Planetary Alignment (courtesy of USATODAY)
Enero 1. Bagong Taon.Nagsimula nga
pala ang unang araw ng taon sa ulan. Bwenas daw yun. Ngunit higit na mapagpala
ang pagsisimula ng bagong taon sa pagdalo sa Misa.
Enero
2. Nilulubos ko ang natitirang araw ng Christmas break. Ako’y nag-MOA. Basta
mga simpleng kasiyahan tulad ng pagbili ng walnut cinammon chewies na kabilang
sa mga paborito ko ay kuntento na ako. May nabili rin akong tila last copy na
ng “Astrolohiya” ng the late psychic Jojo V. Acuin (†).
Bago
ako umuwi, bumili ako ng Bailey’s at ng Kahlua cake slices sa Chocolat (French
word for chocolate and pronounced as ‘sho-ko-la’). Basta matagal na akong hindi
nakabili dito but this dainty little coffeshop offers the best dark chocolate
cakes ever.
*******
Enero
8. Goodbye, Kuya Germs! Pero ang kanyang showbiz legacy, yun ang tunay na
walang tulugan!
*******
Enero
16. Hindi na nga ako nakapanood ng sineng “Nilalang” kaya hinanap ko na lang
ang tungkol dito sa Google. Palibhasa, karamihan sa mga sinehan noong MMFF ay
priority ang sa tingin nilang commercialized na pelikula na kahit corny ay
tiyak namang tatabo sa takilya kaya etsapwera ang mga indie films. Pero
nakabili ako sa Ace Hardware pa na “Maria Ozawa” coffeetable book by Summit Publishing. Mahal nga
lang pero ituring ko na lang na souvenir kahit na hindi naman ako fan ng former
adult actress, hehe! At mas lalo namang wala akong napanood na past ‘movies’
niya!
Hindi
naman pangkaraniwang magazine ang isang ito lalo pa’t ang papel ay tulad sa mga
hardbound books gaya ng encyclopedia. Sana naman ay hindi naka-photoshop ang
mga litrato ni Maria lao pa’t may taglay pa naman siyang natural beauty at
hindi isang retokada. Ang impression ng mukha niya ay tila nag-iiba-iba depende
sa anggulo. Yun bang sa ¾ view, nagiging kamukha siya ni Angelica Panganiban;
kapag siya’y nakangiti, parang si Mandy Moore. Sa ilang black and white photos,
lalo na kapag naka-pouty lips siya, mapagkakamalan din si Angelina Jolie. Light
make-up lang siya pero ang beauty niya ay hindi nakakasawa. Kahit Japanese, may
lahi rin siyang French-Canadian at mas nagingibabaw pa ang Caucasian features
niya kaysa Asian side.
Ang
coffeetable book ay sexy but artistic at wala namang kahalayan; depende siguro
sa open-mindedness at unawa ng readers, ano? At katulad sa kanta ni Johnny
Mathis- “Maria, Maria... I just met a
girl named Maria...”
At
minsan ay dinala ko sa school ang coffeetable book. Hehe, eh kahit may mga
pahina nga dito na may pagka-wholesome naman para masilip ng ilang bata. Basta,
sa tuwing bubuklatin ko ito, just for appreciation, hehe!
*******
Enero
16 pa rin. Pagkagaling sa Saturday class namin sa City University of Pasay,
naging trip ko ang maglakad-lakad sa bahagi ng F.B. Harrison hanggang EDSA.
Hindi naman nakakapagod lao pa’t hindi naman maalinsangan ang panahon.
Nakapaglakad din ako sa Park Avenue dati, sa may San Rafael Parish hanggang
labas ng Wilson Compound. Ang dami palang vintage and heritage houses dito sa
Pasay. Katulad na lang ng compound na iyon na katabi ng Daughters of St. Paul
convent. Ang enclave na iyon ay may mga bahay na pare-pareho ang disenyo at
kapag naroon ka sa lugar na iyon, para kang nasa probinsya o sa nagdaang
panahon nang ang bahaging ito ng Pasay ay hindi pa naapektuhan ng heavy urban
development; sentimental and nostalgic neighborhood. Na-feature na nga sa Cocoon magazine ang pook at ang mga
upper class tenants nito na nagustuhan nang husto ang manirahan doon sa halip
na sa mga condo. Tinatawag na ngayon ang lugar na iyon na “The Henry Manila”.
Nagtanung-tanong pa nga ako sa mga bantay doon at pinakita ko pa ang Cocoon magazine na dala ko. Sabi nila,
ang ilang bahay sa compound ay ginawa nang boutique hotels. Ngunit ang ambiance
and scenery ang talaga namang kaaya-aya na hindi mo mapi-feel sa mga high-rise
posh hotels pa. Pinatutuloy pa nga ako sa “The Henry”; akala siguro nila
ahente ako ng travel agency o di kaya’y inutusan ng mga kliyente sa fashion
atelier ni Jojie Lloren na kabilang sa mga sikat na tenants doon. Nahiya ako.
Hindi ko naman balak tumuloy doon kahit na harmless naman ako. Gusto ko lang
masilayan ang magandang pook na animo urban oasis at hindi nga nagkamali ang
maraming bisita na nakapag-usyoso na doon, maging si Sarah Jessica Parker noong
2013.
Nagkalat
naman sa lungsod ang maraming lumang bahay. Subalit na nakalulungkot na marami
sa mga ito ang napabayaan na o di kaya’y inabandona na at the mercy of the
local government and businessmen. Kagaya na lang nga isa sana sa pinakamaganda
na pre-war pa, ang Palanca Mansion sa may Taft Avenue malapit sa Buendia at
halos giniba na ito ng developers. Gagawin daw bus station. Mga lumang bahay na
nilimot na ng panahon, tsktsktsk!
*******
“Dream Journal: The very best of True Faith 1993-2007”
Bought for only 99 pesos at the PolyEast booth inside Harrison Plaza!
Original CDs. Great finds. Samantalang sa AstroPlus branches, more than
200 pesos pa rin ang CD na ito ng True Faith. Ang gaganda ng mga awit, o!
Favorite ko yung “Huwag na Lang Kaya”.
Juan de Juanes' Last Supper
Thanks be to God for the successful and life-changing International
Eucharistic Congress!