Tribute to my vintage cellphone, my Nokia 3510, which I will not replace
even with a brand new, latest model high-end mobile phone. Almost fourteen
years ago, this was manufactured somewhere in mainland China at magmula noon,
hindi pa ito napapalitan ng kahit anong bahagi o piyesa at mas lalong hindi pa
ito napatingnan sa kahit anong cellphone repair shops. Bumili lang ako ng isa
pang extra battery at mabuti na lang ay may available pa nito sa isang
cellphone shop sa second floor ng Pasay City public market. Siguro yung tindera
na binilhan ko ay gustong tumawa. In pristine condition pa ang cellphone dahil
ang essential purposes nito para sa akin ay text, call, and alarm clock! Regalo
ito ng nanay ko way back in April 2003 nang naka-sale na ito at naging
indispensible item na ito sa akin na kahit maglakad ako sa Rotonda o sa
Baclaran o sa Quiapo nang hawak ito ay walang aagaw o papansin man lang.
*******
Yoshitoshi's Sun Wukong and the Jade Rabbit
Journey to the
West. The Ming Dynasty novel that started it all and brought inspiration to
animated and live action
drama and films starring the superhero Monkey King, Son Wukong; and then came
Son Goku of the popular Dragon Ball animé and another Son Goku of Genzomaden
Saiyuki
Pebrero
8. Chinese New Year. At birthday pa ni Noynoy. Sa totoo lang, majority ng mga
tao sa mundo ay higit na kinikilala ang Gregorian solar calendar na nagsisimula
ang bagong taon sa Enero 1 at nagtatapos ng Disyembre 31. Gayunpaman,
napapanatili pa rin ang Cinese Lunar New Year na nagtatakda ng sarili nitong
bagong taon depende sa paglitaw ng unang new moon ng taon. Ang isa pang new
year celebration na iyon ay naging araw ng cultural significance at pagkilala
sa ambag ng mga tsino sa sibilisasyon at kasaysayan ng daigdig. At dito sa
Pilipinas kung saan naroon ang pinakamatandang Chinatown sa mundo, ang Binondo,
hindi talaga maitatanggi ang impluwnesya ng kulturang Tsino throughout the
centuries hanggang sa nation building lalo pa’t napakaraming kilalang Pilipino
ang may dugong Intsik. Kahit sa kasalukuyang ekonomiya, Chinoy power pa rin.
Pero
magkaiba naman ang mga Tsinoy sa lipunan at yung mga umaagaw sa Spratlys at mga
big time drug lords, di ba? At saka, kapansin-pansing ang malaking pagkakaiba
ng mga henerasyon ng mga Tsino. Ang mga Tsinoy noong mga nagdaang panahon ay
kakikitaan ng ibayong sipag at pagpupursige sa buhay sa kabila ng kahirapan na
sa una’y pinagtiisan nila at mga naghahanapbuhay nang disente kaya mula sa
kanilang henerasyon, hayan sina Henry Sy, Sr., Lucio Tan, Gokongwei, at iba
pang taipans, tycoons, and magnates na may “Cinderella, rags-to-riches
stories”.
Dito
sa Villamor, marami akong napapansing mga Chinese nationals lalo na sa Newport
City at yun ilan ang nangungupahan pa sa ilang bahay sa barangay. Marami sa
kanila ay mga maluluho, heavy chainsmokers and alcoholics, at malamang mga
sugarol sa Resorts World Manila tapos yun ilang ay kabilang sa mga nadakip ng
mga pulis dahil sa drug sessions nang minsa’y ni-raid ang “high-end” daw na KTV
bar sa Plaza 66 kung saan din naroon ang Metro Supermarket. Tipong mga...
tsekwa beho. Goodness, I am not a racist!
*******
Sa
larangan ng pulitika, full speed ahead na para sa Presidential Campaign... pero
wala naman akong iboboto sa kanila, hehehe! Nabawasan na nga pala ang mga
presidentiables dahil sa pagpanaw ni dating ambassador at OFW party-list
representative Roy V. Señeres, Sr. dahil sa sakit samantalang noong isang araw lang
ay nagkusa na siyang bawiin ang kandidatura niya. Siya ay hindi naman
kasingpopular ng iba pang kandidato ngunit matagal na siya sa government
service na umiikot sa foreign and diplomatic relations and workers’ welfare at
highlight ng kanyang career ay noong nakaligtas sa death penalty ang dating OFW
na si Sarah Balabagan at siya pa ang ambassador to the UAE noon.
Noong
unang napabalita na tatakbong pangulo si Señeres, tiyak na marami ang nagtaas
ng kilay. Nahaluan pa ng malisya ang tingin ng maraming tao sa kanyang
intensyon. Demokratiko naman ang kalagayan dito sa bansa. Ang problema kasi sa
karamihan sa ating mga Pilipino, hindi muna kinikilala at kinikilatis ang mga
nag-aambisyong maging pulititko. Kapag hindi matunog ang pangalan kahit na may
maayos naman na track record, etsapwera. At lalo pa’t madalas ang mangyari,
higit pang tumatatak sa gunita ng masa ang alaala ng mga notoryus at
kontrobersyal na mga tao sa gobyerno sa halip na mapansin naman ang mga public
servants na tapat na naglilingkod sa bansa at sa sambayanan tulad ni Señeres.
Napanood
ko rin ang isang episode ng “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” sa GMANewsTV.
Ininterbyu doon ang dalawang lady senatoriables na sina dating DOJ secretary
Leila De Lima at Akbayan chairwoman Risa Hontiveros na pangatlong attempt na
ngayon sa Senado; pareho ko silang iboboto sa halalan. Kabilang sa mga
pinag-usapan ay election expenses tuwing eleksyon... grabe, nakalululang
presyo! Dito sa Pilipinas, kapag pobre ang isang political aspirant kahit gaano
man kadakila ang kanyang layunin at malinis ang kanyang pagkatao, kung walang
malaking datung at political machinery, malabong makakalusot!
*******
Great Valentine
movies
Mabuti
na lang at nakabili ako ng original VCD noon sa Masagana, ang “Casanova”
starring the late Heath Ledger. Ang cute-cute ng kwento sa totoo lang kahit na
minsan ay hindi ko maintindihan ang ilang dialogues lalo na ang pag-mumble ng
baritone voice ni Heath tulad sa nauna niyang pelikulang “Brokeback Mountain”.
Kahit na partially based sa buhay ng legendary 18th century Venetian libertine
and intellectual na si Giovanni Giacomo Casanova de Seingalt, ipinakita sa sine
na siya raw ay natagpuan na ang kanyang one true love and that’s the fictional
side. Babaero raw ang tunay na Casanova; hindi ba siya nagkasakit noon?
Another
all-time favorite ay ang “The Phantom of the Opera”. Paborito ko ang eksena
nang inawit nina Raoul at Christine ang kabilang sa mga pinakapopular love
ballads, ang “All I Ask You”. Sumunod ang alternate lyrics nito at ng “Music of
the Night” na kinanta ng Phantom na mula sa pagiging destructive ay naging
self-destructive pagkatapos mabigo sa pag-ibig at ma-realize na ang hindi para
sa kanya ay hindi magiging kanya.
*******
Minsan
ay nag-Internet ako sa isang kompyuteran sa may 8th-7th. Tapos, may isang
nakakabwisit na pangyayari na tila pag-uulit ng tagpong iyon sa isa pang
kompyuteran sa 12th-7th noong 2013; binanggit ko yun sa isang past blog ko na
“Tail-end of a Cold Front”- please refer to November 2013 post. May mga
maiingay na batang lalaki na enjoy na enjoy sa paglalaro ng online games habang
walang preno ang mga bunganga nila sa pagpapalitan ng kantyawan na pulos
pagmumura at kabastusan at lahat na yata ng masasagwang pananalitang hindi
normal na sinasabi ng mga bata. Samantalang ang mga katabi nila na puro mga
binata na at yung ilan ay mga estudyante ng PHILSCA ay wala lang...
pinababayaan na lang sila basta makapag-FB at games na lang at wala nang
pakialam sa paligid; na kahit malamang todo ang volume na naririnig nila sa
kanilang mga headset ay tiyak na nadirinig pa rin nila ang mga istorbong bata.
Hindi ako nakatiis, nagtaray ako, at sinaway ko ang mga bata. Kaya lang,
lumabas na mahihina pala ang mga ulo nila upang umintindi at maya-maya’y balik
na naman ang mga marurumi nilang bunganga na dinig na dinig sa loob ng computer
shop na iyon.
Naisip
ko... kaya siguro dumarami na sa mundo ang mga lalaking walang kwenta kasi
nagsisimula ang katangiang yun habang bata pa sila. Pati mga lalaking walang
balls upang manindigan na huwag hayaang umiral ang mali sa paligid nila kagaya
ng karamihan sa mga internet users na katabi lang nung mga bata kanina!
*******
Pebrero
20. Pagkagaling sa CUP, mabuti na lamang at naabutan ko pa ang episode ng
“Karelasyon” na Rigodon, isa sa mga
pinakamagandang kwento so far. Sa isang malaking boarding house kung saan
halu-halo ang background ng mga nangungupahan, mayroong dalawang pares na
magkatapat lang ang silid- dito, gay couple at doon, lesbian couple. And one
fateful day, they swap partners. Pagkatapos, nang nabisto, labu-labo na; at
talagang hugot-kulangot ang ngalngal nung tibo na nagsumbong sa bading na,
“Michael! Michaeeeeel! Yung boyfriend mo, inahas ang girlfriend ko!
Huhuhuhuhu!”
Kaya
lamang lumabas na serendipity ang nangyari nang na-realize ng bawat isa sa
kanila kung sino ang kanilang soulmate. Sa pagtatapos ng mala-indie film
episode, nagkaroon din ng reconciliation ang mga ex-lovers kaya ang lalaki ay para
pa rin sa babae. Eh, di sa programang ito, parang binabandera ang isang teorya
na ang homosexuality ay “state of the mind” lamang; puso pa rin ang nagwawagi.
*******
Pebrero
25. Ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. At nataong ipinagdiwang
ito sa mga huling buwan ng pagiging pangulo ni Noynoy, anak ni Ninoy at Cory.
Pinanood namin either sa IBC-13 or PTV-4 ang pagbisita ni Noynoy at ng iba pang
taga-gobyerno sa bagong bukas na People Power Experiential Museum sa Camp
Aguinaldo. Napakaganda at napakamakabuluhang museo na may iba’t ibang bulwagang
nagpapagunita sa alaala ng libu-libong humans rights abuse victims noong
Martial Law at sa lahat ng makabayang Pilipinong lumahok sa makasaysayng EDSA
’86.
Iniisip
ko ang ganito na paano ba ako makikipagdiskusyon sa mga taong tila
nagbubulag-bulagan sa mga reyalidad noong rehimeng Marcos palibhasa ay hindi
nila naranasan ang sinapit ng ilang tao kagaya ng mga tinaguriang
“desaparecidos” na inaalala sa isang bahagi ng compound ng Simbahan ng Baclaran?
Nadidelusyon ba ang mga “Marcos fans” na ito sa kanilang paniniwalang “golden
age” daw ng bansa ang panahon ng panunungkulan ni Marcos? Ang mga
imprastraktura bang ipinatayo ni Marcos ay mga ultimate symbols na ng kaunlaran
ng ating bansa? Paano kaya doon sa Ilokos na binansagang “solid north”?
Karamihan ba sa mga tao na nananatiling die-hard loyalistas ay hindi pa rin
naniniwala na may nangyari noong rehimeng Marcos na mga di-mabilang na kaso ng
pang-aabuso sa napakaraming tao o ang pamilya Marcos ay nagpasasa sa kaban ng
bayan na kung hindi sana sila ganoong kaluho ay mas marami pa sana silang
magagawang mabuti sa bansa? Sa mga loyalistang iyon, ipaggigiitan pa rin ba
nila na taksil sa bayan si Ninoy at ang panunungkulan ni Cory bilang pangulo ay
hindi naman nagdulot ng tunay na pagbabago sa bansa? Tsktsktsk!
*******
The 100-peso
original DVD of the legendary film “Apocalypse Now” directed by Francis Ford
Coppola
Nang pinanood ko ang 1979 epic war film na ito, para bang ito’y ginawa
lamang nitong mga nakaraang taon dahil malinaw talaga. Nasa encyclopedia pa nga
ang isang kuhang larawan nang shooting nito dito sa Pilipinas na siguro doon
yun sa Baler, Aurora na kabilang sa mga location; ah, iconic ang isang eksena
dito kasi yung isa sa mga American cast, pagkatapos ng bakbakan sa isang ‘Viet
Cong territory’, nagawa pang mag-surfing at hanggang sa kasalukuyan, surfer’s
paradise pa rin ang beach na iyon sa Baler. Napakaraming Pinoy ang naging extra
dito kagaya na lang ng mga Ifugao; sana, hindi tunay na kalabaw yung
isinakripisyo sa ginanap na tila cañao sa isang marahas na eksena sa pelikula.
May pagka-sluggish ang pacing ng
pelikula pero ito’y di-pangkaraniwan lalo pa’t malalim ang tema nito at
pilosopiya, exposé of the madness of Vietnam War and dark side of man; ang
kwento kasi nito ay hango sa short novel ni Joseph Conrad na “Heart of
Darkness”. Ang genre ng sine ay action thriller pero parang may halong horror;
basta sa panonood nito, matutunghayan ang angst, desperation, and isolation sa
pagkatao ng mga characters sa walang patutunguhang laban nila sa Vietnam. Doon
naganap ang giyerang hindi nanalo ang Amerika.
Ang cold-hearted, grim character ni Marlon Brando ay may pagkakahalintulad
din sa kanyang papel sa 1996 sci-fi thriller na “The Island of Dr. Moreau”, na
tipong ‘white deity’ na sinasamba ng isang ethnic tribe. Pero napakahusay ng
pagganap niya sa “Apocalypse Now”. Hinangaan
din ang napakagaling na pagganap ni Martin Sheen bilang principal character sa
sine. Sa simula ay disappointed ako sa naging ending nito na bitin with those
ambiguities pero mahilig ako sa mga kakaibang pelikula na may katuturan at
pilosopiyang inihahayag.
*******
CD album of The Weeknd “Beauty Behind the Madness”
Aside from the “Apocalypse Now” and “Memoirs of a Geisha” for our DVD
collection, nakabili rin ako ng isa pang original 14-track CD kahit na hindi
naman ako fan ng artist! Hindi ko lang trip ang CD cover design at ang pangit
ng lyrics ng ibang kanta ni The Weeknd pero gustung-gusto ko ang passionate,
soulful musicality niya. Never mind the offensive lines in the “The Hills”
lyrics, kabilang yun sa favorite ko along with “Earned It” at “Dark Times”
featuring Ed Sheeran at ang pinakamagandang track ay ang “Angel”. Hindi naman
hip-hop ang genre ng isang ito kasi mixed up jazz, R ‘n’ B, soul, quiet storm
(kakaibang term pero okey palang sound trip ito) at minsan ay upbeat pop. May
mga pagkakataong mapagkakamalang kaboses siya ng the late Michael Jackson. The
Weeknd’s album is one intoxicating sound trip. Nakapunta na kaya siya sa isang
pineapple plantation?