa labas ng mga paaralan. Kanina kasi nang pagud na pagod ako pagdating pa lang sa klase at hindi pa nagsisimula ang party, sinalubong ako agad ng mga sumbong.  Ang mga punyemas na pasaway na mga bata! Isa sa kanila ay naapakan daw ang munting sisiw... at ang lintik na nagpaikli ng buhay nito ay nagsawalang-bahala na lang. Tapos, itatapon lang nila sa basurahan? Hindi man lang nila inilibing. Madudumihan daw sila! Mga walang awang bata! Kaya nga bago ako umuwi, kabilang sa mga dala ko ay ang paper bag na pinaglagakan ng patay na sisiw. Naghanap ako ng pwesto sa mga puno ng mahogany sa gilid ng paaralan. nagbungkal ako doon at inilibing nang maayos ang sisiw.

            Nakapikit ang sisiw na para bang natutulog lang. Matingkad pa rin ang kulay berdeng food coloring sa balahibo nito. Nagpapahinga na siya sa piling ng lupa at ng mga puno; malayo na siya sa malulupit na bata at doon sa tindero na nagpaikli ng kanyang buhay. Siguro sa ibang tao na nakapansin sa ginawa ko, isa itong ka-weirduhan. Hayaan ko na lang sila sapagkat ang aking ginawa ay nagdulot sa akin ng naiibang kagaanan ng kalooban. 

*******
            Looking back at 2013, hindi ko alam kung nagkataon lang ba o kahalintulad talaga sa bagsik at biglaang pagsalakay ng isang ahas ang taong ito kaya nga Year of the Snake.Tulad ng pagbabalat ng ahas, maraming kaganapan ang “nagbabalat” din upang lumitaw ang tunay na anyo; hmmm, parang doon sa Senado nitong mga nagdaang araw lamang, kasunod ng mga balitang “scam”, umatikabo’t rumapido ang televised word wars... hehehehehe, no comment. Napakaraming pangyayari, natural calamities or man-made strife and other troubles na tulad sa isang mythological serpent na may maraming ulo at pinagtutuklaw ng kamandag ng kaguluhan at pagdurusa ang marami nating kababayan  at ang ating bansa mismo. Where’s the “nationwide anti-venom”?
                Anyways, ang blog na ito ay hindi naman isang yearend report. Well,  sa kabila ng sunud-sunod na bad news, meron din namang rays of sunshine, calming moonlight, and looking up at the stars in the sky. Stop by to smell the scent of flowers at tulad ng isang quotable quote mula sa isa sa mga paborito kong pelikula na “American Beauty”na dalawang beses pang sinambit (especially by Kevin Spacey’s character as Lester Burnham) “...it’s hard to get mad when there’s so much beauty in the world...”. Just count the good news, stories that will bring us the smiles especially during the Christmas season tulad ni Pope Francis. Marami tayong kababayan na sinubok ang katatagan at pinatunayan naman nila ang kanilang katatagan at natunghayan ang pagkakaisa ng mga Pinoy at ng international community para tumulong sa muling pagbangon ng mga kababayan natin sa mga nasalantang lugar. Hay, nakatutuwa na ang 2013 ay year of the Filipina beauty queens and athletes din, di ba?
            As for me, ang 2013? A year of ups and downs, and the constantly changing merry-go-rounds. Ngunit ako’y lubos na nagpapasalamat sa Panginoon.
*******
                  Presenting the finale of this last blog post of 2013. 

GALLERY OF THE ABSURD
“Bitter Self-Satire”

 
Kawawang manunulat...kawawang Samizdat Publications...paano na ang mga nakaline-up na mga kasunod na akda?

Insect-eating plants (symbolizes the rejection from bookstores and other book dealers, established publishing companies, and sarcastic people)

Kayo bang mga anonymous readers lalo na ang mga matagal nang nakikibasa ng blogs ko, ang mga saloobin niyo ba ay tulad ng mga nakasaad sa larawan sa itaas? Any unsavory reaction? O, bakit natahimik ang ilan sa inyo? Nakakatakot kasi ako maging kaibigan, tama ba? 

“2014: YEAR OF THE HORSE”