“Here’s to you and here’s to me, and I hope we never
disagree.
But if that should ever be, to hell with you, here’s to me!”
“My friend, why have you drifted so far away?
All motion is relative, maybe it is you who have moved away
by standing still.”
These were the two witty quotations from anonymous authors
courtesy of Quotes in Quiz by Maia D.
Orlanes which appears in the Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, and
Philippine Graphic magazine. Napapanahong kasabihan lalo pa’t umaatikabo pa ang
bangayan ng magkakasalungat na kuru-kuro, palagay, pananaw, at pangangatwiran
ng mga taong nagtatamasa ng biyaya ng kalayaan at demokrasya.
Pero
kung ang social media ang bagong battlefield ngayon, hayaan na lang natin
silang magrambulan hanggang sa mapudpod na ang mga kalyo sa kanilang daliri sa
gadgets nila o computer keyboard at magsipaglagablab na ang mga tumbong nila.
And I will be like a shady vulture hovering among the spoils of war because
there were no ultimate winners from both sides anyway. And where’s the pack of
hyenas and jackals to hunt down the pesky cybertrolls, bashers, and hardliners
for feast, err, pest control?
***
Ika-30
ng Hunyo. Late na late na akong pumasok sa trabaho dahil pinanood ko ang
panunumpa bilang Pangulo ng Pilipinas ni Digong. Sayang nga lang at hindi ko
nasubaybayan ang oath-taking ni Leni bilang Pangalawang Pangulo at naunang
napaulat ng media nitong isang araw pa na hindi siya umano bibigyan ng posisyon
sa gabinete ng administrasyong Duterte para huwag umano magtampo itong isang
senator vice-presidentiable na nagpuputok ang butsi sa ilusyong dinaya raw ito
noong eleksyon.
Maikli
at straight to the point ang speech ni Digong. At saka walang pagmumura and
other sort of chauvinist remarks and profanity crap na nagpapakiliti at
nagpapakilig pa sa kanyang mga die-hard supporters. Sa totoo lang, kapag
itinabi ang portrait niya sa mga portraits ng lahat ng naging presidente ng
bansa, namumukod-tangi talaga. Okey ang talumpati niya, a. Pero meron lang
akong inabangang “pangakong exposé” daw tulad ng binanggit niya sa isang
panayam nitong mga nakaraang araw lamang. Ibubulgar daw niya ang ilang corrupt
umanong kaparian na kanyang ihahayag bago siya umupo sa pwesto. Sinabi niya
talaga iyon sa isang one-on-one interview kay Jessica Soho at panay pa ang
batikos niya sa Simbahang Katoliko na tinawag pa niyang most hypocritical
institution. Tsktsktsk, ang matandang iyon talaga,o! Ngunit kapansin-pansing
wala rin siyang kontrol sa bibig niya. May mga pinagsasabi siya ngayon at
pagkatapos, iibahin niya naman ito o di kaya’y nandiyan ang mga alipores niya
sa gobyerno para linawin ang mga pahayag niyang madalas lang daw may hyperbole
sa context tapos...joke,joke,joke.
O,
hayan. Presidente na siya. Nasaan ang sinasabi niyang ‘rebelasyon’ tungkol sa
mga paring pinatatamaan niya? Wala naman! Sinabi rin niya noon na biktima raw
siya ng sexual harassment ng isang pari noong kabataan niya. Akala ko ba’y isa
siyang alpha male na tigasin, matapang, at walang inuurungan; bakit hindi siya
nagsumbong agad noon sa mga obispo upang makastigo ang paring nambastos daw sa
kanya? Eh, noong panahon ng kampanya at merong mga media exposure kung saan
ipinapakitang siya ay nag-courtesy call sa ilang simbahang Katoliko sa mga
lugar na napuntahan niya. Ano yun? Kaplastikan o pakitang-tao on his part?
What’s
in store for the country in six years? The long count begins. Tulad ng
binanggit ko sa blog post ko noong nakaraang buwan (pakitunghayan ang “Nasaan
ang Talahiban sa Tigbauan?”, Mayo 2016), undervote ang lumabas sa balota ko.
Wala akong binotong pangulo. Kahit na wala itong epekto sa poll results not
even a microscopic scratch, well I just expressed my right to choose. I am not
a pro-Duterte yet in my sincere prayers, may God bless the President and our
beloved Philippines. I look up to and respect the President and not his
fanatical supporters who don’t even know how to respect people who have
opinions and views other than theirs.
***
Makailang
beses na nga palang nabalita ang tungkol sa malimit na ginagawang “shame
campaign” laban sa mga suspected drug pushers, addicts, and other petty
criminals doon sa lungsod ng Tanauan, Batangas at utos daw ng kanilang alkalde.
Public humiliation ang nangyayari kaya nga binalaan ang mama tungkol sa
paglabag sa mga karapatang-pantao. Sa totoo lang ay nakagagalit ang ginawa ng
mga pusher at iba pang kriminal at ang pagiging salot ng mga ito sa lipunan
subalit wala pa rin tayong karapatang maghusga sa kanilang pagkatao kahit pa
pinanonood man natin ang kanilang kakaibang ‘parada’. Kung halimbawa kayang mga
terorista, big time drug kingpins, at iba pang malaking isda ang nadakip,
ipaparada rin ba sila bilang mga war trophies sa pakikiisa sa mga kampanya ng
Duterte administration?
***
Photo Gallery
in Tribute to the Pasay City South High School
Ika-13
ng Hunyo. Unang araw ng taunang panuruan 2016-2017. At ang mga mag-aaral ng
Villamor Air Base Elementary School na nasa ikalima at ikaanim na baitang ay
magkaklase sa loob ng campus ng katabing Pasay City South High School. Ngek!
Anyare?
Mangyari
kasi, hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa dalawang gusali ng VABES. At
dahil hindi sapat ang makeshift classrooms sa quadrangle, ang PCSHS o higit na
kilala bilang “South” mula pa noon, ang nagmagandang-loob na tanggapin ang mga
Grades 5 and 6. Pinagamit nila ang makeshift classrooms nila dahil
nagsipagbalik na ang mga estudyante ng high school sa dati nilang mga
silid-aralan.
Mga
dalawang buwan pang idaraos ang klase ng mga nasa elementarya sa teritoryo ng
hayskul. Kahit nagiging cliché man ang quotation na “everything happens for a
reason”, well, that’s the truth. Noong una ay na-intimidate ako na halos ma-discourage
sa unang pagkakita pa lamang sa kalagayan ng mga temporary classrooms na may
butas-butas na dingding na nanlilimahid din sa bandalismo na akala mo ay
silid-aralan na nasa areas of conflict doon sa gitnang Mindanao. The walls and
the whole rooms speak for themselves kung gaano ka-wild ang ilang highschoolers
na nagklase dito. Subalit sa paglipas naman ng mga araw, ang mga makeshift
classrooms ay naging pook ng kaalaman at pagkatuto at nagkaroon ng masayang
pagsisimula ang school year.
Sa
wakas, nakapasok na ako sa South at ‘nakapagtrabaho’ rin dito. Very cordial and
welcoming hospitality. Noong nagtapos ako sa VABES, akala ko doon din ako
maghahayskul tulad ng mga kapatid ko pero tadhana ko nang mapunta sa dalawa
pang private school. Nakita ko ang ilang estudyante na naturuan ko noon. Mga
binata at dalaga na ang mga nene at totoy noon. May mga nakakakilala pa rin sa
akin at hindi naiilang na sa akin ay lumapit. At meron namang umiiwas na parang
natatakot; kungsabagay, isa na lamang akong multo mula sa nakaraan. Nang
nagsimula ang NAT review para sa mga Grade 7, ilang titser ng Grade 5 at 6 ang
mga tumulong sa pagbabalik-aral ng mga bata. Man, I got included in the roster
of reviewers, for pete’s sake. Ngunit pagtupad pa rin ito sa tungkulin at kaunting
minuto lamang na nag-conflict sa iskedyul ko. Okey naman, eh. Cooperative yung
karamihan sa mga bata tapos madali nang sawayin yung mga maldito sa kanila.
Hindi ko na iniisip ang stress basta nakakahanap pa rin ako ng dahilan para
maging masaya.
Ika-27
ng Hulyo. Well, looking back sa unang dalawang buwan ng school year 2016-2017
sa campus ng PCSHS at para sa akin ay naging maayos at masaya. Habang
nagbabayanihan ang mga taga-VABES sa paglilipat ng mga kagamitan at muling
pagbabalik sa dating mga school buildings, sa huling pagkakataon ay sinulyapan
ko ang flagpole na may mga santan sa paanan nito, yung mga canteen at tindahan,
ang mga puno at halaman, at ang admin building pati mga miming na nakatira sa
may mga mahogany. At ang kanilang masipag at butihing punong-guro na nanguna sa
pagtanggap sa mga “refugees” mula VABES.
***
Buti na lang at
nakahanap pa ako nito sa Astroplus ng SM MOA. Sana ibalik uli nila ang mga VCD
dahil mas maganda naman talaga ito kaysa DVD o kahit Blue Ray disc pa.
***
Ika-11
ng Hunyo. Ang init-init sa araw na ito pero ang saya-sayang manood ng NBA
Finals Best of 7 Cleveland Cavaliers vs. Golden State Warriors. Pareho kong
gusto ang dalawang team pero mas nangingibabaw pa rin ang Cavs dahil kay Lebron
James kahit pa noong lumipat pa siya sa Miami Heat. Wow, okay ang official
colors- golden yellow for GSW and deep maroon for Cavs. Nazareno colors!
Ika-20
ng Hunyo. Nanalo ang Cavs! Ang lupit ng laro, o! Nganga ang GSW fans na
nagsipagsiksikan pa naman sa Oracle Arena at hindi pa umobra ang homecourt
advantage. Ready to celebrate and party na sana, o!
***
Kataka-taka nga
naman na ang maririkit na halamang ito ay ang mga mumunting plantlets na dala
namin noon galing sa Batanes! (pakitunghayan ang blog post na “Ang
Bakasyunistang Weirdo sa Batanes”, April 2015)
***
Finale of this
Blog Post:
The Consumerist Manifesto
Ngayong
taong panuruan 2016-2017, ang weirdong blogger na nagngangalang Joan T. Teves
ay muling nasa floating status which means, wala nang advisory class di tulad
ng nakaraang taon (related blog post “Bugso ng Habagat” August 2015) at balik
muli sa pagiging pangkaraniwang tagapagturo ng mga asignaturang Filipino at
Araling Panlipunan para sa Ikalimang Baitang at wala nang matrabahong
paperworks and classroom management.
Oo
nga pala. Tutal sa blogsite na ito, wala namang naliligaw gaano at ang mga
anonymous readers dito ay mas lalong walang pakialam kahit na magmura man ako o
mag-cyberbully kung trip ko, nyehehehe! Well, gusto ko na lang tila i-confide
dito sa blog ang ilang pahayag na hindi ko usually inihahayag sa mga pook na
hindi dapat magpahayag nito. May ugali rin ako sa pagsalungat sa agos lalo na
kung may mabuting dahilan talaga upang salungatin ito at baka maging sanhi pa
yun ng pagkaanod. Sigh, gusto ko ng outlet for expression.
Ayon
sa Code of Ethics for Professional Teachers Article X: The Teacher and
Business, Section 1- “A teacher has the
right to engage directly, or indirectly, in legitimate income generation;
provided that it does not relate to or adversely affect his/her work as a
teacher.” Kaya nga may ibang mga titser ang merong raket sa direct selling,
provided na kapwa guro o mga school personnel ang aalukin nila ng kanilang mga
kalakal. Meron namang mga titser ang nagmu-moonlighting sa ibang hanapbuhay
basta legal pagkatapos ng klase nila. Eh, meron ngang mga titser ang idinadaan
sa photocopied learners’ materials, handouts, modules, and quizzes ang dagdag
nilang kita, ano? Another classroom situation, this is a no holds barred
admission of the not-so-guilt, may mga guro, lalo na kung hindi naman miyembro
ng kanilang school cooperative ang merong micro-enterprise sa loob ng canteen
tray na inihahatid sa mga silid-aralan at ibabalik naman sa canteen kasama ang
benta pati unsold items. At ang items mula sa micro-enterprise ay hindi naman
kasama sa pagbabalik ng tray,a!
Damn,
this weirdo blogger seemed to be confessin’ that not-so-guilt last school year.
Ako ay lubos na humihingi ng paumanhin kung may mga naapektuhan man sa mga
panahong ako ay naging isang money-making pirate. Hindi ako kasapi ng coop. Ang
mga items ay may maliit lang na tubo kaya hindi talaga masakit sa bulsa; my
very own clandestine sari-sari store of very reasonable prices. Nagmamalasakit lang ako in the name of
variety during recess at ang mga bata ay meron pang natitipid sa kanilang baon.
At ang weirdong ito, you can call me an opportunist or even a profiteer if you
want to but you don’t have the right to judge me. Pagkatapos ng nagdaang school
year, inipon ko ang benta at ako’y nag-inventory. Man, I actually did not
profit that much at all! Mas malaki pa malamang ang kinikita ng manong
magtataho o ng aleng naglalako ng balut at daing kaysa sa akin! Well, what was
important was that as a way of thanksgiving and giving back, a fund was still
raised and divided equally to be donated selflessly to three charitable
institutions. Wala akong itinabi ni singkong kusing. Kung gusto niyo, i-upload
ko rin dito ang litrato ng mga resibo mula sa money remittance center,eh!
Wala
na akong negosyo. Ano kayang legal scheme ang pwede? Ni wala nga akong puwang
sa publishing opportunity kasi profit-driven naman talaga ang karamihan sa mga
publishing company dito sa Pilipinas, di ba?