This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Tuesday, March 31, 2015

Isang Lunes Santo sa Batangas


HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...         


           Nai-update ang March 2015 blog post na ito na ang kasalukuyang petsa ay ika-12 ng Abril. Paumanhin sa  ilang anonymous readers na nag-aantabay palagi kung may bagong blog na ba ang Soliloquy Beyond just for the sake of curiosity trip and nothing more. Tinatamad na kasi buhat pa nitong mga nakaraang linggo ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves at ngayong Easter season lamang muling sinipag.
*******
            Natapos na ang school year 2014-2015 sa Villamor Air Base Elementary School na mayroong rating na 65% disappointment/frustration and what’s in store for the next school year of 2015-2016? Sana, idaos muli ang mga klase sa mga dating silid-aralan because believe me, the more stressful temporary makeshift classrooms built on the campus grounds are far more sickening than the paranoia brought about by the reported questionable structural integrity of VABES school buildings A and B (please refer to the August 2014 post “Soliloquy of Bitterness: I Wish I Could Laugh Out Loud Again” for photos and related caption). Damn, ayoko nang gunitain ang mga nakabibwisit na mga pangyayari sa katatapos pa lang na school year. Bakasyon na, ano?
            Well, at least ang graduation noong Marso 27 ng VABES batch 2015 ay tuloy at ginanap sa Cuneta Astrodome. Nagsuot ako ng “girly-girl mask” doon sa loob ng ilang oras lamang kahit di komportable sa totoo lang. Nasaksihan ko ang pagtatapos nung mga batang galing sa unang advisory class na hinawakan ko mula nang lumipat ako sa hanay ng grade 5. Ang bilis talagang lumipas ang panahon at ngayon ay malalaki na sila. Pagkatapos, iabot ang diploma sa bawat mag-aaral at bumalik na sa kani-kanilang pwesto, isa lang na bata ang sandaling sumulyap sa bleachers na waring sinusuyod ng tingin ang audience at nahanap pa ako mula sa obscure spot kung saan ako nakatambay at ako’y napangiti sa kanya bilang pagbati. Masaya ako at nilingon niya ako at nadama ko na hindi naman pala ako naging halimaw nang kasama nila ako noong grade 5 pa sila. Sa bawat mag-aaral na nasilayan kong nagtapos, kilala ko man o hindi, ang panalangin ko para sa kanila na nawa’y higit pa nilang pagbutihin sa high school, i-enjoy ang kanilang kabataan, at huwag silang mapariwara. Amen.   
*******

El Greco's The Cleansing of the Temple (courtesy of Wikipedia)

          Hindi naman talaga ako ganoon ka-devout o relihiyoso ngunit kamakailan lamang, nitong Kuwaresma, saka ako muling nagtungo sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help or Redemptorist Church sa Baclaran para sa kumpisal. Para nga huwag kong malimutan ang sasabihin ko ay isinulat ko pa yun sa papel na pinagbalutan ng espasol. Maaliwalas ang araw na iyon at humahalimuyak ang mga ginintuang bulaklak ng mga puno ng narra sa paligid ng simbahan. Mahaba ang pila sa confession room dahil ito pa lang ang available.
            Maginhawa ang pakiramdam ng isang nangungumpisal matapos ihayag ang mga kinikimkim na mga saloobin. Naalala ko noong nasa elementarya pa ako, meron akong Protestanteng titser na very vocal critic ng sakramento ng pangungumpisal. Sabi ni Ma’am, pwede namang mangumpisal nang diretso sa Panginoon. Sa totoo lang, bago pa naman natin banggitin sa ating mga panalangin ang report tungkol sa ating nagawa o ginawa, alam na iyon agad ng Diyos. Ang kailangan nating gawin ay aminin yun, magsisi, at magkaroon ng lubos na pagbabago. Subalit ang isang pari ay instrumento rin ng Diyos kung nais natin ng matinong kausap na maaari nating i-confide ang suliranin at hinanakit o ng mahihingan ng payo sa ikagagaan ng ating damdamin.
Pagkatapos ng kumpisal, iniabot ng pari ang isang calling card ng counselling wing ng Redemptorist, ang St. Gerard Family Life Center na may free consultation services for the following: marriage & family, parenting, human development, human relationships, spirituality, youth, natural family planning, same sex attraction, various addictions, and legal matters. Schedule of consultation services are as follows: Monday to Saturday 9:00 am -12:00 noon & 2:00pm – 5:00 pm / Tuesday and Wednesday 9:00am – 12:00noon & 2:00pm – 7:00pm. Contact numbers are: (02)832-1150 & 851-57-70. Visit this website: www.baclaranchurch.org

Salvador Dali's Christ of St. John of the Cross (courtesy of Wikipedia/uploader:Justin Foote)

*******

         Nitong ika-30 ng Marso, nakasama kami ng nanay ko sa visita iglesia na inorganisa ng aming family friend. Pitong simbahan sa lalawigan ng Batangas ang kabilang sa itinerary. Pitong tahanan ng Panginoong Diyos at bahagi ng Way of the Cross; isang simbahan- dalawang Stations. Noong isang araw pa highly-anticipated ang naturang tour datapwat hindi ito isang superficial road trip or leisure travel dahil kailangang maging makabuluhan na bukod sa religious significance, isa rin itong historical and cultural appreciation.
Napakarami talagang simbahan sa Batangas o saan man. Ano pa man ang relihiyon, ang simbahan ay isang ganap na Simbahan dahil kanlungan ng pananampalataya ng pamayanan. Oo nga pala, naalala ko nitong mga nakaraang taon nang sumakay kami ng bus+RORO patungong Tigbauan, Iloilo, may isang pook na aming nadaanan ang hindi ako malimutan. Merong lugar sa San Jose Buenavista na kabisera ng Antique ang tila barangay ng mga simbahan o tinatawag na “church belt”. Magkakalapit ang mga ito at kalye at pader lamang ang pagitan. Isang compound ng kumbento ng mga madre kasama na ang kapilya nila ay may mga kapitbahay- Iglesia Filipina Independiente (Aglipayano), Iglesia ni Cristo, at mga Mormons. Pagtawid sa mga kalsada, tanaw na ang simbahan ng mga Adventists na kalapit ang mas maliliit na Baptist, Born Again, at iba pa. Iba’t ibang denominasyon na bagamat magkakaiba, iisa pa rin ang Diyos. Tahimik naman sa church belt. Ang mahalaga sa magkakapitbahay na ito ay respeto, pakikipagkapwa-tao, at walang pagpapairal ng pride and bigotry.
        Going back sa Batangas tour, ang unang pinuntahan namin ay ang dinarayong Saint Padre Pio Shrine sa isang burol sa Sto. Tomas, Batangas. Dinadagsa ito ng pilgrims mula sa iba’t ibang lugar. Isa rin itong healing sanctuary, more on seeking spiritual healing kung ang pisikal na katawan ay humina na.


          Napakaganda ng buong shrine ngunit kasingsimple pa rin ni Padre Pio. Very Filipino ang architecture. Maraming life-size statues ng mga santo at santa sa paligid na halos parang wax figures at kahanga-hanga ang husay ng mga iskultor ng mga ito. Talagang payapa na sa di-kalayuan ay mayroon pang best views of Mt. Makiling. Pero ang malungkot, kapag umalis na ang sangkaterbang tao, pagkarami-rami rin ang iniiwan nilang kalat saanman sa shrine kagaya rin ng sinasapit ng marami pang pilgrimage and historical sites at mga tourist spots sa Pilipinas. Bakit ba hindi natin matularan ang pagiging disiplinado ng isang katulad ni Padre Pio?
       Sa paanan ng burol, makikita ang maraming kubol ng mga nagtitinda na nagsipagsulputan na parang kabute palibhasa ay maraming tao ang dumarayo dito. Nag-almusal pa nga kami sa isang kalapit na eatery. Ayon sa mga nakarating na dito, “tourist price” ang halaga sa mga tindahang iyon, hehehe! Wala namang masama kung maghanapbuhay nang disente sa pagtitinda, huwag lang sanang haluan ng komersyalismo ang isang sagradong pook. Di ba nga, kaya nagalit si Jesus pagdating sa Templo ng Jerusalem ay dahil sa ginawa itong lugar ng makamundong negosyo ng mga mapagsamantalang taong naghahangad ng mabilisan at malaking kita katulad ng isinalarawan sa painting ng Spanish master na si El Greco doon sa mga naunang sanaysay ng blog na ito.

        Next stop ang San Juan Evangelista Parish ng bayan ng Tanauan. Napakaraming santo ang may pangalang Juan pero iisa lang si St. John the Evangelist na kabilang sa 12 apostles at sa kanya ibinilin ng Panginoon ang pag-aaruga kay Mama Mary at siya ang sumulat ng isa sa apat na Gospels.
    


         


          Isa sa mga kilalang landmarks ng Lipa City ang San Sebastian Parish o popularly known as the Lipa Cathedral. Very majestic ang baroque architecture hanggang sa interiors. The whole church is a great work of art and labor of love of the construction workers, engineers, architects, and donors alike since the Spanish period. Sumakit ang batok ko sa pagtingala sa nakamamanghang ceiling frescoes at na-imagine ko ang mga malikhaing pintor na ginaya malamang si Michaelangelo na kailangang humiga sa mga scaffolding habang ipinipinta ang kanyang obra maestra sa Sistine Chapel.
       By the way, pansin ko lang sa ilang church personnel di lang dito kundi pati sa iba pang simbahan, parang palagi silang nakakunot-noo at nakasimangot, tsktsktsk!



         Kilala ang Carmel Church dito rin sa Lipa City sa tawag na Our Lady, Mediatrix of All Grace Parish. Kung ang Lipa Cathedral ay masculine ang anyo, very feminine naman ang isang ito. Mas simple but with lots of fresh, green spaces at ang hangin ay amoy ng hardin at hindi mainit na singaw galing sa parking lot pavements.
        Ang Our Lady of Lipa ang pinakasimple sa lahat ng depiction sa mahal na Ina. Walang magagarbong kapa at korona na pinalamutihan ng gintong sinulid o bato. Ang kanyang payak na gayak ay tulad ng isang typical Jewish lady of the common masses during the ancient times. Ganoon naman talaga si Mama Mary, completely devoted to her beloved Son. Batid ko na ang kasaysayan tungkol sa Marian apparition na naitala ng isang madre noong post-war period dito sa Lipa at yung mga mystical rose petals na may kakaibang imahe na animo miniature artworks.
       Sa simbahan, nakapaskil din ang tungkol sa buhay ni St. Thérèse of the Child Jesus katulad sa shrine niya dito sa Villamor Air Base. Siya at si St. Teresa of Avila ay mga kilalang Carmelite sisters.
                                                                                   
                                                                           
      Nang nakarating kami sa bayan ng Alitagtag, kasalukuyang under renovation ang pagkataas-taas na simbahan nito ngunit nagpapatuloy pa rin ang Lenten church activities.




                                                                                     
                                                                                 


                                                                             






       Noon ko gustong makarating sa Taal mula nang nakita ko ang mga kuhang larawan nito sa Mabuhay magazine at sa mga pelikula. Kilala itong heritage site at nagtataglay ng distinct charm as if you can travel back in time sa napakaraming ancestral houses na matatagpuan dito. Nariyan din ang mga patahian at paburdahan ng mga barong Tagalog at iba pang Filipiniana attire. Kilala rin ang bayan sa produktong balisong.
Hindi naman sa pang-aasar, ano? Tandang-tanda ko itong napanood ko sa “Imbestigador” maraming taon na ang lumipas tungkol sa ilang pagawaan ng native pasalubong delicacy dito na panutsa dahil sa reklamo ng ilang tao tungkol sa kakaibang sahog daw dito, hehehe! Yung “moscamuerte” na bansag din sa karakter ni Padre Salvi sa nobela ni Rizal na “Noli Me Tangere”; palibhasa, napakatamis na arnibal na inihahalo sa mani, bibilugin ito sabay palo para ma-flat ito na mas malagkit pa sa isang... flypaper. Hay, iba na ang panahon ngayon. Mas maingat na ang mga mamimili at ang mga tagagawa ng panutsa, di ba?
     Ang Taal nga naman ang isa sa mga pinakamagandang bayan sa bansa. Pinahintulutan kaming mananghalian muna sa katabing kumbento ng Basilica of St. Martin of Tours. Ang naturang kumbento ay well-maintained at mistula rin ecclesiastical museum. Para kang napadpad sa panahon ng mga Kastila at pati rin sa panahon ng mga Amerikano. Kabigha-bighani rin ang tanawin mula sa balkonahe kung saan bubungad ang plasa, munispyo, at malaking bahagi ng town proper.
        Pagkatapos mananghalian, ay nagtungo na kami sa simbahan mismo. Nakakalat sa paligid ng simbahan ang paalalang bawal magtinda pero masarap siguro ang bawal na mayroong sidewalk vendors sa mismong nakapaskil na babala doon sa waiting shed at pati sa main door ng basilica kung saan ang lakas pa ng boses nila sa paglalako nang hindi pansin ang mga taong nagdarasal at nagninilay sa loob basta kumita lang.
Ang patron ng bayan na si St. Martin of Tours ay isa ring obispo from the medieval times. Isang tanyag na kwento tungkol sa kanya ay noong siya’y naglalakbay, nakatagpo niya ang isang matandang pulubi na maysakit at halos manigas sa sobrang lamig. Tumigil siya sandali at pinilas ang malaking bahagi ng kanyang balabal upang ipangsaplot sa matanda bago siya nagpatuloy sa paglalakbay. Kinagabihan, nagkaroon siya ng isang vision kung saan nakita niya si Jesus na nakabalot sa kaputol ng kanyang balabal at naalala niya ang matandang nasalubong niya sa daan. Tulad ng winika ng Panginoon, “kung anong ginawa mo sa iyong kapwa ay siya rin ginawa mo sa Akin.”
                                                                                         







       Ikapito at huling dinalaw namin ay ang Shrine of Our Lady of Caysasay na nasa low-lying areas na ng Taal kung saan naroon ang Ilog Pansipit at ang Balayan Bay. Sa ilog na iyon ng barangay Labac naitala ang pagkakakita ng mangingisdang si Juan Maningcad sa munting istatwa ng mahal na Ina. Nangyari yun ilang siglo na ang nakararaan, panahon ng mga Kastila.
      Simple ang simbahan pero kapansin-pansin ang ilang bitak sa itaas na bahagi nito. Nagkalat ang mga tindero at tindera na agad kang lalapitan at halos harangan ka pa sa pagbaba mula sa sasakyan katulad kanina sa Taal. Marami ring makukulit na bata ang nakatambay doon na hindi mawari kung church volunteers ba o may sideline na raket na gagabayan ka raw nila doon sa mahiwagang balon na mayroong ruins pa kung saan balitang nagkaroon ng aparisyon ang Nuestra Señora de Caysasay. Of course, ayon sa ilang tao, may tip yun, hehehehe! Nakatungo lang ako na dinaanan sila at ang paglalako nila ng pagiging tour guide. Hindi naman ako nagpaka-snobbish. Kibit-balikat na lang ako pero ang mga paslit ay malamang na possible future tour guides di lang dito sa bayan nila kundi pati sa iba pang dako.
      Nakalagak sa main altar ng shrine ang orihinal na Our Lady of Caysasay. Katulad ng Sto. Niño ni Magellan, payak lamang ang anyo ng istatwa nito noon na sa paglipas ng panahon ay dinamitan ng magagarbong kasuotan at korona na lalong nagpaliit sa kanyang kahoy na katawan. Kahit na simple lamang ang orihinal na anyo, ang mahalaga ay nagpapaalala ito ng pagsapit ng Kristiyanismo sa bansa at pagkilala ng mga Pilipino sa Panginoong Hesu-Kristo sa tulong ng kanyang mahal na Ina.
       Natapos na namin ang Stations of the Cross. Naghulog din kami ng petition letters doon. Nagkamali pa ako sa pagsilid ng donasyon na dapat kasama sa envelope at hindi nakahiwalay sa liham. 50 pesos pa naman yun; ah, ang perang mayroong larawan ng Taal Lake at mga isdang maliputo sa likod nito! Maikli lamang ang isinaad ko sa liham- sana’y patuloy na ipanalangin ni Mama Mary ang lahat kahit ang mga taong walang pagpapahalaga sa kanya at hindi gumagalang sa paniniwala ng kapwa. Amen.
                                                                                       





       Naging side trip namin ang isang sumisikat na resort sa Taal sa dalampasigan ng Balayan Bay, ang “St. Peter’s Little Bridge” na nakapangalan umano sa naging kontrobersyal na si Father Suarez na kilala pa naman noon na isang charismatic healing priest. Naulinigan ko sa mga balita na kabilang nga ang resort na ito sa iniuugnay sa kanya nang nadawit siya sa kontrobersya at sinuyod ng mga kritiko ang anumang aktibidad niya at yung properties umano niya lalo na noong pagkatapos ng alitan nila ng San Miguel Corporation over a Cavite property na binawi na nung huli. Sa lobby ng resort, mayroon pa naman doon na mga litrato ng pagkikita nila ni Pope Francis na kilala pa namang allergic sa maluhong pamumuhay. Pero ano ba talaga ang totoo? Baka naman, pinamanahan si Father Suarez ng mga magulang niya ng lupain sa Taal tapos pina-develop ito upang maging resort. Nabigyan pa ng trabaho ang maraming tao at nakadaragdag pa sa town revenue ang buwis mula sa kinita ng resort. Well, that’s the bright side. Hindi ko kilala si Father Suarez kaya huwag na huwag akong sasama sa kritisismo. Only God can judge us. May mga ispekulasyong lumabas na kaya raw nalagay sa alanganin ang pari ay kagagawan di-umano ng ilan sa kanyang pinagkakatiwalaang tauhan lalo pa’t kilala siya here and abroad. Nitong mga nakaraang taon, napaulat ang tungkol sa Montemaria Shrine na ipatatayo dito sa Batangas. Nabanggit ko na pala ang komento ko tungkol doon sa “OktoberZest” blog post dated October 30, 2011 (please read; kabilang din ito sa mga blog posts dito na may pinakamaraming pageviews).
        Dahil sa Lunes Santo, kaunti lamang ang parokyano. Mayroong beachfront na kalapit lamang ang coastal fishing villages ng Taal at natatanaw ang mga dambuhalang chimneys ng mga power plants ng Calaca sa kabilang ibayo. Mayroon din hotel accomodations, kubo, swimming pools, at mga naka-landscape na mga hardin. Para rin retreat area ang resort. The resort is such a beauty indeed kahit ano pang kontrobersyang humabol dito.