Marami pa silang pinagkuwentuhan
habang nakayapak na naglalakad sa tabing-dagat. Ito ang bonding ng dalawang
babaeng umiibig. Patuloy pa rin ang pagtibay ng kanilang pagkakaibigan at
samahan na kahit magkakalayo na sila ay hindi naman mawawaglit ang kanilang
ugnayan.
Hango ito mula sa isang
kabanata ng short novel na may nilangaw na flop sales at isinulat ng isang
weirdo at frustrated fiction writer na nagngangalang Joan T. Teves also known
as Weirdjtt. Drinowing ko ang eksenang yun pero dapat nakayapak nga sa buhangin
ang mga bidang sina Bridget at Leona. Sinuot na nila ng kanilang proudly
Marikina and Liliw, Laguna-made footwear of flip-flops and sandals kasi baka
makaapak pa sila ng matatalas na bato at mga kabibe ng talaba doon sa beach.
Hoy, naunang ikatha ang
“Dalawang Babaeng Umiibig” (pakisangguni sa September 2013 blog post na
“Samizdat Publications: My Little Blue Book”) kaysa sa primetime lesbian drama
series na iyon sa GMA-7 na gaya-gaya lang ang kuwento mula sa kontrobersyal na
anak ng isang Hong Kong tycoon. Ang unang kabanata lang ng dramang yun ang
pinanood ko tapos hindi ko na talaga trip ang kuwento sa totoo lang kahit pa
siguro si Marian Rivera ang bida yet I really didn’t find the story attractive.
Oo nga pala. Eh, noong panahon ng antiquity, kapag sinabing ‘lesbian’, hindi
yun tungkol sa alam niyo na dahil tumutukoy yun sa mga nanirahan sa Greek
island of Lesbos; kaya nga ang mga naroon sa isla ay mga Lesbian men, Lesbian
women, Lesbian children, Lesbian forests, Lesbian beaches, Lesbian plains,
Lesbian animals, all things native there were Lesbian! Lesbos was also the home
of the great and legendary poetess, Sappho. Marami sa kanyang poetry ay
dedicated sa mga kababaihan. Basta, wala kasing detailed account tungkol sa
buhay niya; ni hindi pa nga napapatunayang trip niya ay mga tsiks, ano? May mga
accounts ang nagsalaysay na mayroon siyang anak na babae at ayon sa ilang later
Roman poets, siya ay may minahal na lalaki na nagngangalang Phaon. At ang
kanilang love story ay ang tema ng ilang popular idyllic poetry noon.
Ancient Attic vase by a Brygos painter depicting Sappho (courtesy of Wikipedia/ uploader Bibi Saint-Pol)
The 3rd-century philosopher Maximus of Tyre wrote that Sappho was "small and dark" and that her relationships to her female friends were similar to those of Socrates:
What else could one call the love of the Lesbian woman than the
Socratic art of love? For they seem to me to have practised love after
their own fashion, she the love of women, he of boys. For they said they
loved many, and were captivated by all things beautiful. What Alcibiades and Charmides and Phaedrus were to him, Gyrinna and Atthis and Anactoria were to her ... (texts courtesy of Wikipedia)
Lilintigan! Hindi ito para papurihan ang lesbianism, ano? Pakialam ko sa
inyo! Nakakadiri naman yun isang uploaded picture na kasama sa Wikipedia
article tungkol kay Sappho. Isang desecration na gawa ng isang ultraliberated
turn-of-the-20th century French artist na hindi ko na lang pangangalanan dito.
Napansin ko sa Wikipedia and other sources, bawal nga sa mga sites nila ang
porn pero maluwag naman sila sa erotic artworks done through the history of art
na ang marami pa sa mga ito ay napaka-explicit pa.
Hehehe, napanood ko sa
ilang palabas sa TV ang tungkol sa mga les na talagang boy na boy na at yung
ilan ay pa-macho pa ang drama lalo pa’t nag-take ng male hormones o
nagpa-retoke ng katawan. Eh di wow yung ilan na ang pinapakitang machismo ay
daig pa ang sa mga tunay na lalake, hehehe! Well, karapatan nilang lumigaya
kaya labas na ang weirdong blogger na ito. At yung say ng mga grabe kung
maka-tsismis: kahit pa boy next door na ang drama ng mga les na yun,
nagwi-whisper pa rin sila sa kani-kanilang mga tenga na kailangang manatili pa
rin silang modest yet carefree ang kanilang charming sisterhood.
At kahit pa matagal nang
nauso ang inaasam ng ilang indibidwal na gender reassignment, the gene-bearing
chromosomes na matatagpuan sa nucleus ng bawat cell ng tao ay hindi kailanman
magbabago. This is an unbreakable law from nature: the XY will never turn into
XX and the XX will never be a XY.
Pagkatapos ng “Pari ‘Koy”, switch to GMANewsTV na kami
pati sa ibang cable channels! Well, loyal Kapuso pa rin ako. Kahit na namumutiktik
ang channel 7 sa kadramahang palatuntunan mula umaga hanggang gabi, pansin na
pansin talaga ang naiibang story plot and themes ng kanilang mga teledrama.
Kaya nga, ano naman ngayon kung dominante ang ratings ng ABS-CBN o mas sikat
lang talaga ang mga artista nila? Nasa mga televiewers na ang pasya. Nanonood
din ako sa TV5! Ako man, essence ang pinapansin ko; ang makilatis kung gaano
kahusay sa character portrayal o ang pag-arte as a whole and integrity ng isang
aktor o aktres at hindi ang popularity level na pinangangakngakan ng mga
showbiz fans and biased social media sites.
Hey, saka ano ba yan?
Trending sa mga pamagat ng mga drama ang mga possessive nouns and pronouns
complete with the apostrophe (‘s) symbol. Minsan, corny na tulad ng mga title
ng local rom-com schmaltz movies na karamihan ay galing sa pamagat ng mga
sentimental love songs. Mga pinagbibidahan ng mga pinakasikat daw na love teams
ngayon; hugot-kulangot pa more para sa inyong Kathniel and Jadine at gusto ng
bashers na mag-riot nang bonggang-bongga ang kanilang loud-mouthed fans. And as
for TV series’ titles, meron nang “my mother’s”, baka sa susunod ang mga
pamagat na ay tulad ng “My Father’s Career”, “My Brother’s Girlfriend”, “My
Sister’s Frenemy”, “The Cousin’s Homosexuality”, “My Uncle’s Mistress”. “My
Aunt’s Jealousy”, “The Neighbor’s Family”, my... my... my, goodness! Sa
pag-struggle nga naman ng ilang writers to come up with their claims that their
stories are really “unconventional and different” from the rest bilang strategy
sa pagtatawag ng mga televiewers na tangkilikin ang mga sarswela nila.
*******
Kuhang larawan ito sa Luneta noong Alay-Lakad 2013,
shortly after sunrise. Kapansin-pansin talaga ang timeless serenity na hatid ng
sagradong monumento ni Rizal nang walang commercial and industrial distraction.
Ang ibang tao kasi pulos condominium mentality na
lang; masaya at matiwasay ba talagang manirahan sa mga high-rise condo kung
saan ang mga nasa katabing unit mo lamang ay hindi naman masasabing kapitbahay?
Minsan ay naglakad-lakad ako doon sa may Pasay Sports
Complex pagkagaling ko sa aming MAEd class sa City University of Pasay. Ika-13
ng Hunyo nang araw na iyon. Nakakadismaya naman ang nangyari sa Derham Park na
kabahagi ng naturang sports complex samantalang noong nakaraang dekada lamang,
ang ganda-ganda sa pampublikong parkeng ito at kapag uwian na sa AIMS, saglit
pa akong tumatambay sa may fountain area bago ako sumakay ng dyip sa F.B.
Harrison. Marami ngang namamasyal doon tuwing hapon, eh. Ang malaking bahagi ng
lungsod ng Pasay ay talagang congested urban area at iilan lamang ang
masasabing green spaces gaya ng Derham na pagkalapit-lapit pa naman sa City
Hall! Ngayon ay halata talagang napabayaan ang parke. Mukhang masukal na ang
mga hardin na malapit sa pader ng Pasay compound ng US Embassy. Napansin kong
makalat pa sa paligid ng munting monumento ng kilalang Pasayeño and World War
II hero na si Manuel Colayco, ama ng sikat na business coach na si Francisco Colayco at tila may naglakas-loob pang magtayo ng
barung-barong di-kalayuan dito na akala ko bahay ng kalapati.
Basta, marumi na ang paligid ng sports complex kahit
pa may ilang local government offices dito. Ginawa itong tambayan ng mga street
dwellers and sidewalk vendors na ang ilan ay walang pakialam kung mabaho at
makalat man ang lugar ng kanilang negosyo basta kumita lamang sa bawat araw.
Alam naman natin ang bawat local government ng NCR ay mayroon talagang
beautification projects and development efforts na ang pondo ay mula rin sa
buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. Kaya lang sinisira naman yun ng mga taong
walang pakundangan at disiplina, at hindi marunong magpahalaga sa kapaligiran.
Mga tao yun na ang napapansin na lang ay ang araw-araw na stress, pagkarimarim
ng kanilang mga dura sa kalsada, at ang ikinakalat nilang basura at hindi ang
kagandahan ng mga puno, halaman, at ang gaan ng pakiramdam kung ang
ginagalawang kapaligiran ay malinis at matiwasay.
*******
Everybody’s entitled to his or her personal opinion
and perhaps more and more folks who democratically express their thoughts would
cry out how backward and brutal that Yulin Festival was recently. And I think
those baseless traditions and consummerist mindset still the biggest threats to
ecological conservation especially on endangered species of plants and animals.
Yet a lot of folks out there still commend the Chinese animal welfare activists
who exert courage and efforts though their condemnation of that event just fell
into deaf ears... really deaf ears because of the thickened, waxy “tutuli” that
blocked the ear passages of those voracious carnivores and their superstitions.
*******
Reminiscent of one of the caricatures uploaded in the
August 2014 blog post “Soliloquy of Bitterness: I Wish I Could Laugh Out Loud
Again”
Oh, really? Ancient imperial records claim by their
proud government as proof of sovereignty? Dragon’s ass!
*******
Tienanmen Square, Beijing, China (photo courtesy of Wikipedia/ uploader FlickReviewR)
The beautiful, historical site celebrates the glories
and valor of Chinese heroes... including the brave students and millions of
demonstrators who believed and fought for peaceful reforms and looked up at the
Filipino EDSA People Power Revolution ’86 for inspiration during the tragic
Tienanmen Square protests of 1989.
Hey, I had checked out the blog’s statistics for the
all-time pageviews of blog posts and found out this 2008 illustration of the
Dalai Lama is very popular (the picture and a short essay about his Holiness
was included in the June 2012 post “Salagubang sa Ulan Tikatik”). The blogs
here had gathered pageviews from mainland China, too.
*******
The Grandeur of the Blue Moon
Celebrating the lunar beauty does not make you feel blue
The full moon last July 1
The second full moon last July 31
*******
Botanical Splendor
Lush plants including mud nests of potter wasps
Hydrangeas (milfores)
Bougainvilleas
Creamy, fragrant Amaryllises
Orchids (Dendrobium variety)
Crape myrtle (melendres)
*******
Gallery of Bitter Self-Satire
Illustrations done by a blogger and pathetic loser
called Weirdjtt
Ah, nitong Mayo ay muli akong nagpadala ng maikling
kwento bilang entry sa pitak ng “Bagong Manunulat” ng Liwayway magazine.
Naghintay ako ng ilang araw sa reply nila sa e-mail ko kalakip ang kwento.
Wala. Kung hindi ako muling nag-e-mail na may pakiusap at pagmamakaawang
tumugon naman sila, hindi talaga ipababatid ng editorial staff nila eh yes or
no lang naman. Hindi raw nakapasa ayon sa mga ‘pamantayan’ ng kanilang patnugot
ang pinagsumikapan kong maikling kwento at hanggang doon lang, wala nang
detalye kung bakit.
Sour grapes na lang? Hindi na ako magpapadala ng entry
sa kanila. Hindi ko alam kung paano o anong uri ng ‘metikulusong pagbubusisi’
nila sa mga ipinapasang kwento. Sa totoo lang eh marami na nga akong nabasang
kwentong na kanilang inilathala; ephemeral stories. Hindi kaaya-aya ang plot at
yung ilan ay conventional at predictable na minsan; katulad ng isang kwento
nilang sadyang ambiguous ang tema na kahit siguro ulit-ulitin ko ang pagbabasa
ay mababanas lang ako. Ang nangyayari kasi sa kalakaran ng publishing ngayon,
ang mahuhusay na editor mula sa iba’t ibang kumpanya ay magbibigay na ng go
signal for publishing para sa mga manuscripts and entries na ikinatuwa nila at
pumasa sa kanilang ‘strict standards’... at pagkatapos, bagsak naman pala para
sa higit na nakararaming mambabasa. Sa palagay ko, marami nang pagkakataong
wala na sa lugar ang mga hatol ng mga patnugot ng iba’t ibang kumpanya.
Nagdi-daydreaming ako na sa imahinasyon ko, isang
bagong publishing company ang naitatag. Isang kumpanyang malawak ang pang-unawa
at hindi motivated ng malaking kita. Binubuo ito ng mga makatao at
maka-panitikang Pilipino na publisher at mga manunulat na sila-sila mismo ang
nagtutulungan sa pag-proofread ng mga manuskrito at masisipag ang empleyado sa
larangan ng paglalathala at paglilimbag. At sa kumpanyang ito, walang harsh
editors or no editors at all. Hindi kailangan ng kumpanya ang mga
dreamshatterers!
Habang ipino-post ang blog na ito, kasalukuyan nang naiipon sa kalangitan ang mga nimbus clouds! Uulan na siguro!
ReplyDelete