This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Wednesday, April 29, 2015

Ang Bakasyunistang Weirdo sa Batanes

HOY! PSSSSSST! ANONYMOUS READERS! KUNG HINDI NIYO MAN TRIP ANG MAG-POST NG COMMENTS DITO AT BAKA MAKILALA KO KAYO, AT LEAST PAKIBISITA NAMAN ANG WATTPAD SITE KO (https://www.wattpad.com/user/weirdjtt). PARANG MUNTING TULONG NIYO NA RIN SA AKIN. HINDI NAMAN AKO NAGING MADAMOT SA INYO SA LIBRENG PAGPAPABASA NG BLOGS KO SA LOOB BA NAMAN NG MARAMING TAON! PARANG AWA NA NINYO, ANONYMOUS READERS...




Included among my favorite flowers, the lilies

            Daydreaming last 16th of April. Buhat pa nitong mga nakaraang araw, panay na ang patugtog sa FM Home Radio Natural 97.9 ng bagong track mula sa Itchyworms na “Ayokong Tumanda”. Oo nga pala, labas na sa kalendaryo ang edad kong tatlumpu’t dalawa pero wala na akong pakialam, hehehe! Age is just a number. At mas lalo akong walang pakialam kung ang tingin sa akin ng maraming tao ay napag-iwanan na ako ng panahon. Para sa mga taong matalas ang paningin sa kung anumang panlabas na imahe ng kanilang kapwa, tiyak na ang tingin sa akin ay makaluma’t hindi presentable or sophisticated, in short, mukhang losyang... punyemas kayo at punyemas din kayo! Sa panlalait tungkol sa panlabas kong anyo, ang mga magulang ko at ako lamang ang may tanging karapatan na maghayag ng ganoon, get it? At kapag marinig ko yun sa bunganga ng ilang tao, pwede ko silang balikan sa oras at paraang hindi nila malalaman...
            Nagpasya na akong magpakapusong-lalaki na lamang subalit hindi naman ibig sabihin ay magkagusto rin ako sa babae. That’s a big no! at isa pa, bakit pa ba ako mai-in love, eh buhat pa noon, wala namang tumatanggap sa akin as me, kung ano o sino ako? Tulad ng nabanggit ko, pusong-lalaki na dapat ako at patuloy ang kasiyahan ng pagiging single-blessed.
          Hindi lahat ng mithiin o pangarap sa buhay ay nakakamit. Sa totoo lang, madalas akong magnilay buhat pa nitong mga nakaraang araw. Ang career ko ay sa pagtuturo pero tatagal ba ako dito? Kung may oportunidad sana, maaari na akong mag-career shift. Nangangarap ako nang gising na isa na akong kilalang fiction writer at babalikan ko ang isa ko pang past passion, ang pagpipinta. Matagal na matagal ko na yung minimithi at hinahangad. Nag-exert naman ako ng effort subalit nagkaroon ba ng katuparan? Wala.
            Birthday blues...
           Ah, just set that aside. Ngayong taon naman, isang napakasayang birthday gift ang natanggap ko dahil sa wakas, natupad na ang matagal ko nang pangarap na makarating sa probinsya ng Batanes mula Abril 17 hanggang 21. Maraming beses ko nang nabasa at nakita ang features at larawan nito sa mga magazine, especially PAL’s Mabuhay, TV documentaries and travel shows, at mga pelikula.
            Ang pagtungo sa pinakahilagang lalawigan ng ating bansa ay kailangan talagang pag-ipunan subalit sulit ang gastos at ang lubos at maliligayang alaala mula sa paglalakbay doon ay walang katumbas na halaga. Umaga ng Abril 17, lumulan kami sa eroplano ng Philippine Airlines na naghatid sa amin doon. Ligtas ang biyahe at habang patungong Basco airport sa Batan Island, pinagmasdan ko ang mga tanawin sa kalupaan ng Luzon, mula sa congested Metro Manila hanggang Baguio at Bulubunduking Cordillera at ang mga windmills ng Bangui, Ilocos Norte ay parang mga puting toothpick. At nang dumaan ang eroplano sa himpapawid malapit sa Babuyan Islands na sakop ng Cagayan, napansin ko ang isang gumagalaw na anyo sa karagatan na hindi naman anino ng ulap. Ayon sa napanood kong kabanata ng “Born to be Wild” ng GMA-7, kabilang ang Babuyan sa dinadaanan ng mga migratory ocean giants tulad ng Blue and Humpback Whales. Maaaring may butanding pa.
            Makulimlim ang panahon nang lumapag sa Basco airport ang eroplano na siya rin ang maghahatid sa amin pabalik sa NAIA-3. Noon pa man ang impression sa Batanes ay pambihirang kagandahan at kapayapaan. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng tourism boom and bloom.

            Marami na ring matutuluyang “homestay” at mga hotel gaya nito na aming tinuluyan sa Basco.

            Kamakailan lamang, lalong nagkaroon ng exposure ang probinsya dahil sa isang romantic comedy na “You’re My Boss” starring Toni Gonzaga and Coco Martin pero wala naman akong pakialam sa pelikulang yun, eh. Hindi naman ako mahilig sa mga rom-com ng panahong ito with all those hugot-kulangot, high tension wire of cheesy emotions galore at bahala na ang tumbong mo kung kiligin ka man o hindi. Well, noong 2006 ay may napanood akong mala-indie film na ang pamagat ay “Batanes” na ang bida ay si Iza Calzado at Ken Tzu at naroon pa si Coco Martin in a minor role palibhasa ay bata at papasikat pa lang siya nang panahong iyon.
            Kahit saan mapadako ang sulyap, natatangi talaga ang kariktan ng lalawigan. Harinawa’y mapanatili ang likas na katangian nito. Patuloy ang pagdagsa ng mga turista. Sana’y ang Batanes ay manatiling modelo ng responsible tourism.
*******

GALLERY OF THE NORTHERN STAR



My tribute to the majestic Mt. Iraya


            Isa sa mga maituturing na Ivatan symbol ang halamang ito na arius kasi kahit saan sa probinsya, matatagpuan ito. Napanood ko sa channel 7 ang isang dokyumentaryo tungkol sa Ivatan community ng Cavite kung saan marami sa kanila ay galing pa sa Itbayat Island na pinakadulong munisipalidad sa norte at lumuwas noon sa Maynila para mag-aral o magtrabaho. Pagkatapos ay nahikayat pa nilang sumunod ang mga kamag-anak nila at pati kapitbahay. At upang mayroong nagpapaalala ng kanilang pinagmulang bayan, may mga arius na nakatanim sa kanilang bakuran.
              May nabasa nga pala ako na ang ancient heresy na "Arianism" ay naka-attribute sa Libyanong pari na si Arius of Alexandria (250 or 256-336 AD) pero wala naman sigurong connection ang desert-dwelling ascetic at ang evergreen tree ng Batanes.


            Overlooking mula sa Tukon radar and weather station ang Our Lady of Mt. Carmel chapel, the stone chapel on the hill. Noon naman ay madalas daanan ng bagyo ang probinsya kaya nga yari sa bato ang maraming bahay at gusali dito yet in recent years, bahagyang nagbago na ang itinerary ng mga bagyo. Climate change daw.

            Isa ito sa mga lagusan ng Japanese World War II tunnel na una kong napanood sa “I-Witness” ng channel 7. Nagpapaalala man ito ng wartime tyranny and oppression, ngayon tulad ng Malinta tunnel ng Corregidor, ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kapayapaan ang madarama dito.
Valungan Boulder Beach. Scenic yet fierce beauty. Bawal daw maligo dito.

Hills of Vayang
            This ain’t the Scottish Highlands or the Irish landscape but you can sing the sound of music because the hills are alive. Ang lakas-lakas ng hangin at maraming ganitong kahalintulad na tanawin sa Batan Island. Picturesque rolling hills na kung hindi ka mag-iingat sa mga hakbang mo ay magpapagulung-gulong ka nga pababa habang tahimik na pinagtatawanan ng mga kalabaw, kambing, at baka ang kakornihan mo.
Basco Lighthouse. Tanaw na tanaw ito mula sa balkonahe ng hotel kung saan kami tumuloy.

Sto. Domingo Parish/ Katedral ng Imaculada Concepcion o Simbahan ng Basco.
            Aba, noong ika-2 ng Abril, Huwebes Santo, ay muli kong napanood ang isa sa mga pinakatanyag na pelikula, ang “Ten Commandments” (1956). Ipinalabas ito sa GMA-7 na Tagalized na at higit sa tatlo’t kalahating oras ang airtime and absolutely commercial-free.
            Ang Sampung Utos ay napakahalagang bahagi sa kahit saang simbahan. Dito sa Batanes, ito ay nakasaad sa local dialect na Ivatanen. Farther north sa Itbayat, Itbayaten naman at may pagkakaiba sa gamit ng ilang salita at kataga. Related naman ang mga ito at ang mga tao ay nagkakaunawaan pa rin. Parang katulad sa Hiligaynon at Karay-a ng mga Ilonggo o ng Ilokano at Pangalatok. Matatas din magsalita ng Tagalog ang mga Ivatan. Smooth nga at mahinahon ang pagbigkas nila samantalang sa mga Bisaya at Ilokano, mapapansin pa rin ang regional accent kapag nagtatagalog.



Ivatan cuisine na nakabalot sa malalapad na dahon ng rimas. Nakalimutan ko lang kung ano ang local name para sa naturang puno. Kabilang sa food trip dito ay ang kanin nilang isinaing na may turmeric o luyang dilaw kaya may naiibang linamnam at health benefits. Madalas din inihahain alongside savory meat/ seafood dishes ang bola-bolang may sahog na ubod ng saging. Delicacy rin dito ang coconut crab. Kaya lang, honestly I’m sorry, para sa akin ay mas masarap pa rin ang alimango mula sa dagat.
Bukod sa arius, isa pang halaman ang napakalaki ang pakinabang sa mga Ivatan. Mga reeds ito at nalimutan ko rin ang local name nito na sinabi ng aming tour guide. Nagsisilbi itong windbreakers and borders sa mga taniman. Ang mala-kawayan nitong tangkay ay ginagamit bilang pang-suporta sa bubong na kogon ng mga vernacular houses o bahay na bato at maging sa kisame ng mga simbahan at iba pang gusali.



San Jose Parish, Bayan ng Ivana. Malapit ito sa pantalan ng bayan at nakaharap ito sa karagatan at sa Sabtang Island. Noong 2000, nagkaroon daw ng lindol sa bahaging ito ng Batan at kabilang ang simbahan sa napinsala datapwat sa pagtutulungan ng mga mamamayan at pamahalaan, muli itong naitayo.




A main street in Ivana with ancestral houses including that of the prominent Castaño family

Always naman ang ulat na dito sa Batanes, halos 0% ang crime rate katulad sa probinsya ng Siquijor at iba pang maliliit na isla.
Ang mga tao ay namumuhay nang simple at kuntento sa kung anong mayroon sila at bahagi na ng kanilang kultura ang pagiging palaging handa, maaliwalas man o nagsusungit na ang panahon.

Presenting ang isa sa mga most iconic and most photograped Ivatan home, the House of Dakay. Bukod sa residential pa rin ito, mayroon ding souvenir shop dito.

Honesty Coffee Shop
Ang popular na tindahang walang nagbabantay at nakadepende sa katapatan ng mga parokyano.

Songsong ruins

Tayid Lighthouse, Mahatao

Marlboro Country, Uyugan
Naalala ko noong pinapayagan pa ang mga komersyal ng sigarilyo sa TV, ang Marlboro ang may pinakamagandang advertisement with all those dramatic background music at lalo na kapag lumitaw ang cowboy model. Ang lugar na ito ay nagpapaalala ng mga tanawin sa ad na iyon; huwag lang ang yosi, hehehe!



Chawa View Deck, Mahatao
Maraming stone grotto si Mama Mary sa probinsya at ilan ay nasa tabing highway. Nagkalat din ang signboards  na “Blow Ur Horn” lalo na sa kurbadang lansangan at tabing-bangin. Ang kagandahan dito ay disiplina sa pagmamaneho at trapiko hindi tulad sa Metro Manila.

Pampasaherong bangka sa pantalan ng Ivana

Maraming salamat sa Panginoon, ligtas ang paglalakbay tungong Sabtang Island. Malalaki ang mga alon dahil dito nagtatagpo ang West Philippine Sea at ang Pacific Ocean. Naiiba rin ang anyo ng mga bangka na walang katig upang sumabay sa mga alon. Ang rough seascape ng probinsya ang nakagisnan ng mga ekspertong bangkero at mangingisda. Nakakahilo nga for first timers pero sabayan mo na lang ang mga mapaglarong alon ng karagatan. Matapos ng 30-40 minuto ay nakatawid ka na sa pantalan ng Sabtang.



Malapit din sa pantalan ang San Vicente Ferrer parish at tulad ng Simbahan ng Ivana, nakaharap din ito sa karagatan.




Dito sa Barangay Chavayan nakabase ang asosasyon ng mga kababaihang gumagawa ng handicrafts lalo na ang mga headgear na vakul (pambabae) at mala-tsalekong kanayi (panlalaki) na yari sa mga dahon ng isang uri ng palma na marami sa Sabtang. Una ko pang nakita ang vakul sa magasin na parang makapal at mahabang peluka na may bangs at isinusuot ng mga nagtatrabaho sa bukid bilang panangga sa init ng araw at ulan.

Sta. Rosa de Lima Chapel of Chavayan

Tinyon View Deck and Hills
Bubungad sa nananabik na puso ang makapangyarihang Karagatang Pasipiko

The ancient Savidug Idjang fortress built by the ancestors of the people of Sabtang.





Talaga namang kahit na mabagsik ang init ng tanghaling-tapat, parang magnet pa rin ang kabigha-bighaning dalampasigang ito o yung tinatawag na Morong Beach. At bawat panauhin sa Sabtang ay hindi aalis hanga’t hindi nararating ang ahaw o arkong bato na nililok mismo ng Kalikasan. Nasa di-kalayuan naman ang Nakabuang Cave at hindi ka mabubuwang dito. Kung mas maaga sana kaming nakarating dito o kung maulap ang langit, ang sarap sanang magbabad sa napakalinaw na dagat at wala nang pakialam kung mag-iba man ang kulay ng balat.
Nasa pristine condition pa ang beach. Hindi ito Boracay. Walang mapaminsalang exploitation ng komersyalismo. Walang polusyon (maliban sa kalat na iniwan ng ilang burarang turista doon mismo sa arko). Walang ingay maliban sa ugong ng karagatan. Very peaceful kahit maugong ang alon ng mga dagat without the raucous beach bums and hard-partying bitchiest bacchanals male and female and she-males alike to disrupt your tranquil introspection about you, nature, and life.
Natatanaw pa mula dito ang isla ng Batan kung saan kami galing. Hindi lang kasama sa itinerary ng tour package ang Itbayat at may kalayuan daw yun.
Mag-aalas dos at low tide na nang bumalik na kami sa Port of Ivana. Ang mga alon ay hindi na kasinglaki tulad kaninang umaga. Habang nasa laot kami, kumain ako ng Sky Flakes crackers at ang ilan dito ay initsa ko sa dagat. Hindi naman ako nagsasayang ng pagkain o nagkakalat. Sabihin na ngang mistulang pamahiin na ginaya ko mula sa isang eksena ng pelikulang  “Batanes” kung saan ang isang mangingisda doon ay naghuhulog ng mga butil ng kanin sa dagat. Unang beses ko ngang ginaya yun noon sa Guimaras nang nag-island-hopping kami. Ang dagat ay buhay. Buhay na buhay at hinandugan ko ng bahagi ng aking pagkain habang naglalakbay sa kanyang mga alon. Kaya lamang, nakalulungkot na sa ibang lugar, lalo na sa Manila Bay at pati ang ibang provincial ports, matagal nang nilaspatangan ang dagat, tsktsktsk!




Kabilang din sa di-malilimutang tanawin ay ang Batanes sunset. Na-realize ko na kay-bilis ng mga araw at magtatapos na ang bakasyon dito. At the same time, naroon naman ang kasabikan ng pagbabalik sa aming tahanan.
Siyanga pala, sa ilang lugar sa Batanes, nag-iwan ako ng mga kopya ng aking unang ipinalimbag na pocketbook na “Dalawang Babaeng Umiibig” (noon ko pa nai-compose ito at saka pakialam ko sa upcoming teledrama sa channel 7 na “The Rich Man’s Daughter”, ano?). Sinulatan ko pa yun ng note na “Regalo ko para sa iyo, kaibigan. Ingatan mo, ha? God Bless!”. Makakaugalian ko nang mag-iwan ng ilang kopya ng pocketbook sa iba’t ibang lugar. Regalo ko talaga para sa strangers na bukas ang pang-unawa na papansin, babasa, at pakakaingatan ang mga ito. Malay ko at magkaroon pa ako ng mga tunay na kaibigan .
Pag-uwi namin dito sa Villamor Air Base, napansin ko na namumula pa rin ang mukha ko lalo na ang aking ilong. Di bale, wala naman akong sunburn. Alaala ito ng isang maikli ngunit maligaya at di-malilimutang bakasyon.