HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...
Nai-update ang March 2015 blog post na ito na ang kasalukuyang petsa ay
ika-12 ng Abril. Paumanhin sa ilang
anonymous readers na nag-aantabay palagi kung may bagong blog na ba ang Soliloquy Beyond just for the sake of
curiosity trip and nothing more. Tinatamad na kasi buhat pa nitong mga
nakaraang linggo ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves at ngayong
Easter season lamang muling sinipag.
*******
Natapos na ang school
year 2014-2015 sa Villamor Air Base Elementary School na mayroong rating na 65%
disappointment/frustration and what’s in store for the next school year of
2015-2016? Sana, idaos muli ang mga klase sa mga dating silid-aralan because
believe me, the more stressful temporary makeshift classrooms built on the
campus grounds are far more sickening than the paranoia brought about by the
reported questionable structural integrity of VABES school buildings A and B
(please refer to the August 2014 post “Soliloquy of Bitterness: I Wish I Could
Laugh Out Loud Again” for photos and related caption). Damn, ayoko nang
gunitain ang mga nakabibwisit na mga pangyayari sa katatapos pa lang na school
year. Bakasyon na, ano?
Well, at least ang
graduation noong Marso 27 ng VABES batch 2015 ay tuloy at ginanap sa Cuneta
Astrodome. Nagsuot ako ng “girly-girl mask” doon sa loob ng ilang oras lamang
kahit di komportable sa totoo lang. Nasaksihan ko ang pagtatapos nung mga
batang galing sa unang advisory class na hinawakan ko mula nang lumipat ako sa
hanay ng grade 5. Ang bilis talagang lumipas ang panahon at ngayon ay malalaki
na sila. Pagkatapos, iabot ang diploma sa bawat mag-aaral at bumalik na sa
kani-kanilang pwesto, isa lang na bata ang sandaling sumulyap sa bleachers na
waring sinusuyod ng tingin ang audience at nahanap pa ako mula sa obscure spot
kung saan ako nakatambay at ako’y napangiti sa kanya bilang pagbati. Masaya ako
at nilingon niya ako at nadama ko na hindi naman pala ako naging halimaw nang
kasama nila ako noong grade 5 pa sila. Sa bawat mag-aaral na nasilayan kong
nagtapos, kilala ko man o hindi, ang panalangin ko para sa kanila na nawa’y
higit pa nilang pagbutihin sa high school, i-enjoy ang kanilang kabataan, at
huwag silang mapariwara. Amen.
*******
El Greco's The Cleansing of the Temple (courtesy of Wikipedia)
Hindi naman talaga ako ganoon ka-devout o relihiyoso ngunit kamakailan
lamang, nitong Kuwaresma, saka ako muling nagtungo sa National Shrine of Our
Mother of Perpetual Help or Redemptorist Church sa Baclaran para sa kumpisal.
Para nga huwag kong malimutan ang sasabihin ko ay isinulat ko pa yun sa papel
na pinagbalutan ng espasol. Maaliwalas ang araw na iyon at humahalimuyak ang
mga ginintuang bulaklak ng mga puno ng narra sa paligid ng simbahan. Mahaba ang
pila sa confession room dahil ito pa lang ang available.
Maginhawa ang pakiramdam
ng isang nangungumpisal matapos ihayag ang mga kinikimkim na mga saloobin.
Naalala ko noong nasa elementarya pa ako, meron akong Protestanteng titser na
very vocal critic ng sakramento ng pangungumpisal. Sabi ni Ma’am, pwede namang
mangumpisal nang diretso sa Panginoon. Sa totoo lang, bago pa naman natin
banggitin sa ating mga panalangin ang report tungkol sa ating nagawa o ginawa,
alam na iyon agad ng Diyos. Ang kailangan nating gawin ay aminin yun, magsisi,
at magkaroon ng lubos na pagbabago. Subalit ang isang pari ay instrumento rin
ng Diyos kung nais natin ng matinong kausap na maaari nating i-confide ang
suliranin at hinanakit o ng mahihingan ng payo sa ikagagaan ng ating damdamin.
Pagkatapos ng kumpisal, iniabot ng pari ang isang
calling card ng counselling wing ng Redemptorist, ang St. Gerard Family Life
Center na may free consultation services for the following: marriage &
family, parenting, human development, human relationships, spirituality, youth,
natural family planning, same sex attraction, various addictions, and legal
matters. Schedule of consultation services are as follows: Monday to Saturday
9:00 am -12:00 noon & 2:00pm – 5:00 pm / Tuesday and Wednesday 9:00am –
12:00noon & 2:00pm – 7:00pm. Contact numbers are: (02)832-1150 &
851-57-70. Visit this website: www.baclaranchurch.org
Salvador Dali's Christ of St. John of the Cross (courtesy of Wikipedia/uploader:Justin Foote)
*******
Nitong ika-30 ng Marso, nakasama kami ng nanay ko sa
visita iglesia na inorganisa ng aming family friend. Pitong simbahan sa
lalawigan ng Batangas ang kabilang sa itinerary. Pitong tahanan ng Panginoong
Diyos at bahagi ng Way of the Cross; isang simbahan- dalawang Stations. Noong
isang araw pa highly-anticipated ang naturang tour datapwat hindi ito isang
superficial road trip or leisure travel dahil kailangang maging makabuluhan na
bukod sa religious significance, isa rin itong historical and cultural
appreciation.
Napakarami talagang simbahan sa Batangas o saan man.
Ano pa man ang relihiyon, ang simbahan ay isang ganap na Simbahan dahil
kanlungan ng pananampalataya ng pamayanan. Oo nga pala, naalala ko nitong mga
nakaraang taon nang sumakay kami ng bus+RORO patungong Tigbauan, Iloilo, may
isang pook na aming nadaanan ang hindi ako malimutan. Merong lugar sa San Jose
Buenavista na kabisera ng Antique ang tila barangay ng mga simbahan o tinatawag
na “church belt”. Magkakalapit ang mga ito at kalye at pader lamang ang
pagitan. Isang compound ng kumbento ng mga madre kasama na ang kapilya nila ay
may mga kapitbahay- Iglesia Filipina Independiente (Aglipayano), Iglesia ni
Cristo, at mga Mormons. Pagtawid sa mga kalsada, tanaw na ang simbahan ng mga
Adventists na kalapit ang mas maliliit na Baptist, Born Again, at iba pa. Iba’t
ibang denominasyon na bagamat magkakaiba, iisa pa rin ang Diyos. Tahimik naman
sa church belt. Ang mahalaga sa magkakapitbahay na ito ay respeto,
pakikipagkapwa-tao, at walang pagpapairal ng pride and bigotry.
Going back sa Batangas tour, ang unang pinuntahan
namin ay ang dinarayong Saint Padre Pio Shrine sa isang burol sa Sto. Tomas,
Batangas. Dinadagsa ito ng pilgrims mula sa iba’t ibang lugar. Isa rin itong
healing sanctuary, more on seeking spiritual healing kung ang pisikal na
katawan ay humina na.
Napakaganda ng buong shrine ngunit kasingsimple pa rin
ni Padre Pio. Very Filipino ang architecture. Maraming life-size statues ng mga
santo at santa sa paligid na halos parang wax figures at kahanga-hanga ang
husay ng mga iskultor ng mga ito. Talagang payapa na sa di-kalayuan ay mayroon
pang best views of Mt. Makiling. Pero ang malungkot, kapag umalis na ang
sangkaterbang tao, pagkarami-rami rin ang iniiwan nilang kalat saanman sa
shrine kagaya rin ng sinasapit ng marami pang pilgrimage and historical sites
at mga tourist spots sa Pilipinas. Bakit ba hindi natin matularan ang pagiging
disiplinado ng isang katulad ni Padre Pio?
Sa paanan ng burol, makikita ang maraming kubol ng mga
nagtitinda na nagsipagsulputan na parang kabute palibhasa ay maraming tao ang
dumarayo dito. Nag-almusal pa nga kami sa isang kalapit na eatery. Ayon sa mga
nakarating na dito, “tourist price” ang halaga sa mga tindahang iyon, hehehe!
Wala namang masama kung maghanapbuhay nang disente sa pagtitinda, huwag lang
sanang haluan ng komersyalismo ang isang sagradong pook. Di ba nga, kaya
nagalit si Jesus pagdating sa Templo ng Jerusalem ay dahil sa ginawa itong
lugar ng makamundong negosyo ng mga mapagsamantalang taong naghahangad ng
mabilisan at malaking kita katulad ng isinalarawan sa painting ng Spanish
master na si El Greco doon sa mga naunang sanaysay ng blog na ito.
Next stop ang San Juan Evangelista Parish ng bayan ng
Tanauan. Napakaraming santo ang may pangalang Juan pero iisa lang si St. John
the Evangelist na kabilang sa 12 apostles at sa kanya ibinilin ng Panginoon ang
pag-aaruga kay Mama Mary at siya ang sumulat ng isa sa apat na Gospels.
Isa sa mga kilalang landmarks ng Lipa City ang San
Sebastian Parish o popularly known as the Lipa Cathedral. Very majestic ang
baroque architecture hanggang sa interiors. The whole church is a great work of
art and labor of love of the construction workers, engineers, architects, and
donors alike since the Spanish period. Sumakit ang batok ko sa pagtingala sa
nakamamanghang ceiling frescoes at na-imagine ko ang mga malikhaing pintor na
ginaya malamang si Michaelangelo na kailangang humiga sa mga scaffolding habang
ipinipinta ang kanyang obra maestra sa Sistine Chapel.
By the way, pansin ko lang sa ilang church personnel
di lang dito kundi pati sa iba pang simbahan, parang palagi silang
nakakunot-noo at nakasimangot, tsktsktsk!
Kilala ang Carmel Church dito rin sa Lipa City sa
tawag na Our Lady, Mediatrix of All Grace Parish. Kung ang Lipa Cathedral ay
masculine ang anyo, very feminine naman ang isang ito. Mas simple but with lots
of fresh, green spaces at ang hangin ay amoy ng hardin at hindi mainit na
singaw galing sa parking lot pavements.
Ang Our Lady of Lipa ang pinakasimple sa lahat ng
depiction sa mahal na Ina. Walang magagarbong kapa at korona na pinalamutihan
ng gintong sinulid o bato. Ang kanyang payak na gayak ay tulad ng isang typical
Jewish lady of the common masses during the ancient times. Ganoon naman talaga
si Mama Mary, completely devoted to her beloved Son. Batid ko na ang kasaysayan
tungkol sa Marian apparition na naitala ng isang madre noong post-war period
dito sa Lipa at yung mga mystical rose petals na may kakaibang imahe na animo
miniature artworks.
Sa simbahan, nakapaskil din ang tungkol sa buhay ni
St. Thérèse of the Child Jesus katulad sa shrine niya dito sa Villamor Air
Base. Siya at si St. Teresa of Avila ay mga kilalang Carmelite sisters.
Nang nakarating kami sa bayan ng Alitagtag,
kasalukuyang under renovation ang pagkataas-taas na simbahan nito ngunit
nagpapatuloy pa rin ang Lenten church activities.
Noon ko gustong makarating sa Taal mula nang nakita ko
ang mga kuhang larawan nito sa Mabuhay magazine at sa mga pelikula. Kilala
itong heritage site at nagtataglay ng distinct charm as if you can travel back
in time sa napakaraming ancestral houses na matatagpuan dito. Nariyan din ang
mga patahian at paburdahan ng mga barong Tagalog at iba pang Filipiniana
attire. Kilala rin ang bayan sa produktong balisong.
Hindi naman sa pang-aasar, ano? Tandang-tanda ko itong
napanood ko sa “Imbestigador” maraming taon na ang lumipas tungkol sa ilang
pagawaan ng native pasalubong delicacy dito na panutsa dahil sa reklamo ng
ilang tao tungkol sa kakaibang sahog daw dito, hehehe! Yung “moscamuerte” na
bansag din sa karakter ni Padre Salvi sa nobela ni Rizal na “Noli Me Tangere”;
palibhasa, napakatamis na arnibal na inihahalo sa mani, bibilugin ito sabay
palo para ma-flat ito na mas malagkit pa sa isang... flypaper. Hay, iba na ang
panahon ngayon. Mas maingat na ang mga mamimili at ang mga tagagawa ng panutsa,
di ba?
Ang Taal nga naman ang isa sa mga pinakamagandang
bayan sa bansa. Pinahintulutan kaming mananghalian muna sa katabing kumbento ng
Basilica of St. Martin of Tours. Ang naturang kumbento ay well-maintained at
mistula rin ecclesiastical museum. Para kang napadpad sa panahon ng mga Kastila
at pati rin sa panahon ng mga Amerikano. Kabigha-bighani rin ang tanawin mula
sa balkonahe kung saan bubungad ang plasa, munispyo, at malaking bahagi ng town
proper.
Pagkatapos mananghalian, ay nagtungo na kami sa
simbahan mismo. Nakakalat sa paligid ng simbahan ang paalalang bawal magtinda
pero masarap siguro ang bawal na mayroong sidewalk vendors sa mismong
nakapaskil na babala doon sa waiting shed at pati sa main door ng basilica kung
saan ang lakas pa ng boses nila sa paglalako nang hindi pansin ang mga taong
nagdarasal at nagninilay sa loob basta kumita lang.
Ang patron ng bayan na si St. Martin of Tours ay isa
ring obispo from the medieval times. Isang tanyag na kwento tungkol sa kanya ay
noong siya’y naglalakbay, nakatagpo niya ang isang matandang pulubi na maysakit
at halos manigas sa sobrang lamig. Tumigil siya sandali at pinilas ang malaking
bahagi ng kanyang balabal upang ipangsaplot sa matanda bago siya nagpatuloy sa
paglalakbay. Kinagabihan, nagkaroon siya ng isang vision kung saan nakita niya
si Jesus na nakabalot sa kaputol ng kanyang balabal at naalala niya ang
matandang nasalubong niya sa daan. Tulad ng winika ng Panginoon, “kung anong
ginawa mo sa iyong kapwa ay siya rin ginawa mo sa Akin.”
Ikapito at huling dinalaw namin ay ang Shrine of Our
Lady of Caysasay na nasa low-lying areas na ng Taal kung saan naroon ang Ilog
Pansipit at ang Balayan Bay. Sa ilog na iyon ng barangay Labac naitala ang
pagkakakita ng mangingisdang si Juan Maningcad sa munting istatwa ng mahal na
Ina. Nangyari yun ilang siglo na ang nakararaan, panahon ng mga Kastila.
Simple ang simbahan pero kapansin-pansin ang ilang
bitak sa itaas na bahagi nito. Nagkalat ang mga tindero at tindera na agad kang
lalapitan at halos harangan ka pa sa pagbaba mula sa sasakyan katulad kanina sa
Taal. Marami ring makukulit na bata ang nakatambay doon na hindi mawari kung
church volunteers ba o may sideline na raket na gagabayan ka raw nila doon sa
mahiwagang balon na mayroong ruins pa kung saan balitang nagkaroon ng aparisyon
ang Nuestra Señora de Caysasay. Of course, ayon sa ilang tao, may tip yun,
hehehehe! Nakatungo lang ako na dinaanan sila at ang paglalako nila ng pagiging
tour guide. Hindi naman ako nagpaka-snobbish. Kibit-balikat na lang ako pero
ang mga paslit ay malamang na possible future tour guides di lang dito sa bayan
nila kundi pati sa iba pang dako.
Nakalagak sa main altar ng shrine ang orihinal na Our
Lady of Caysasay. Katulad ng Sto. Niño ni Magellan, payak lamang ang anyo ng
istatwa nito noon na sa paglipas ng panahon ay dinamitan ng magagarbong
kasuotan at korona na lalong nagpaliit sa kanyang kahoy na katawan. Kahit na
simple lamang ang orihinal na anyo, ang mahalaga ay nagpapaalala ito ng
pagsapit ng Kristiyanismo sa bansa at pagkilala ng mga Pilipino sa Panginoong
Hesu-Kristo sa tulong ng kanyang mahal na Ina.
Natapos na namin ang Stations of the Cross. Naghulog
din kami ng petition letters doon. Nagkamali pa ako sa pagsilid ng donasyon na
dapat kasama sa envelope at hindi nakahiwalay sa liham. 50 pesos pa naman yun;
ah, ang perang mayroong larawan ng Taal Lake at mga isdang maliputo sa likod
nito! Maikli lamang ang isinaad ko sa liham- sana’y patuloy na ipanalangin ni
Mama Mary ang lahat kahit ang mga taong walang pagpapahalaga sa kanya at hindi
gumagalang sa paniniwala ng kapwa. Amen.
Naging side trip namin ang isang sumisikat na resort
sa Taal sa dalampasigan ng Balayan Bay, ang “St. Peter’s Little Bridge” na
nakapangalan umano sa naging kontrobersyal na si Father Suarez na kilala pa
naman noon na isang charismatic healing priest. Naulinigan ko sa mga balita na
kabilang nga ang resort na ito sa iniuugnay sa kanya nang nadawit siya sa
kontrobersya at sinuyod ng mga kritiko ang anumang aktibidad niya at yung
properties umano niya lalo na noong pagkatapos ng alitan nila ng San Miguel
Corporation over a Cavite property na binawi na nung huli. Sa lobby ng resort,
mayroon pa naman doon na mga litrato ng pagkikita nila ni Pope Francis na
kilala pa namang allergic sa maluhong pamumuhay. Pero ano ba talaga ang totoo?
Baka naman, pinamanahan si Father Suarez ng mga magulang niya ng lupain sa Taal
tapos pina-develop ito upang maging resort. Nabigyan pa ng trabaho ang maraming
tao at nakadaragdag pa sa town revenue ang buwis mula sa kinita ng resort.
Well, that’s the bright side. Hindi ko kilala si Father Suarez kaya huwag na
huwag akong sasama sa kritisismo. Only God can judge us. May mga ispekulasyong
lumabas na kaya raw nalagay sa alanganin ang pari ay kagagawan di-umano ng ilan
sa kanyang pinagkakatiwalaang tauhan lalo pa’t kilala siya here and abroad.
Nitong mga nakaraang taon, napaulat ang tungkol sa Montemaria Shrine na
ipatatayo dito sa Batangas. Nabanggit ko na pala ang komento ko tungkol doon sa
“OktoberZest” blog post dated October 30, 2011 (please read; kabilang din ito
sa mga blog posts dito na may pinakamaraming pageviews).
Dahil sa Lunes Santo, kaunti lamang ang parokyano.
Mayroong beachfront na kalapit lamang ang coastal fishing villages ng Taal at
natatanaw ang mga dambuhalang chimneys ng mga power plants ng Calaca sa
kabilang ibayo. Mayroon din hotel accomodations, kubo, swimming pools, at mga
naka-landscape na mga hardin. Para rin retreat area ang resort. The resort is
such a beauty indeed kahit ano pang kontrobersyang humabol dito.
Bakit naman ang hirap itong i-edit sa dashboard? Anyways, buti at nai-update din ang March 2015 blog post.
ReplyDelete