Looney Tunes' Foghorn Leghorn (courtesy of Wikipedia)
Japanese Sabungeros in ukiyo-e print by Kitao
Francisco D'Souza's Cockfighters
For the Chinese
New Year: Celebrating the Rooster
Enero 1. Ang unang araw ng 2017 ay makulimlim ngunit tahimik naman at
payapa sa pangkalahatan. Wala naman akong New Year’s resolution kung hindi
naman ako marunong tumupad ng pangako pero meron ba akong New Year’s wish kahit
pa malabo man mangyari? Yun yung matagal ko nang pangarap na makilala bilang
isang fiction writer pero maraming beses naman akong nabigo. Napabuntunghininga
na lamang ako sa matagal ko nang napagtanto na ang katotohanang hindi lahat ng
hangarin o pangarap sa buhay ay hindi naman para sa atin. Ang mahalaga ay ang
kalooban ng Panginoong Diyos ang masusunod.
Kapag
ako’y malungkot, isinasagawa ko na lamang ang aking “metaphysics sessions”- ang
manood ng mga palabas at iba pang pangyayari sa aking imahinasyon upang gumaan
naman ang aking pakiramdam ngunit ako’y may kapit pa rin sa katotohanan.
***
Enero 2. Dalawang kagila-gilalas na pelikula ang napanood ko. Nitong
tanghali sa HBO, ang replay ng “Point Break” na para bang walang konkretong
kwento kundi the thrill of death-defying stunts na nais ng ilang characters
gawin bago mamatay o magpakamatay. Sa mga special effects lamang ang karamihan
sa mga stunts kahit pa meron talagang actual stunts. At kinagabihan, habang
mapagbigay pa ang SkyCable sa kanilang free showing ng ilang cable channels na
wala sa aming 299-peso package of channel line-up, napadaan ako sa TCM at
nagsisimula na nga nang mga oras na iyon ang unang “Ben-Hur” movie na ginawa pa
noong 1929! Hindi naman ito ang unang black-and-white silent movie na napanood
ko dahil sa parehong channel din ay napanood ko noon ang isang pelikula ni Charlie
Chaplin; magkakaroon ba ng biopic ang iconic celebrity na ito very soon? Ang
isa pang vintage film na napanood ko dito rin sa TCM ay isa nang ‘30s
talkie/gangster flick, “Angels with Dirty Faces” starring another great film
icon, James Cagney. Dito sa bahay, meron kaming VCD ng “Gone With the Wind”.
Ang saya-saya rin naman manood ng mga lumang sine kahit pa matagal ang running
time tapos hindi pa minsan maintindihan ang pag-i-English ng mga tauhan.
Going back to “Ben-hur”. Just like in typical silent movies, sunud-sunod
ang sequences ng mga eksena tapos magpa-flash sa screen ang dialogue and
narration. At dahil meron nang modern treatment and retouch mula nang
mag-encore film showing but in the small screen, maraming eksena ang nagiging
sepia ang kulay at may ilan ay sandaling nagkaroon ng technicolor effect.
Whether it was the original 1929 production or the better one made in 1959 or
the the recently-shown last 2016 (hindi ko lang ito napanood), napakaganda
talaga ng movie adaptation na ito mula sa popular 19th century book by Lew
Wallace with the title “Ben-hur: A Tale of the Christ” na ang pangunahing aral
at diwa ay tungkol sa kapatawaran at pananampalataya. Tulad sa 1959 version,
inabangan ko rin ang chariot race. Magnificent! And so were those swift, pretty
Arabian horses.
***
Adoration of the Magi by Gentile Da Fabriano
Enero 6. Ilang Orthodox and Eastern Rite Christian Churches ang
nagdiriwang ng Pasko sa araw na ito ngunit ang Epiphany or Feast of the Divine
Manifestation ay sa darating pang Linggo, first Sunday after Christmas in the
Gregorian calendar. Nitong mga nakalipas na panahon basta pre-Vatican II,
merong tinaguriang “Feast of the Three Kings” kahit na hindi naman tuwirang
isinaad sa Nativity accounts sa Gospels na mga hari ang mga dayuhang dumalaw
kay Baby Jesus sa Bethlehem o kung ilan ba talaga sila; basta ang taguri sa
kanila ay Magi or the Wise Men from the East. Sila ang sumasagisag sa lahat ng
lahing kumikilala sa Panginoon. Ibinase na lamang sa tatlong handog nila sa
Panginoon- gold (kingship), frankincense (consecrated life), and myrrh
(passion, death, and resurrection). Ayon sa sinaunang tradisyon, ang mga
pangalan nila ay Gasphar, Melchior, at Balthazar.
Noong panahon ng mga Espanyol, marami sa mga ninuno natin ang binibinyagan
ng pangalan mula sa kalendaryo ng mga kapistahan ng mga santo kung kailan sila
ipinanganak. Kaya pala ang tunay na pangalan ni Tandang Sora ay Melchora dahil
January 6 ang birthday niya! At itong isa sa mga pinakakilalang nationalist sa
kasaysayan kaya ipinangalan sa kanya ang pinakasikat na yatang avenue ng NCR na
dating Highway 54 na bukambibig na lang araw-araw, gabi-gabi ng madla sa
acronym pa lang nito, si Epifanio delos Santos na kung isasalin sa English ang
pangalan kasama ang apelyido ay “Epiphany of the Saints” na sa totoo lang ay
tila ganoon nga noong 1986 EDSA People Power Revolution.
***
Enero 9. The Traslacion 2017 of the Feast of the Black Nazarene. Awa ng
Panginoon, sa pangkalahatan ay mapayapa naman ang tagpo sa prusisyon na
mala-mega mosh pit. Hindi nagkatotoo ang “intelligence reports” daw ng Duterte
administration tungkol umano sa terrorist plot ngunit mas mabuti na nga ang
ganito para lalo pang pag-igtingin ng pulisya at militar ang pagbabantay sa
sambayanan. Higit pa ring makapangyarihan ang pananalig sa Diyos kaysa takot at
pangambang dulot ng mga taong walang magawang matino kundi ang manggulo.
Hanggang sa susunod na pista!
***
The Shrine (courtesy of Philippine Daily Inquirer)
Enero 14. Kainaman ang buong araw na pag-uulap ng langit at natuloy na nga
ang matagal ko nang nais na mag-visita iglesia kahit na hindi naman ako
relihiyoso. Noon ko pa gustong makarating sa National Shrine of the Sacred
Heart sa Makati City kaya nga inaral ko pa kung paano makarating doon sa
pamamagitan ng road map ng lumang PLDT Yellow Pages at sa Internet. Hindi ko
talaga alam ang pasikut-sikot sa Makati kaya nga nang nakarating ako doon sa
bahagi ng Chino Roces Avenue pagbaba pa lang mula sa dyip na may signboard na
“PRC”, inisip ko kung saang lupalop na ba ng mundo ako naroroon. Basta,
mahalaga ay matunton ang kalsada ng Kamagong tapos Guijo hanggang Sacred Heart
Street. Kung di lang sa mangilang-ngilang dumaraang sasakyan, ang tahi-tahimik
pala ng lugar na yun na parang walang mga tao.
Pagdating ko sa Shrine na katamtaman pala ang laki pero ang cute-cute
naman, kasalukuyang may kasalang nagaganap. Mayayaman siguro. Pumunta na lang
ako sa isang sulok para magdasal ng aking pasasalamat. Kung di lang may
seremonya, gusto ko sanang mag-usyoso pa. Hanggang doon lang ako sa may garden
na malapit sa mga vault ng columbarium. Ang simbahang ito ay may simpleng
kagandahan ngunit mapayapa sa pakiramdam. Sa church courtyard, meron isang
prominenteng halaman na isang uri ng baging na may mga hugis-pusong dahon at
naglalakihan ang mga bulaklak na puti na parang bouquet of lilies. Gusto ko
sana pumitas kaya lang baka ako masita. Wala nga akong mapagtanungan kung ano
ang tawag sa halamang yun pero talagang kaakit-akit pagmasdan. Katulad sa nauna
ko nang dinayo noong Nobyembre, ang National Shrine of the Divine Mercy sa
Mandaluyong (please refer to “Ubiquitous Sparrows” November 2016 blog post),
nag-iwan ako ng plantlets ng kataka-taka sa isa mga plant boxes dito. Sana,
balang araw, makapunta uli ako dito.
***
Enero 16. Parehong petsa noong nakaraang taon nang bumili ako ng isang
sexy adult magazine mula sa magazine stand ng Ace Hardware sa SM MOA, yung kay
Maria Ozawa; please refer to the January 2016 blog post “Planetary Alignment”.
At ngayong 2017, bukod sa “Feng Shui” magazine from Rising Star, out of 7-11
magazine stand was my very first ever FHM from Summit Media. At si Kim Domingo pa ang nasa cover;
gandang-ganda ako sa kanya lalo na nang napanood ko siya sa
“JuanHappyLoveStory” sa channel 7 kahit kontrabida siya doon. Man, she’s so
sultry hot... pero bakit dalawa sa mga seductive photoshoot niya na nakahiga
siya sa kama, naging kamukha siya ni Toni Gonzaga? Ang impression tuloy, parang
illusion na ang isang wholesome TV host actress ay napapayag na sa wakas na
mag-pose nang daring masyado para sa isang men’s magazine, hehe! Habang
paulit-ulit kong pinagmamasdan ang mga litrato di lang ang kay Miss Kim kundi
sa iba pang tsiks, batid ko na ang damdamin ng isang lalaking halos laglag na
ang panga sa pagtitig. At lagi kong dala sa bag ko ang magasing ito para
pampa-good vibes kahit papaano ang maya’t mayang pagsulyap ko sa cover pa naman
nito. Oh, come on! This ain’t no lesbian feeling, believe me. No girl crush.
Never! Yung iba ngang tibo parang malala pa sa tunay na lalake, hehehe!
Seriously, it’s just plain admiration. I love this FHM edition though it’s more
intended for the alpha male yuppies.
Nakakaaliw kasing basahin ang ilan sa mga features nito na merong dash
of moderate humor with all those cool illustrations.
***
Enero 30. Mula pa nitong umaga ay masaya na ang mood na nararamdaman. Yung
bang katulad noong May 1994 nang kasama ako sa mga sumubaybay sa live telecast
from PICC ng Miss Universe ng panahong iyon. At ngayong 2017, nagbabalik na
naman ang Ms. U fever sa Pilipinas at nagkaroon ng united coverage nito from
the SM MOA Arena ang malalaking TV networks. The program presentation was
brilliantly done. Hindi nga lang pinalad si Miss Philippines Maxine Medina;
ayoko nang ungkatin pa ang noisy fuss over that Q & A portion. Anyways, the
farewell, queenly walk by the Miss U 2015, our very own Pia Wurtzbach, was
breathtaking indeed. Pagkatapos ng final Q & A, hayun na ang anunsyo ng mga
nagwagi. Ms. Colombia... and then nagkaalaman na between Ms. Haiti and Ms.
France. And the French belle got it.
Gusto pa naman namin si Ms. Haiti. And also Ms. Kenya and the curvy Ms.
Canada (it’s just that she’s athletic). Bukod sa mismong pageant, other VIPs
made that much awaited encore. The reunion of two former Ms. U- Dayanara Torres
and Sushmita Sen, both made it to the hearts of the Filipinos then and still to
the present. And finally, the host himself who will still gain more popularity,
Steve Harvey. Filipinos probably love him more.
By the way, sa ibang dako naman, bago pa man ginanap ang Miss Universe,
nariyan ang mga kontra! Ang mga nagpoprotestang “left-leaning” activists na
nakikibaka for women’s rights daw at naglalayong baguhin naman ang “beauty
pageant/ showbusiness mentality” ng madla. Siguro, ang mga militanteng
aktibistang iyon ay may kani-kaniyang idea of a “beauty queen”. Siguro, yung
tipong agresibo sa mga kilos-protesta, merong anti-US imperialism sentiments,
nakataas lagi ang nakasarang kamao at nagsusumigaw ng “makibaka, huwag matakot”
sabay higa sa kalsada kasama ang iba pang nagrarali habang nagsusunog ng mga
effigy ng sa palagay nila ay kalaban ng sambayanan. Oh, come on! Araw-araw,
gabi-gabi, umay na umay na ang sambayanan sa mga negatibong balitang nakakasira
ng mood at iba pang basag-trip, o! People need inspiration, not in ogling at
the dazzling beauty of the united nations, but on the warmth and sweetness of
those women’s smiles and the dreams and aspirations reflected in their eyes.
Till next Miss U!
***
Gallery of Satires