The National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (or Baclaran Church in ParaƱaque City)- courtesy of Wikipedia and photographer Ramon F. Velasquez
Bago ko nga pala nai-post ang blog na ito, kagagaling ko lang mula sa Baclaran. Miyerkules Santo, Araw rin ng Baclaran, at dito ako sumama sa mga nag-Stations of the Cross kahit pare-pareho kaming strangers at sa visita iglesia sa kalapit na Sta. Rita de Cascia Parish.
Pagkatapos, hehehe! Sarap ng meryenda sa Jollibee- Tuna Pie with Iced Tea; seasonal lamang ang Tuna Pie at napakasarap pa naman nito!
***
“Why is it that you people out there
either dislike me or so scared of me? Look at my face mask. I will whisper this
to your brain, by its cerebrum, cerebellum, and medulla, that I’m a person you
can trust to serve you a light snack of tasty bread with Reno liver spread,
with crunchy pop beans, and some fine shoktong...”
Caution! A weird selfie photo- don't you ever provoke this being or else!
Well, correction. Anthony Hopkins is included in my
list of all-time favorite actors because he has great acting prowess but never
his Hannibal Lecter character in his past films. I just like the muzzle-like
face mask and the hilarious parodies in popular culture e.g. “Scary Movie” or
the scheming Mr. Tinkles of “Cats and Dogs 2: The Revenge of Kitty Galore”.
The phases of the moon is so important to the ever movable Holy Week
Today is the 16th of April 2014 and it happens to be
Holy Wednesday of this year’s Holy Week. Ngayon ay kaarawan ng isang blogger na
nagngangalang Joan T. Teves.
Ngayon ko lang hayagang babanggitin dito sa blog kung
ilang taon na ako tutal ay hindi na iyon maitatanggi sa aking mga papeles at
dokumento. Ako’y tatlumpu’t isang taong gulang na ngayong 2014 but age is just
a number, right?
Anu-ano ba ang trip kong sabihin sa sanaysay ko para
sa April 2014 blog post na para bang nasa imahinasyon ko ang isang metaphysical
wine na walang alcohol content because in real life, I don’t appreciate such
alcoholic beverages.
Personality. May ilang description umano para sa mga
may zodiac sign na Aries with the fire element na tugma sa akin gayundin sa
Chinese feng shui on the Water Pig.
Hehe, silence of the pigs in the barrel! I’m just a
harmless weirdo unless when provoked. Kaya lang nangangalisag ang balahibo ng
maraming tao kapag nariyan na ako malapit sa kanila. Oo nga pala, ngayong buwan
din ang bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo. Kasama uli ako, the monster.
Magbabakasyon uli sa Tigbauan ang nakaaasiwang weird monster na ito na
magpapanindig na naman ng balahibo, hehehehe! Pero wala naman akong ginagawang
pamemerwisyo liban lang sa ghostly, eerie presence ko na naghahatid ng
discomfort sa mga pinag-iisipan ako agad na isang snobbish at masungit dahil
lang sa hindi ako ma-PR at engot ako pagdating sa dayalektong Kiniray-a and so,
I beg to y’all folks to forgive this weirdo. Sana kagaya na lang sa isang linya
ng hit single nina Eminem at Rihanna na “I’m
friends with the monster...”
Ganito lang kasi ako na isang introvert, eh.
Dito sa blog site na ito, ang dami-daming anonymous
readers at nadarama ko na ang ilan sa kanila ay palihim talagang sumusubaybay
pa. Ayon, sa statistics ng blog dashboard, malapit nang umabot sa 10,000
pageviews ang “Soliloquy Beyond” (hey, as of April 16, lumampas na nga sa 10,000!). Marami ngang anonymous readers subalit hindi
ko kailanman nadama ang friendliness ng mga yun. Nakakatakot ba ako na baka
sakmalin ko kayo, anonymous readers? Isa ba akong eyesore? Mabaho ba ako ayon
sa inyong nasal standards? Bakit? Kung magpapakilala na ba kayo sa akin ay
uutangan ko na kayo (at huwag din uutang sa akin!) o kukulitin na bumili naman
ng pocketbook ko?
Nalilimutan ko na naman ang kahulugan ng soliloquy or monologue in contrast to
dialogue and other forms of interaction. Sige, huwag na kayong magpakilala o
mag-comment man lang kung ayaw niyo. Nakakatakot kasi ako, eh. Lumipat na lang
kayo sa ibang blog sites o magbabad na lang sa Facebook niyo tapos tutok na lang
kayo sa Flappy Bird and other game apps diyan sa cellphones and tablets niyo,
ha?
Pambihira... lasing na yata ako nito sa isang shot
lang ng imaginary booze. Lakas-tama ng drama, o!
Sorry sa unpleasant na pinagsasabi ko sa blog na
ito...
Career. Smooth sailing. Mahaba-habang bakasyon mula sa
trabaho sa eskwela. Pero may isa pa akong career sana. Muli akong
nagpapasalamat sa mga tumangkilik at nagpahayag ng positive reviews sa aking
unang inilathalang akda na “Dalawang Babaeng Umiibig” at patunay yun na ang
aking kwento ay never na isang cloying romance novella. Kaya lang tulad sa
publications ng iba pang independent and self-publishing authors, I’m deeply
sad sa malamang na pag-curtains down na ng aking Samizdat Publications at hindi
ko alam kung maipaiimprenta ko pa ang iba kong akda na pinaghirapan ko talagang
isulat. Mahal na ngayon ang printing costs at priority lang ng ilang malalaking bookstores and other dealers ang
mga produkto ng mga kilalang publishing companies basta may “commercial value”
ang mga ito.
Minsan nga ay naglako ako ng
aking pocketbooks sa isang lansangan sa Maynila. Kinausap ko ang isang ale na
may news stand sa kanto ng T.M. Kalaw at Taft na bumili naman siya sa akin, 3
for 100 (presyong palugi na nga ito, eh) at pwede niyang ibenta ang isang kopya
ng 40 pesos. Agad niyang ibinalik ang mga libro. Sana nga pala, dinagdagan ko
ang salestalk ko para mas maintindihan naman nung ale. Sana sinabi ko na kung
maibebenta niya ang tatlo eh di tumubo pa siya ng bente pesos. Tutal, marami
namang tao na dumadaan sa pwesto niya at mapapansin ang mga pocketbooks na
iyon. At saka, may sinabi pa siya na ang gusto ng mga tao ay “Precious Hearts”.
Ganoon? Umalis na lang ako nang tahimik kaysa mangulit pa kasi mukhang mahirap
kausap yung ale at medyo mainit na ang ulo. Hindi niya ako pinaniwalaan kasi
sarado siya. Lalo ko tuloy naunawaan ang hirap ng trabaho ng mga field sales personnel and promodizers kung saan halos
hindi sila pansin at minsan, pinagtatabuyan pa sila at pinagtatarayan ng ibang
tao at may mga pagkakataong hindi sila kumikita.
Well, meron daw isang website na tinatawag na Wattpad
kung saan makababasa raw ng online contemporary novels para sa mga masipag
magbasa. Doon, gaya ng Facebook, libre magbasa... wait! Libre? Eh di ba, hindi
talaga kasi pumapatak ang metro ng Internet usage mo tapos exposed pa sa
computer radiation ang iyong mga mata? Meron namang alternative, eh.
Naipalimbag na ng iba't ibang naggagayahang publishing companies ang ilang Wattpad novels na may mga manga/otaku designs and
illustrations sa cover pages ng mga ito. No offense sana sa mga illustrators.
Iba talaga ang vibes kapag pinagmamasdan o binabasa mo ang isang modern umanong
“literaturang Pinoy” na nagtataglay naman ng very strong foreign influences
kahit pa sabihing cute o pang-agaw ng pansin. Pang-akit lamang ang makulay na cover illustration pero ang formula ng Taglish na kwento nito ay wala rin pinagkaiba sa iba pang romance pocketbooks! Mahal naman at saka hindi ko trip
bilhin ang mga yun o basahin man lang ang anumang nakabuyangyang sa Wattpad. Ito na ba ang makabagong panitikang Pilipino ngayon?
Mga tipong teen fiction or pop/chic literature na
layong magpakilig kasi yun daw ang “trending” sa reading public ngayon! Talaga
lang, ha? Masyadong pa-sweet and syrupy tulad ng ilang animƩ o Asianovelas. Eh ganoon ang hanap
ng mga publishing companies ngayon, eh! Punyemas! Mga kakiligan! Kilig-kilig sa
mga readers na mga tipong “Filthy Rich...”, “She’s Dating a Gangster” or diarrhea ng shwanget este, “Diary
ng Panget” pala na meron pang movie version.
Well sorry, ha! Ang mga akda ko ay mostly adult themes
intended for mature readers pero hindi naman yun erotica o gay literature, ano?
I want to portray women characters as empowered and strong-willed at hindi yung
umiikot lang ang buhay sa crush o boyfriend o lovelife at hindi ko gusto yung
sila’y hanggang “damsels in distress” na umaasa lang sa mga lalaki upang sila’y
sagipin at mas lalong hindi sila ang tipong laglag agad ang panty sa kilig kung
sila’y lovesick or hopeless romantic na. Mga matatag na babae, yun na!
Sa una kong inilathala at ipinalimbag na akda, mababa
ang kita; tumpak nga naman ang tinuran nung mama sa Plaza Miranda sa Quiapo
matapos ibalasa ang tarot cards niya na wala raw akong gaanong kita dito
(please refer to “Fresh Scent of Rain-Drenched Soil and Lush Plants” posted on
August 2012). Iilan lamang ang bumili. Mababa ang kita subalit nagpapasalamat
pa rin ako sa Panginoon dahil nagkaroon pa rin ako ng pagkakataong makilala na
kaya ko palang maging manunulat ng fiction. Sa halip na itago o gastusin sa
kung ano ang maliit na halaga, minabuti ko na lang na ito ay ilaan sa
kawanggawa; may kaliitan nga ngunit bukal naman sa kalooban ko na i-donate!
Gumaan ang pakiramdam ko sa kasiyahang ito at hindi na ako magdadagdag ng
detalye sapagkat ang isang significant Lenten activity ay hindi dapat i-flaunt
kahit na hindi naman ako gaanong relihiyoso.
Personality, career... dapat bang isama ang lovelife?
Hindi ko talaga gustong i-diskusyon ang scope na ito. Nakapagsulat ako ng mga
novellas and short stories kung saan may lovelife ang mga tauhan pero ang
may-akda ay wala kahit kailan. Bwisit na mga tanong kung may boyfriend na at
kumukulo ang dugo ko sa ganoong usapin! Masaya pa rin naman ang maging
single-blessed tulad ng isinaad ko sa aking profile dito na mababasa diyan sa
tabi ng blog page na ito at alam kong hindi lang ako ang may ganitong
prinsipyo. Dapat daw sa akin, mag-ayos-ayos. Nang magmukha namang akong tao?
Dapat daw sa akin magpa-make-over at mag-aral ng social graces upang maging
sophisticated nang ‘mapansin’ naman ako. Lintik na mga ‘payo’ yan, o! Well, sa
mga naiintriga kung bakit walang attracted sa akin, I tell you, hindi kasi nila
masikmura na ganito ako at hindi nila ako maunawaan. Ano, ha? Kailangan pa bang
magbago ako alinsunod sa mga itinakdang ‘pamantayan’ ng ibang tao? Sa salitang
Bisaya, nagmamaoy (nagwawala). Nagmamaoy na ako sa pamamagitan ng blog na
ito,a! kahit na sa imahinasyon ko lamang ay naubos ko na ang isang kathang-isip
lamang na bote ng alak sa isang inuman.
***
Namumukadkad ang Tag-init
Flowering narra trees at the Villamor Air Base Golf Club
A variety of coleus
Lilies that bloomed mostly during the Lenten and Easter seasons
Bougainvilleas
More bougainvilleas
Beautiful and long-lasting pink clusters of hydrangeas (milflores); now, I know, the soil's pH where it is planted is alkaline
Plumbagos
Santan plants
The santan flower cluster up close
***
THE APRIL 2014 BLOG’S FINALE: A GALLERY
DEDICATED TO A POPE
Newspaper clippings on the historic World Youth Day ‘95 from the
Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, and Manila Bulletin. Not even Ondoy’s flood can ever disintegrate this
souvenirs which bring back fond memories of the blessed and saintly Pope John
Paul II with the late Jaime Cardinal Sin for his guest. Was it the newspapers' carbon content or is it the photogenic glow of the pope? Malapit na pala ang kanyang canonization kasama si Pope John XXIII.
happy birthday!
ReplyDeleteAng kulit mo, ha! Sa susunod idi-delete ko na itong comment mo!
ReplyDeleteSpam na lang, hehe! Spam Lite kasi maalat ang regular!
ReplyDelete