This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Thursday, March 31, 2016

Easterly Winds

 "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasang­gulan.” (Never regard a woman as an object for you to trifle with; rather you should consider her as a partner and a friend in times of need; Give proper considerations to a woman's frailty and never forget that your own mother, who brought you forth and nurtured you from infancy, is herself such a person.)

Mula ito sa  ika-11 turo ng Kartilya ng Katipunan ni  Gat Emilio Jacinto; maligayang buwan ng mga kababaihan!
*******

A class picture (school year 2015-2016) from the Villamor Air Base Elementary School (VABES); related blog about this can be read in the August 2015 post "Bugso ng Habagat"
 Nais kong ibahagi sa blog post kong ito ang isang sanaysay na bahagi ng ipinasa kong required journals sa aming klase sa City University of Pasay.
February 6, 2016. This high noon, one of the topics reported by my classmate was about mismatch in some teacher’s load. Actually, the said topic was also included in “Current Issues in Education” which I took up last semester. Mismatch also refers to other college graduates who landed in jobs which are not related to their course. There are teachers, too, who have particular majors in their BEED or BSE and yet when they started their career, their teaching loads tell otherwise; for example, a teacher with history major bacame a Math instructor just because it is the only vacant slot left in the school. Well, it’s good if mismatch becomes serendipitous especially if the teacher discovers his/her strength in teaching that subject even though he/she actually took it for granted during college.
Actually, “mismatch” became my ticket to a career after years of idleness or ‘tambay’. I graduated from the nearby school of Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) with a degree in B.S. Customs Administration and instead of working from 8 to 5 in a private logistics or freight forwarding company, I returned to my elementary Alma Mater as a teacher after taking up Certificate in Teaching Program at the Philippine Normal University Manila and passing the Licensure Examination for Teachers.
Some professionals just live in day-to-day “mismatch”. It’s better to have a decent job with decent pay than no employment at all. And as for me, well, mismatch is actually a blessing. I love teaching Filipino and HEKASI to grade 5 kids. I found a career, not just a job.
Hay, naman! Sa totoo lang, kung magkaroon sana ng wastong pagkakataon o oportunidad upang maging full time fiction writer at naipalalathala na ang aking mga akda, magka-career shift muna ako!
*******
Marso 11. Buti na lang at pinagbakasyon ko na ang mga bata tutal ay wala nang gagawin sa school kundi mga tambak ng forms and other paperworks; ayoko pa naman ng maingay at magulo. Aba, tamang-tama at bago mag-alas kwatro ng hapon, umuwi muna ako at pagdating ko sa bahay, nagsisimula na ang last episode ng “Destiny Rose” sa channel 7 kahit na hindi ko talaga nasusubaybayan kasi nga panghapong drama. Talagang tumakas ako sa school mapanood lang yun, hehehe! Bumalik din naman ako sa school pagkatapos manood ng TV. Tuwang-tuwa ako sa satisfying, happy ending nito na kahit pa predictable ang formula, naroon pa rin ang mga aral na matututunan ng televiewers tungkol sa tunay na pag-ibig, lubos na pagpapatawad, at ganap na pagtanggap. Nakatatak na ang mahusay na pagganap ni Ken Chan bilang ang beautiful transgender na si Destiny Rose. 
*******
Marso 23, Miyerkules Santo. Nagpapatuloy na ang maalinsangang panahon ngunit natuloy pa rin ako sa aking Lenten activities para sa araw na ito. Hindi ko man makumpleto ang pitong simbahan para sa isang visita iglesia di tulad noong nakaraang taon (please refer to the March 2015 blog post “Isang Lunes Santo sa Batangas” which is continuously gaining more and more pageviews according to this blog’s dashboard statistics), ang magsadya sa dalawang simbahan sa Baclaran ay sapat na para sa akin. Una akong nagtungo sa Sta. Rita de Cascia Parish sa Quirino Avenue side. At pagkatapos ay nilakad ko naman ang patungong Redemptorist Church o higit na kilala sa official name nitong National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Makapal ang dami ng tao sa loob ng Redemptorist palibhasa ay Miyerkules kaya tuluy-tuloy ang mga nobena at saka ika-150 anibersaryo pa ng religious icon ni Mama Mary mula nang ilagak sa simbahang ito. Ang icon ay sa sa palagay ko, hango sa obra maestra ng medieval Italian artist na si Cimabue, ang "The Virgin and Child Enthroned with Angels” at ang art tradition nito ay tulad sa Byzantine art na makikita rin sa mga Orthodox Christian churches.

Ang dami-dami talagang tao. Naka-disguise nga ako, eh. Pag-alis sa bahay, hindi ko na inalis ang cap ko. Basta, gusto ko lang umastang isang crossdressing na tibo. Yun bang kaisa ng mga total strangers katulad ng karamihan sa mga nakakasalamuha ko sa mga simbahan. Isa akong solitary stranger, kaisa ng mga lonely people na palagi lang sa isang tabi, dinadaan-daanan lang.
Sa Redemptorist na ako nag-Way of the Cross. Dala ang aking 10-peso prayer booklet na binili ko pa noon sa Word and Life booth ng Manila Book Fair ’08, nag-Via Crucis ako kasama ng mga strangers. Malilim nga doon sa bahaging iyon ng Redemptorist compound na may maraming puno at mga halaman pero may ilang nagawi dito na pabaya sa kalat nila!
Palubog na ang araw nang lumabas na ako sa Roxas Boulevard gate ng simbahan upang mag-abang ng dyip pauwi. Pagdating doon, sari-saring tao. Mga sidewalk vendors na halos harangan na ang mga nagsisimba; pati mga matatanda, maysakit, at kapansanang nanlilimos at ang ganitong tagpo ay katulad din sa simbahan ng Quiapo. Hindi ako naghulog ng barya sa sisidlan nila. Nalungkot ako. Kagagaling ko lamang sa simbahan pero hindi ako nagkawanggawa. Subalit ang nasa isip ko ay ang ipanalangin sila. Ang manalangin akong sana’y ang mga nanlilimos na ito sa may gate ng simbahan ay mapatawad ang bawat taong hindi sila pansin o hindi sila mapagbigyan sa nais nila. Ipinapanalangin kong sana’y ma-regain nila ang dignidad nila nang hindi na maging palaasa sa limos ng mga taong sinasalubong nila sa labas ng simbahan. Iba na ang panahon ngayon; mahirap nang ma-realize kung sino ba ang tunay na nangangailangan sa mga nagpapanggap lamang na layong manamantala ng kapwa!
Sa ibang lugar naman gaya ng EDSA-Taft Rotonda, dumarami doon ang mga taong lansangan na mga dayong Badjao raw. Pumapanhik sila sa mga dyip at kinakasangkapan pa ang mga walang kamuwang-muwang na sanggol sa pamamalimos habang nagpapamudmod ng mga sobre sa mga pasahero. Kaya lang ang mga tao ay natuto na. Walang nag-abot; eh di, napipilitan na lang bumaba ang mga namamalimos. Hindi maaaring sa lahat ng oras ay pagbibigyan ang gusto ng mga yun sa mga barya-baryang ikaliligaya lamang nila kasi iyon ay kanilang makakasanayan na lamang lalo pa’t may mga bata silang kasama na nahaharap sa mga panganib sa lansangan at exploitation ng ibang tao. Ang dapat paghuhulihin ay ang mga grupong nagsasagawa ng human trafficking sa mga Badjao na iyon at sa iba pang taong lansangan sa halip na sila’y turuan ng disenteng pamumuhay. Nakakalungkot na nakakadismayang tagpo sa mga kalsada.
Mapalad pa ang mga Badjao na nanatili sa Mindanao tulad doon sa Tawi-Tawi at sila’y naghahanapbuhay nang marangal nang hindi maging palaasa sa ibang tao.
Kinagabihan, hehehe, napanood ko ang last episode ng “Little Nanay” sa channel 7. Ang cute ng family-oriented, inspirational primetime drama series na ito.
*******

The Crucifix at the altar area of St. Michael the Archangel Chapel, Fort Bonifacio, Taguig City
The rays behind the cross resembled sword blades; well, that was how they designed those. Jesus taught us that whoever lives by the sword, dies by the sword (Matthew 26.52). Sounds so familiar for the grim fate of terrorists!



Guido Reni's St. Michael

St. Michael vanquishing evil; on the other hand, the infamous statue of the devil somewhere in the Tugatog Public Cemetery in Malabon City perhaps is just a product of annoyingly playful imagination of whoever sculpted it. Some people even hurled stones at it like what the hajj pilgrims do to the devil’s pillar outside Makkah.
*******

Divine Mercy booklet with Caritas Manila knotted rosary

Marso 25, Mahal na Araw o Biyernes Santo. Pagkatapos subaybayan ang “Siete Palabras” na televised ng GMA-7 mula Sto. Domingo Church, sinimulan ko na ang aking Divine Mercy novena pagkatapos ng 3 o’ clock prayer. Ang nobena ay magtatapos sa bisperas na Sabado bago ang mismong second Sunday of Easter, ang Feast of the Divine Mercy. Maikli lamang ang devotional activity na ito na inaabot kadalasan ng sampung minuto, bawat araw ay may particular intention with concluding prayer; for example: first day, bring to the Lord all mankind, especially the sinners... and that includes this weird blogger. Ang Divine Mercy devotion ay nagsimula sa visions ng Polish nun na si Saint Maria Faustina Kowalska of the Most Blessed Sacrament. Maikli man ang nobena at ang pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy gamit ang regular na rosaryo, kailangang bukal sa kalooban ang pagdarasal nito lalo pa’t ayon kay Sis. Faustina, ang inspired instructions nito ay mula mismo sa Panginoong Hesu-Kristo.
Matagal nang binigay sa akin ng aming kamag-anak ang Divine Mercy booklet pero nitong mga nakaraang araw ko lamang sinimulang basahin at unawain; at tamang-tama naman nang natapos ko nang basahin, nagsisimula na ang Holy Week at ang simula ng nobena nito ay sa Good Friday na. Truly, everything happens for a reason. Nakatakdang makatanggap ako ng booklet na ito sa pagpapalaganap ng Divine Mercy devotion.
Hindi talaga ako ganoon ka-religious; I’m just a frail, weak person with oftentimes weak faith tapos maraming pagkakataong pinaiiral ang skepticism and disbelief. Subalit pakiramdam ko, sa mga devotional activities, everybody’s welcome, saints and sinners alike. Noong una, ayokong mag-rosaryo. Pero habang nagtatagal, sa paglipas ng mga panahon at nakatagpo ako ng mga pahayag mula sa mga Catholic apologists (please refer to the blog page of “Starfields” at the right side menu of this page), hindi ko na pinakikinggan ang mga pananalita ng mga kontra o nangungutya sa devotional practice na ito. Marami na akong nabasang articles and I am not alone hanggang sa maliwanagan ako na ang pagrurosaryo ay hindi isang vain, repetitive prayer because it is the person’s heart that counts. Halimbawa, the first joyful mystery: the Annunciation; reflect with every Hail Marys and sincerely offer each for this person, that person, for you, me, us, they, everyone that we all follow the will of the Lord God just like Mama Mary’s faith. Sa isang bahagi ng Divine Mercy chaplet, this is one of the prayers: for the sake of His sorrowful Passion, have mercy on us and on the whole world; for every small bead, meditate on that and contemplate and offer that prayer for either a good-natured non-believer or a lukewarm Christian or to anyone, living or already in the great beyond because God’s mercy is omnipresent. Kaya nga lalo kong na-aapreciate ang Divine Mercy devotion.
Basta kung wasto at bukal sa kalooban mong isinasagawa ang isang nobena at malalim itong pinagnilayan at ang diwa nito, may madarama kang naiibang kagaanan ng kalooban na mahirap ipaliwanag ng mga salita, pakiramdaman mo na lamang. Ang isang nobena ay devotion with dedication. Yun bang naroon ang selflessness lalo na kung ang petisyon mo ay hindi naman para sa iyo kundi dulot ng iyong pagmamalasakit sa kapwa.


Si St. Faustina, tulad nina St. Bernadette at St. Thérèse, ay may maikling buhay na iginupo ng sakit. Ngunit naging makabuluhan naman ang mga buhay ng mga kahanga-hangang kababaihang ito lalo pa’t ang modernong panahong kanilang kinagisnan ay radikal na nagbago at maraming tao na ang nakalimot sa pananalig at tunay na pakikipagkapwa-tao. Namatay si St. Faustina noong 1938, isang taon bago sinakop ng Nazi Germany at komunistang Soviet Union ang kanyang bansang Poland. Imagine, kung nabuhay pa siya nang mas matagal, masasaksihan niya ang impyernong hatid ng digmaan, ng mga death camps kung saan dinala ang napakaraming Hudyo, Gypsies, iba pang minoridad, at ang kanyang mga kababayan mismo; hanggang sa transformation of post-war Polish government to godless communism.


Ayon sa booklet, sa pagkamatay ni St. Faustina, ang devotion to the Divine Mercy ay lumaganap pa lalo na sa madidilim na yugto ng World War II at tuluyan na itong nakilala saan mang dako ng mundo lalo na nang naging Santo Papa ang kapwa-Pole niyang si Saint Pope John Paul II.   


*******
EXTRA!




Picking the moon from the night sky