Fra Angelico's Sermon on the Mount
“The Beatitudes”
From Matthew 5:1-12
Seeing the crowds, Jesus went up the
hill. There He sat down and was joined by His disciples.
Then He began to speak. This was
what He taught them:
“Blessed are the poor in spirit;
theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are the meek; they shall
inherit the earth.
Blessed are those who mourn; they
shall be comforted.
Blessed are those who hunger and
thirst for what is right; they shall be satisfied.
Blessed are the merciful; they shall
have mercy shown them.
Blessed are the pure in heart; they
shall see God.
Blessed are the peacemakers; they
shall be called children of God.
Blessed are those who are
persecuted; theirs is the kingdom of
heaven.
Blessed are you when wicked men
abuse you and persecute you and speak all
kinds of calumny against you all
because of Me.
Rejoice and be glad for your reward
will be great in heaven.
This is how they persecute the
prophets before you.”
*******
“The Brave and the Lonely” by Robert Vaughan / Published by River Books
Ika-6 ng Nobyembre. Gabi.
Sa wakas, natapos ko na ring basahin ang isang lumang American paperback na
“The Brave and the Lonely” ni Robert Vaughan. Inabot ng 12 taon bago ko ito
natapos basahin at ganoon din katagal bago ko ito na-appreciate kahit na nag-scan
and skim reading ako sa ilang pahina nito na pulos paragraphs of military and
scientific jargon, sangkaterbang technical descriptions and other terms so
alien to me. 12 taong natengga ito sa loob ng aparador na natambakan pa ng mga
local and imported paperbacks. Noong 2003, maaga akong umuwi mula AIMS dahil
wala ang mga titser namin kaya wala rin klase. Dumaan muna ako sa noo’y
nakatayo pang Holiday na dating sinehan tapos naging commercial building at
nitong 2014 naman ito na-demolished at hanggang ngayon ay tiwangwang pa rin ang
napakalawak na loteng minsa’y kinatirikan nito sa kanto ng Libertad at F. B.
Harrison. Meron pang Merriam-Webster Bookstore branch sa Holiday. Naghanap ako
dito ng gusto kong libro at napagtripan ko ang “The Brave and the Lonely” na
nagkakahalaga lamang ng 40 pesos. Napuna kong second printing na lang pala ito
circa 1993; ang first printing ay noong 1982 pa. Para bang ni-reprint in
romance paperback format kahit na hindi talaga mukhang full-pledged romance
genre ang nobela. Binasa ko na noon pa ang ilang kabanata at pagkatapos ay
napangitan ako kaya hindi ko na pinagtiyagaang tapusin ang pagbabasa at
pag-unawa dito. Makapal kasi; pero meron pa nga akong tatlo pang American
romance paperbacks sa aking koleksyon.
Sa cover illustration at
back cover teaser nito, mapagkakamalan itong katulad din ng typical romance
genre na nakatambak sa mga BookSale branches yet the story tell otherwise.
Mayroon nga siyang romantic, intimate chapters with dose of eroticism just like
in any title of the women writers-dominated Harlequin books and other romance
publications; well the author of the featured book here is a man and a former
soldier as well. If it is made into movie, it will be an epic film, a World War
II flick, yet it’s not all about the womanizing escapades, sports/military
exploits of the G.I. protagonist but how he and his all-American family coped
up with their lives during the war. The novel, despite the tragic scenes and
relationships gone sour, had a satisfying and happy ending which will make the
reader happy, too.
Nitong mga nagdaang
linggo ko lang binalikan ang “The Brave and the Lonely”. Naawa ako sa libro.
Ang binding nga nito ay walang kagusut-gusot nang binili ko; palatandaan na
wala pang bumabasa dito nang buo sa loob ng matagal na panahon. Subalit ang
isang ito, katulad ng iba pang aklat sa aking koleksyon na ang karamihan ay mga
pinaglumaan na at halos nilimot na ng panahon na mga binili ko sa isang
BookSale branch tulad ng 15-peso each na “Chariots of the Gods?” (Erich Von
Däniken) at “Mythology” (Edith Hamilton) ay destined to be mine.
Let’s talk about the
Robert Vaughan novel again. Ang naglathala nito ay ang River Books na wala ngang
nakasaad kung saang lupalop ng Estados Unidos ang tanggapan nito pati mga
pangalan ng editorial staff at ang talented artist na gumawa ng cover
illustration ay hindi rin nabanggit sa copyright page. Basta, nasa huling
pahina ang tungkol sa may-akda na mayroon palang military background bago siya
nag-settle down with a peaceful family life and full literary career.
Nag-Google search pa nga ako tungkol sa taong iyon at meron pang kapangalan
pero meron talagang tungkol sa kanya at base sa larawan ay balbasarado na pwede
mong mapagkamalang si Kenny Rogers. Marami na pala siyang naisulat na nobelang
may kinalaman sa American history pati mga tungkol sa ibang digmaan lalo pa’t
ang military experiences niya ang naging inspirasyon niya sa plots and themes
ng mga ito.
Sa panahong ito na ang
bukambunganga na lang ng ilang “influential” readers and bloggers ay tungkol sa
mga Wattpad, Nicholas Sparks novels, Hunger Games, Fifty Shades of Grey, at iba
pang “popular and trending bestsellers” umano na prominenteng dinidispley ng
National Bookstore & Powerbooks at mga balang araw ay kukupas din ang kasikatan
ng mga ito. Hayaan na lang sila sa trip nila at hayaan din ako sa trip ko. Wala
akong interes sa mga ganoong libro dahil higit
pa akong nakatatagpo ng mga magagandang kwento, ng mga bagong mundo na aking
nararating sakay ng aking imahinasyon sa mga obscure at naeetsapwerang aklat.
Sa nobela ni Mr. Vaughn, para na rin akong nakasakay sa may cockpit ng isang
World War II bomber plane at tanaw na tanaw ko na ang mga Nazi targets. O, di
kaya’y nakapamasyal ako somewhere along the scenic, small towns of the American
Midwest. And then, sinundan ko ang mga physicists sa pag-imbestiga sa epekto ng
atomic bomb sa mismong ground zero ng Hiroshima; oh, the humanity! Pero sa
nobela, lalo akong na-familiarize sa tinatawag na Manhattan Project na isa
palang grand plan of human sacrifice to bring the empire of the sun to her
knees. At katulad ng iba pang war-themed literary works, mayroon itong
pagpapaalala na sa bawat digmaan, ang lahat ng panig ay talunan.
It’s just that the story’s great and sparks the
imagination. It felt like visiting a family on the other side of the planet and
listening to their joys, sorrows, and glories, including the intrigues and
weaknesses which challenged their all-American values. Hey, wait up! Ayon sa
mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas, nadamay lang ang bansa sa digmaan dahil
sa pagiging sakop pa rin ng Amerika. Tsktsktsk... yun ay isang mabigat na
katotohanang naba-bypass sa mga pelikula at panitikang may temang WW II.
Well on the other hand, sa mga booklovers out there,
believe me, palagi na lang ba kayong susunud-sunod sa mga nagbabandera ng mga
listahan ng “bestsellers” na highly-recommended ng mga literary critics na
dapat basahin? It’s up to you. And as for me, some least known books are
actually among the coolest books.
*******
Nobyembre 14. Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na
ito. Pagkagaling ko sa enrollment para sa graduate courses sa City University
of Pasay, nagpunta naman ako sa Maynila. Pero bago yun, dumaan muna ako sa
Chowking sa Taft bago sumakay sa LRT kasi gusto ko munang mananghalian.
Kailangang magpakabusog.
Habang ako’y lumalamon ng mga inorder ko, sa gilid ng
aking paningin ay inoobserbahan ko rin ang mga tao sa paligid ko. Ah, matagal
na ang Chowking dito sa Wellcome-Puregold na tinatawag pa noong Masagana
Citimall. At kanina naman, sa kalapit na table dito rin sa Chowking, may isang
pamilya- ang mag-asawa at dalawa nilang anak na babae na sa uniporme pa lang ay
mga mag-aaral ng St. Mary’s Academy sa may Padre Burgos (may Saturday class
kasi sila) at yung isa ay naka-gayak pa na galing sa kanyang First Communion;
suot pa nga niya ang kanyang maikling belo. Hindi ko maulinigang nagkukwentuhan
ang pamilyang iyon habang nilalasap nila ang masasarap nilang orders o kahit
tapos na silang kumain. Bawat isa kasi ay abalang-abala sa hawak na cellphone
at iba pang gadgets. Siguro, yun ang tinatawag na “modern Filipino family”.
Nag-LRT na ako patungong Doroteo Jose Station. Sa
totoo lang ay nostalgic para sa akin ang Recto lalo na kapag napapansin ko ang
tambak ng sangkaterbang lumang aklat pati ang ilang tindahan dito tulad ng
Merriam-Webster Avenida branch at ang mga diced hopia.
Habang patungo ako sa Isetann Recto, nadaanan ko ang
mga nakabalandrang “red light district” sa tabi-tabi pati mga beerhouse na
katanghaliang-tapat pa lang ay may mga “matinee shows” na ayon sa “menu” ng mga
naka-displey na marquee sa entrance ng mga ito. Siguro, iri-raid ng awtoridad
ang mga ito at ipapasara ng city hall at pagkatapos ng ilang buwan o kahit
linggo pa, pag malamig na ang sitwasyon, business as usual uli.
Hindi naman pasyal at gala ang sadya ko sa Isetann.
Ngayong taon, dito naman ginanap ang Dugong Bombo 2016 ng Bombo Radyo Network
at ng 102.7 StarFM samantalang maraming taon din naging venue noon ang mas
malawak na SM Manila. Pagdating ko sa event center, walang mahabang pila.
Naroon pa rin ang usual questionaires, interview, at CBC. Maraming salamat sa
Panginoong Diyos, ako’y naging qualified blood donor muli. Pinaghahandaan ko
talaga ang ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng rosaryo, St. Jude’s novena
recitation, at pagpapatuloy ng healthful living. Ang blood donation ay isang
pagkakawanggawa na dedicated sa Panginoon at sa paglilingkod sa kapwang
nangangailangan at hindi ito dapat i-flaunt. Tagumpay pa rin ang event dahil sa
pagtutulungan ng stakeholders at tuluy-tuloy na pagdating ng donors. Sana, sa
susunod na taon, sa SM MOA naman ganapin ang Dugong Bombo dahil doon ang
maraming tao.
*******
Instant bakasyon nang idinaos ang Asia-Pacific
Economic Cooperation Summit dito sa bansa. Kaya lang hindi pwedeng maglalabas
at mahirap mag-commute sa lawak ba naman ng sakop ng road closures. Siguro ang
mas nag-enjoy ay ang gaya ng mga taga-Marikina o Valenzuela at San Juan at iba
pang hindi naman gaanong apektado. Ang huling APEC dito sa bansa ay ginanap
noong 1996 pa kung saan gumastos daw nang katakut-takot ang Ramos
administration; pinagawan ng seaside villas sa Subic ang mga delegado. At
makalipas ang maraming taon, karamihan sa mga villa ay napabayaan na. Kung
hindi na talaga maaaring magkaroon ng commercial value ay pwede nang resthouse
para sa mga unggoy mula sa mga kalapit na kagubatan.
Kaygaganda ng mga APEC objectives na huwag sanang
maging ningas-kogon lang. Mayroon ding mga kilos-protesta ng mga aktibista. Sa
palagay ko, ang mga maka-kaliwang grupong ito ay tila ba hindi masaya sa kahit
sinong pangulo ng Pilipinas na nasa pwesto! Hehe, natural sa maraming tao ang
magpadaig sa bugso ng damdamin at ang umuusok na naglalagablab na angst ay
nangangailangan ng outlet. Makikita yun sa mga vandalism na ginawa ng mga
miyembro nila sa mga pampublikong lugar tulad ng ilalim ng mga LRT tracks at tulay,
tsktsktsk! Kung isang clone siguro ni Karl Marx ang maging presidente ng bansa,
siguro magdiriwang ang mga ito basta kapareho nila ng ideolohiya... at kapag
humantong sa punto na hindi na nila gusto ang pamamalakad ng lider, hayun na
naman sila sa mga lansangan tapos paghuhulihin sila at saka ikukulong sa mga gulag; pagbabayaran nila ang public
scandal at bandalismong nilikha ng mga kilos-protesta nila sa ‘hard labor for
the state’.
Demokratiko naman ang kalagayan dito sa bansa at
malaya ang mga mamamayan na maghayag ng saloobin. May mga sang-ayon din naman
sa ipinaglalaban umano ng mga militante lalo na ang tungkol sa excesses of
globalization and the scourge of labor contractualization schemes. Ang APEC
‘products’ ay sadya talagang mayroong pros and cons.
*******
Noong isang araw ay muli akong nakadaan sa
Merriam-Webster Bookstore Avenida na malapit sa kanto ng Recto. Kapansin-pansin
na ang MW branch na ito ay halos frozen in time; tipong “old curiosity shop”.
Maraming tindang aklat ang lumang-luma at maalikabok na pati mga magasing
naninilaw na ang mga pahina subalit ang mga presyo ay katulad na katulad pa rin
noong sinaunang panahon nang first time dinispley ang mga ito sa mga
bookshelves! Hindi sila nagki-clearance sale kagaya ng marketing scheme ng
maraming bookstores as in “everything must go” para maka-attract naman ng
maraming mamimili. Naroon pa rin ang tambak ng higit sa dalawang dekada nang
mga Valentine Romances na para bang mula nang ako’y nakabili ng limang titles
nito way back in 2011 ay hindi na muling nabawasan pa ang stock nito! Well, sa
MW branch na ito matatagpuan ang ilang great classics na hindi naman mahahanap
sa mas malalaking bookstores. Halimbawa ay ang original “Fairy Tales” ni Hans Christian
Andersen na nabili namin dito noong 1999. Makikita rin ang “The Picture of
Dorian Gray” ni Oscar Wilde at ang “Sons and Lovers” ni D.H. Lawrence.
Dalawa pang vintage local romance paperbacks ang
binili ko dito. Kahit na higit sa dalawang dekada na ang lumipas, ang presyo ay
ganoon pa rin! Natapos ko nang basahin ang mas maikli- “Tanikala ng Puso”
(1995) ni Mabini D. Castillo. Ayos naman ang takbo ng kwento pero kulang sa
editing and proof-reading kaya madalas hindi maintindihan ang pagsasalaysay. Yung
mas luma at mas makapal naman na “Regie” (1991) ay kay Maria Elena Cruz na may
isa pang short romance novella ang nabasa ko na, ang “Hindi Isang Paru-paro
Lamang” mula sa Valentine Romances with “Books For Pleasure” as the publishing
company. Ang may-akda ay isang proud Mindoreña dahil special mention lagi sa
mga nobela niya ang kanyang probinsya na Oriental Mindoro.
Sa totoo lang, ang “Regie” ay may level nang tulad sa
heavy contemporary Pinoy literature at hindi casual “romance novella” at pag
binasa mo ay nagpapaalala ng mga katha ni Lualhati Bautista na palaging
pina-book report sa panghayskul na Filipino subject. Yun nga lang, ang
nabanggit na nobela ay isang mature, adult-oriented novel na mayroong slightly
discreet pornographic na pagsalaysay sa ilang kabanata nito with frequent foul
language. At saka, yung mga pangunahing tauhan, bagamat may mga itsura ayon sa
narration, ay hindi mga ideal and attractive ang personality; tipong hindi
halos kaibig-ibig na mga tao. Well, sabihin na lang na very human lang sila.
Middle class working people in contrast to the conventional “rich, elegant, and
sheltered characters” ng karamihan sa mga romance paperbacks ngayon and
especially from those Wattpad novels! Human condition ang may heavy portrayal
sa nobelang ito at di lang romansa.
Kahit 1991 pa inilathala ang nobela, ang setting and
time elements ay late ‘70s or closing years na ng Martial Law hanggang Agosto
21, 1983 onwards kung saan sa huling kabanata ay tungkol sa mga tagpo nang ang
mga tauhan ay nagtungo sa libing ni dating Senador Ninoy Aquino. Very retro ang
feeling, transporting you back in time, noong hindi pa grabe ang trapik sa
Metro Manila, ang mga NPA ay puno pa ng ideolohiya at hindi ang tungkol sa
extortion sa mga small to medium enterprises ang pinaggagawa, at ang araw-araw
na pamumuhay ng nakararaming tao ay maayos pa rin kahit na hindi pa sumasagi sa
isipan nila kung ano ang cellphone at lalo na ang Internet. Panahon din ng
Marcos regime ang nasa nobela at mababasa ang iba’t ibang pananaw ng mga tao sa
panahong iyon; basta, makakatagpo ng fascination ang mga readers nito. About
the characters? Nakakainis ang mga characters sa totoo lang, hehe! Ngunit
mahusay silang hinulma ng may-akda bilang flawed characters na ninakawan ng
innocence ng magulong lipunan at mga sitwasyon and with all the discourses on
existentialism blahblahblah. And Madame Maria Elena Cruz made sure that the
main characters are soulmates in order to have their own happy ending as well
pagkatapos malampasan ang mga pagsubok sa buhay.