This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Friday, February 27, 2015

Belated Essays



“Just who cares for a blogger called Joan T. Teves a.k.a. Weirdjtt? No one, whatever!”

*******
The essays are mostly derived from some of my diary entries.

Sgt. Moth (12/14/14)



*******

I am not a “je suis Charlie” (1/10/15)

            Muli kong binasa ang isang lumang isyu ng Philippine Daily Inquirer at sa mga artikulo nito tungkol sa Charlie Hebdo. Napakaraming nakisimpatya globally. Bago pa pumutok ang balita tungkol sa trahedya na iyon sa Paris, hindi ko talaga alam na may ganito palang magasin na kilalang notoryus and unapologetic sa social commentaries and caricatures lalo na pagdating sa relihiyon, pulitika, at iba pang trip nilang atakihin sa kanilang satires; sabi raw, karamihan sa staff ng naturang magasin ay mga atheists at iconoclasts. Freedom of expression, speech, and thought daw; mga French Revolution ideals at wala raw ang may karapatang diktahan sila kung ano ang dapat nilang ihayag sapagkat malaya sila sa kanilang mga saloobin even the damn right to offend and dishonor, for Charb’s sake! Well, style nga naman ng ilang gravely liberated and secular Europeans ang shock literature pati sensational journalism.
        At dahil sa mga ideals na iyon na ipinaglalaban umano nila, unknowingly on the suicide path na sila. In his celebration of freedom of expression and thought, the magazine’s editor-in-chief, Stephane Charbonnier claimed, “...better to die standing for what I fight for than live on my knees...”
      Palibhasa, iba kasi ang kultura ng mga Pranses na iyon kaya hindi ko agad-agad maunawaan basta ang mahalaga ay huwag na silang husgahan. Wala na sila, eh. Nakikisimpatya rin ako sa mga taong yun na hindi deserving sa malagim na sinapit ngunit hindi ko inuunawa ang pauli-ulit nilang  intolerance at kawalan ng respeto sa mga tao at institusyong nilalaspatangan nila sa pamamagitan ng kanilang mga nakapandidiring caricatures at iba pang artikulo. Para saan pa ba ang mga satires kung ang pakinabang dito ay bilang crap of a mockery na lamang sa halip na mga mungkahi ng alternate solutions sa mga suliranin ng daigdig? Oh, come on! Kahit naman ang ilang posts ng blog site na ito ay naglalaman din nga ng satirical contents and caricatures, hehehe! Those were either about certain persons like the cold and distant anonymous readers of Soliloquy Beyond (“Tanglaw ng mga Parol” and “Soliloquy of Bitterness: I wish I Could Laugh Out Loud Again” posted last December 2013 and August 2014 respectively, are two examples) and my own bitter self-satires.
And as for those terrorists, I don’t think that they were martyrs; they were blasphemous murderers in their use of religion to release their angst and desperation. They didn’t believe in peaceful and intelligent means to get back and call upon Charlie Hebdo to soften and relax its rabid freedom of expression in the name of universal respect and tolerance. I don’t want that slogan of “je suis Charlie” yet simply I say kaawaan nawa ng Panginoon ang mga biktima at mga salarin sa naganap na terorismo doon man sa Pransya at sa iba pang panig ng Mundo.
*******
Pope Francis in the Philippines (Enero 15-19, 2015)

            1/15/15. Napakaganda ng sunset na nasilayan dito sa Villamor Air Base hanggang sa magtakipsilim na at lumapag na sa tarmac ang papal airplane mula sa Sri Lanka. Makapal na ang dami ng tao sa kahabaan ng ruta mula Villamor hanggang Apostolic Nunciature sa Taft Avenue, Maynila. Pagkakataon na ito na matanaw nang personal si Pope Francis.
            Dalawampung taon na ang nakalilipas buhat noong huling Papal visit/ World Youth Day 1995 dito sa Pilipinas. The time of St. Pope John Paul II. Same month iyon at ako ay isang mag-aaral na Grade 5 sa Villamor Air Base Elementary School (former location) and fast forward to 2015, isa naman akong titser ng mga Grade 5 sa VABES (new location)!
            Ginabi na ang papal motorcade pagkatapos ng short arrival honors na inihanda ni Pangulong Noynoy at ang bilis pa nitong dumaan na animo bugso ng hangin; bawal ang “Pilipino time”! Maraming salamat sa Panginoon, nakita ko ang pope mobile na dumaan sa Andrew’s Avenue at kahit madilim na at inabot lamang ng ilang milliseconds, nakita ko si Pope Francis! Once in a lifetime lamang ito; wala akong malaking budget upang magbiyahe sa Rome at mapasama sa general audience sa Vatican, ano? Siyempre, isang mahalagang “family treasure” namin ang nakatulong upang masulyapan ko si Pope Francis- isang lumang binoculars na binili noon mula sa isang tinderong naglalako nito sa mga lansangan. Mayroon itong rubber engravings na nagsasaad na ito raw ay made in Russia (totoo ba yun?) tapos may tatak CCCP, disenyo ng magkalapat na Kalashnikov rifles, and Marxist symbols; anyways, ang binoculars ay harmless naman, walang political significance, and “purged already”- not for KGB nor decadent communism but to serve by giving beautiful close-up views of the environment around and a glimpse of gentle smiles of Pope Francis.  
        1/18/15. Maginaw na araw habang ang Bagyong Amang ay nakisalubong din kay Pope Francis at idinaraos ang mga kapistahan ng Santo Niño sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakatutok lamang kami sa telebisyon sa mga kaganapan sa Malakanyang, SM MOA Arena, Tacloban and Palo, Leyte, Unibersidad de Santo Tomas at sa Quirino Grandstand sa Luneta. Bahagyang maulan sa buong araw pero ang mga tao ay hindi natinag. Mercy and Compassion, ang tema ng Papal Visit 2015. Dalawang pangngalan na halos pareho ang kahulugan ngunit magkaiba ang aplikasyon nito sa buhay. Napagnilayan ko ang isang mensahe ni Pope Francis sa kanyang homily na “learn to cry for the poor”. Batid kong matalinghagang pahayag or figurative language ito na alangan naman sa literal na pagkakaintindi ay magnguyngoy ka sa tuwing nakakakita ka ng kahirapan sa paligid mo, hehe! Hindi ibig sabihin ay pagkakaroon ng bleeding heart or frankly speaking, crocodile tears, ano?
            Hindi lamang ang nasa lower classes sa lipunan ang nagdarahop, may iba pang maituturing na mahirap. Silang mga “poor in spirit”, mga mayroong mabibigat na pasanin sa buhay. Meron din namang upper and middle classes ang “poor”- poor in love, poor in happiness, poor in contentment and satisfaction in life and so on. Maging ang mga kurakot sa gobyerno at iba pang gumagawa ng masama at pamemerwisyo sa lipunan at kalikasan, sila’y mga poor din dahil poor sila sa wastong landas sa buhay. Kahit ako, poor din sa pagbagsak ng aking pangarap at pagkalugmok sa self-pity kaya poor ako pagdating sa determinasyon na habulin uli ang pangarap ko sa buhay. Poverty is not only economic, physical, or social, but also in emotional and spiritual aspects in life. “Learn to cry for the poor”- mercy, not pity, is the way of understanding one’s plight and compassion is mercy in action, a way of reaching out to another soul and upholding human dignity. No superficialities, let the language of the heart under God’s light be the song of mercy and compassion.
            Ang iba ko pang napagnilayan tungkol sa papal events ay tungkol sa “pro-poor” themes and advocacies. Hindi naman yun tungkol sa pagbibigay ng limos sa mga taong lansangan. Pro-poor dahil kailangang tulungan ang mga mahihirap na tulungan naman ang kani-kanilang sarili sa pamamagitan ng ibayong sikap at tiyaga. Tulad nga naman ng pangaral mula sa Panginoon, “higit na nakabubuting turuan ang iyong kapwa kung paano mangisda” sa matalinghagang pahayag.
       Masasabing tagumpay ang Papal Visit kung ang diwa nito ay isinasabuhay at hindi lang hanggang lip service o ningas-kugon lamang. Sa Parable of the Sower na pinangaral ng Panginoon, ang mga nananampalataya ay tulad sa mga binhing inihasik sa taniman- may mga nahulog sa kalsada at kinain ng mga ibon, yung ilan ay napunta sa mga mabatong bahagi ; merong mga tumubo ngunit nabalot ng ligaw na damo o tinik kaya hindi yumabong; at ang mga pinakamapalad na binhi ay naihasik sa mainam na lupa kung saan nagsipag-usbong ang mga ito, lumaki, at namunga nang pagkarami-rami. Nawa’y ang mga nananampalataya ay katulad ng mga binhing huling binanggit ng Panginoon.
            1/19/15. Ang Bagyong Amang ay naging low pressure area na lamang at sa petsang ito rin ang paglisan sa bansa kagaya ni Pope Francis. Maaliwalas ang panahon lalo na dito sa Villamor Air Base- ang una at huli sa itinerary ng Santo Papa sa buong pagbisita sa Pilipinas. Hindi na ako nakapag-abang sa Andrew’s Avenue bagkus nag-abang na lang ako sa TV at hinawakan ko na lang ang screen nito na ini-imagine ko rin na nahaplos ko ang kamay ni Pope Francis o nakurot ko ang mamula-mula niyang pisngi! Ibang klase talaga ang Pope Francis Effect sa bansa. Subalit sinabi niya na ang focus ng papal visit ay dapat nakatuon sa Panginoong Hesu-Kristo. Tayo bang mga nakipagsiksikan at mga pumanhik pa sa mga poste at puno sa pag-antabay sa kanyang pagbisita ay tutularan ba si Zacchaeus (Luke 19:1-10)? Nabanggit sa Gospel na isa siyang mayamang tax collector at maraming tao ang galit sa kanya. Kaya lang, ang maliit na mamang ito na pumanhik pa sa isang sycamore tree para masilayan si Jesus ay nagbagong-buhay na kaya siya pinagpala Niya. Isang sincere na pagbabagong-buhay...  

*******
Tears of Mamasapano, Maguindanao

            1/25/15 to 1/26/15. Going back sa naka-upload na mga larawan ng moth sa blog post na ito, nabanggit ko pa yun sa diary ko noong Disyembre 14, 2014. Tuwang-tuwa ako sa moth na iyon na nasa mga halamanan ng terrace namin kasi bihira ang ganoong uri at saka mas maamo ang moth kaysa sa butterfly. Kaya lang pagsapit ng gabi, ang moth ay lumipad na patungo sa kalayaan; hindi ko naman yun pwedeng alagaan. Kulay camouflage ang pakpak niya- parang sa uniporme ng mga sundalo at mga PNP Special Action Forces.
            Ang susunod na poetry ay ang finale ng blog post na ito. Sa totoo lang, ito nga ang nai-submit kong entry sa Panorama ng Manila Bulletin mula nang nag-anunsyo sila na bukas ang kanilang Sunday magazine para sa kahit anong creative entries from anyone out there. Matagal ko na itong na-e-mail sa kanilang tanggapan kaya lang hindi siguro nakapasa sa kanila dahil wala namang reply kagaya na lang sa ipinasa kong maikling kwento na pinaghirapan ko pa namang i-compose para sana mailathala sa Liwayway magazine noon na never have a chance naman pala sa kanila, sigh. Ang poetry ay dedicated para sa Fallen 44 at sa lahat ng nadamay sa mga walang kabuluhang kaguluhan sa lupaing ipinangako.  



“Cornstalks”

Dust-filled roads and ripples on the marsh
Frail cornstalks waltzed with lamentations
Before being trampled in the fields
Drenched with blood along with the end of dreams
Silence howled all over
Day and night seemed the same
And water hyacinths hummed, quite indifferent
Yet everything shed a tear
Bullets glistened and a worn-out boot
While the reeds concealed a photograph
Shielded such precious thing from being looted
The ears of the cornstalks
Had heard enough from every grain
Withering along with nightmares
In a few days, warnings of being uprooted
From the bosom of the earth
To give way for new sprouts when the time comes
Which will produce golden ears
From these, one can listen to someday
Not the screams, no more merciless gunfights
Nor the infamy and selfishness
Not the sorrows, the sufferings, the blame
But beneath blue skies and sunbeams
The moonlit nights and stars
The poetry of the fallen heroes
And the songs of resurrected dreams.